Chapter 6
Chapter 6
Renesmee’s Point of View
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nang napatingin ako sa orasan, mag-aala-sais na pala. Halos magdamag na pala akong gising.
Nagpatuloy ang marahan na katok sa pinto at sa di malamang dahilan ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pa ako handing harapin siya. Ugh. Bakit ba ako itong nahihiyang harapin siya? Hindi ba dapat siya itong walang mukhang ihaharap sa akin dahil sa ginawa niya?!
Padabog akong bumangon sa kama ko at pumunta sa tapat ng pintuan. Bakit parang kinakabahan akong makita si Kyo matapos niya akong halikan kagabi?
Hahawakan ko na sana ang door knob pero nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan at isang matandang lalaki ang bumungad sa akin.
“Young lady,” bati niya at saka yumuko. “Mukhang may iba kayong ine-expect,” saad niya nang mapansin ang reaksyon ko.
Matagal akong napatulala bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.
“M-Mr. Art.... B-bumalik ka na pala.”
☆☆☆
Nang dumating ako sa school ay pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko. Oo, alam ko na kung bakit agaw eksena na naman ako. Ang dami ko na namang bantay. Bumalik na naman ang seven loyal personal bodyguards ko. Ugh. Nagmumukha na naman akong kriminal na bantay sarado.
Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin sila. “Young lady, may problema ho ba?” tanong ng isa sa kanila.
Ayan na naman ang pagiging formal nilang magsalita. Wala na ‘yung bastos, barumbado at daig pa ang amo kung makautos na lalaking ‘yun.
“Nasaan ba si Kyo?” wala sa sariling naitanong ko.
“Bakit mo siya hinahanap?”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Sol. Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko at halos mapanganga ako nang makita ko siya.
“P-Pandak.” Kinakabahang tawag ko sa kanya. “Ano kasi—” Magsasalita sana ako upang magpaliwanag pero laking gulat ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at idinikit niya ang labi niya sa labi ko.
Tila naging kulay puti ang paligid ko dahil sa mga flash ng mga camera na kumukuha ng litrato naming dalawa. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya inihiwalay ang labi niya sa akin. Halos mapaupo ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang paghalik niyang iyon. Para akong aatakihin sa puso, sobrang bilis ng tibok nito.
“S-Sol…” nanghihinang tawag ko dahil sa ginawa niya. Para akong nawalan ng lakas dahil sa halik niyang iyon.
“I see. Hindi mo pala talaga mapipigilan kapag bigla na lang may hahalik sayo,” bulong niya.
I froze nang marinig ko ang sinabi niya. Posible kayang…
“Don’t worry, I’m not gonna blame you for how I feel right now,” nakangiting saad niya.
“S-Sol…” Kinakabahang tawag ko sa kanya.
Posible ba talaga?
Ngumiti siya ng pilit at saka dahan-dahang umatras. Halos hindi ako makahinga habang pinapanuod ko siyang umalis sa harapan ko.
“Sol…” mahinang tawag ko sa kanya kahit na alam kong hindi na niya ako maririnig pa.
Unti-unti ay nagsi-alisan na rin ang mga tao habang ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatulala dahil sa ginawa niya. Nakakatawa. Anong ibig sabihin ng halik na iyon? Matapos niya akong halikan sa harapan ng napakaraming tao ay iiwan na lang niya ako ng ganoon? Anong ibigsabihin noon?
“Ren!”
Gulat akong napatingin sa paligid at kaagad na hinanap ng mga mata ko kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Napatingin ako sa direksyon kung saan may mga kumakaway at pilit nakikisiksik sa mga tao para makalapit sa akin. Pilit akong ngumiti nang makita ko ang Mean Girls.
“Damn! Hindi man lang namin naabutan ‘yung eksena kanina!” Reklamo ni Ericka nang tuluyan na silang makalapit sa akin.
“Oo nga! Edi sana napalayas ko lahat ng kumuha ng pictures nyo para ako lang ang makakapag-upload mamaya! Kainis!” saad naman ni Khrystal.
