Let me be the One 2

Chapter 3



Chapter 3

Sol’s Point of View

“Sol, I still love you and please, wala na akong pakialam sa mangyayari sa buhay ko. Just please choose. Is it Renesmee or me?”

Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Pinagmasdan ko ang mukha niyang luhaan at wala akong ibang maramdaman kundi ang paninikip ng dibdib ko habang tinitingnan ko siyang nasasaktan.

“Aliyah… I still love you, you knew that,” saad ko.

Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong reaksyon. Sa tingin ko'y alam na niya ang pasya ko.

“But I'm choosing Renesmee,” dagdag ko.

Muling pumatak ang mga luha niya.Nanatili lang akong nakatayo habang pinapanood ko siyang umiiyak.

“I never thought it would hurt so much like this.” Natatawang saad niya.

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin siya sa akin. Pinunasan niya ang basa niyang pisngi pero nababasa pa rin ito ng mga luhang patuloy sa pagpatak. Yumuko ako at saka ako tumingin ulit sa kanya. Looking at her makes it harder.

Naramdaman ko na lang na may kung anong mainit na bagay ang pumatak mula sa sulok ng mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, mabagal niyang iniangat ang malalambot at maliliit niyang mga kamay at saka niya hinaplos ang pisngi ko.

“I always wanted to say that I am sorry. That I am hurting too. That I'm trully sorry and I’ve made a bad choice. And now that I’m willing to make things right, am I already too late?” tanong niya.

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at saka dahan-dahang tumango.

“Is she that great? Great in replacing me in your heart?” mahinang tanong niya.

Napayuko ako habang inaalala ko ang mukha ni Renesmee na kumakain ng ice cream. That silly face of her that I never wanted to see pero nang tumagal ay hinahanap-hanap ko na at unti-unti ko nang nami-miss.

Napabuntong hininga ako.“Honestly, she's a bitch. She's a bitch with a good heart,” sagot ko. “I honestly envy her 'cause she got this heart that is so hard like a stone. And I decided to break it. And yet, after breaking it, I still envy her. You know why? 'Cause she's that strong, she can manage to tolerate all the misery I gave her.”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya dahil sa mga sinasabi ko. I know telling this entire thing would hurt her, but she has to know.

“Aliyah, it was too dark back then and the only thing I have was hope. Hope that you would come back.”

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at hindi ko maitatangging kitang-kita ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.

“I did. That's why I'm here,” sagot niya.

“You're here, but it’s so damn late.” Mabilis na sagot ko.

Muling pumatak ang mga luha niya.

“Because you already love her?” tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. Ngumiti siya kahit na may mga pumapatak na luha sa mga mata niya.

“But I want us back. Can’t we just start all over again?” Pagpupumilit niya.

“Aliyah….” tawag ko sa kanya. “What if we are really meant to say goodbye?”

Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko at sa palagay ko ay ito na ang tamang panahon para sabihin ito. “Aliyah, we both need to let go. We have to take our separate ways.” Napayuko ako at napabuntong hininga. “Aliyah…” tawag ko sa kanya. “Be the one. Let me go. Please.”

☆☆☆

Ji’s Point of View

Lumipas na ang ilang oras pero hindi pa rin sila nakakabalik sa resort. Gusto kong sumunod sa hospital pero mas mabuti sigurong bukas na lang ako pumunta doon. Sa palagay ko'y mas importante ang ginagawa ko ngayon. Nandoon pa panigurado si Aliyah para bantayan si Sol. Ang kailangan kong gawin ay hanapin si Renesmee, pero kahit na anong hanap ang gawin ko ay hindi ko siya mahanap. Kanina pa siya nawawala at hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko inaasahang makita ang isang lalaki na nakaupo sa may tabing dagat at tila pinagmamasdan nito ang dalampasigan. Hindi man siya ang gusto kong mahanap ay nilapitan ko pa rin siya. Habang papalapit ako ay napahinto ako dahil sa mga walang laman na bote ng beer na nasa tabi niya.

“Nagpapakalasing ka ba?” tanong ko at saka ako pumunta sa tabi niya.

Hindi siya umimik at nanatili lang siyang nakatingin sa kawalan. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng isang beer na nasa tabi niya. Binuksan ko ito at saka ininom bago nagpasyang magsalita at kausapin siya.

“Anong ginagawa mo dito? Di ba ay dapat hanapin mo si Renesmee at bantayan? Obligasyon mong pangalagaan ang security niya kaya hindi ka dapat nagpapakalasing dito,” saad ko at saka ako uminom uli ng beer.

Masama siyang tumingin sa akin at saka tumingin sa likuran ko kung saan ako banda nanggaling.

