Chapter 7
Chapter 7
Sabay naming pinapanuod ni Sol ang mapayapang pag-agos ng tubig sa malinaw na ilog na madalas naming puntahan noon. Nakaupo kami sa maliit at cute na bridge habang nakalaylay ang paa naming dalawa. Tanging agos lang ng tubig ang naririnig namin.
Pasimple akong sumulyap kay Sol na kanina pa walang imik simula nang umalis kami sa clinic. Ang sakit pa rin ng pisngi ko dahil sa sampal ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Talaga pa lang ang hirap maging girlfriend ng sikat at madaming nagkakagustong babae na kagaya niya.
Siguro, kaya siya iniwan ni Aliyah ay dahil sa mga ganitong sitwasyon. Nakakatanggap ka ng death threat mula sa mga obsess fans ng boyfriend mo. Bawat galaw mo binabantayan at hinuhusgahan. Pero ganun lang ba talaga siya kadaling susuko? Yung three years na ‘yun, isusuko niya lang ba talaga dahil lang sa death threats at mata ng mga nakabantay sa kanya? I'm starting to wonder...again.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Sol. “Mukhang malalim yang iniisip mo ah,” saad niya.
Tiningnan ko siya at nginitian habang siya naman ay nanatiling nakatitig sa mga mata ko.
“Iniisip mo ba yung nangyari kanina?” tanong niya. Minabuti kong huwag na lang umimik at nanatili lang akong nakatitig sa mga mata niya.
“Pasensya ka na kung umalis ako kanina. Nasaktan ka pa tuloy nila. Hindi ako nakapag-isip nang mabuti. Inuna ko ang galit ko.”
I faked a smile and I looked at him. “Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Dapat nga masanay na ako ngayon. Dapat siguro dagdagan ko na talaga ang bodyguards ko,” pabirong sagot ko.
Ngumiti rin siya sa naging sagot ko at matagal niya akong tinitigan bago niya ibinalik ang tingin niya sa ilog. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ko siya. Pakiramdam ko’y mababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba ang iniisip niya.
“Yung tungkol sa picture...” simula ko.
Halata sa reaksyon niya na ayaw na niya itong pag-usapan pa, pero sa palagay ko karapatan kong ipaliwanag sa kanya ang side ko.
“Hinalikan niya ako. Hindi ko inaasahan 'yon,” paliwanag ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin at saka ngumiti. “Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Sinabi ko na sayo, hindi ba? I will always believe in you.”
Napangiti ako at saka ako tumango. “Salamat, Sol. Salamat dahil pinaniniwalaan mo ako.”
“Wala naman akong dahilan para hindi ka paniwalaan eh, hindi ba?”
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagpakawala rin siya ng matamis na ngiti.
“I don't wanna lose you again, Renesmee,” bulong niya.
“You won’t,” sagot ko.
Napatingin ako sa kamay niya nang ilagay niya ito sa bulsa niya at inilabas ang picture na pinagkakaguluhan ng lahat ngayon.
“Aliyah gave this to me before that million copies went out. I'm glad she did at nagkaroon ako ng time para i-analyze ang pangyayare.”
Saglit akong natigilan sa sinabi niya. “W-What?” Gulat na tanong ko at agad akong napatayo. “Aliyah gave this to you? Siya ang may pakana nito?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“No, Renesmee, hindi siya. She can't do things like this. I know her.”
Hindi makapaniwalang napanganga na lang ako sa naging sagot niya. “Ano ka ba, Sol? Hindi mo ba ma-gets? Siya ang may kagagawan nito. She hates me 'cause I have you at gumagawa siya ng way para maghiwalay tayo.”
Umiling siya. Hindi siya naniniwala sa akin. “She just gave me a warning, Alien. May naglagay lang sa gamit niya ng picture na 'to kaya ipinakita niya kaagad ito sa akin.”
“And you believed her?! Alam kong alibi niya lang ‘yan para hindi mo siya pagbintangan. Siya ang may gawa nito! Walangya siya!”
Agad akong tumalikod sa kanya at paalis na sana nang bigla niya akong hinawakan sa braso.
“And where are you going? Are you going to meet that gangster?”
“Anong sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Mukhang nagulat din siya dahil sa nasabi niya. “No, look. Nabigla lang ako.”
Sinubukan niyang hawakan ako pero tinabigko ang kamay niya.
“Kita mo na? She wants to destroy us, Sol!”
“Wag siya ang sisihin mo, Alien. Bakit, sino ba ‘yung nasa picture? Hindi ba't ikaw at ang gangster na 'yon? Kaya hindi kasalanan ni Aliyah kung may kumalat na picture na ganito. 'Cause in the first place kayo naman ng Kyo na ‘yun ang dahilan kaya meron nito.”
I can’t believe he just said that.
