Let me be the One 2

Chapter 9



Chapter 9

Nang makarating na kami ni Liloree sa palasyo ay hindi pa rin siya nagsasalita. Napakalamig ng presensya niya at tila nawala na ang laging kalmadong kakambal ko. Pagkababa ko ng kotse niya ay kaagad akong sinalubong ni Mr. Art.

“Young lady,” bati niya at saka yumuko.

Napatingin ako sa likuran niya nang mapansin ko ang mga lalaking nakatayo roon na naka-itim na suit. Mahigit sa pito ang bilang nila at hindi sila ang mga bodyguards ko.

“Anong nangyayari?” naguguluhang tanong ko.

“Dumating po ang Presidente. Kanina pa po niya kayo hinihintay.”

“W-What?!” Gulat na tanong ko.

Nilingon ko si Liloree na nasa kabilang bahagi ng sasakyan. He was staring at me coldly habang nakapamulsa.

“You knew?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Iyon ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina na sabihin ko na lang ang sinasabi ko sa harapan ni Lolo?

Ibinalik ko ang tingin kay Mr. Art. Nanatili lang na kalmado ang ekspresyon niya.

“Nasaan ang bodyguards ko?” tanong ko sa kanya. Yumuko siya at halata sa mukha niyang ayaw niyang sumagot.

“Mr. Art,” tawag ko sa kanya.

Nagulat ako nang imbes sumagot ay iniabot niya sa akin ang isang envelope na hawak-hawak niya. Kunot noo ko itong kinuha at tiningnan ang laman. I can’t believe what I saw in there. Yun yung picture na pinagkakaguluhan ng lahat,

“Umabot na sa buong palasyo ang balita, young lady.” Mahinahong wika ni Mr. Art.

“Nasaan si Lolo?” mabilis na tanong ko.

“Nasa kanyang opisina kasama ang inyong mga magulang.”

Nagmamadali akong tumakbopatungo sa office ni Lolo. Mabilis akong pumasok sa loob at nakita ko kaagad si inay na nakaupo sa tapat ng malawak na lamesa ni Lolo habang umiiyak.

“Marie...” tawag ni inay sa pangalan ko.

Lumapit ako sa tabi niya habang nasa tapat naman namin si itay na hindi umiimik.

“So what brought you here, my young lady?” tanong ni Lolo na nakaupo sa tapat ng malawak na mesa.

“This thing,” sagot ko at ipinakita ko ang picture sa kanya.

Tumango-tango siya at binigyan niya ako ng nakakatakot na ngiti. “Well then I guess there’s something worse we need to discuss than that,” sagot niya.

“Worse? What do you mean?” kunot noong tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at imbes ay kinuha niya ang remote control sa may tabi niya at pinindot ito. Isang malaking screen ang bumaba mula sa likuran niya na tila nagsilbing kurtina o harang sa malawak na bintana sa likuran niya.

Nagulat ako nang bigla na lang nag-play ang isang video na hindi ko inaasahan. Ito ang eksena namin ni Aliyah kagabi nang puntahan ko siya sa may Music Building. Madilim ang video pero kitang-kita na ako iyon at si Aliyah habang nag-uusap.

Sinampal ko siya. Halos hindi marinig ang usapan namin pero may subtitle na nakalagay sa ibaba.

“Layuan mo ang kambal kong si Liloree! Hindi kita gusto para sa kanya! Hindi ko matatanggap na magiging sister-in-law kita! Iniisip ko pa lang, nasusuka na ko!”

Teka! Hindi iyon ang sinabi ko!

“Renesmee, why do you hate me so much? I’ve done nothing to you!”

“You’ve done nothing to me?! Meron! Hindi ko matanggap na first love ka ng boyfriend ko at hindi ko matatanggap na magiging kayo ng kambal ko!”

What the hell?!

“Stop that video! That’s not true! Hindi ‘yan ang pinag-usapan namin!” sigaw ko at napatayo pa ako sa kinauupuan ko.

Tumawa ng malakas si Lolo at pinatay niya kaagad ang video. “So I think you should start packing up now, dear. We’ll be leaving tonight.”

“What?! No! Inay! Itay!” sigaw ko na umaasang pipigilan nila ang desisyon ni Lolo.

