Chapter 4
Chapter 4
Bumalik kami sa resort na wala ng ulan at maliwanag na dahil umaga na. Nakatingin sa amin ang lahat ng staff habang magkahawak kamay kaming naglalakad ni Sol papalapit sa kanila.
“OMG. Anong ibig sabihin nito?!” sigaw ni Ericka nang makita niya kaming dalawa ni Sol.
“Oh my! Ibig sabihin ba nito ay si Ren ang pinili mo?!” Hindi makapaniwalang tanong ni M.
Anong pinili ang pinagsasasabi niya?
Ngumiti ng napakatamis sa kanila si Sol at saka sumagot. “Exactly,” saad niya.
“Gosh! Ang ganda mo! Kinabog mo si Aliyah!” sigaw nilang tatlo at saka dali-dali akong inalog-alog at pinagsasabunutan. Hindi pa sila nakuntento, pinaghahampas pa nila ako. Ano bang sinasabi nila? Naguguluhan ako sa ginagawa nila.
Napatingin ako sa may sulok nang biglang may tumayo roon at hindi ko inaasahang makita na si Aliyah ito. Mukhang narinig niya ang sinabi ng Mean Girls kaya tila galit at padabog siyang umalis. Nagtataka kong tiningnan ang Mean Girls. Mukhang may kalokohan na naman silang ginawa na wala akong kinalaman.
“Wait lang, Sol. May dapat ipaliwanag sa akin ang mga babaeng ‘to.” Paalam ko kay Sol at saka ko hinila sina M palayo sa kanya. Kinaladkad ko sila papasok sa hotel at sapilitang ipinasok sa kwarto kung saan kami nakacheck-in.
Galit ko silang hinarap. “May dapat ata kayong sabihin sa akin,” seryosong sabi ko.
Sabay-sabay silang napakamot sa ulo nila at makahulugang nagtinginan.
“So talagang may kalokohan kayong ginawa.” Pagkukumpirma ko dahil sa reaksyong ipinapakita nila.
“Ganito kasi ‘yan, Ren. Kinausap lang naman namin si Sol at sinabi naming na kung sino ‘yung mapipili niya, dapat ‘yun ‘yung mahal niya. So ibig sabihin, kung ikaw ‘yung napili niya, eh di mahal ka talaga niya,” sagot ni Ericka.
“Mahal niya nga ko. Pero mahal niya rin si Aliyah. I heard him talking to her.”
“Pero at least ikaw ang napili niya at hindi si Aliyah after ng pinaggagawa namin di ba?” singit ni Ericka.
“What do you mean?” Kunot noong tanong ko.
“Ganito kasi ‘yan, etong event na ‘to, ginawa talaga ‘to para sa inyo. Para magkalinawan na kayo kung ano talaga ang tunay na nararamdaman nyo. Kinausap namin si Sol tungkol dito. Sinabi namin sa kanya na lagi siyang sumama at magdididikit kay Aliyah para malaman niya kung sino ba talaga ang mahal niya sa inyong dalawa,” pagpapaliwanag ni M.
“And since lagi silang magkasama, syempre masasaktan ka. So si fafa Kyo ay laging to the rescue. At dahil dun, syempre, maliliwanagan ka rin di ba kung sino ang mas mahal mo sa kanilang dalawa? See? Ang tatalino namin, di ba?” Dagdag pa ni Ericka.
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nila. I didn’t know na ito pala talaga ang plano nila. Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang maalala ko si Kyo. Nasaan kaya siya?
“Pero may napapansin ba kayo kay Ji?” tanong ni M.
Napatingin ako bigla kay M dahil sa tanong niya. Napapansin?
“Oo may napapansin ako! May something strange kay Ji!” sagot ni Khrystal.
“Teka. Ano ‘yun?” tanong ko.
“Leggo girls. I think we need to investigate.” Excited na saad ni Ericka.
Bago ko pa man sila mapigilan ay mabilis na silang tumakbo palabas ng kwarto. Ugh. Ano naman kaya ‘yung strange kay Ji na sinasabi nila?
Tatayo na sana ako para sumunod sa kanilang lumabas nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at isang babae ang hindi ko inaasahan ang pumasok. Si Aliyah. Ugh. Oo nga pala. Sinadya nga pala ng Mean Girls na magkakasama kami dito sa kwarto na ‘to.
