Kiss Me

Chapter 22



Chapter 22

Shane

"You mean all this time kilala mo ang nanay nung bata?!"

Ang lakas lakas talaga ng boses ni Ara. Baka tuloy isipin ng mga kapitbahay niya eh may kaaway siya. Dito na ako kina Ara nagtuloy pagkagaling ko sa school.

"Nakilala ko lang siya noong pumasok na si Shasney sa school. Madalas kaming magkasalubong at magkakwentuhan tungkol sa pamilya."

"Ang malanding yon, kinaibigan ka pa!" naiinis na sabi ni Ara.

"Nabanggit mo na sinabi niya sayo ang plano niya? Tama ba? Bakit? Paano?" naguguluhang tanong ni Faye.

"Palagi niyang sinasabi na aagawin niya daw ang ama ng anak niya. Bubuuin daw niya ang pamilya nila," sagot ko.

"Thick face!" sabi ni Ara with matching irap.

"So sinadya niya talaga na sabihin sayo ang plano?" tanong ni Faye. "Tingin ko ay oo," sagot ko.

"Nang-aasar kamo. Kaya Shane dapat maging matapang ka. Pamilya mo ang nakataya dito. Base sa mga kwento mo eh hindi iyan ang tipo ng babae na tutunganga lang sa isang tabi," sabi ni Ara.

"Ikaw ang mas may karapatan dahil kasal siya sayo," singit naman ni Faye at bumaling siya kay Ara. "Ara, ipahiram mo nga dito kay Shane ang tapang mo nang malaman ng babaeng yon ang hinahanap niya at kinakalaban niya."

"Naku kung pwede nga lang eh nagawa ko na," sagot naman ni Ara. "Kaya ko namang maging matapang," sabi ko.

"Weh?!"

Sabay pa talaga silang dalawa.

"Kailangan kong maging matapang. Kakayanin ko. Lalabanan ko si Cheska kahit saan pa kami makarating. Kahit buhay ko, itataya ko para sa mag-ama ko!"

"Yan! That's the spirit! Kaya ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na at gumawa na kayo ng baby boy," taboy ni Ara.

Pagkatapos ng aming kwentuhan ay binalikan ko na si Shane sa school para sunduin siya. Nang makalabas ng classroom si Shasney at naglakad na kami palabas ng school pero nakaagaw ng atensyon ko ang batang umiiyak sa may labas ng nadaanan naming classroom.

"Cian?"

Nilapitan namin ito at si Cian nga. "Cian, why are you crying?"

I wiped away his tears.

"Mommy! I want my Mommy! Huhuhu." Nasan nga ba ang bruha mong ina? "Where is your Mommy?"

Panay lang ang iling ng bata. "I want my Mommy!!"

Tiningnan ko si Shasney at nakatingin lang siya kay Cian. Anak, kapatid mo yan. Paano ba to? Nasan ba ang teacher nito.

"Cian, hindi ko makontak ang Mommy mo. Huwag ka ng umiyak, please. Baka padating na siya," sabi ng isang teacher na bigla na lang sumulpot mula sa loob ng classroom. Nasa mid forties na ata. Binalingan naman ako nito.

"Excuse me, Miss. Kilala mo ba ang batang ito?" "Yes po," sagot ko.

"Hindi ko kasi makontak ang Mommy ng bata. Kilala mo ba ang parents niya. Mommy or Daddy?"

Dahan-dahan akong tumango.

"I can call his D-Dad," bulong ko. Tiningnan naman ako ni Shasney. "Thank you," sabi ni teacher.

Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Gian. Makalipas ang labinlimang minuto ay dumating na kaagad ito.

Patakbong niyakap ni Cian ang kanyang ama. "Daddy!!"

Binuhat nito si Cian. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Shasney. She is too young for this. Paano ko ba ieexplain sa kanya ang sitwasyon?

"Finally, I got the chance to meet Cian's father. I heard a lot of things about you. Palagi kang ikinikwento ni Cian at ng Mommy niya. I'm Mrs. Peralta, Cian's class adviser."

"Nice to meet you, Mrs. Peralta. I'm Gian Santillan, Cian's father," sagot naman ng asawa ko.

"Santillan? Santillan Golf & Country Club? Kayo rin ba ang may-ari ng Santillan Beach Resort sa Batangas?" tanong ni Teacher. Nanlalaki pa nga ang mga mata niya eh.

"Yes po. Ano po ba ang nangyari?"

"Kanina ko pa kasi tinatawagan ang Mommy ni Cian pero hindi ko makontak. Hindi pa kasi siya sinusundo."

"Huwag po kayong mag-alala. Iuuwi ko na po siya. Maraming salamat po," paalam ni Gian. "Let's go?" baling niya sa akin at sumunod na kami ni Shasney.

Sa kotse na ni Gian kami sumakay. Magkatabi sa backseat ang dalawang bata.

"Wifey, okay lang ba kung iuwi ko muna sa bahay natin si Cian?" tanong sa akin ni Gian habang iniistart niya ang makina ng kotse.

Sinulyapan ko ang dalawang bata. "Okay lang," sagot ko.

After all, si Gian pa din ang ama niya. Kailangan niyang protektahan ang bata. Ibinalik ko ang tingin kay Gian. Napakabait niyang ama. Napakaswerte ng mga bata sa kanya.

Pagkadating namin sa bahay ay kinausap ko si Shasney. Sinamahan naman ni Gian sa banyo si Cian.

"Anak, May sasabihin sayo si Mommy na sobrang importante okay?" simula ko.

I don't even know if maiintindihan ba niya ang mga sasabihin ko sa edad nyang ito. Napakabata pa niya.

"That boy, his name is Cian. You can call him Kuya Cian since he is older than you." Tumango naman siya. I paused and then I hold her hand.

"It might be hard for you to understand pero iisa ang Daddy nyo ni Cian." Bakas ang pagkalito sa mukha ni Shasney.

"He is your older brother." "So I have a Kuya?!"

Biglang nagliwanag ang mukha niya. Mukhang sabik nga siyang magkaroon ng kapatid? "Yes. He is your Kuya," sagot ko.

"Wow! I have a Kuya!"

Bata pa nga siya. Mukhang wala pa siyang pakialam kung paano siya nagkaroon ng instant Kuya. Basta ang mahalaga sa kanya may Kuya siya.

Nagtatakbo si Shasney sa labas ng banyo at hinintay lumabas ang mag-ama.

"So you're my Kuya?" nakangiting tanong ni Shasney kay Cian nang makalabas ito. Nagulat ako nang bigla na lang niya itong niyakap.

"Cian, this is Shasney your baby sister," pakilala ni Gian.

Nakita kong ngumiti si Cian at niyakap niya rin si Shasney. Masaya akong mukhang magaan ang loob nila sa isa't isa.

Lumapit sa akin si Gian. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking buhok.

"I am so lucky to have a wife like you and a daughter like Shasney. I love you so much, Shane," bulong ni Gian.

I was about to tell him I love him too when someone banging on our door.

"GIAN! WHERE IS MY SON?! OPEN THE DOOR!! YOU CAN'T TAKE HIM AWAY FROM ME! OPEN THE DOOR!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.