Kiss Me

Chapter 21



Chapter 21

Shane

"Gian!" tawag ni Allyna.

Lumingon naman ako sa may pinto at nakita ko na naglalakad palapit ang asawa ko. Lumapit siya sa table namin at hinalikan ako sa pisngi.

"Are you sure you wanna do this?" tanong ni Allyna. Hindi ko alam kung sa akin ba niya itinatanong yon o kay Gian.

"Of course," sagot ko. Nakita ko namang tumango si Gian. "No, I mean like today? Really?"

"Allyna, kung hindi ngayon, kailan?" tanong ko.

"I'm sorry, Shane. It's just that.. Oh God! I will kill her," bulalas niya. "Allyna," saway ni Gian. "Ina pa rin siya ng anak ko."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sabay nila akong tiningnan. "I'm sorry," sabi ni Gian sa akin. "I didn't mean to.." Hinawakan ko ang kamay ni Gian at tumango ako.

"Let's go?" yaya ko kay Gian bago pa totohanin ni Allyna ang gusto niyang mangyari. Inihatid namin ni Gian si Allyna sa kotse niya at bago siya pumasok sa loob ay nagsalita siya. "Wait. Pwede ba akong sumama sa inyo? I wanna see her. I wanna—."

"Allyna," si Gian.

"Fine. Just promise me one thing, Gian." "Sure, ano yon?"

"Wag na wag mong hahayaan na saktan ng babaeng yon si Shane, okay?" "Of course. I will never let her do that," sagot ni Gian at niyakap niya ako. Everything will be okay, right?

Tuluyan ng umalis si Allyna.

Pumasok na kami sa loob ng school. Maya-maya pa naman ang labas ni Shasney kaya may time pa kami ni Gian sa isa't isa. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

"Gian!"

May babaeng tumawag mula sa likod naming dalawa. Ako ang unang lumingon and I saw Cheska and her son. Mabilis ang ginawang paglapit nilang dalawa. Ibinaling ko ang tingin kay Gian na nakatitig sa dalawa.

"Daddy!"

Dali-daling tumakbo ang anak ni Cheska at niyakap si Gian. Daddy??

Tiningnan ko si Cheska at abot tenga ang ngiti niya. Kung ganon, ang pamilyang tinutukoy niya ay... pamilya ko.

Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Gian. Nanlamig ang katawan ko sa gitna ng init ng araw. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalagnatin ata ako.

"Kanina ka pa ba?" tanong niya habang nakatitig kay Gian.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanyang nakangiting mukha. Daig pa niya ang tumama sa lotto kung makangiti siya.

"No, kadadating lang namin," sagot ni Gian at hinawakan sa isang kamay niya ang kamay ng bata. Hinigpitan din niya ang kapit sa kamay ko.

"Cheska, this is my wife Shane. Shane, this is Cheska," pakilala niya sa aming dalawa.

Ibang klase talaga siya. Walang bakas ng pagkagulat sa mukha niya nang ipakilala akong asawa ni Gian. Kung ganon, all this time matagal na niyang alam kung sino ako.

"Nice to meet you, Shane," bati niya at inilahad pa niya ang kamay niya. Tiningnan ako ni Gian. Napabuntong-hininga ako at nakipagshake hands sa kanya. I still can't believe this.

"Shane, Cheska is Cian's mother." "Yah, I can see that," sagot ko.

Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para makipaglaban ng sukatan ng tingin kay Cheska. Basta ang alam ko, alam ko ang plano niya.

Wait. Sinadya ba niyang ipaalam sa akin ang plano niya? Huh! Ibang klase talaga!

"Hi Cian! Do you still remember me?" baling ko sa bata. Nginitian ko ito. After all, wala pa ring kasalanan ang bata.

"What?" bulong ni Gian pero hindi ko pinansin ang reaskyon niya. Tumango naman si Cian.

"Shane, this is Cian my s-son. Cian, this is Shane my wife," pakilala ni Gian. "You can call me Tita Shane, okay?"

Ngumiti ang bata.

"Do you want to meet your baby sister?" tanong ko. Ngumiti siya at sumagot ng yes.

"Gian, wala pa sa usapan natin ang tungkol sa pagpapakilala sa anak mo," singit ni Cheska. Hinila niya ang bata mula kay Gian.

"Pero makikilala at makikilala niya din ang anak ko," sagot ni Gian.

"Ah basta, saka na natin pag-usapan yan. Mauna na kami ng anak mo," paalam ni Cheska. "Let's go Cian."

And then they are gone.

Sinundo namin si Shasney at nagdiretso na kami sa pag-uwi.

"Wait wifey. Bakit ganun ang tanong mo sa bata?" tanong ni Gian habang nagpapalit ako ng damit.

"I know her, Gian."

"What do you mean you know her? Paano? Kailan pa?"

"Madalas ko siyang nakakausap sa school and she's... crazy. Sinabi niya na... aagawin ka niya sa akin and she will do anything maagaw ka lang."

Dali-dali akong nilapitan ni Gian. "Hey, hey, don't cry."

Niyakap niya ako.

"She will do anything, Gian. Anything." Hindi ko mapigilang maiyak.

"Hindi niya magagawa yon."

Kumawala ako sa yakap at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "Hindi mo siya kilala."

"And you do? Shane, please stop. Hindi ako mawawala sayo, sa inyo ni Shasney." Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ulit ako.

"Kung ilipat na lang kaya natin ng school si Shasney?" tanong ko sa gitna ng mga yakap niya.

"Ssshhh. Wag ka ng mag-alala. Hindi natin kailangang umabot sa ganun. Pag-uusapan namin ni Cheska ang set up sa bata and everything will be okay. Okay?"

Tumango ako and he kissed my cheeks.

Kinabukasan ako ang naghatid kay Shasney sa school. Syempre hindi ako ang magdrive ng kotse. Nang maihatid ko siya sa classroom ay naisipan kong dumaan kina Ara, pero papalabas na ako ng gate nang makasalubong ko si Cheska.

"O, nasaan si Gian?" kaswal niyang tanong.

Wow. She's asking like I am just a nobody. Hindi ko napigilang mapakunot ang noo. Halos maningkit ang noo ko habang nagsusukatan kami ng tingin.

"O? Don't tell me iiyak ka? Gosh! Wag naman dito. Save yourself sa kahihiyan," sabi niya na may kahalong tawa.

"Kahihiyan? Hindi ba dapat ikaw ang mahiya sa mga plano mong gawin sa pamilya ko?" She crossed her arms.

"Bakit naman ako mahihiya? Eh kukunin ko lang naman ang akin. Una siyang naging akin kaya ako ang mas may karapatan sa kanya."

Nanigas ang kamao ko. Ibang klase talaga siya. San ba nagmumula ang mga ganitong klase ng tao.

"Kasal ako sa kanya kaya ako ang may karapatan sa kanya." "Anong pinanghahawakan mo? Papel?" Tumawa ulit siya. Psh. Baliw na to.

"Hindi mo maagaw sa akin ang asawa ko," matigas kong sabi. "We'll see about that," sagot niya at nilagpasan na niya ako.

Mas lalong nanigas ang kamao ko. Kakayanin ko bang lumaban sa taong tulad niya? Pero hindi ako pwedeng magpatalo. Nasa akin si Gian at hindi ko hahayaang maagaw siya ng kahit na sino. Lalaban ako!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.