Halata rin sa inosente at maganda niyang mukha na nagulat siya nang makita niya ako. Pilit siyang ngumiti sa akin bago siya naglakad papunta sa kama , malapit sa tabi ko. May kung anong hinahalungkat siya sa mga gamit niya. Hindi ko magawang kumilos dahil sa presensya niya. Ang awkward. Ugh.
Narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na buntong hinga bago siya tumigil sa ginagawa niya. Umayos siya ng upo at seryosong tumingin sa akin na nakaupo lang sa katabing kama niya.
“Renesmee.” Tawag niya sa akin pero nanatili akong nakatagilid sa kanya at hindi siya tinitingnan. “I don’t want to be your enemy. I don’t want anybody to hate me. Neither you and your friends,” saad niya.
Nanatili akong walang imik at hindi ko siya tinitingnan. Napabuntong hininga siya dahil sa asta ko.
“Renesmee, I just want him back.”
Inis akong napakagat sa labi ko at mabilis na tumayo para umalis at iwan siya. Hahakbang na sana ako papuntang pintuan pero hindi pa man ako nakaka-isang hakbang ay napatigil ako nang magsalita siyang muli.
“I will never give him up.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inis na akong humarap sa kanya.
“Alam mo, hindi na kita maintindihan. Hindi ako ang may kasalanan kung bakit wala na sa’yo si Sol. Don’t you freakin’ forget that you pushed him away and left him with nothing. Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo, Aliyah.”
Natawa siya sa sagot ko. Tawang alam kong pilit.
“You think I pushed him away? Ghaaad! I had no choice Renesmee!” sagot niya.
“You had no choice?! Wow! I watched Sol suffered because of you. I witnessed it, I was there. But where were you?! You were there enjoying yourself with Liloree. Then ano ngayon? Sasabihin mo na you want Sol back?!”
Hindi ko na mapigilan ang mapataas ang boses ko. Pakiramdam ko kapag hindi ko pa ito nasabi sa kanya ay sasabog ako sa sobrang pagkamuhi.
“Enjoying myself with Liloree?” Natatawang tanong niya. “Since you have already mentioned that, I think I should be honest with you now. Being with Liloree is the worst feeling in this world, Renesmee.” Seryosong sagot niya.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
“How could you?!” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Renesmee, I hate Liloree so much. My life was peaceful but you took it away from me! Both of you!”
Pinilit kong kumalma at iniwas ko ang tingin sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan siya. Being with Liloree is the worst feeling in this world? She had the guts to tell that in my face?
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ako sumagot. “Tulad nga ng sabi mo Aliyah, you had no choice. And don't blame it on us 'cause you chose it, Aliyah. Remember that,” saad ko at mabilis akong lumabas ng kwarto.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit nang makarating ako sa tabing dagat. Dumampot ako ng bato at inis itong inihagis sa may dagat.
“Fcuk!” sigaw ko at saka pilit na hinahabol ang mabilis kong paghinga.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan! Saktan na niya ako pero ‘wag lang si Liloree. Hindi pa ba sapat na lagi na lang akong nasasaktan? Bakit kailangan niya pang idamay ang kakambal ko? Damn it.
☆☆☆
Pumito si Ericka na nagsisilbing referee sa laro namin ngayon.
“Ball out!” sigaw niya.
“Fcuk.” Napamura ako.
“Sis, ayos ka lang ba? Bakit ang gulo mong maglaro ngayon? Di ba magaling kang mag-soccer?” Sermon ni M.
“Yeah. Soccer in field, M. Not in the beach,” inis na sagot ko.
Napasampal si Khrystal sa noo niya.
“Kaya nga challenge eh. Beach soccer. You have to accept it. It should be this hard. And you can't be defeated just like that. You have to struggle in order to win. Two na ang score ng kalaban at parehong si Aliyah ang naka-score noon.” Sermon din ni Khrystal.
“Siguro tanga ‘yung goal keeper kaya nakaka-score si Aliyah,” sagot ko.
“Renesmee!” Tawag niya sa pangalan ko na para bang sinasaway na rin ako.
Napailing na lang ako at inis na bumalik sa mga teammates ko. Pumito ulit si Ericka kaya nagsimula na ang isa kong teammate na sipain ang bola papunta sa akin. Mabilis ko itong kinuha at prinotektahan laban sa kabilang team. Tuloy-tuloy ako sa pagsipa at pagpasa hanggang sa makalapit kami sa goal. Pinasa pabalik sa akin ng teammate ko ang bola nang makitang niyang ako ang pinakamalapit sa goal. Nang mapunta sa akin ang bola ay malakas ko itong sinipa papasok sa goal and there we go! We finally got our point.