“Sa pagkakaalam ko ay isang oras ang layo ng hotel mula dito. Twenty minutes naman kung tatakbuhin mo, kaya napakaimposible atang napadaan ka lang dito,” saad niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na maiisip niya pa iyon.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

Tumawa ako ng pilit bago ko siya sagutin.

“Ah..eh.. akala ko kasi may kung ano pang meron dito kaya naglakad-lakad muna ako. Alam mo na.. Baka may chix akong makita,” sagot ko na tatawa-tawa pa.

Hindi pa rin naalis ang kunot sa kanyang noo kaya itinigil ko na lang ang pagngiti at pagtawa ng pilit. Nagseryoso na rin ako at uminom ulit ng beer.

“Bakit ka nandito?” tanong uli niya.

“Sinagot ko na ‘yang tanong mo.”

“Ah...Yun bang may hinahanap ka kasi?”

“Oo. Ah, este hindi!” Biglang bawi ko.

Natawa siya. “Nadulas kana nga, magsisinungaling ka pa,” saad niya at saka siya tumayo. “Wala na siya dito. Pinuntahan na niya si Sol.”

Magsisimula na sana siyang umalis at iwan ako pero natigilan siya nang magsalita ulit ako. “You know what? Just a piece of advice. Kahit na ipagsigawan mo sa buong mundo na mahal na mahal mo siya, si Sol pa rin ang mamahalin niya nang paulit-ulit. Mapapaos ka lang. Iwasan mo na siya. Iwasan mo na si Renesmee. Huwag mo ng ipilit ang noon pa man ay hindi na maipipilit.” Saad ko.

Natawa siya ng sarkastik at dahan-dahang humarap siya sa akin. “Wag kang umasta na para bang ako lang ang nakakaramdam nito para sa kanya.” Tila nang-iinis na sagot niya. Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin bago siya nagpatuloy. “Mahal mo rin siya hindi ba?” tanong niya na para bang alam niya kung anong sagot sa sarili niyang tanong.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko magawang sumagot.

“Mahal mo siya pero mahal niya si Sol. Parang katulad lang ulit nang nangyari sa inyo ni Aliyah. Minahal mo rin siya noon pero wala kang magawa dahil mahal niya si Sol. Nagparaya ka. At ngayon, ginagawa mo uli yang katangahan mo.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Awtomatiko ring naisarado ko ang kamao ko at pilit kong pinipigilang mainis.

“Wag mo ‘kong igaya sayo. Hindi ako duwag. Handa akong masaktan, maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko para kay Renesmee. Handa ko siyang patahanin sa tuwing umiiyak siya dahil sinasaktan siya ng Sol na ‘yun. Handa akong masaktan para sa kanya. Handa ko siyang mahalin ng buong buo.” Saad niya.

Dahan-dahang nawala ang kunot sa noo ko at unti-unting natawa mula sa mga narinig ko sa kanya. “Yun nga lang, handa niya ring gawin ang lahat ng ‘yan para sa taong mahal niya. Para kay Sol. At sa huli, ikaw pa rin ang masasaktan. Ikaw pa rin ang talo,” sagot ko.

Mukhang hindi niya inaasahan ang isinagot ko kaya iniwas niya ang tingin niya. Aminado rin siyang tama ang sinabi ko.

“Wag kang mag-alala. Hindi ako tanga. At mas lalong hindi ako duwag. Kung tutuusin, matapang pa nga ang tingin ko sa sarili ko dahil handa akong masaktan para lang makita ko si Renesmee na maligaya sa piling ni Sol. Gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang siya. Kung kailangan kong paglapitin silang dalawa para lang sumaya si Renesmee, gagawin ko ‘yun.”

Matagal siyang natahimik bago unti-unti ding natawa.

“Tanga ka nga talaga. Bakit mo sinasabi sa akin ‘to? Sa tingin mo ba ay dahil sa mga sinabi mo ay mapipigilan niyan ang tunay na nararamdaman ko, ha?” Naiinis na tanong niya.

Ibinulsa ko ang mga kamay ko at nagkibit-balikat sa kanya.

“Hindi ko sinasabi ‘to para pigilan ang nararamdaman mo. Sinsabi ko ‘to para may ma-realize ka. Maawa ka sa sarili mo. Para kang may hawak na blade na handang laslasin ang sarili mong pulso. Wag kang maging selfish sa sarili mo. Mag-iwan ka kahit konti.” Pagkasabi ko noon ay hindi ko na hinintay pang magsalita siya, agad na akong tumalikod at naglakad paalis.

