Kiss Me

Chapter 1



Chapter 1

Shane

My eyes are closed until I felt his hands on my stomach. That tickles. I can't help but laugh a little. Akala ko tulog pa din siya.

"What?" he asked.

I opened my eyes. "Nakikiliti ako. Stop that," sabi ko sa kanya.

Instead of stopping, umakyat pa lalo ang kamay niya. Wala akong suot na pantaas aside from my bra na ngayon ay nararamdaman kong unti-unti na din niyang tinatanggal.

"What the hell are you doing?!" tanong ko sa kanya. Nakatitig na kami sa isa't isa. He smiled and asked me back, "What do you think am I doing, huh?"

Tuluyan na niyang natanggal ang bagay na pinipilit niyang alisin. Hinila ko ang kumot pero hinihila naman niya pababa.

"Hanggang ngayon ba naman nahihiya ka pa din na makita ko ang katawan mo? Wifey, limang taon na nating ginagawa to," sabi ni Gian.

Hindi ako nagsalita. Eh paano ba naman ako makakapagsalita hinalikan na kaagad niya ako. Kakatapos lang kagabi, tapos ngayon ulit. Adik na to! Ay. Kami pala!

Imagine, sa loob ng limang taon, hindi nawawala ang romance sa aming dalawa which is good. Sa loob ng limang taon, hindi na din naman ako inosente pagdating sa ganitong bagay.

Ano ba tong mga naiisip ko?!

Pagkatapos halikan ang labi ko, tenga ko naman ang pinagdiskitahan that made me moan a little. He's on my top and I can feel his hardness between my legs. Bumaba ang ulo niya papunta sa leeg ko down to my breast.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay upang kapitan pero tinanggal niya din ito kaagad so he can easily take off my underwear.

He was about to touch me until... "MOMMMMYYYYY!!!"

Sunod na sunod na katok ang narinig naming dalawa. Napaub-ob na lang si Gian sa katawan ko.

"Wifey, ano na namang problema ng anak mo?" Itinulak ko si Gian kaya napahiga na siya sa tabi ko.

Mas lumalakas ang mga katok. Nagmadali akong nagbihis.

"Hubby, magbihis ka na din. Nagiinarte na naman ang anak mo," sabi ko.

Hindi pa rin natitinag sa pagkakahiga si Gian. "Manang mana kasi sayo," bulong niya. Narinig ko yun.

"Aray!" binato ko siya na unan.

"Sayo mana yun ng kaartehan," sabi ko. "DADDDYYYY!!!"

Sa wakas, tumayo na din si Gian. "DAAAADDDYYY!!”

"Daddy daw. Bilisan mo. Ikaw ang kailangan ng anak mo." Nagbihis na siya.

"Ang lakas namang kumatok nun? Sisirain ba niya ang pinto?" Si Gian ang nagbukas ng pinto. Binuhat niya ang bata. "Anong problema ng baby ko?"

"Daddy, look!” Ipinakita niya kay Gian ang hawak hawak. Ang kanyang iPad. Lumapit ako sa mag-ama.

"Mommy oh, ang galing ko na!" sabi ng anak ko at ipinakita ang nilalaro niya. Isa yung educational game.

Bumaba na kami para magbreakfast. Buhat-buhat pa din ni Gian ang bata at iniupo ng makarating kami sa dining table. Itinabi na muna niya ang iPad.

"Wala na bang ibang gagawin ang anak mo kundi manira ng gamit?" bulong sa akin ni Gian. "Bakit na naman?" tanong ko.

"Sigurado ako, yang gadget na hawak niya kanina ang ipinangpupokpok niya sa pinto," sabi ni Gian.

Malamang nga. Napakalikot ng batang yan. Yung gitara ni Gian, siya din nakasira. Well, hindi naman totally na nasira pero naputol niya string. Inikot kasi ng inikot yung hawakan. Mabuti nga hindi siya napaltikan.

"Mommy, ayoko ng egg."