“Wooooh! That's my girl bebe!” sigaw ni Khrystal.
Tumingin ako sa kanila at inirapan ko sila. I bet kaya nila ako pinipilit na maglaro nang maayos ay dahil nagpustahan na naman silang tatlo.
Inikot ko ang tingin sa paligid at tanging ang Mean Girls lang ang nagsisilbing audience namin. Lahat ata ng tao ay nasa kabilang part ng resort dahil naroon ang boys na naglalaban-laban rin para sa challenge katulad nito.
Nang magsimula na ulit ang laro ay nagpatuloy kami sa pag-aagawan ng bola hanggang sa mapasa ulit sa akin ito. Patuloy ako sa pagsipa nito patungo sa may goal pero napahinto ako nang biglang humarang sa akin si Aliyah.
“It’s such an honor to have the Girls’ Soccer Team Captain guard me by herself. Am I a threat in your team?” tanong ko habang nakangiti na parang nang-iinsulto.
Akala ko maaapektuhan siya sa sinabi ko pero mukhang balewala lang ako sa kanya dahil wala man lang akong nakuhang sagot. Woah. Did I just got ignored by Aliyah Gilbert? Inis akong napakagat sa labi ko with that thought. She can’t just ignore a Clarkson like that. She can’t ignore Renesmee Marie Clarkson to be exact. She just can’t.
I gave her a silly smile once again. I’m not gonna let her get away just like that. I’m a b*tch, remember?
“Nasabi ko na bang seeing you so desperate wanting my boyfriend back is the most pathetic scene I’ve ever watched in my whole life?”
Napatigil siya sa sinabi ko at ginawa kong opportunity iyon para lagpasan at lusutan siya. Nakalayo na ‘ko sa kanya pero nahabol niya uli ako at humarang uli siya sa akin.
“Tricky, huh?” saad niya at saka siya ngumiti.
“Well perphaps you meant silly,”saad ko at saka sinipa ang bola sa dibdib niya na ikinagulat at ikinatumba niya. “No offense meant, b*tch,” saad ko bago siya nilagpasan.
Nang makalapit na ‘ko sa goal ay sisipain ko na sana ang bola pero naabutan niya ako. Sinipa at inagaw niya ang bola sa akin. Mabilis siyang nakalayo sa akin pero kaagad ko rin siyang nahabol.
“Aw. Akala ko ako ang mang-aagaw dito, hindi pala,” saad ko nang maabutan ko siya.
Bigla siyang napahinto sa kanyangnarinig at mukhang nainsulto siya sa sinabi ko. Seryoso niya kong tiningnan habang nakakunot ang noo niya. Good girl gone mad, huh?
“This ball ain't Sol so you got no right to tell me I'm a slut!” sagot niya.
“Easy Aliyah the Great. Parang ganito lang yan eh…Si Sol, hindi parang bola ng soccer na pagkatapos mong sipain ay saka mo hahabulin.”
Pagkasabi ko noon ay agad kong sinipa ang bola palayo sa kanya at saka ko ito sinipa papasok ng goal. Nilingon ko siya at kunot noo siyang nakatingin sa akin.
Noong mga panahon na siya ang mahal ng lalaking mahal ko, hindi ko siya kinamuhian ng ganito. Pero ngayong sinasaktan niya ang kambal ko, I’m gonna hurt her too. In the cruelest way if possible.
“Nice game, Ren. Anong meron at parang may something sa inyo ni Aliyah?” tanong ni Ericka nang makalapit siya sa amin.
Natapos ang laban na 2-3 ang score at panalo ang team namin.
“Wala.” Matipid kong sagot at dire-diretso akong naglakad pabalik ng hotel.
“Whoa. Something’s strange. May napapansin ba kayo kay Ren?” tanong ni M.
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko iyon at nagtatakang humarap sa kanila.
“Napapansing ano?”kunot noong tanong ko.
“She's being herself again,” sagot ni Ericka.
What?
“Oh yeah. That frightening b*tch who kicks ass?” dagdag ni Khrystal.
“She’s finally back! Wootwoot! This calls for a celebration,” saad ni M na naunang tumakbo papunta sa hotel. Nagtatatalon namang sumunod sa kanya ang dalawa na mukhang tuwang-tuwa.
“Oh! The b*tch's return!” sigaw pa nila.