Tahimik na umiiyak si inay sa tabi ko.

“Marie, sinabihan na kita. Ang gusto lang naman namin ay ang maging mabuti kang bata. Pero bakit umabot ka na sa ganito, anak? Pati ba naman si Aliyah?”

“Inay, nagkakamali kayo! Hindi ‘yan ang pinag-usapan namin! She framed me up!”

“Renesmee anak, pati ba naman ang girlfriend ng kambal mo ay aawayin mo?” saad ni Itay.

“Hindi nyo ko naiinitindihan. Paano kayo nakakasigurado na ‘yan nga ang pinag-uusapan namin eh naka-subtitle lang yan.”

“Then why would you slap her?”

Nagulat ako nang pumasok sa office ni Lolo si Liloree.

“Seriously, Liloree, you’re asking me that question? Dahil sinisiraan niya ako kay Sol! Alam mo yan!”

Naiinis na ko. Ano bang kasalanan ko kay Aliyah at ginagawa niya sa akin ‘to?!

“Bakit naman niya gagawin ‘yun, Marie?” tanong ni Inay.

“Dahil mahal niya pa rin si Sol. Gusto niyang magkabalikan ulit sila ni Sol,” mabilis na sagot ko.

“Bakit naman niya gagawin ‘yun Renesmee eh alam mo namang sila ni Liloree,” pagtatanggol ni inay.

“Inay, itay. Maniwala kayo sa akin. Sinisiraan ako ng babaeng ‘yan! Maybe this is her way to get rid of me para mapasakanya na si Sol!”

“Renesmee, sumosobra ka na, anak. Nasasabi mo ‘yan sa harapan ng kambal mo? Alam mo namang sila ni Aliyah, di ba? Bakit naman gagawin ni Aliyah ‘yun?” tanong ni itay.

Hindi talaga nila ako pinanininwalaan. Bakit ganito? Ang sakit sa dibdib.

“Please believe me. Lilo, sabihin mo kasi sa kanila!” Inis na utos ko sa kanya.

Tinitigan ko siyang maigi at napansin kong may mali sa aura niya. Para siyang may tinatago na hindi ko maintindihan.

“Liloree, sabihin mo kung ano talagang meron sa inyo ni Aliyah! Di ba’t ayaw niya sayo? Ipinagtatabuyan ka niya di ba?”

Kanina pa ako sumisigaw pero parang wala silang naririnig. Wala silang pinaniniwalaan sa mga sinasabi ko.

“I don’t know what you are talking about, Ren. Masaya kami ni Aliyah. At kung ayaw mo siyang maging sister-in-law, sana hindi na umabot pa sa ganito.”

Parang nagunaw ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. Siya na lang ang nag-iisang tao na inaasahan ko na magpapatunay na mali ang iniisip nila sa akin pero nagawa niya sa akin ito?

“Then I guess, this is the end of this conversation,” saad ni Lolo at agad na tumalikod sa pwesto namin.

Mabilis na lumabas si Liloree na hindi lumilingon sa akin. “Lilo, how could you?” Nanginginig na tanong ko pero mukhang wala siyang narinig at dire-diretso pa rin siya sa pag-alis.

Napayuko ako at sunod-sunod na pumatak ang luha sa pisngi ko. “Kung hindi ko na talaga mababago ang desisyon niyo, you should bring back my bodyguards at least. Wala silang kinalaman rito kaya hindi nila deserve ang mawalan ng trabaho,” saad ko at saka mabilis na lumabas ng office ni Lolo.

☆☆☆

Tila isa akong zombie na naglalakad sa hallway ng school. Parang tanga na pinagtatawanan ng mga taong nakapaligid. Parang nababaliw na wala na sa sarili.

“You’ve watched the video?”

“Oo, gosh! Sabi sa inyo masama siya eh!”

“Kaya nga! Sinampal niya si Aliyah! Take note, dalawang beses ‘yun!”

Napapikit ako. “Pwede ba!” Napasigaw ako na nagpatahimik sa kanila. “Wag nyo kong husgahan kung hindi nyo alam ang totoong nangyari! Dyan naman kayo magaling eh! Ang manghusga ng ibang tao! Bakit di nyo husgahan ‘yang mga sarili nyo?! Ang hilig nyong makialam sa buhay ng may buhay!”

