Kiss Me

Chapter 4



Chapter 4

Alex

"Good. Siguraduhin lang nila na hindi sila papalpak. Siguraduhin mo din,” sabi ni Gian. Andito ako ngayon sa opisina niya para sabihin na ok na ang meeting ko with the suppliers.

Masaya naman ako sa ginagawa ko so ipinagpapatuloy ko lang. Pasasaan ba't magbubunga din lahat ng pinaghirapan ko.

"Oo na. Sigurado yun. I have to go, may pupuntahan pa ako,” paalam ko. Binuksan ko na ang pinto ng may maalala ako.

"Gian.."

"O?" sagot niya ng hindi man lang ako tiningnan. "Do you still remember Cheska?"

Mukhang nag-iisip siya. He looked at me, nalilito. "Cheska?" ulit pa niya.

"Francesca Vasquez,” sabi ko. Buti na lang naalala ko ang full name niya. "What's with Francesca?"

"Nakita ko siya minsan sa mall." "And?"

"You're in a big trouble dude."

At lumabas na ako ng opisina niya. Bahala siyang mag-isip kung anong ibig kong sabihin. Malaking gulo to. Wala akong oras makipagusap sa kanya tungkol doon.

Papunta ako ngayon sa school kung saan ko inihatid si Cheska. May mahalaga kaming paguusapan. Sakto ang dating ko. Palabas na siya ng gate at may kasama siyang batang lalaki. Yun siguro ang anak niya kay Gian.

Binuksan ko ang bintana ng kotse.

"Say Hi to your Tito Alex,” sabi ni Cheska sa bata. "Hi Tito Alex!"

"Hi! What's your name?" tanong ko. Nakakatuwa siya. Mukha siyang mabait.

"My name is Lord Cian,” ngumiti siya. Kanino kaya niya namana ang dimples niya? Kay Cheska o kay Gian? Sumakay na sila sa kotse.

Sa mall kami nagpunta, kung saan makakapagusap kami ni Cheska. Hinayaan namin ng maglaro muna si Cian. Hindi niya pwedeng marinig ang pag-uusapan namin.

"Eh di sabihin mo kay Gian ang tungkol dito,” sabi ko kay Cheska.

"Yun nga ang balak ko. Kumukuha lang ako ng tiyempo. Mas madali na ngayon kasi andyan ka. Tutulungan mo naman ako diba?"

"Oo. Tutulungan kitang sabihin kay Gian, in fact nabanggit na kita sa kanya kanina." Nanlaki ang mata niya. She can't wait for the details.

"Talaga? Anong sabi niya?"

"Tinanong ko lang kung naalala ka ba niya, and he said yes."

She laughed. "I'm pretty sure hindi niya ako makakalimutan. Bilang naman sa daliri ang mga nagiging girlfriends niya right? At higit sa lahat, maiksing panahon lang ang pinagsamahan namin. Napakaiksi."

I can still remember, wala na siyang ibang ginawa kundi magpacute kay Gian noon, to think na model siya noon. Noong mga panahong yun, si Sydney ang last girlfriend niya. Sabi ko noon kay Cheska, mahihirapan siyang makuha ang atensyon ni Gian dahil alam ko kung gaano nito kamahal si Sydney. Pero consistent ang babaeng to sa pagpapacute.

"Naging kayo ba talaga? Gaano ba kayo katagal? Isang linggo?"

"5 days. I do consider him as my ex boyfriend, ewan ko lang sa kanya. But I don't care, what matters now is Cian, my son. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa bata. Malaki na ang utang niya sa anak niya."

"Alam mo bang may pamilya na siya ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Its a fixed marriage right? How pathetic. Sigurado ako hindi mahal ni Gian ang asawa niya."

"Nagkakamali ka. Mahal na mahal ni Gian si Shane." Tiningnan niya ako ng masama.

"Kakampi ba kita? Tutulungan mo ba talaga ako?" "I'm just stating a fact."

"Whatever. Kayang kaya ko silang paghiwalayin. May hawak akong alas. After all, nasa akin ang panganay niya,” at tinapunan niya ng tingin si Cian.

"So kelan mo balak sabihin to?"

"As soon as possible. I really need your help. Kailangang magkita na kami."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.