Chapter 8
Chapter 8
Ji’s Point of View
Napangiti ako sa huling sinabi ni Sol. Halos lahat ng tao sa Marcof ay hindi matigil sa pagpalakpak at pagpapakita ng kasayahan nila para sa dalawa. Sa pag-confess ngayon na ‘to ni Sol, everybody’s happy…except me.
Nanatili akong nakatitig sa babaeng nakapwesto sa gitna. Pinapanuod ko lang siya habang siya’y umiiyak dahil sa saya. Ang saya-saya na siguro niya ngayon. Sana ay hindi na siya masaktan ulit dahil ipinaubaya ko na siya sa kanya. Ipinaubaya ko na siya kay Sol. Kahit hindi pa man ako nagsisimulang ipakita at iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko ay isinuko ko na siya kaagad dahil alam kong hindi ako mananalo sa laban na ‘to.
Napangiti ako. Para akong tanga na nasasaktan samantalang ako naman ang may gusto ng lahat ng ‘to para sa kaligayahan niya. Masaya ka na nga ba, Renesmee?
Nagulat ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino ito at kaagad na bumungad sa akin ang isang napakaganda at napaka-inosenteng mukha.
“How could you?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Aliyah…” Mahinang tawag ko sa kanya. Napailing siya at sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.
“Aliyah, I’m sorry.”
“How could you? How could you? How could you?” paulit-ulit na tanong niya habang hinahampas ako.
Agad ko siyang hinila at niyakap dahilan para tuluyan na siyang umiyak sa dibdib ko at doon niya inilabas lahat ng hinanakit niya.
“Akala ko ba tutulungan mo akong makuha ulit siya? Bakit? Akala ko ba best friend kita? Eh bakit mo nagawa ‘to? Bakit? Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit ba ayaw niyo kong maging masaya ha? Bakit?”
Patuloy ako sa paghaplos sa likuran niya habang siya naman ay tuloy-tuloy lang sa pag-iyak.
“Shhhh. Huwag dito. Madaming makakakita sayong umiiyak. Magkaka-issue ka pa. Baka masira ang career mo.”
“Eh ano naman? Wala akong pakialam! Sira na ang buhay ko. Wala na akong pakialam pa sa career ko. Nasira na ang buhay ko simula nang mawala siya. Why is this happening to me?”
Napapikit ako habang sinusubukan kong i-comfort siya. Hindi ko alam kung paano ko ba siya papatigilin sa pag-iyak. Sobrang dami na niyang hinanakit. Nakakatawa dahil hindi ko man lang siya natulungan. Nadagdagan ko pa ang hinanakit niya. Ang tanga ko talaga.
Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “Shhhhh. Tahan na..”
Buti na lang at wala masyadong nakakapansin sa amin dahil busy sila kina Sol at Renesmee.
“Gusto mo ba ng Marcof specialty? Gusto mo ba ng hot chocomilk? Diba favorite mo yun?” tanong ko. Pero sa halip na sumagot ay bigla niya akong itinulak.
“Bakit? Matatanggal ba ng specialty netong coffee shop mo ‘yung hinanakit ko? Siguro noon oo. Nakakatawa kasi alam mong ito ‘yung favorite place ko kasi dito tayo madalas tumambay ng Four Kings.” Saglit siyang tumigil para tingnan sina Sol. “Dito tayo madalas magkwentuhan, mag-asaran at magsaya. Pero ano na? Ayoko na sa lugar na ‘to. Dahil sa lugar na ‘to, hindi ko na alam kung paano pa ako gigising sa umaga na haharapin na naman ang panibagong araw na wala na siya sa piling ko. Na may mahal na siyang iba.”
“Aliyah, I'm so sorry.”
“No. I can't accept your sorry. Hindi ko kaya. Ang sakit.”
“Aliyah.”
“Akala ko kakampi kita. Pare-pereho lang pala kayo, sinaktan nyo lang ako. Pare-pareho lang kayo.” Tatayo na sana siya pero agad ko siyang nahawakan. “Let go of me,” she demanded.
Umiling ako. “Aliyah, you need to accept the fact that he’s in love now with somebody else. You need to let him go.”
She laughed sarcastically. “Tulad ng ginawa mo kay Renesmee? You let her go kahit mahal mo siya? Hindi. Hindi ko gagawin ang ginawa mo. And in fact, I hate her. Inagaw niya lahat sakin. Ikaw, si Victor, si Dae, ang career ko, ang popularity and my gosh, pati ba naman si Sol? Kunin na niya lahat, ayos lang sa akin. But not Sol.”
“Hindi mo naiintindihan.”
Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. “Hindi talaga. Hinding hindi. Hindi ko na alam kung ano pa bang nangyayari sa buhay ko.”
“But you're the one who pushed him away, Aliyah.”
“Ganun ba ako katanga sa tingin mo?” Tila galit na tanong niya.