“Teka, nasaan si Papa Kyo?” Tanong ni M.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakaharap siya kay Mr. Art.
“Mukhang ang daming nakakamiss kay Mr. Sagara. Maging ang Young Lady ay hinahanap ang ginoo kanina,” sagot niya.
“Wait, don’t tell me kaya ka nandito ay dahil wala na si Kyo?!” gulat na tanong ni M.
“Ako na ho muli ang mamamahala sa seguridad ng Young Lady, binibining M,” sagot ni Mr. Art sa kanya.
Kung ganoon ay wala na talaga si Kyo? Nakakatawa. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Ganoon ba talaga silang dalawa ni Sol? Matapos akong nakawan ng halik ay iiwan na lang ako ng walang sali-salita?
“Pero teka, Ren…Diba may practice kayo ngayon sa concert room? Bakit nandito ka pa?” biglang tanong ni Ericka.
“Ha?” gulat na sagot ko na siyang nagpakunot sa noo niya.
“Inexcuse ka ni Mr. Park kanina sa room,” sagot niya.
Napabuntong hininga ako nang marinig ang sagot niya.
“Teka, okay ka lang ba?” tanong ulit niya.
Hindi ako sumagot at sa halip ay sinimulan ko nang maglakad papunta sa concert room. Iniwan ko ang Mean Girls na takang-taka pa rin sa mga nangyayari, habang nakabuntot naman sa akin ang mga bodyguards ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako. Pakiramdam ko ay bigla na lang akong nawalan ng dalawang importanteng tao sa buhay ko. Bakit ganoon na lang kadali para sa kanilang dalawa na talikuran ako?
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat na pala ng malaking pintuan ng concert hall. Habang nasa may pintuan ay kitang kita ko na busy ang lahat sa pagpra-practice sa stage. Mukhang seryoso masyado ang lahat, dahil siguro gahol na rin sa oras matapos ang tatlong araw na naaksaya para lang sa out of town na ‘yun.
“Sa gilid lamang kami at magbabantay, Young Lady,” paalam ni Mr. Art.
Tumango ako bilang sagot at naglakad na ako palapit sa stage. Nakalapit ako sa kanila na hindi nila napapansin. Pumunta ako sa likuran ni Mr. Park na kasalukuyang busy at nakatingin sa papel na hawak-hawak niya. Sinilip ko iyon at nakita ko kung ano ang kasalukuyang scene na prina-practice nila. Nakita kong performance iyon ni Aliyah at Sol kung kaya naman agad ko silang hinanap sa stage.
“Okay, ready!” sigaw ni Mr. Park. Kaagad na nag-alisan ang mga staff sa stage dahilan para makita ko na nang tuluyan ang dalawa. Nakaupo si Sol sa tapat ng piano habang si Aliyah naman ay nakatayo sa kabilang bahagi. “Start!” sigaw ni Mr. Park at nagsimulang tumugtog ng piano si Sol.
Seryoso kong pinagmasdan ang mukha niya habang nakatuon ang atensyon niya sa keys na pinipindot niya. Nagulat na lang ako nang biglang ibato ni Mr. Park ang papel na hawak-hawak niya dahilan para mapatigil si Sol.
“Ano ba?! Kanina pa tayo paulit-ulit rito! Hindi ba talaga kayo mag-aayos?! Alam kong may problema pa kayong dalawa, pero sana naman—”
Hindi na naituloy pa ni Mr. Park ang sasabihin niya nang biglang tumayo si Sol at lumakad papunta sa pwesto ko. Nagulat na lang ako nang huminto siya sa harapan ko at kinuha niya ang kamay ko.
“Let's go,” saad niya at agad niya akong hinila.
“Teka, Sol! Hindi pa tapos ang practice nyo!” sigaw ni Mr. Park pero hindi siya pinansin ni Sol at dire-diretso lang siya sa paglabas ng concert room kasama ako.
Nang makalayo na kami sa concert room ay binagalan na niya ang paglalakad niya at binitawan na niya ako.