“H-how dare you!” Naramdaman kong tumulo na lang ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Mas pinaniniwalaan niya pa si Aliyah kesa sa akin. Wow.
Mukhang nabigla siya sa sinabi niya kaya agad siyang humakbang papalapit sa akin.
“Alien, I-I'm sorry.” Sinubukan niya kong hawakan pero umatras ako.
“Now, I think I really need to go,” saad ko at mabilis akong tumakbo paalis.
Papara na sana ako ng taxi para umuwi ng bahay nang mapatingin ako sa malaki at malawak na paaralan ng Tan Siu International Academy. Hindi ko alam kung bakit parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko, because the next thing I knew….nakapasok na pala ako ng school at naglalakad papunta sa Music Building. Habang papalapit ako ay nakakarinig ako ng tumutugtog na violin at malungkot itong pakinggan. Napahinto ako sa isang silid kung saan nanggagaling ang tunog at nang sumilip ako sa pintuan ay bumilis na lang bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko si Aliyah. Kaagad akong pumasok sa silid at huminto sa harapan niya. Napahinto naman siya sa malungkot na pagtugtog nang makita niya ako.
“Naistorbo ba kita?” tanong ko.
Inilagay niya ang violin sa case nito at saka tumingin sa akin. “What brings you—”
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya nang malakas ko siyang sinampal. Halatang nagulat siya sa ginawa ko at napahawak na lang siya sa kanyang pisngi.
“Why—” Hindi niya ulit natapos ang sasabihin nang sinampal ko siyang muli sa kabilang pisngi.
“Ayan, pantay na!” saad ko na pilit na pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
“What was that for?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Alam mo, ang hindi ko maintindihan sa’yo ay kung bakit ang kulit ng lahi mo? Tigilan mo na kami ni Sol! Masaya na siya sa akin!”
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya habang nakatingin siya sa akin at nakahawak pa rin sa pisngi niya.
“Kung nasira man kayo noon, hindi ko kasalanan ‘yun. Hindi ko ginusto ‘yun. Sa totoo nga lang gusto ko pa siyang tulungan na magkabalikan kayo eh. Pero ano bang ginawa mo? Hindi ba paulit-ulit mo lang naman siyang pinagtabuyan at pinagpalit mo kaagad siya sa kakambal ko?!”
Pinunasan niya ang basang pisngi niya pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.
“Tigilan mo na kami ni Sol. Masaya na kami, Aliyah.”
Umiling siya. “I think you’re missing something, Renesmee. I won't stop until I have him back. I won't stop!”
“Naririnig mo ba ‘yang sarili mo?! Huwag ka ng makisali pa sa amin, Aliyah. Tigilan mo na kam—”
“Stop telling me what to do as if I’ve been ruining your lives! It’s you who ruined mine. And it's time to pay back what you have caused me!”
Hindi ako makapaniwala. Nasabunutan ko ang sarili ko.
“Stop it, Renesmee. Masasaktan lang sayo si Sol. You think I don't know what's going on between you and Kyohei?”
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pangalan ni Kyo.
“Tigilan mo na ang pagbubulag-bulagan mo, Renesmee. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin. Alam kong may nararamdaman ka rin sa kanya. Tama ako, di ba? Pero pinipigilan mo lang ang sarili mo. Look, Sol belongs to me.”
Agad na kumunot ang noo ko. “Nababaliw ka na. Tumigil ka na.”
“Renesmee, I know how to stop. I know how to let things go. I know how to move on. But I know is different from I can, Renesmee. It’s a damn different thing!”
Inis akong napakagat sa labi ko. “Fine. Kung hindi ka titigil, wala rin naman akong magagawa. Pero isipin mong maigi, Aliyah…Tingin mo ba ay babalikan ka pa ni Sol matapos mo siyang iwan?”
Hindi niya nagawang sagutin ang tanong ko kaya napangiti ako sa kanya ng napakasarkastik.
“I hope ngayon naliwanagan ka na,” and with that I left.
Pagkalabas ko ng Tan Siu ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang sinabi ng babaeng iyon. Posible nga bang nahulog na rin ang loob ko kay Kyo at itinatanggi ko lang iyon sa sarili ko?
Nagulat na lang ako nang may humarang na kotse sa harapan ko. Bumaba ang bintana noon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ji.
“Masyado na atang gabi para maglakad kang mag-isa,” bungad niya.
Tinitigan ko munang maigi ang mukha niya. “Ji...” nanghihinang tawag ko sa kanya.
Napakunot ang noo niya dahil sa inasta ko. “Ayos ka lang ba?” tanong niya. I shook my head as an answer to his question
“Gusto mo ba munang magkape sa shop ko?” alok niya.
Dahan-dahan akong tumango. Kaagad naman niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan and I got in. Tahimik lang siyang nagmaneho at dahil malapit lang ang shop niya mula sa pinagmulan namin ay nakarating din kami kaagad doon.