Seriously, what are they talking about?!
Napailing na lang ako at hindi sinasadyang napatingin sa may gilid kung saan nandun si Aliyah. Napakunot ang noo ko nang makita kong may splint siya sa kanyang paa. Mukhang na-injured ata siya.
“She's so evil.”
Napakunot ang noo ko at lumingon ako sa likuran ko kung saan ko narinig ang bulong na iyon. Nakita ko ang teammates ni Aliyah na nakatayo di kalayuan sa akin at masamang nakatingin. Wait? Ako ba ang tinutukoy nila? Ugh. Ano na naman bang gulo ang ginawa ko? Damn.
☆☆☆
“Mallows?” Tanong ni Sol habang inaabot sa akin ang mallows na pinainit niya sa may bonfire. Napangiti ako at inabot iyon.
“Sure.” Nakangiting sagot ko.
“Takte, ang sweet nyo. Naalibadbaran ako.” Reklamo ni Ericka.
Masama ko siyang tiningnan at saka pinandilatan ng mata. Inis na lang siyang napailing at saka ipinagpatuloy ang pag-iinit niya sa marsmaloow niya.
“Wala kang karapatang maging bitter sa kanila, Ericka.Baka nakakalimutan mong isa ka sa mga nagplanong maging maayos sila ni Ren?” Natatawang saad ni Khrystal.
“Tse!” sagot niya.
Natawa kaming parehas ni Sol dahil sa reaksyon niya. Magkakatabi kaming lima habang nakapalibot sa bonfire. Kami pa lang ng Mean Girls at ni Sol ang nasa may tabi ng bonfire dahil ang iba ay mukhang nag ikot-ikot pa at sinusulit ang huling gabi namin sa resort.
“Hey guys.” Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng bagong dating.
“Hi Aliyah,” bati rin sa kanya ng Mean Girls.
Meron pa rin siyang splint sa may left foot niya. Gumagamit siya ng crutch para maalalayan niya ang sarili niya sa paglalakad.
“What happened to your foot?” gulat na tanong ni Sol.
“Itanong mo kay Ren.” Singit ni Khrystal na talagang in-emphasize ang pangalan ko. Kaagad namang napatingin sa akin si Sol.
“Bakit sa akin? Hindi ko naman alam na magkakaganyan siya. Normal ang injuries sa mga challenge.” Pagdedepensa ko.
“It’s okay.” Wika ni Aliyah at saka naupo sa harapan namin.
Pagkadating niya ay dumating na rin sina Victor, Dae, Ji at pati na rin ang ibang staff.
“Woah! Noona! You’re injured?” Concernedna tanong ni Victor. Agad niyang nilapitan si Aliyah at tiningnan ang paa nito.
“I'm fine, Vic,” sagot ni Aliyah at ginulo pa niya ang buhok ni Victor. “It’s not like it’s my first time, you silly.” Nakangiting saad niya.
Inis akong napakagat sa labi ko. She must be crying. She can’t be okay. She must experience worse. Ugh!
“Uh! Do you mean, back when we were still kids? When you had a cast on your leg because of falling for Sol? I will never forget that! That was cheesy and hilarious,” saad ni Dae at saka ito tumawa. Nakitawa rin ang members ng Four Kings, ang Mean Girls at pati na rin ang ibang staff. Was that funny? Ako lang ata ang hindi nakikisabay sa pagtawa nila.
“Yeah, I can still remember that,” saad ni Sol at saka uli sila nagtawanan.
Pansin ko namang namula ang mukha ni Aliyah. Is she blushing?! Like, who gave her permission to blush in front of my boyfriend?!
“Ohh.. Reminisce..” bulong ni Ji.
Reminisce? Parang katunog lang ng pangalan ko ah. Nakakainis na reminisce ‘yan. Ugh!
“Wait, how about the time when Noona was forced to join the beauty pageant when we were in first year highschool?” Tanong naman ni Dae.
Nagtawanan ulit silang lahat na para bang sila lang talaga ang nagkakaintindihan.
“When she fell from the stage while dancing with Hyung? I will never forget that! They fell on me!” sabi ni Victor at muli, nagtawanan sila ng malakas.
“She broke her arms that time.” Dagdag pa ni Ji.
“And she was not allowed to play violins for three months because of that injury.”
Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking bagong dating at sumingit sa usapan. Si Kyohei Sagara. Oh, oo nga pala. Magkababata nga pala sila ni Aliyah.