“Sol…” tawag ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. “Tungkol sa kanina…”
Kaagad siyang natigilan sa paglalakad pero nanatili lang siyang nakatalikod sa akin. I sighed.
“Para saan ‘yun? Para saan ang halik na ‘yun?” tanong ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin at binigyan niya ako ng matipid na ngiti. Humakbang siya papalapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.
“Para ipa-realize sa kanya na sa akin ka,” sagot niya. I frowned upon hearing what he said.
“A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Honestly, I never thought you’re capable of hurting me,” sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lang pumatak ang mga luha ko nang may mga luhang kumawala sa kanyang mga mata.
“S-Sol...” tawag ko sa kanya pero laking gulat ko na lang nang may kung anong biglang naglaglagan mula sa itaas.
Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isa-isang pagbagsak sa sahig ng mga larawang naglaglagan mula sa itaas. Nagkagulo ang mga tao sa paligid at pinulot nila ang mga larawang iyong. Halata ang pagkabigla nila nang makita nila ang mga iyon.
“S-Sol…” nanghihinang tawag ko sa kanya.
“It’s just a kiss anyway, Renesmee,” saad niya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya pero hinila niya ito palayo. Gusto kong magsalita, gusto kong mag-explain pero hindi ko alam paano ko iyon sisimulan.
“Sol.. I'm sorry,” saad ko. Dahan-dahan siyang umiling sa akin at ngumiti ng pilit habang may luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.
“Don’t be,” bulong niya. Nagulat na lang ako nang dahan-dahan siyang tumalikod sa akin at mabagal na inihakbang ang mga paa niya paalis.
“S-Sol…” mahinang tawag ko sa kanya. Alam kong narinig niya iyon pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-alis. Napatakip ako sa bibig ko at tuluyan nang napahikbi. Pinanuod ko lang siyang umakyat ng hagdan hanggang sa mawala nasiya ng tuluyan sa paningin ko.
“Omg, iniwan siya ni Sol.”
“She deserves it.”
“Naawa ako kay Oppa.”
Napayuko ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Tama, nakakaawa siya. Nasaktan na naman siya. At ang malala, ako na nagsabing hinding-hindi siya sasaktan, ay ang siyang nakapanakit sa kanya. Wala na akong ipinagka-iba kay Aliyah.
“What the fcuk is wrong with you?!”
Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya. Pagkatapos ng sigaw niyang iyon ay may narinig pa akong isang malakas na kalabog. Agad kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko at nakita ko ang mga estudyante na nakatingala.
“Omg, si Manong Janitor!”
Katulad nila ay napatingin din ako sa itaas at nakita ko si Sol na nakahawak sa kwelyo ng isa sa mga janitor ng school.
“Sorry ho, napag-utusan lang naman po akong ibuhos iyon sa ibaba. Hindi ko naman po alam na ganoon pala po ang laman nun,” saad ng janitor.
Nagulat na lang ako nang biglang may tumulak sa akin, dahilan para mapaupo ako. Malakas ang pagkakatulak sa akin kaya kaagad kong ininda ang sakit sa bandang pwetan ko.
“Kasalanan mo 'to!”
Nagulat na lang ako nang may sumampal sa akin. Gulat akong napahawak sa pisngi ko at takang tiningnan ko sila.
“Sino ka ba para galitin ang Sol namin? Malandi ka!”
“Dapat mawala ka na dito! Simula nang dumating ka, naging magulo na ang career ni Oppa!”
Kusa na lang pumatak ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nila. Tama. Simula nang dumating ako ay naging magulo ang lahat.
“Ang landi-landi mo!” Sunod-sunod nila akong sinugod at pinagsasabunutan. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang buhok ko dahil sa mga sabunot nila. Halos mamanhid na rin ang pisngi ko dahil sa dami ng mga sampal nila.
“T-tama na...” bulong ko pero parang wala silang narinig. Gusto ko nang gumive up pero pakiramdam ko ay tama ito. Dapat kong pagbayaran ang pananakit ko sa damdamin ni Sol. I deserve this.
“What the fcuk are you doing?!” Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin nang napakahigpit.