I shook my head.“No.”
Alam kong may dahilan siya. She can't decide just like that without a big reason. I know her.
“I think hindi mo ‘ko matutulungan. I asked you to help me but not this way, Ji.”
“Everything in life has a purpose, Aliyah.”
“And what kind of purpose is this? Purpose of hurting me, huh? Ano bang kasalanan ko? Ang alam ko naman naging mabuti akong tao. I never hurt anyone.”
Saglit akong natigilan at napatitig sa kanya. Alam ko. Alam kong napakabuti niyang tao. Kaya nga siya nagkakaganito eh. Kasi napakabuti niya. Kasi iniisip ng lahat ng tao na nakapaligid sa kanya ay ayos lang…na ayos lang siya. Kasi para sa kanya, okay lang lahat. Pero hindi nila alam, behind her smile, there are billions of tears hiding in there.
☆☆☆
Five years ago
“Ji! Ji!”
May babaeng tumatakbo noon at sumisigaw papunta sa akin. Habang pinagmamasdan ko siya ay nakikita ko ang isang inosenteng mukha. Isang mala-anghel na mukha. Maiksi ang buhok niya, hanggang baba ng tenga ang haba. Itim at makintab ang kanyang buhok na bumabagay sa makinis at sobrang puti niyang balat. Nakangiti siya noon habang tumatakbo papunta sa akin. Ayan na naman ang ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso ko. A one of a kind smile.
Umuulan noon nang napakalakas at hinihintay ko siya sa may playground. Nabitiwan ko ang payong na hawak-hawak ko dahil sa pagtangka kong pagsalo sa kanya mula sa pagkakapatid sa ugat ng puno. Pareho kaming natumba noon sa putikan.
“Ow! Sorry! Sorry! Hehe!” she apologized.
“Ish.”
“Ish. Ish. Ish. Ji is mean again,” reklamo niya.
Napangiti ako sa kanya. “Aliyah..” mahinang tawag ko sa pangalan niya.
“We're sooo dirty!” tumatawang sabi niya. Napangiti ako habang pinapanuod at pinapakinggan ang pagtawa niya.
“Congrats,” sabi ko.
“Huh? For what?” She asked.
“For being a child.”
Nawala kaagad ang mga ngiti niya noong mga panahon na iyon. Nawala na naman ang napakailap niyang ngiti. Siya si Aliyah Gilbert. Siya ‘yung tipo na bata pa lang ay may nakapatong na kaagad na mabigat na responsibilidad sa kanya. Hindi niya naranasan ang maging bata. Hindi kailanman.
☆☆☆
“What the hell are you guys doing?! Leave him alone!”
Napahinto ako sa paglalakad noon dahil narinig ko ang boses niya. Boses ni Aliyah. Tumakbo kaagad ako noon papunta sa playground at naabutan siya roon….kasama siya…Si Sol.
☆☆☆
“Why do you keep on looking for that guy?” I asked, annoyed.
“Shhhh. Quiet. He's very mysterious. I need to see him.”
“Why? Why do you have to see that guy? Why do you need to meet that guy again?”
“Errrr. Will you please keep quiet? And he has a name. It's Sol.”
“Sol? Tss.”
“His name fits him right? Sol means sun. So that's it. He lightens up my life.”
☆☆☆
“Ji! Kyaaaaaaah!”
“Ish. What? Bakit ka sumisigaw?”
“Kyaaaaaah! Sol! Sol confessed to me! Kyaaaaaah!”
Her innocent eyes. Her rare smile. Her voice. I was the only one who could see and hear that before. I was the only one whom she can laugh with. But now... she has Sol.
I lost her. I lost my first love.
☆☆☆
Renesmee’s Point of View
Pagdating ko sa palasyo mula sa isang napakagandang date kasama ni Sol ay nagulat ako nang salubungin ako ng kakambal kong si Liloree sa may gate habang ang pitong bodyguards ko naman na tinakasan ko kanina ay nasa likuran niya.
“Bakit hindi ka nagreply sa text ko? Kanina pa kita hinhintay,” bungad niya.
Right. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na matagal nang nawawala ang cellphone ko.
“Bakit mo naman ako hinihintay?” tanong ko.
“May pupuntahan tayo,” saad niya at hindi niya na ako hinintay pang makasagot. Agad niya na akong kinaladkad.
“Wait! Aw! Liloree sandali!” Pigil ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.
Nilingon ko ang mga bodyguards ko, hindi ako makapaniwalang wala silang ginagawa, mga nakayuko lang sila at mukhang walang balak na pigilan ang kakambal ko. Anong ibig sabihin nito?! Ugh!
Patuloy sa paghila sa akin si Liloree hanggang sa makarating kami sa nakaparada niyang Yellow Benz.
“At kailan mo pa nakuha ang kotse mo? Sa pagkakaalam ko ay confiscated lahat ng gamit at sasakyan natin ng isang buwan,” puna ko.