“And I was glad that you and Sol were both there to cheer me up,” saad ni Aliyah.
Agad na napakunot ang noo ko sa aking narinig. “What do you mean they were both there to cheer you up?” naguguluhang tanong ko.
Halos sabay-sabay silang napatingin sa akin sa biglaang pagsingit ko sa usapan.
Napakunot ang noo ni Aliyah at tila nagtataka akong tinignan. “Don’t tell me you didn’t know?”
“Didn’t know what?”
Mas lalong napakunot ang noo niya at nagtatakang tiningnan si Sol at si Kyo. “They didn't tell you?” Tila hindi makapaniwalang tanong niya.
I never heard that Sol and Kyo have a past too. I mean, nabanggit sa akin ni Kyo na magkababata sila ni Aliyah pero he never metioned that Sol and him used to talk before.
“Aliyah...” Tawag ni Ji sa kanya na tila pinipigilan niya na rin si Aliyah na magsalita.
Napabuntong hininga si Aliyah and gave me a weak smile. “They were friends. Kyo and Sol. They’re partners in suprising the little Aliyah.” Paliwanag niya.
Hindi makapaniwalang napanganga at natawa na lang ako. Napatingin ako kay Sol at Kyo pati na rin sa Four Kings, hindi sila makatingin sa akin. Something’s wrong. Naguguluhan ako.
“Bakit hindi na lang natin ituloy pa ang kwentuhan? Ang saya kaya. Don't ruin the moment guys.” Singit ni Ericka.
Pagkasabi niya noon ay nagpatuloy naman ang ibang staff na mag-kwento sa amin. Halos nakapag-kwento na ang lahat pero parang wala akong naririnig. Lumipas ang ilang sandali bago tuluyang natapos ang kwentuhan sa paligid ng bonfire at nag-alisan na ang iba naming mga kasama.
“Alien, may kukunin lang ako sa kwarto. Babalik din ako agad, alright?” Paalam ni Sol.
Tumango ako sa kanya bilang sagot at mabilis siyang umalis sa tabi ko para pumunta sa hotel. Napatingin naman ako kay Kyo nang tumayo siya, mukhang pati siya’y aalis na rin. Pinanood ko siya habang naglalakad siya paalis. It took awhile bago ko napagpasyahang tumayo at sundan siya.
Pero I can’t help but frown nangbigla siyang nawala sa paningin ko. Kanina lang ay sinusundan ko siya, pero ngayon ay hindi ko na siya makita. Kahit na bigla na lang siyang nawala ay hindi pa rin iyon naging dahilan para tumigil ako. Ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Malayo-layo na rin ang nalakad ko at malayo-layo na rin ako sa lugar kung saan ginaganap ang bonfire pero hindi ko pa rin siya makita.
“Renesmee.”
Nagulat ako nang bigla na lang may nagsalita mula sa likuran ko. Agad akong humarap at bumungad sa akin ang mukha ni Kyo.
“Bakit mo ako sinundan?” tanong niya.
Napabuntong hininga ako bago sumagot. “Kyo, magkaibigan kayo ni Sol dati pero bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ko.
“Akala ko kasi ay alam mo na. Akala ko ay sinabi niya sayo.”
Umiling ako sa naging sagot niya. “Nagsisinungaling ka.” Mabilis na sagot ko.
Iniwas niya ang mukha niya at bigla siyang natahimik.
“Kung nasira ang friendship nyo dahil akala mo niloko niya si Aliyah at alam mong ako ang babaeng naging dahilan ng breakup nila ni Sol, bakit mabait ka sa akin? Bakit naging malapit ka sa akin? Kyo, anong ibig sabihin nito?” Naguguluhang tanong ko.
Napayuko siya at pilit na iniiwas ang mukha niya sa akin. Nung nakaraan lang, nalaman kong magkababata sila ni Aliyah at ngayon ay malalaman kong naging magkaibigan pala sila ni Sol? Ano pa bang hindi ko alam tungkol sa kanila?
“Kyo, sabihin mong mali ang iniisip ko,” saad ko na parang nagmamakaawa. Ayokong isipin na naging malapit siya sa akin dahil sa nangyari kay Sol at Aliyah…Na naging malapit siya sa akin dahil may pinaplano siyang pagganti sa akin para sa kaibigan niya.
“Renesmee, lahat ng ito ay totoo. Ang nararamdaman ko para sayo, ang pagkakaibigan natin, lahat ito ay totoo...” saad niya.