☆☆☆

Renesmee Marie’s Point of View

Maglalakad na sana ako pabalik ng resort mula sa bar kung saan ako nagpakalunod sa alak nang may lalaking biglang humarang sa daraanan ko. Naamoy ko ang pabango niya kaya dahan-dahan kong iniangat ang mukha ko para tingnan siya at tama nga ang hula ko. Si Sol nga. Agad kong naramdaman ang umaapaw na hinanakit ko nang makita ko siya. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at naglakad ako sa gilid niya para lagpasan sana siya pero napahinto ako nang hinigit niya ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap.” Hinihingal na sabi niya.

Hinatak ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya bago ako sumagot. “Bakit mo naman ako hinahanap? Kailan ka pa nagka-interes na malaman kung saan ako nagpupunta?” Halata sa reaksyon niya ang pagkagulat dahil sa naging sagot ko.

“Alien, may problema ba? Dahil ba sa nangyari kanina? Dahil sa allergic ako sa hipon? Alien, sorry kung hindi mo alam na allergic ako dun. Sorry kung hindi ko nasabi,” pagpapaliwanag niya.

“Wala ‘yun. Ano bang pakialam ko sa allergies mo?” sagot ko.

Napakunot ang noo niya. “May problema ba?” tanong niyang muli.

Mabilis ko siyang tinalikuran pero hinatak niya ulit ako at nagulat ako nang yakapin niya ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha kong kanina ko pa pilit na pinipigilan.

“Renesmee, what's wrong?” tanong niya.

Itinulak ko siya palayo sa akin.

“What's wrong? Sht! May gana ka pang itanong sa akin ‘yan? Bakit, Sol? Ano ba ako? Panakip butas? Libangan habang wala si Aliyah? Nandito ka ngayon, hinanap mo ‘ko, bakit? Para mag-thank you? Para sabihin sa akin na kayo na ulit ni Aliyah? Wow! Masaya ako para sa inyo! Sobrang say—”

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang idampi niya ang mainit niyang labi sa labi ko. Matagal akong natulala dahil sa ginawa niya pero mabilis din naman akong naka-recover at marahas ko siyang itinulak palayo.

“Ano ba! Ang sakit sakit sakit na!” sigaw ko habang hinahampas ang dibdib ko. “Hindi ka ba naawa dito, ha? Hindi ba? Kasi ako awang awa na. Awang-awa na ‘ko sa puso kong pagod na sa kakahangad na mahalin mo rin!”

Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang umaapaw na. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Ang sakit.

“Renesmee mahal din kita,” saad niya at saka dahan-dahang lumapit sa akin.

“Mahal mo ‘ko?! Mahal mo rin siya?! Mahalin mo na lahat! Nahiya ka pa!”

Nagulat na lang ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pareho kaming nagulat at hindi inaasahan ‘yon. Umiling ako sa kanya at tatakbo na sana ako paalis pero agad niya akong napigilan.

“I hate you! Yeah I hated you! But when I say I love you, it's true, Renesmee. I love you. I love you straight from here,” saad niya at saka niya itinuro ang kanyang dibdib. “I never imagined that I can love someone like this.”

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at hindi makapagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

“When you let Aliyah borrowed that taxi, all my life, I swear to God, that I don't want to see you anymore. But look what happened here. I fell in love with the girl who turned my life into a miserable one.”

Umiling ako sa kanya. Hindi ko na kayang maniwala pa sa mga sinasabi niya. Hindi na.

“Tama na, Sol. Pagod na ‘ko sa paniniwala sa’yo nang paulit-ulit at pagkatapos ay ano? Mauuwi na naman sa wala ang mga sinasabi mo!”

“Renesmee, listen. I know I made a lot of mistakes. For all that I’ve done to hurt your heart, I'm so sorry. But please believe me when I saythat when Aliyah left me there hanging and everything was so vague? Everything became clear when you came, Renesmee. You’re my star, remember? You were the only light I had during those dark days.”

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Heto na naman ba, Renesmee? Magpapaniwala ka na naman ba sa mga kasinungalingan niya?

“Renesmee, I'm sorry that you had togo through all these pain before I could finally realize that it’s you. That you’re the one. I’m really sorry for being numb and insensitive. For being dumb to realize so late that I love you so much. Just please… Belive me, this time it’s for real.”

Umiiyak akong napahawak sa dibdib ko.

“Sol, ano ba ‘to? Ano na naman bang ibig sabihin nito?”

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Unti-unti niya akong hinila at niyakap habang nasa kalagitnaan kami ng malakas na ulan.

“Renesmee, I love you. I chose you,” bulong niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.