Kiss Me

Chapter 20



Chapter 20

Shane

I love Gian more than my life. I am willing to give everything for him. Sa loob ng higit kalahating dekada ng pagsasama namin, mas lalo ko siyang minamahal.

Alam ko naman na mahal din ako ni Gian pero hindi ko maiwasang isipin na iba na ang sitwasyon ngayon. May anak siya sa ibang babae. Hindi ko maiwasang magkaroon ng insecurities.

Sinabi ko kay Gian na gusto kong makita ang bata. Kamukha ba siya ni Gian? Magkaugali ba sila ni Gian?

Alam ko din naman na maraming nagmamahal sa akin. Isa na dyan si Allyna. Itinext niya ako at nakipagkita sa akin.

Gusto kong ipakita sa lahat na okay ako. Na oo, masakit pero kaya ko. Isa lang naman ang kinatatakutan ko. Ang mawala sa akin si Gian at ang anak ko.

"Sana maintindihan mo ang sitwasyon. Magtiwala ka lang kay Gian. Huwag kang mapaparanoid. Just keep calm.."

Huwag maparanoid? I will try my best. Tiwala. May tiwala naman ako kay Gian. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagaalala. Mahal na mahal kami ni Allyna. Siguro kung meron mang presidente ng fans club namin ni Gian, si Allyna yun.

"Thank you Allyna. Tama ka. Hindi naman talaga maiiwasan ang sakit, but I realized mas kailangan kong maging matatag. Hindi ako pwedeng magpatalo sa sakit na nararamdaman ko."

Kahit na alam kong nagaalala siya, I still want to see her smile, and I’m glad napangiti ko siya kahit papaano.

Marami nang iniisip si Gian at ayokong dumagdag pa doon.

“..Sa ngayon, ang mag-ama ko lang ang nasa isip ko. Ayokong mawala sila sa akin. Hindi ko kakayanin kapag iniwan ako ni Gian."

Natatakot ako na iwan niya kami ni Shasney.

"No Shane. Hindi kayo iiwan ni Gian. Hindi mo kailangang matakot. Hindi ako papayag na maagaw si Gian sayo ng babaeng yon. Kailangan mong maging mas matapang."

Wait. Nagkita na ba sila?

"Sinong babae? You mean yung ina ng bata? Did you meet her?"

And I was right. Nagkita na nga sila. Now I wonder what she looks like. Sino kaya sa kanila ang mas kamukha ng bata? Si Gian ba o ang nanay niya? May kurot akong nararamdaman habang iniisip yon.

Gusto ko na talagang makilala ang anak niya. Madami akong tanong na gusto kong masagot.

Hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na itanong kay Allyna kung madalas ba kayang magkita sina Gian at ang babaeng yon. Narealize ko na madami man akong tanong. Dapat madami o malakas din ang loob ko na tanggapin ang mga sagot. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tanong ko.

"Actually, I don't know. Siguro naman hindi. Ah, Shane, there's a huge chance na nakita mo na ang bata."

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Allyna. Ganun ba talaga kaliit ang mundo? "Iisa ang school nila ni Shasney."

Well malaki ang chance na nagkita na kami. Next thing I know nagpaalam si Allyna na pupunta lang daw siya sa ladies room.

Naiwan akong patuloy na nagiisip. Honestly ayoko ng ganito. Ayoko ng napaparanoid, pero paano kung ang sitwasyon na ang nagtutulak sa akin na magisip ng kung ano ano? Nagkita na nga kaya kami? Sino siya?

“Earth to Shane!”

Pamilyar na boses ang nagpabalik sa pagkatulala ko. Nakita kong kumakaway kaway pa ang kamay niya malapit sa mukha ko.

“Ok ka lang?” nakangiting tanong ni Cheska. “O-ok lang naman,” sagot ko.

“May kasama ka?” tanong niya at tumingin siya sa dalawang baso ng juice na nasa mesa. “Ah oo, pinsan ng asawa ko. Ikaw? May kasama ka?”

“Actually, dumaan lang ako para bumili ng coffee. May hinihintay kasi ako sa school. Magkikita kasi kami ng ama ng anak ko. Kagabi kasi umalis siya kaagad sa bahay,” nakangiti niyang sagot.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya na mukhang okay na sila ng ama ng anak niya kasi diba sabi niya noon sa akin bubuuin niya ang pamilya niya pero masisira yung isa?

“Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Meron kang masisirang pamilya,” paalala ko sa kanya. Ngumiti si Cheska.

“Kaya kong gawin ang lahat mabuo lang ang pamilya ko. Kapag ikaw na ang nasa sitwasyon ko, hindi mo na yan magagawang itanong sa sarili mo. Tandaan mo yan,” she said with conviction.

Umalis na siya dala ang binili niyang coffee nang may ngiti sa labi.

I still don’t get it. Hindi ko na alam ngayon kung hahanga ba ako sa lakas ng loob at paniniwala niya o maaawa at maiinis kasi alam kong mali ang gagawin niya.

“Are you okay?” tanong ni Allyna nang makabalik siya.

Dalawang tao na ang paulit ulit na nagtatanong sa akin niyan. Hindi ba talaga ako mukhang okay?

“Oo naman,” sagot ko at nakita ko siyang humabol ng tingin sa papalayong si Cheska. “K-kilala mo ba ang babaeng kausap mo kanina?”

Galit ba ang nakikita ko sa mga mata ni Allyna?

“Si Cheska. Oo, kilala ko siya. Ilang beses na din kaming nagkikita at nagkakausap..” Laglag ang balikat na umupo si Allyna.

“Allyna.. okay ka lang ba?” nagalala kong tanong. Para kasing namutla siya bigla. Hinawakan niya ang sentido niya.

“Im fine. Medyo sumakit lang ulo ko. Tumawag kasi si Alex. Alam mo naman ang kapatid kong yon. Puro sakit ng ulo ang ibinibigay sa akin. Anyway, kailan mo ba daw makilala ang bata?”

“Today.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.