“Pero bakit pakiramdam ko, may nililihim ka sa akin?”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Dahil hindi mo pa alam ang tungkol sa lahat.”
“A-Anong lahat?” Naguguluhang tanong ko.
“Pasensya na, Renesmee,” sagot niya at saka siya tumalikod sa akin. Lalakad na sana siya paalis pero pinigilan ko siya.
“Kyo, sino kaba talaga?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.
It took awhile bago siya muling humarap sa akin. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago niya kinuha ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.
“Renesmee, ako si Kyohei Sagara, ang bodyguard mo na nagmamahal sa’yo. Kung sino o ano man ako na nakilala mo, iyon lang ako at wala nang iba pa,” sagot niya.
☆☆☆
Sol’s Point of View
Pabalik na sana ako sa labas ng hotel nang bigla na lang nag-vibrate ang iPhone ko. Pagkatingin ko sa screen ay nabasa ko kaagad ang pangalan ni Renesmee at ang message niya.
Let's go for a walk. I’m at the back of the hotel.
Napangiti ako sa message niya kaya kaagad kong binilisan ang paglalakad papunta sa likod ng hotel. Nang makarating ako ay nakita ko kaagad siya habang nakatalikod sa direksyon ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinakpan ko ang mga mata niya pero agad ko ring inalis ito nang mahawakan ko ang mukha na alam kong hindi sa kanya.
“I'm sorry.” Bulong niya na hindi pa rin humaharap sa akin.
Natawa ako ng pilit. “How did you get her phone?” tanong ko.
“I saw it in school a week ago.” Mabilis namang sagot niya.
Napangiti ako ng mapakla. “Sorry, Aliyah. But I think I need to go.”
Mabilis ko siyang tinalikuran pero nahawakan niya ang kamay ko dahilan upang matigilan ako sa pag-alis.
“With my touch, you still couldn't go. You're still the same,” saad niya.
Humarap ako sa kanya.
“Bakit ba?” tanong ko.
“Stop acting so cold, Sol. I know you more than anyone does.”
Nagulat ako nang sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi.
“A-Aliyah…”
“I'm sorry kung nandito na naman ako. Kung nanggugulo na naman ako. Gusto ko lang malaman, don't you really love me anymore?” Tanong niya habang patuloy siya sa pag-iyak. “Please…” dagdag pa niya.
Napabuntong hininga ako at pinunasan ko ang pisngi niya.
“Aliyah, you know how much I loved you. I loved you. I did.”
Mas lalo siyang naiyak sa naging sagot ko. “You did? So you’re saying you already forgot about me, huh? That quick, Sol? In just a span of three years?” hindi makapaniwalang tanong niya. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.
Nagpakawala muli ako ng malalim na hininga bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.
“But it’s you who made me forget you, Aliyah.” Diretsong sagot ko.
Natawa siya sa naging sagot ko. “Believe me, I never wanted us to be like this. I never wanted to feel like this,” saad niya habang patuloy siya sa pag-iyak. “You have no idea how hard I tried to show you that I don't love you anymore. Akala mo ba gusto kong panuorin na nasasaktan ka ng dahil sa akin? Sobrang hirap at sobrang sakit din sa akin, Sol.”
Napahawak ako sa noo ko. “Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan kung babalik ka rin naman pala? I waited for you, for pete’s sake! Naniwala ako nang matagal na babalikan mo pa rin ako. But now that I lost all my hopes…now that I’m trying to start something new…Why do you have to complicate things again by wanting me back? Wala na ba talaga akong karapatan maging masaya?”
“Sol, I didn't had a choice. Ipit na ipit ako! But now I’m decided. I gave up everything right now just to have you back. So please, come back to me. Ikaw na lang ang natitira sa akin.”
Napayuko ako at umiling sa kanya. “Sorry Aliyah, but it’s too late. Masyado nang komplikado ang lahat para sa atin. Ayoko na ring saktan si Renesmee.”
“No.” Pagmamatigas niya. “I will never give up on you, Sol. Never,” sabi niya at dali-dali siyang lumapit sa akin at hinigit ako.
And that was the moment…that she claimed my lips for the first time.
Hindi ko alam kung anong dapat kong i-reacthabang hawak-hawak niya ang magkabilang pisngi ko at magkadikit ang labi naming dalawa. Pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang mundo ko kasabay ng napakabilis na tibok ng puso ko. When I got back to my senses ay mabilis ko siyang naitulak ng mahina na halatang ikinagulat niya. Pagkahiwalay ng aming mga labi, bigla na lang may kamaong tumama sa mukha ko na hindi ko alam kung saan nanggaling, dahilan upang mapaupo ako.
