Chapter 19
Chapter 19
Allyna
I heard lumabas na daw ang resulta ng DNA test. Sinabi sa akin ni Alex na positive ang resulta. I was alarmed kaya naman tinawagan ko kaagad si Gian.
"I still can't believe na may anak ka sa bruhang yon! Sana lang sayo magmana ng ugali ang bata,” sabi ko kay Gian.
"Cian is a smart kid, don't worry."
"Gian, kailan mo ito balak sabihin kay Lolo?" mababa na ang tono ko. Nag-aalala na din kasi ako.
"Hindi ko pa alam. Gusto kong maging handa sa pagsasabi kay Lolo. Natatakot din ako sa mangyayari sa kanya."
"How about Shane?"
"Nasabi ko na kay Shane, susunduin ko ang bata mamayang hapon sa school.."
Oh my! Alam na pala ni Shane. She must be really devastated. I know she needs me right now. "..Hello.. Yna? Are you still there?"
"Ah. Yeah. Gian, I have to go. By the way, where is Shane? Is she ok?"
"I'm sure nasa school siya ni Shasney, and Allyna I have to tell you something." "What?"
Habang kausap ko si Gian sa phone, inihahanda ko na ang kotse ko. Pupuntahan ko si Shane sa school ni Shasney. Eh teka, san nga ba ang school ni Shasney?
"Wait Gian, saan ba ang school ni Shasney?"
"That is what I wanna tell you. Iisa ang school nila ng anak ko kay Cheska. Sa Little Angels Montessori School. Was there a chance na nagkita na sila?"
Napahinto ako sa ginagawa ko. There's a big chance na nagkita na sina Cheska at Shane, pero malaki naman ang school na yon eh. Oh my God! Things are getting complicated.
**
I texted Shane. Sinabi ko na magkita kami sa isa sa coffee shop na malapit sa school ni Shasney.
Pagpasok niya sa coffee shop, hinanap niya ako. I waved at her para makita niya ako kasi nakasunglasses ako kaya mahihirapan siyang makilala ako. She walked on my table.
She looks.. beautiful, but oh! I know nasasaktan pa din siya. Tumayo ako nakipagbeso sa kanya.
"Shane, how are you? I heard alam mo na. Are you okay? I hope you are.." Naupo kaming dalawa.
"...I know this is hard for you pero alam ko you'll get through this." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Sana maintindihan mo ang sitwasyon. Magtiwala ka lang kay Gian. Huwag kang mapaparanoid. Just keep calm.."
Sunod sunod ang payo ko sa kanya. "Allyna.." tawag niya.
Tiningnan ko siya.
"Eh mukhang ikaw naman yata ang kailangang kumalma eh,” sabi niya. Napangiti ako. Hindi ko na napansin that I over reacted.
"Naku. Pasensya ka na. I got carried away with the situation. Eh kasi naman, hindi pa din ako makapaniwala na.."
Hindi ko tuloy kayang ituloy ang sasabihin ko. Nababasa ko sa mata ni Shane ang sakit.
"Shane, I know you're hurting inside. I just wanna let you know na andito lang ako palagi para sayo, sa inyo ni Gian at Shasney."
"Thank you Allyna. Tama ka. Hindi naman talaga maiiwasan ang sakit, but I realized mas kailangan kong maging matatag. Hindi ako pwedeng magpatalo sa sakit na nararamdaman ko."
Ngumiti ako.
"I'm glad to hear that."
"Alam kong iniisip ni Gian kung paano niya ito sasabihin sa Lolo niya at ayoko ng dumagdag pa sa problema niyang yon. Sa ngayon, ang mag-ama ko lang ang nasa isip ko. Ayokong mawala sila sa akin. Hindi ko kakayanin kapag iniwan ako ni Gian."
"He will never do that. Shane, he loves you so much. Alam mo yan."
"Noong marinig ko na may anak siya sa iba, sobra sobra akong nasaktan. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sisihin. The fact na lalaki pa ang anak niya, mas masakit. He really wants to have a son. But I realized, nangyari yon bago pa kami magkaroon ng relasyon."
"Nangyari yon bago pa kami ikasal. Wala siyang kasalanan, lalong lalo na ang bata. Mas nangibabaw ang takot na nararamdaman ko. Natakot ako na paano kapag naisip ni Gian na mas gusto niya yung anak niyang lalaki kesa sa amin ni Shasney? Baka yon ang maging dahilan para iwan niya kami."
"No Shane. Hindi kayo iiwan ni Gian. Hindi mo kailangang matakot. Hindi ako papayag na maagaw si Gian sayo ng babaeng yon. Kailangan mong maging mas matapang."
"Sinong babae? You mean yung ina ng bata? Did you meet her?" pagtataka niya.
"Yes. I met her once. That bitch! Hindi ako papayag na magulo niya ang pamilya nyo."
"Madalas.. madalas ba silang nagkikita ni Gian? Hindi ko pa kasi siya nakikita pero sinabi ko kay Gian na gusto kong makilala ang anak niya."
"Actually, I don't know. Siguro naman hindi. Ah, Shane, there's a huge chance na nakita mo na ang bata."
"What do you mean?"
Sasabihin ko ba sa kanya? Oh well, malalaman din naman niya sooner or later. "Iisa ang school nila ni Shasney."
"You mean all this time, maaaring nakasalubong ko na silang mag-ina?!" I just nodded.
"Wait lang Shane ha, I'll just go to the ladies room,” paalam ko sa kanya. As I walked through the ladies room, my phone rang.
"Where are you?!" sabi ng boses sa kabilang linya. "I'm with Shane,” sagot ko.
"Nakikialam ka na naman sa kanila? Dapat talaga hindi ko na sinabi sayo ang resulta eh." "Kahit hindi mo sabihin sa akin, malalaman ko din yon. Bakit mo ba ako hinahanap?"
"You have to come home. Who the hell is this guy na naghahanap sayo? Boyfriend mo ba yon? I didn't know you have a boyfriend."
My ever over protective brother! Wait.
Oh my God! I can't believe he's serious sa sinabi niya na uuwi siya dito sa bansa. "Okay. Tell him pauwi na ako."
Nagmadali akong lumabas ng ladies room and WHAT THE??! ITS HER!
THAT BITCH!
Pero bakit niya kausap si Shane? Magkakilala na ba sila? They're smiling. Are they friends? No. It can't be!
novelraw