Walang nakaimik sa kanila pero may isang tao ang mahinang pumalakpak at naglakad papalapit sa akin.

“Nice speech,” saad niya while she’s sarcastically smiling at me.

Nagulat ako ng bahagya nang makilala siya. Ang ex-girlfriend ni Liloree?

“At kailan ka pa napunta sa Tan Siu, Paula Domz?” tanong ko.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito.

“Mukhang nag-uumpisa na ang pagbagsak mo. Kakaumpisa ko pa lang kahapon, mukhang bagsak ka na kaagad. Pano pa pag gumawa pa ‘ko ng further actions?”

“W-What?”

“Poor Aliyah. Siya ang nasisisi dito. Padalos-dalos ka kasi eh. Tama nga ako. Hanggang ngayon, bobo ka pa rin.”

“I-ikaw ang may kakagawan non?!”

Tumawa siya ng mahina at ipinaypay niya ang kanyang kamay sa sarili.

“The pictures and the video? Yes dear. At madami pa akong gagawin sayo. Madami pa akong sasabihin sayo. So let’s get some coffee muna.”

Maarte siyang umalis sa harapan ko at naglakad papunta sa may gate. Para naman akong tanga na sinundan siya. Namalayan ko na lang na nakapasok na pala kami sa Marcof. Naupo siya sa isang table ng coffee shop na pagmamay-ari ni Ji at padabog naman akong naupo sa harapan niya.

“Paano mo nagawa ang lahat ng ‘to sa akin?”

Umupo siya ng maayos bago siya sumagot. “Simple lang. Ginamit ko ang galit ko sayo.” Nakangiting sagot niya. “Remember the nerd and jologs girl in the coffee shop? This is my revenge sa ginawa mo sa akin. Akala mo ba ay hindi ako gaganti sa ginawa mo? Naconfined ako sa hospital for four freaking weeks! At ngayon, it’s pay back time.”

Inis na inis ko siyang tiningnan. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang panggigil sa kanya. Kung ganoon ay hindi pala talaga si Aliyah ang may pakana ng lahat?

“Masyado kang nakasimangot. Baka masira ang beauty mo, Ren. Anong gusto mo?” tanong niya.

Tumingin ako sa waiter na lumapit sa amin at nagulat ako nang makita ko si Ji. Naka-cap siya at nakasuot ng pang waiter. Sumenyas siya sa akin na tumahimik. Humarap uli ako kay Paola na para bang hindi napansin na si Ji ang nagse-serve sa amin.

“Choco Latte, please. Sayo, Renesmee?”

“Ganun na lang din. Yung sobrang init para maibuhos ko sa pagmumukha mo,” seryosong sagot ko.

Ngumiti siya ng pilit at saka tumigin kay Ji. “A glass of water for her, please. Thanks,” saad niya.

Nang makaalis na si Ji ay humarap ulit siya sa akin.

“Pwede ba, Paula, sabihin mo na sa akin kung ano bang kailangan mo?” Iritang-iritang tanong ko sa kanya.

“Calm down, pwede?Napaka-atat mo! Hinihintay ko pa ‘yung kape ko,” iritableng sagot niya.

Hinintay naming dalawa na i-serve ni Ji ang kape at tubig na in-order niya. Pinanood ko muna siyang mag-sip sa kape niya bago magsalita. Akala ko ay pagkatapos ng unang pag-sip niya sa kape niya ay magsasalita na siya pero mukhang balak pa niyang ubusin muna ‘yon. Naiinip na ako at hindi na makapaghintay pa.

“Seriously?!” Napasigaw siya nang ibuhos ko sa kanya ang malamig na tubig na in-order niya para sa akin.

“Yes. Seriously,” sagot ko.

May narinig akong mahinang tawanan sa may counter kaya napatingin ako dun at nakita ko ang Four Kings na nakasuot din ng pang-waiter habang pinapanood kami.

“Noona is really mean.”

“Shh!”