“G@go ka talaga!” sigaw nito at muli’y sinuntok niya ako. Si Ji.
“Stop! Stop it!” sigaw ni Aliyah.
Naramdaman kong may tumulong dugo mula sa bibig ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang palad ko. Tumayo ako at tumingin kay Ji na galit na galit habang nakatingin sa akin.
“It's not what you think,” sabi ko.
“Fcuk you!”
“Please stop. It's my fault.” Pumagitna sa amin si Aliyah.
“Aliyah, ano ba? Why don't you just stop it? Why don't you just let him go? He's not coming back anymore. He'll never be yours again. Gumising ka na!” sigaw niya.
Napatakip si Aliyah sa bibig niya at tahimik muling dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.
Napapikit si Ji at napahawak sa noo niya. “Ayoko lang makita kang nagkakanyan dahil kay Sol. It's no longer you.”
Tulad ko, pareho naming ayaw na nakikitang nasasaktan si Aliyah. Bata pa lang kami, ginagawa na niya ang lahat para lang mapasaya si Aliyah. Siya ang unang bestfriend ni Aliyah. Siya ang tanging nakakaalam ng kiliti niya. Hanggang sa dumating kami ni Kyo.
Parang inagaw namin si Aliyah sa kanya. Pinili niyang lumayo. Pinili niyang magparaya. Pinili niyang masaktan para lang sa kaligayahan ng best friend niya, ang first love niya. At ngayon ito ulit, eto na naman. Pareho na naman kaming nagmamahal sa iisang babae…At siya na naman ang nagparaya. Ako na naman ang masama. Ako na naman ang laging pinagbibigyan.
“You don’t understand me, Ji,” saad ni Aliyah. “You have no idea how hard it is to forget someone who gave you so much to remember.”
Tiningnan ko siya habang siya’y nakayuko at patuloy sa pagtulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
“There’s still us, Sol. I know I still have a place in your heart.” Saad niya.
Gustong-gusto kong lumapit sa kanya para yakapin at patahanin siya. Kahit kailan hindi ko ginustong makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin, pero ang gulo ng buhay. Masyado itong mapaglaro.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nakakadalawang hakbang na palayo sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na sa buong panahon na nakasama ko siya ay naging masaya ako. Masaya ako na naging importanteng parte siya ng buhay ko . Wala akong pinagsisihan kahit na nasaktan niya ako ng sobra.
“Aliyah, I’m sorry,” saad ko. “I loved you, really. But I love Renesmee... so much,” pagkasabi ko noon ay agad akong tumalikod sa kanya at naglakad palayo.
☆☆☆
Mabilis akong naglakad pabalik sa may bonfire kung saan ko iniwan si Alien kanina. Pagdating ko ay wala ng apoy at wala na rin ang mga taong iniwan ko kanina. Sinubukan kong pumunta sa cottage kung saan madalas ring tumambay ang ilan, pero puro kalat na lang ang naabutan ko roon. Aalis na sana ako pero natigilan ako nang may napansin akong nakayuko sa may bandang sulok. Lumapit ako sa kanya at hindi ko na kailangan pang kumpirmahin kung sino siya dahil sa kulay pa lang ng buhok niya ay alam ko na kung sino siya.
“Ganyan ba matulog ang Alien?” nakangiting tanong ko.
Nang marinig niya ako ay kaagad siyang tumingala upang tingnan ako na nakatayo sa harapan niya.“Pandak!” sigaw niya. “Bakit ang tagal mo?! Kanina pa kita hinihintay! Nakipagkita ka kay Aliyah noh?”
Napakunot ang noo ko nang mapansin ang itsura niya. “Uminom ka ba?” kunot noong tanong ko.
“Hindi! Hindi ako uminom!” sigaw niya at saka yumuko uli.
Sinungaling na Alien.
“Ang tagal-tagal mo! Pinainom nila ko!”
Sabi na. Tss. Bakit kaya nandito pa siya? Mag-isa na lang siya sa cottage at mukhang iniwan na siya ng mga kasama namin. Sana ay isinama na siya ng mga kaibigan niya. Malamok dito.
“Hinintay mo ba ‘ko?” tanong ko at umupo ako sa tabi niya.