Nang dumating kami sa shop ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan.Nagsimula kaming maglakad papasok sa Marcof. Pakiramdam ko ay wala ako sa sariling nakasunod sa kanya. Nagulat na lang ako nang huminto siya bigla kaya awtomatiko akong nauntog sa likuran niya. Humarap siya sa akin at nagtataka naman akong tumingala upang tingnan siya.
“May gumugulo ba sa isipan mo?” tanong niya.
Napabuntong hininga ako sa tanong niya. “Hindi ko alam. Ewan ko. Ang labo ko,” sagot ko.
“Dahil ba iyan kay Kyo at Sol?” Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka dahan-dahan akong tumango.
“Dahil ba sa halik na iyon?” tanong niya.
Napabuntong hininga ako at muli ko siyang tinignan. “Hindi ko alam, Ji. Hindi ko maintindihan pero inaamin kong may epekto sa akin ang halik niya at ayoko ng ideyang iyon. Ayokong saktan si Sol,” sabi ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sinasabi ko sa kanya ang mga ito.
Mas lalo siyang lumapit sa akin. “Well, how about this, tingnan natin kung matutulungan ka nito. Ang sabi nila, sometimes that right person is just there all along but you don't see them because the wrong person is always blocking their way. Sa tingin mo ba Renesmee, kaya hindi mo napapansin si Kyo ay dahil laging nandyan si Sol?”
Nagulat ako sa itinanong niya at hindi ko magawang makasagot. Ngumiti siya ng malapad sa akin nang mapansing wala akong balak sagutin ang tanong niya.
“Alam mo bang I asked Sol the same thing before? Hindi naman natin maipagkakaila na mahal mo sila pareho eh, di ba? Ang nagiging problema kasi dito eh kung sino ang mas mahal mo, Renesmee. Sa tingin mo ba, si Kyo ang right one at si Sol ang wrong one na nakaharang?”
Hindi ko alam pero mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Lumapit siya lalo sa akin at ipinatong niyang kamay niya sa magkabilang balikat ko.
“Ang hirap bang sagutin, Renesmee? Pero sa tingin ko ay alam ko na ang sagot sa bagay na gumugulo sa isip mo. I don't know if this thing would work but…I think you love Kyohei more than you love Sol.”
“W-What?” Hindi makapinawalang tanong ko. Inalis niya ang hawak niya sa magkabilang balikat ko.
“So I think, mas magandang ibalik mo na si Sol kay Aliyah.”
Ibalik ko si Sol kay Aliyah? Nagpapatawa ba siya? Kung hahayaan kong magkabalikan si Aliyah at Sol, ibig sabihin magkakasama na sila. Mawawala na si Sol sa akin nang tuluyan. Wala ng sisigaw sa akin ng 'YAH!' Wala ng sasayaw sa akin ng sexy dance. Wala ng korni na magsasabi ng mga pickup lines. Wala ng tutugtog at kakanta para sa akin. At wala ng tatawag sa akin ng.. Alien?
“No! Hindi ko hahayaang mangyare sa akin ‘yun! Ano ka ba Ji! Mahal ko si Sol! Mahal ko siya! Ano bang iniisip mo? Hindi pwedeng mahalin ko si Kyo dahil.. dahil.. kaibigan ko lang siya.”
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid. Napatingin ako kay Ji na nakahawak sa baba niya habang nakangiti ng napakalapad.
“Well I think that answered everything,” saad niya at umalis na siya sa harapan ko. Nagulat na lang ako dahil nakatayo lang pala sa likuran niya si Sol.
“Mukhang masarap matulog ngayong gabi. Makauwi na nga para makatulog ng maaga,” sabi ni Ji at
mabilis niyang ibinulsa ang mga kamay niya at naglakad palayo sa amin ni Sol.
Nang tuluyan nang makaalis si Ji ay awkward akong tumingin kay Sol. Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at napaka-awkward talaga ng athmopshere kaya minabuti kong ako na ang unang magsalita.
“Uhm Sol—”
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit.
“Don’t you ever make me scared again, Renesmee. Mababaliw ako kapag nalaman kong hindi na ako ang mahal mo,” bulong niya at saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Hindi ko napigilan ang mapangiti at suklian ang yakap niya.
“Hindi na mauulit,” bulong ko at niyakap ko rin siya nang mas mahigpit.
Tama. Kaibigan lang ang tingin ko kay Kyo. Bakit nga ba ako nagpapaapekto sa halik na ‘yon?
Matapos ang napakatagal niyang pagkakayakap sa akin ay tuluyan rin niyang inilayo ang sarili niya sa akin.
“Since you made me kinda sad today, you owe me a date,” nakangiting saad niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Makahulugan siyang ngumiti at iniabot niya ang kamay niya sa akin.