“It’s quiet impressing you still remember our mother’s word. But how come gumagawa ka pa rin ng mga kalokohan? You don’t take mom’s words seriously, do you?” tanong niya.
“Of course I do!” protesta ko.
Napakunot ang noo ko nang bigyan niya ako ng mapang-insultong ngiti. “Really? Then tell that in Lolo’s face later,” sagot niya.
“W-What?!” gulat na tanong ko. Imbes na sagutin ako ay sapilitan niya akong isinakay sa sasakyan niya.
“What the hell?” Hindi makapaniwalang saad ko. “Saan tayo pupunta?”
Hindi siya sumagot. He started his car’s engine na para bang hindi niya narinig ‘yung tanong ko.Wow. Hindi man lang ba niya itatanong kung gusto kong sumama? Halos lumipad na ang kotseng pinapatakbo niya dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya.
“Nababaliw ka na ba? Kung may balak kang mag-suicide huwag mo akong idamay!” sigaw ko sa kanya.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang tapakan ang preno dahilan para muntikan na akong mapasubsob. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya pero mukhang balewala lang ang reaksyon ko dahil kaagad siyang bumaba ng sasakyan nang walang sali-salita.
Pinanuod ko siyang umikot ng sasakyan at pumunta sa tabi ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinila ako palabas ng sasakyan.
“What the fcuk, Liloree? Anong ginagawa natin dito?” tanong ko nang makita kong nasa tapat kami ng hindi kilalang hotel.
Hindi niya ako sinagot at dire-direcho siyang pumasok sa loob ng hotel. Kaagad ko naman siyang hinabol at sinundan. Naabutan ko siyang nagtatanong sa may receptionist at hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay mukhang nakuha na niya ang sagot sa tanong niya.
Lumapit siya sa akin at hinila niya ako papunta sa may elevator.
“Ano ba talagang ginagawa natin dito?”
Hindi siya umiimik hanggang sa nakarating na kami ng 12th floor. Lumabas siya ng elevator at sinundan ko lang siya. Nakakatakot ang aura ng kakambal ko ngayon. Bihira ko lang siyang makitang ganito.
Nang makarating kami sa dulong bahagi ng twelve floor ay huminto siya sa tapat ng isang pinto at may nilabas na susi. Pagkabukas niya ng pinto ay kaagad siyang pumasok rito. Nagdalawang isip pa ako kung susunod ba ko sa kanya papasok sa loob o hindi. Hindi maganda ang kutob ko. Pero I don’t think I have a choice kaya pumasok na rin ako.
Nagulat ako nang sa pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Liloree na nakasandal sa may dingding at nakayuko habang may isang babae naman ang nakaupo sa kama at nakadukmo ang mukha nito sa mga palad niya. Kahit nakayuko siya at at natatakpan ang mukha niya ay mukhang alam ko kung sino siya.
Nakita ko ang mga gamit sa paligid ng kwarto. May dalawang maletang malaki ang nandoon. Teka, naglayas ba siya?
“Halika na, ihahatid na kita,” saad ng kambal ko at hinawakan niya ang babae sa kamay nito at pilit itong inaalalayang tumayo.
“Don't touch me,” she tried to push my brother away.
“Let's go. Umuwi na tayo.”
“No. I told you I won't! Ayoko nang umuwi!”
Ang sama ng tingin niya sa kakambal ko habang patuloy sa pagpatak ang mga luha niya. Anong nangyari? Nag-away ba sila?
“Aliyah, let's go. Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng parents mo.”
“Para ano? Para magkulong ulit ako sa bahay na ‘yon? Para maging sunud-sunuran ulit sa inyo? Para hayaan ko uling mawala lahat ng mahahalaga sa akin? Para panoorin ko lang ang sarili kong halos mamatay na sa sakit ng puso ko? Para masunod ko ang mga gusto nyo? Para—”
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya nang mapansin niyang kasama ako ni Lilo. Agad siyang umiwas ng tingin at pinunasan ang mga luha niya.
“Umalis na kayo.” Mahinang utos niya. She sounded mad.
“Aliyah..”
“Get out.”
Hindi na nakaimik pa si Lilo at napilitan na lang siyang lumabas. Nakatayo pa rin ako doon ng ilang minuto at nanatiling nakatingin kay Aliyah bago ko na-realize na umalis na pala ang kakambal ko. Agad akong lumabas ng kwarto at sumunod sa kakambal ko. Sa may parking lot ko na siya naabutan.
“Fcuk!” sigaw nya at saka niya sinipa ang gulong ng kotse niya. Napahawak siya sa batok niya at sumigaw siyang muli. “Fcuk!”
Nagulat ako nang may luhang nag-uunahang pumatak mula sa pisngi niya.
“Fcuk!” umiiyak na sigaw niya at saka galit itong sumakay sa kotse niya.
novelraw