“Sinong may sabing hinihintay kita? Hindi kita hinihintay noh! Huk! Chix ka ba ha?” tanong niya at saka niya inilapit nang inilapit ang mukha niya sa akin na para bang nang-aasar. “Aray ko!” Reklamo niya nang itinulak ko palayo ang mukha niya sa akin.
“Ang baho mo, amoy alak ka!”
“Ang arte mo! Psh! Okay lang na mabaho ako! Mahal mo naman ako!”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Mas makulit pa pala siya kapag lasing.
“Teka? Napano ‘yang lips mo?” tanong niya sakin.
Hinawakan ko ang labi ko at naalala ko na naman ang suntok ni Ji.
“Sinuntok ng isa pang nagmamahal sayo,” bulong ko pero mukhang hindi naman niya ‘yon narinig kaya ngumiti na lang ako sa kanya at pinisil ko ang dulo ng ilong niya.
“Aray!” reklamo niya. Pulang-pula ang pisngi niya habang naniningkit naman ang kanyang mga mata. Mukha na rin siyang Korean katulad ko.
Tuwing kasama ko siya, nagiging masaya ako. Nakakalimutan kong galit ako sa kanya. Nakakalimutan ko kung sino ako. Pakiramdam ko ay isa lang akong ordinaryong tao kapag kasama ko siya. Pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako. Pinaramdam niya sa akin ang buhay na simple lang. Buhay na magulo kasama siya. Buhay na…hindi ko ma-imagine kapag nawala siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero wala akong lakas ng loob para ipaalam sa kanya ang mga ‘yon. Lahat ng nararamdaman ko ay nanatiling maliit sa sikreto.
“Bakit mo ‘ko tinititigan? In love ka na sa akin noh? Sabi sayo mas maganda ako kay Aliyah eh! Hindi ba? Ako na lang kasi mahalin mo!” sigaw niya.
Ugh. Ang ingay niya.
“Bakit kasi napakaperpekto niya? Simula nang malaman kong may Aliyah Gilbert sa mundo, noon lang pumasok sa vocabulary ko ang salitang insecure. Sa totoo lang, I envy her. Kasi meron siya nung bagay na gustong gusto kong mapasakin eh. Gustong gusto ko talaga si Sol kahit pandak siya. Sa tingin mo ba gusto niya rin ak—”
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang bigla ko siyang hinalikan. Pero isang mabilis na halik lamang iyon. Mabilis ko ring inihiwalay ang mga labi ko sa mga labi niya.
“A-anong ginawa mo?” tanong niya na mukhang nagbalik na sa katinuan mula sa pagkalasing niya.
“Hindi ka gusto nung pandak na Sol na ‘yun, mahal ka niya. Hindi lang masyadong halata,” sabi ko.
Hindi siya nagsalita.Nanatili siyang gulat na nakatingin sa akin at nakatulala.
Napakamot ako sa ulo ko. “Next time nga, ‘wag kang iinom kahit pilitin ka nila.”
“Eh bakit? Huk!”
“Tsk. Tingnan mo nga ‘yan! Lasing na lasing ka na! Hindi mo na alam kung anong mga sinasabi mo.”
Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap nang mahigpit. Idinikit ko ang labi ko sa may noo niya at hinalikan ko siya roon.
“Crazy Alien,” bulong ko. Nababaliw na ako dahil sa’yo.
“Kung sakali kayang mas nauna mo akong nakilala, mamahalin mo rin kaya ako kagaya ng pagmamahal mo kay Aliyah?” tanong niya.
Napangiti ako at mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
“To be honest, I can still remember how we first met, Alien.”
☆☆☆
“Hey, why are you crying?” I asked the girl who’s wearing an alien outfit and has been crying for an hour now.
“You don't care,” sagot niya.
“You wouldn't cry without any reason. I can listen, you know,” I offered.
Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko . “Really?” paninigurado niya. Tumango ako bilang sagot.
“What are you doing here?” she asked.
“This has been my place for a long time,” I answered.
“This can't be your place. My family owns this,” she said with full conviction. “Anyway, how did you find me?” she asked again.
I heard you crying to death, cry baby, I thought. But I didn’t say it. “Oh, I was just passing by when I heard you crying. I think my feet have its own brain, the nex thingI knew I was standing here next to you,” I answered honestly. “So why are you here and why are you crying?”
She stood up and looked around to check if there's anyone who could hear or see us here.
“I hate Lilo,” she wisphered. “He told inay that… I like you.”
novelraw