“Can I have this moment to date the popular and the one and only Renesmee Marie Clarkson?” tanong niya.
Napangiti ako. Dahan-dahan akong tumango sa kanya at iniabot ang kamay ko. Mahigpit niya itong hinawakan at saka kami hawak kamay na pumasok sa loob ng Marcof. Pagpasok naming dalawa ay kaagad na napatingin sa amin ang mga tao at saka sila nagbulungan.
“Diba si Sol ‘yun?”
“Teka, si Renesmee ba ‘yung kasama niya?”
“Oo, siya nga. Yung babaeng may pulang buhok.”
Kaagad na humigpit ang hawak ko sa kamay ni Sol. Ikalawang beses naming date ito matapos ang una naming date sa bahay ampunan na nasira dahil sa pagkikita namin doon nina Kyo at Aliyah. Nasundan pa ‘yun ng pagkaka-kidnap sa amin at dinala kami sa isang private resort. Eto ata ang unang date namin matapos niyang i-broadcast na girlfriend niya ako sa interview niya noong kababalik lamang namin sa out of town slash kalokohan ng Mean Girls at ni Mr. Park.
Hindi ko magawang kumilos ng tama at ayon sa gusto ko dahil sa dami ng taong nakatingin sa amin. Mabuti na lang at hinila ni Sol ang upuan para sakin at inalalayan niya akong maupo. Aalis na sana siya para maupo sa may tapat ko pero pinigilan ko siya.
“Dito ka lang. Sa tabi ko,” kinakabahang sabi ko.
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay binigyanniya lang ako ng isang makahulugang ngiti. Nagulat na lang ako nang biglang iniwan niya ako at pumunta siya sa may harapan. Napakunot na lang ang noo ko nang may lumapit na waiter sa kanya at inabutan siya ng microphone.
“Uh, good evening everyone?” tila naiilang na saad niya.
Kaagad namang naghiyawan ang mga tao sa Marcof.
“Well, as you see, I’m with someone,” wika niya.
Bigla silang natigil sa paghihiyawan at sabay-sabay na tumingin sa akin.
“Woah. I don't really know what to say or how I should start. Why the hell am I having palpitations? Am I this tense? Ha-ha.” Naiilang na saad niya at saka napakamot sa batok niya.
Kaagad namang nagtilian ang mga tao dahil napaka-cute niyang panuorin sa harapan. Namalayan ko na lang na nakangiti na rin ako habang pinagmamasdan ko siya.
“Okay, so what the hell am I doing here? Well actually, I would like everyone who's here to become a part of this precious day I wouldn’t want her to forget. To begin with, let me share you this beautiful story,” saad niya.
Bumuntong hininga muna siya bago muling seryosong nagsalita. “There was a boy who got his heart broken,” panimula niya.
“Owww.” Reaksyon ng mga tao matapos marinig ang sinabi niya. Mukhang alam na kaagad nila kung ano ang kwentong ibabahagi niya.
“And because of that, he became stupid and stubborn.” Kwento niya. “But then…he met this woman.” Nagulat ako nang tumingin siya sa akin. “She's the most stupid woman he ever met.”
Kaagad na nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi niya habang ako naman ay hindi magawang makisabay sa tawanan. Hindi dahil sa sinabi niyang stupid ang babae sa kwento niya kaya hindi ako natatawa, kundi dahil sa seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Despite the fact that the man was at his worst…she still chose to love him…she still chose to fall for him…And that what makes her stupid,” seryosong saad niya.
Kaagad kong naramdaman ang mainit na likidong nagbabadyang tumulo mula sa sulok ng mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit ay huminto siya sa harapan ko.
“He said he can’t love her back. He can’t. He will never,” saglit siyang huminto at bumuntong hininga. “But that man tasted the bitterness of his own words...He learned to love her back.”
Tuluyan nang tumulo ang luha na kanina pa nagsusumiksik sa sulok ng aking mga mata. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko’y sasabog ang puso ko.
“Renesmee, do you know what my name means?” tanong niya. Nanatili akong nakatitig lang sa kanya dahil hindi ko alam ang sagot. “It means Sun,” saad niya.
Ngumiti siya at pinunasan ang pisngi ko. “And you’re my star, remember?”
Dahan-dahan akong tumango bilang tugon sa kanya.
“And just like the Sun and stars, we two can never be found in the same sky at the same time,” wika niya.
I frowned dahil di ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
“They say, without darkness, we’d never see the stars. Katulad tuwing umaga. Dahil sa liwanag na dala ng araw, walang posibilidad na makita ang mga bituin.” Eksplenasyon niya. “But I realized, we two were on the same sky at the same time. You were just there. You were always there. But I was just too bright and you can’t be seen. And it sucks that there must be the presence of darknessfirst before I could finally see you.”
novelraw