Kiss Me

Chapter 2



Chapter 2

Gian

"Pakidala na lang dito ng mga papeles na kailangan kong pirmahan," utos ko sa aking secretary mula sa intercom.

Kasabay naman nito ang pagtunog ng cellphone ko.

"Hello," sagot ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag. Busy ako, ayokong maabala, pero sinagot ko pa din.

"Sama ka naman sa amin mamaya," sabi ng boses sa kabilang linya. Its Chad.

"Busy ako, madami pa akong kailangan ayusin dito sa opisina," sagot ko.

"Ano ba yan? Simula ng imanage mo na yang kumpanya, nawalan ka na ng time sa pagtugtog,” reklamo niya.

Totoo yun. Sila kasi kahit may mga trabaho sila, nagagawa pa din nilang bigayan ng time ang pagtugtog, but not me. Pero masyadong malaking responsibilidad ang hinahawakan ko ngayon. Isa pa, pamilyado na ako. Meron na kaming Shasney ni Shane.

Gustong gusto ko talaga ng anak na lalaki, pero nung nagpa-ultrasound na si Shane and we found out na babae, hindi naman ako nadisappoint. Anak ko yun. Kaya mahal na mahal ko, lalo na when Shane gave birth. Sobrang cute niya. Naiiyak nga ako ng makita siya, lalo na ng marinig ko ang iyak niya.

Habang lumalaki si Shasney, mas lalo siyang gumagandang bata and yes, I can't deny na mas kamukha siya ni Allyna. Malakas nga pala ang dugo ng Santillan.

Nang makita ni Allyna ang bata, nagprisinta agad siyang ninang, at wala na daw kaming magagawang mag-asawa dun. Sinabi ni Shane na kukunin naman daw niya talaga si Allyna na ninang ni Shasney kahit hindi ito magprisinta.

"O sige, susubukan ko pero hindi ako sigurado ha," sabi ko kay Chad para matapos na ang usapan namin.

"Sige, basta aasahan ka namin." Tumunog muli ang intercom.

"Sir, si Sir Alex po, gusto kayong makausap." "Sige, papasukin mo siya."

Pagkatapos ng ilang saglit nandito na sa loob ng opisina ko si Alex.

"Mahihirapan akong pabagsakin ang kumpanyang ito kapag ganyan ka kasipag magtrabaho," sabi ni Alex.

Nag-angat ako ng tingin mula sa mga files na hawak ko at tiningnan siya. Bigla siyang tumawa. "Biro lang," sabi niya.

"Natuloy ba ang meeting mo with the Mendez?" tanong ko sa kanya. Umupo siya sa silya. "Yes. Sa kanila na tayo kukuha ng furnitures para sa bagong resort," sagot niya.

Si Alex ang napili ni Lolo para magmanage ng mga resorts namin dito sa bansa. Tutal mahilig naman siyang magliwaliw kaya nagustuhan niya ang ginagawa niya. Masasabi kong maayos naman siyang magtrabaho.

"Good. Siguraduhin lang nila na hindi sila papalpak. Siguraduhin mo din,” sabi ko at ibinalik ko na ang tingin ko sa mga files na hawak ko.

"Oo na. Sigurado yun. I have to go, may pupuntahan pa ako,” paalam niya. Tumayo na siya at binuksan ang pinto ng bigla siyang bumalik at nagsalita.

"Gian.."

"O?" sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa mga files. "Do you still remember Cheska?"

I stopped for a while. Nag-isip. Cheska? Cheska?

Tiningnan ko na siya. Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. "Cheska?" ulit ko.

"Francesca Vasquez,” sabi niya. Yeah. I remember her.

"What's with Francesca?" tanong ko. "Nakita ko siya minsan sa mall." "And?"

"You're in a big trouble dude."

Pagkasabi niya noon. Lumabas na kaagad siya ng pinto. Big trouble??


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.