Kiss Me

Chapter 18



Chapter 18

Gian

There's no easy way na sabihin kay Shane ang lahat. Alam ko na nasasaktan siya pero taliwas doon ang ipinapakita niya.

She's not acting cold. In fact mas naging sweet pa nga siya.

"I love you so much, Shane. I am really lucky that you are my wife."

"Mas maswerte ako sayo, kasi alam kong mahal na mahal mo ako, diba?" sagot niya. "Of course, ikaw lang at walang iba."

Then I kissed her. Mahal na mahal ko talaga si Shane at sa ikinikilos niya mas gusto ko pa siyang lalong mahalin. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi magtaka.

Sa limang taong pagsasama namin, isang beses lang niya ako sinigawan kapag magkaaway kami. Yon ay noong dumating si Sydney at yung tungkol sa mamanahin kong kumpanya.

Hindi ba mas malala ang sitwasyong ito? Bakit hindi niya ako sinisigawan? Mas gugustuhin ko yon. Para mailabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ayokong makitang nagpapanggap siya. Na itinatago niya lahat ng nararamdaman niya. Kung gusto niya akong saktan physically, tatanggapin ko.

"I wanna meet your son,” sabi niya sa akin.

Sure. Pero gusto nga ba niya talaga? Hindi ba mas masasaktan siya?

**

"Baka naman understanding lang talaga si Shane, kaya ganun ang ipinapakita niya sayo,” sabi ni Matt.

Tinapos ko ang lahat ng gawain ko sa office para makipagkita sa mga kaibigan ko. Sinabi ko sa kanila na sinabi ko na kay Shane ang tungkol kay Cian.

"Pero nakakatakot pa din. What if deep inside nasasaktan naman pala talaga siya?" tanong ko.

"Pare, anong what if? Walang what if, kasi sigurado yun, nasasaktan talaga siya. Sino ba namang asawa ang hindi masasaktan kapag nalaman niya na ang asawa niya ay may anak sa iba?" sabi ni Chad.

Napahinga ako ng malalim.

"I was really expecting na sisigawan niya ako, na mumurahin niya ako, na magagalit siya. Yung tipong hindi niya ako kakausapin, pero hindi eh. Umiyak lang siya tapos kinabukasan okay na siya, parang walang nangyari."

"Ayaw mo non?" tanong ni P.J.

I looked at him. Umiling ako.

"Nahihirapan akong basahin si Shane at sabi niya gusto niyang makilala ang panganay ko."

"Kausapin mo si Shane. Itanong mo kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Hindi pwedeng habang buhay na lang kayong magpapakiramdaman. Hindi lang kayong dalawa ang maaapektuhan, pati si Shasney,” sabi ni Chad.

Nag-ring ang cellphone ko. Its Cheska.

"Hello."

"Can you come over? Hinahanap ka kasi ng anak mo eh." Anak ko. Yeah.

"Okay. Papunta na ako."

"O? Saan ka pupunta?" tanong ni P.J.

"Its Cheska, gusto daw akong makita ni Cian."

"Whoa! Good luck pare. Kung ako sayo ayusin mo na kaagad kung paano ang setup nyo sa bata,” payo ni P.J.

**

"Daddy!" salubong sa akin ni Cian.

Wala akong nagawa kundi yakapin siya at binuhat.

Then from the kitchen, lumabas si Cheska. Sinasadya ba niyang magsuot ng ganun?

Isang sobrang short na short at manipis na T-shirt. Ganyan ba talaga siya magdamit pag nasa bahay siya? Hindi ko tuloy siya maiwasang ikumpara kay Shane. Kung si Shane ang magsusuot ng ganyan which I doubt kung mapapagsuot siya ng ganya, I will surely find her hot, pero si Cheska? Nah. Not at all. She's so thin.

"Dito ka na magdinner,” alok ni Cheska. Ibinaba ko si Cian.

"Hindi na. Maga-alas syete na din kasi. Sigurado hinahanap na ako ni Shane. Ibibigay ko lang din sana to kay Cian,” at iniabot ko sa bata ang toy car na binili ko bago ako nagpunta dito.

"Sayang, masarap pa naman ang niluto ko. Hindi mo naman pala matitikman,” sabi ni Cheska. "Pasensya na talaga. By the way Cheska, my wife wants to meet Cian."

"So, alam na pala ng asawa mo. Kelan ka daw niya hihiwalayan?" "What??"

Is she expecting na magkakasira kami ni Shane dahil sa bata?

"I mean, I'm not responsible sa reaksyon niya kung sakali man na nagalit siya sayo at hiwalayan ka niya dahil sa nalaman niya,” paliwanag niya.

"No,” tipid kong sagot. "Anong no?"

"No as in hindi siya nagalit. In fact bukas ng hapon ako na lang sana ang susundo sa school ni Cian para makilala niya pati ang anak namin ni Shane."

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Cheska pero agad siyang nagbawi sa reaksyon niya. "Well, sige. Payag ako basta iuuwi mo din kaagad sa akin bukas si Cian."

"No problem. Saan nga pala siya nag-aaral?" "Sa Little Angels Montessori School."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.