“I'm sorry,” bulong niya at saka hinagod ang likod ko.
Nang makilala ko ang boses niya ay kaagad ko siyang niyakap at napaiyak ako sa may balikat niya.
“Hindi ko sinasadya, Sol. Hindi ko—”
“Sshh. Save that. I will always believe in you, Alien. Always.” Patuloy niyang hinagod-hagod ang likuran ko habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak.
“Hyung! What happened here?!” Boses ni Dae. Narinig kong may mga nagtakbuhan papalapit sa amin.
“Noona!” Boses naman ni Victor.
“Fcuk, what did you doto her?!” sigaw naman ni Ji na parang hindi makapaniwala.
Nanatili akong nakatago sa dibdib ni Sol. Pakiramdam ko ay ito ang pinaka-safe na lugar sa magulong mundong ito.
“Stop it, Ji Oppa! Can't you see? She's a total slut!” sigaw ng isang babae na parte na ata ng tone-toneladang haters ko.
Nagulat na lang ako nang umalis si Sol sa harapan ko.
“You don’t call my girlfriend a slut,” saad niya sa isa sa mga babaeng nasa harapan ni Ji. Agad na nagbulungan ang mga tao sa paligid.
“I can't believe this! You know what Oppa, idol kita eh. Pero I'm telling you, masisira ang career mo dahil sa babaeng ‘yan.” Umiwas si Sol ng tingin at halatang pilit niyang pinipigilan ang mainis. Totoo nga naman. Dahil sa akin masisira ang career niya.
“Hindi ako makakapayag na mangyari ‘yun, hija. Bilang manager nila at president ng Tan Siu Music Club, hindi ko hahayaang mangyari iyon,” singit ni Mr. Park na biglang dumating. Humarap siya sa amin at awang-awa akong tiningnan. “Sol my dear, parating na ang media. We should go,” saad niya.
☆☆☆
Habang nakapikit ay naramdaman kong may kung anong nakaharang sa mukha ko kung kaya’y imulat ko ang mga mata ko. Laking gulat ko nang sa pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang napakalapit na mukha ni Sol. Kaagad siyang napaatras sa akin at bigla na lang siyang nahulog sa kama kung saan magkatabi kami.
“Ugh! Ouch!” inda niya. Natataranta namang bumangon ako para tulungan siya.
“Sol!” Sigaw ko nang makita kong nakahiga siya sa sahig at mukhang labis itong nasaktan. “Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?” natatarantang tanong ko.
“Bakit naman kasi bigla-bigla ka na lang nagigising?!” Inis na tanong niya at saka naupo ng maayos sa sahig.
“Eh ano ba naman kasing ginagawa mo?!” inis na tanong ko rin.
“Psh!” sagot niya. Ngumuso ako at lumapit ako lalo sa kanya.
“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?” tanong ko.
“Eto. Ang sakit nito,” sagot niya at saka itinuro ang braso niya.
“Teka, tatawag lang ako ng nurse,” sabi ko dahil kasalukuyan kaming nasa clinic at isang tawag ko lang sa nurse ay tiyak na maaasikaso kaagad siya. Tatayo na sana ako para punatahan ang nurse pero natigilan ako nang hawakan niya ako sa kamay ko.
Nagtataka ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya. “Bakit?” tanong ko.
“Kisspirin lang,” seryosong saad niya.
“Ano ‘yon?” kunot noong tanong ko.
Laking gulat ko nang imbis na sagutin ay bigla na lang niya akong hinila papunta sa kanya at hinalikan ako. Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko habang magkadikit ang labi naming dalawa. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya tuluyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa.
Nanatili akong nakatulala dahil sa ginawa niya at hindi ko magawang mag-react. Pilyo siyang ngumiti sa akin at kinurot niya ang dulo ng ilong ko. “Hindi na lang ang buhok mo ang kulay pula, pati na rin ‘yang mukha mo.” Puna niya habang nakangiti ng mapang-asar.