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa nila dito? Ngayon ko lang din na-realize na kaming dalawa lang ang tao sa shop at ang Four Kings na nasa may counter. Anong nangyayari?

Humarap ulit ako kay Paula na di magkandaugaga sa pagpupunas ng mukha niya. “Sumosobra ka na! Baka gusto mong sirain ko lalo yang buhay mo!” Gigil na sigaw niya.

“Tigilan mo ako at baka sirain ko ‘yang mukha mo katulad ng ginawa ko sayo dati. Sa Marcof din ‘yun, remember?” pagbabanta ko.

“I can’t believe this! Ako dapat ang nananakot dito pero nagawa mong baliktarin ang sitwasyon. Ibang klase ka talaga.” Umiling-iling siya.

“So kung ayaw mong magkagulo uli dito, sabihin mo na kung anong kailangan mo. Madami pa akong aayusin.”

“Isa lang naman ang gusto ko Renesmee eh. Ang ibalik mo sa akin ang kakambal mo. You took him away from me,” parang naiiyak na saad niya.

“Ganyan ka ba ka-obsess sa kakambal ko at pati ako ay gusto mong sirain?!”

“Sinira mo rin kami kaya sinisira ko rin kayo!”

“Shut up! Liloree asked me to do that kaya hindi ko kasalanan kung ayaw na sa’yo ng kakambal ko! At hindi na ako magtataka kung bakit ayaw niya sayo. You’re a crazy obsessed girl! Gosh!”

“Hindi ako obsess! Mahal ko siya! Ibalik mo sa akin ang kakambal mo kung ayaw mong sirain ko ang buhay nyo! Ibabagsak ko ang career ng boyfriend mo, using you!”

Nahihirapan na akong makipag-usap sa babaeng ito. Para akong nakikipag-usap sa baliw. Tumayo ako at inayos ko ang gamit ko. Sinayang niya lang ang oras ko.

“Hindi mo na ako magagamit dahil by tonight, aalis na ko. Wala ka ng magagawa pa sa akin dahil pupunta na ko sa states at dun ako titira. Now you see kung anong nagawa mo? Congrats! Hinding hindi na mapapasayo pa ang kakambal ko.”

Pagkasabi ko noon ay umalis na ako sa harapan niya. Iniwan ko siyang nakaupo doon habang nakatulala. Hindi niya siguro alam ang tungkol sa bagay na ‘yon. Na kapag gumawa ako ng kalokohan within a month, ipapa-package ako nina inay sa states.

Akala ko ay hindi totoo ‘yon pero eto na, mangyayari na mamayang gabi. Maghihiganti na nga lang siya, sa akin pa. Sana kay Liloree na lang. Tutal magkaugali sila. Handa nila kong sirain para kay Aliyah. Handa nila kong sirain para sa mahal nila. Sht. Eto na naman ang mga luhang ‘to.

Dumaan ako ng counter at nakatingin silang apat sa akin. Pare-parehong nakakunot ang mga noo nila. Tumingin ako kay Sol at nagtagpo ang mga mata namin. Agad akong nakadama ng kirot sa puso ko. Hindi ko maisip na aalis na ako tonight. At sa paggising ko sa umaga, hindi ko na siya makikita pang muli.

Dire-diretso ako sa paglabas ng MarCof. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko na ang huminga. Hanggang sa nakarinig ako ng tumatakbo sa may likuran ko at ilang sandali pa ay may marahang humawak sa braso ko na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Naamoy ko kaagad ang pabango niya. Tama nga ang iniisip ko. Sinundan niya ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang harapin.

“Totoo ba? Totoo ba ‘yung narinig ko?” parang hindi makapaniwalang tanong niya.

Nakakatawa. Sa ganung paraan pa kami maghihiwalay. Huminga ako ng malalim. Kasabay noon ay ang pagpatak ng luha ko. Bakit naman napakalupit sa akin ng tadhana? Kakaumpisa pa lang namin. Bakit ang bilis naman atang kumontra nito? Ganun na lang ba ‘yun?

Pinunasan ko ang luhang bumasa sa pisngi ko at saka dahan-dahang humarap sa kanya at ngumiti ng pilit. Hinarap ko siya na may ngiti sa mukha ko.