"Why? Masustansya ang egg sa mga kids na tulad mo. You should eat that," sabi ko. Sumimangot ito at ginulo ang buhok.

"Eeeeehhh! Ayoko nung yellow," sabi niya. She just turned three nang matuto siya sa kulay, at ngayon magfo-four na siya.

Nilapitan ko siya at inayos ang kanyang ponytail.

"Shasney, huwag na maarte. Kainin mo na yan, ok?" sabi ko. Kapag ganito ang umaga namin, kailangan ko na naman siyang utuin para kumain.

"May surprise kami ni Daddy sayo," sabi ko.

Nakuha ko ang atensyon niya at ngumiti. Kamukha siya ni Allyna, eh kasi naman si Allyna at Gian ang gusto kong palaging kasama noong ipinagbubuntis ko si Shasney tapos ang pilik mata, sigurado kay Gian mana, pati kaartehan.

"Pupunta tayo sa school. You will take an exam, at kapag nakapasa ka, papasok ka na. O diba? Masaya yun?"

Kulang na lang magtatalon si Shasney sa tuwa.

"O wag malikot. Baka mahulog ka," paalala ni Gian. "Yeheeyyy!! I love you Mommy. I love you Daddy."

Isa pa sa namana ni Shasney sa Daddy niya ay ang kasweetan.

Nagbihis na si Gian para pumasok sa office. Si Shasney naman ay kasama si Yaya Thelma sa baba.

"Are we sure Shasney is ready for school?" tanong sa akin ni Gian habang inaayos ko ang necktie niya.

"Of course. Alam mo naman na matagal na yang inuungot sa atin nung bata. Did you see the smile in her eyes?" sagot ko.

Hinapit niya ang bewang ko.

"Yes. She's really pretty. Mana sayo,” sabi niya.

"She looks like Allyna,” and I gave him a kiss on his lips. I was about to let go but he wont let me. He's waiting for me to part my lips but I didn't. Kumunot na ang noo niya at umungol. I know he's complaining.

"Ang damot mo," sabi niya. Tumawa ako.

"Gusto mo ba talagang pumasok sa office?" I asked him.

"Yes because I have to, pero kung ako ang papipiliin, I'll spend my whole day with you," sagot niya.

"Exactly my point. Baka kung saan pa tayo mapunta. Male-late ka. Pag-uwi mo na lang," bulong ko sa kanya, then I realized bakit ko pa ibinulong eh kami lang naman sa kwarto.

Ngumiti siya. Hindi naman siya halatang excited. Niyakap niya ako. "Promise?" tanong niya.

"Kahit naman walang promise, alam ko naman na gagawin natin yun eh. Ikaw pa?!" pangaasar ko sa kanya.

"Ayaw mo?"

Aba't! Tanungin ba naman ako ng ganun.

"Pervert ka! Pumasok ka na nga!" taboy ko sa kanya.

"Ako? Pervert? Baka nakakalimutan mo Mrs. Santillan, I'm your husband," at hinalikan na naman niya ako that made me laugh while he's kissing me.

"Hahaha! I know. Oo na, sasagutin ko na. OO. OO ang sagot ko. Kaya pumasok ka na. Narinig mo na ang gusto mong marinig ok?"

"Hindi ko pa naririnig ang gusto kong marinig," sabi ni Gian. Huh? Nasagot ko na naman ah.

Hinihintay niya akong magsalita, then I got it. Niyakap ko siya at nagsalita. "I love you Hubby."

He smiled.

"I love you too Wifey."

**

"Sige na po Yaya Thelma, ako na po ang magbibihis kay Shasney," at bumaba na si Yaya Thelma, matapos niya itong paliguan.

"Come here baby," tawag ko kay Shasney at binihisan ko ito. "Dapat gagalingan mo sa exam ha baby?"

"Yes mommy."

"I'll call your Ninang Ara, para may kasama tayo.”

At ngayon andito na nga kaming tatlo. Sa harapan ng magiging school ni Shasney. Ang Little Angels Montessori School.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.