Kaagad akong bumalik sa katinuan dahil sa sinabi niya at hahampasin ko na sana siya para makaganti pero laking gulat naming dalawa nang biglang may lumabas mula sa kurtinang nagsisilbing harang sa clinic.
“Ehem! Ehem! Ehem!”
Agad akong tumayo at lumayo kay Sol. Mabilis din naman siyang tumayo at lumayo sa akin.
“Ang daming langam te! Magpagpag ka!” utos ni Ericka kay M.
“At kailan mo pa ‘ko naging utusan, madam?” angal naman ni M.
“Ngayon. Tamo nga, tinawag mo akong madam. Tonta!”
“Ang mean mo talaga, Ericka!” maiyak-iyak na reklamo ni M.
“Gaga! Kaya nga tayo naging Mean Girls eh. Kasi Mean!”
Napahawak ako sa noo ko. Ugh. Mean Girls. Teka, Mean Girls?!
“Kayong tatlo!” Sigaw ko. “Kayo ‘yung—” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang pigilan ako ni Khrystal.
“Hoy babae! Kung iniisip mong kami ang kumuha ng picture na ‘yon at nagpa-printt ng ganun kadami, aba! Anong tingin mo sa amin? Sagana sa ink ng printer?!” saad niya.
“At saka, ano ka! Kahit Mean kami, hindi namin magagawa sayo ‘yun noh! Friends kaya tayo! Hindi namin kayang traydurin ang prendship natin!” singit naman ni M.
W-What?! Seriously what?!
“At saka, ano ka ba Renpot, hindi mo ba alam ang saying na ‘History Repeats Itself’? Kaya nangyayare ‘yan ngayon sayo kasi nauulit ‘yung nangyare dati,” saad naman ni Ericka.
“Ano?” gulat na tanong ko.
“Remember the kiss that is worth half million? Yung dare na halikan mo si Sol? Ganitong ganito rin ‘yun. Kaya naniniwala na talaga ako dyan sa history repeats itself na ‘yan,” sagot niya.
“Edi kung ganoon, magiging si Kyo rin at Renesmee kasi naging sila ni Sol dahil din sa ganito, diba?” tanong naman ni M.
“Exactly! You're so brilliant sister!” puri ni Ericka kay M.
“Tama! Apir!” saad naman ni Khrystal at talagang nag-apir silangtatlo. What the hell?!
“And you all had the guts to tell that in my face?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sol.
Tila bigla na lang may dumaang anghel ang nagpatahimik at nagbigay ng awkward na aura sa paligid. Nagkatinginan silang tatlo at awkward na ngumiti kay Sol.
“Ah, eh, ang totoo lang naman talaga, eh may gusto lang kaming ipakita kay Ren kaya kami pumunta dito.” Pagpapalusot ni M.
“Ah oo tama!” saad ni Khrystal.
“May surprise kami sa’yo, sistah! Eto oh! Teden!” sabay-sabay na sigaw nila at saka iniharap sa akin ang laptop na dala-dala nila.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko at halos lumuwa na ang eyeballs ko nang makita ko ang nakalagay sa laptop nila.
Trending Worldwide: No.1: #RenesmeeIsAKissingMonster
Hindi makapaniwalang napanganga ako habang tinigitingnan ito kasabay ng mga tweet na halos isumpa na ako.
“Sa twitter lang ‘yan te ha! Sa facebook, muchacha, pakita mo rin bilis!” utos ni Ericka. Meron din sa Facebook?
Nang buksan ni M ang panibagong tab ay halos lumuwa ulit ang eyeballs ko dahil sa bumungad sa akin. Nakapost ang picture na magkahalikan kami ni Kyo habang may caption na RenesmeeIsAKissingMonster?!
“Susyal diba? May 18,713,349 likes, 10,389,245 comments at 4,564,891 shares ka lang naman! Susyal te! Susyal! Isa ka nang dakilang Kissing Monster! Este… Internet Queen?"
Kissing Monster?! Internet Queen?! Ughhh! Kasalanan mo ang lahat ng ito, Kyo! Humanda ka sa akin kapag nagkita ulit tayo!
novelraw