“Sol, I’ll be leaving tonight,” saad ko.

Pagkasabi ko noon ay dahan-dahang naalis ang pagkakahawak niya sa akin.

“You'll be leaving tonight?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako sa kanya at napangiti na lang siya ng mapakla.

☆☆☆

Lumipas ang mag-hapon na wala man lang nangyaring espesyal. Pakiramdam ko ay aalis na lang ako ng ganun ka-swabe. Wala man lang bang pipigil sa pag-alis ko? Sabagay, sinong aasahan ko eh halos lahat na ata ng tao sa Pinas ay ipinagtatabuyan na ako. Siguro nga wala talagang gagawa ng way para mag-stay ako dito. Napabuntong hininga na lang ako. Ganito ba talaga kapag problemada? Ngayon lang ata ako na-stress sa tanang buhay ko.

“Sorry hijo, hija pero ubos na ‘yung ice cream namin eh. Pang-thirty na ice cream nyo na yan at wala na kaming reserba.” Pag-eexplain ng matandang tindera ng ice cream sa may park kung nasaan kami.

Ngumiti si Sol sa akin. “Ayos lang ‘yan. Madami pa namang tindahan ng ice cream sa Pinas eh.”

Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ibinigay sa akin ang ice cream niya.

“Oh, iyo na lang. Ang takaw mong Alien. Saan mo ba nilalagay ‘yang ice cream sa katawan mo?” tanong niya.

Natawa naman ang matandang nagtitnda ng ice cream sa aming dalawa.

“Kapag wala na ang isang bagay, hindi naman ibig sabihin nun matatapos na ang lahat. Siguro ngayon matatapos na pero darating din naman ang araw na magkakaron ulit ng bagong simula.Malay mo sa pagdating ulit ng bagay na iyon ay mas masarap, mas matamis…at mas madami na ito. Parang ice cream namin. Bukas meron ulit.”

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y may iba siyang gustong sabihin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Salamat ho.”

“Walang anuman. O siya, salamat sa pag-ubos ng ice cream ko. Bukas ulit!” nakangiting paalam niya.

Bukas ulit?

“Sana bukas. Matikman ko ulit ang ice cream nyo.” Malungkot na sagot ko.

Napatingin ako kay Sol nang mapayuko siya.

“Pilitin mo Renesmee…kahit ngayon lang. Please. Wag mong ipaalala na aalis ka.”

Nakangiti siya pero kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

“Sol, ayokong maging malungkot ka. Pero bakit pakiramdam ko, para akong may sakit na unti-unti nang nauubusan ng oras sa mundo? Kahit pinipilit kong magpakasaya ngayon, bakit hindi ko malimutan na pagkatapos ng araw na 'to, gigising akong malayo na sayo? Bakit…ang hirap?”

Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Agad niya kong hinila at niyakap ng mahigpit. Kahit mahina ang paghikbi niya, para namang namamanhid ang tenga ko habang naririnig iyon. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha na pinipigilan ko.

Pinilit ko ang sarili kong tumawa ng mahina. “Ang daya naman eh. Kung kailan okay na tayo, saka naman sila kaagad eepal at sisirain tayo. Napakadaya talaga.” Pinunasan ko ang basang pisngi ko. “Napakadaya,” bulong ko pa.

Ipinikit ko ang mga mata ko at kumapit sa isang braso niya na nakayakap sa akin. I promised him that I would never leave him. Hindi ko siya iiwan katulad ng ginawa ng babaeng una niyang minahal. Pero hindi ko pala matutupad angipinangako ko sa kanya. Masasaktan ko na naman ulit siya. Parati na lang siyang nasasaktan. At ayokong maging kabilang sa mga taong nananakit sa kanya. Gusto kong maging star niya, pero mukhang ayaw talaga kaming pagtambalin ng tadhana. Hindi ata kami ang bida sa kwentong ito. Siguro pareho lang kaming extra sa bawat kwento na meron kami. Ang sakit palang isipin na matapos niyong pagdaanan ang napakaraming pagsubok, hindi pa rin pala kayo sa huli.

☆☆☆

Parehas naming pinagmamasdan ni Sol ang palasyo habang magkahawak-kamay kaming nakatayo sa tapat nito. Tiningnan ko siya and I smiled at him.

