Kiss Me

Chapter 3



Chapter 3

Shane

"Nagpropose na ba siya?" I asked Ara, while waiting for Shasney. She's taking the entrance exam.

"Ano ka ba? Hindi pa noh,” sagot niya.

"Ang tagal tagal nyo na, di pa rin siya nagpopropose? Ang hina naman ni Matt,” biro ko. "Dadating din kami don, huwag kang mainip. Mas excited ka pa saken eh,” at tumawa si Ara. "Eh syempre naman, para may kalaro na si Shasney ko. Don't tell me hindi ka excited?" Tumingin siya sa akin at ngumiti ang mga mata.

"OH??!,” napasigaw ako ng biglang may nadapang bata sa harapan namin ni Ara. Tinulungan ko siyang makatayo.

"Are you ok?" I asked him. Pinagpagan ko ang school uniform niya na nadumihan ng lupa.

"Ok lang po ako,” nakangiti niyang sagot. Lumabas ang dimples ng batang kaharap ko na sa tantya ko ay 5 to 6 years old. May kamukha siya eh, hindi ko lang maalala kung sino at kung saan ko nakita.

"Cian!"

Napalingon kaming dalawa sa babaeng sumigaw. Nilapitan niya ang batang kaharap ko. "Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala."

Tiningnan ako ng babae. Tiningnan ko din siya. Maganda siya, mapayat pero para sa akin sexy siya. Ano niya kaya ang batang to?

"Mommy,” tawag ng bata sa babae.

"Nadapa kasi siya kaya tinulungan ko siya,” sabi ko sa babae.

"Ah ganun ba? Salamat,” sabi niya sa akin at bumaling na siya sa bata. Hinawakan sa kamay. "Halika na. May pupuntahan pa tayo,” at umalis na silang dalawa.

Ilang sandali pa ay lumabas na din si Shasney kasabay ang mga batang nagtake din ng exntrance exam.

"Mommy!" Nilapitan ko siya.

"How's your exam baby?"

Nagthumbs up siya saken. Ang galing talaga ng baby ko!

"Dahil dyan, kakain tayo sa labas." "Yeheyy!"

Palabas na kaming tatlo sa gate ng may mapansin akong pamilyar na sasakyan.

"Tara na?" sabi ni Ara sa akin ng mapansing huminto ako sa paglalakad. Hawak hawak niya sa kamay si Shasney.

"Mommy, let's go!" Lumapit sa akin ang dalawa.

"Si Alex yun, diba?" sabi ko kay Ara, at itinuro ko ang lalaking nakasakay so kotseng nakita ko.

"Oo nga no? Bakit sumasakay sa kotse niya yung mag-inang kausap mo kanina? Kaano ano siya ni Alex?" tanong ni Ara.

"Ewan ko. Ngayon ko lang naman sila nakita eh,” at tuluyan ng umalis ang kotse ni Alex.

Kotse ni Ara ang gamit namin ngayon. Hindi pa din kasi ako pinapayagan ni Gian na magdrive pero ngayong papasok na sa school si Shasney, pipilitin ko na siyang payagan akong magdrive.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.