“Mamimiss mo ba ko?” tanong ko.

Ngumiti siya na para bang nainsulto ko siya sa itinanong ko.

“I want you to go inside like we're going to see each other tomorrow,” desperadong utos niya.

Umiling ako. “Sol,” tawag ko sa pangalan niya. “Tigilan na natin ang pagpre-pretend na magkikita pa tayo. Siguro oo, pag pwede na kong bumalik. Pero sa ngayon—”

“Renesmee, do you want me to die?!” sigaw niya. Kasabay nang pagsigaw niya ay ang pagpatak ng mga luha niya. “Do you want me to die thinking I won't see you for a long time?” Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. Ang sakit palang panuorin siyang umiiyak nang dahil sa akin.

Nagulat na lang ako nang kumulog at kumidlat nang malakas. Tiningnan ko siya at nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang may mga luhang pumapatak sa magkabilang pisngi niya.

“Ngayong gabi, walang stars,” bulong niya. Ngumiti siya nang mapakla at napayuko.

Pakiramdam ko ay nahihirapan akong makahinga. Gusto kong takasan ang sandaling ito na magpapaalam kami sa isa't-isa. Gusto kong takasan ang oras na 'to. Hindi ko kayang magpaalam sa kanya. Hindi ko siya kayang iwanan.

Parehas kaming napatingin sa isang dilaw na sasakyan na humaharurot papunta sa amin. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nahirapang huminga nang makita ko ang sasakyang iyon.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak ni Sol sa mga kamay ko. Tinitigan kong maigi ang mukha niya.

“Ayokong umalis,” sabi ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti sa akin. “I won’t let you go, Renesmee. Not now, not ever.”

Sinuklian ko siya ng ngiti at saka ko ibinalik ang tingin sa dilaw na benz na huminto sa harapan namin. Pinanuod ko roon bumaba ang lalaking kawangis ng mukha ko. Liloree Cai Clarkson. How could you do this to me? Paano mo nagagawang matiis na makita akong labis na nasasaktan ngayon?

“I've looked for you everywhere.” Bungad niya at saka lumapit sa akin. “Sumunod ka na lang sa akin Renesmee, I'll be waiting for you inside. Magpaalam ka na sa lalaking ‘yan.” Utos ni Liloree at saka naunang pumasok sa palasyo.

“Sol, ayokong umalis,” I said helplessly. “Ayokong umalis, please.”

☆☆☆

Liloree Cai’s Point of View

Rinig na rinig ko mula sa kinatatayuan ko ang iyak niya. Iniiyakan niya ang sakit na nagawa ko sa kanya. Iniiyak niya ang mga luhang ginawa ko. Gusto ko siyang pasukin sa loob ng kwarto niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong humingi ng tawad sa ginagawa ko at gagawin ko pero hindi pwede. Gustuhin ko man, Renesmee has to leave.

Napatingin ako sa USB na hawak-hawak ko. Natawa ako ng mahina habang tinitingnan ko ito. Talaga bang iniisip niyang ibibigay ko ‘to kay Lolo?

"I dont want her to leave."

"Wala akong magagawa dyan. Sila ang nagpasya nun," sabi ko.

"Then help me to make her stay."

Desperado na siya.

"Wala akong magagawa."

"Then give this to that as*hole."

"Watch your words, poor kid. Lolo ko pa rin siya. Lolo pa rin namin siya ni Renesmee,” saad ko pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at nanatiling iniaabot sa akinang USB na hawak-hawak niya. Kinuha ko ito kahit na I made it obvious na wala akong interes sa kung ano man ang laman ng USB na iyon.

"Do you actually believe that I would help you?" tanong ko.

"Alam kong hindi mo ibibigay yan sa Lolo mo dahil sinabi ko. Pero alam kong ibibigay mo 'yan dahil mahal na mahal mo si Renesmee at hindi mo kayang makita siyang nasasaktan."

Natigilan ako sa sinabi niya. I frowned at him. "Stop acting like you know me very well, Bae."

"Then stop acting like you don't know yourself at all."

Tinitigan kong maigi ang USB. Bahala na.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.