Kiss Me

Chapter 17



Chapter 17

Shane

May nagbukas ng pinto. Paglingon ko, its Gian. Katabi ko si Shasney sa kama, pinapatulog ko siya.

"Hubby,” tawag ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. "Its late. Kakatulog pa lang ba niya?" tukoy niya sa bata.

"Oo. Are you okay? What's wrong? Kumain ka na ba?" pag-aalala ko. Bakit ganun? Mukhang stress na stress si Gian. May problema ba siya? Bumangon ako, umupo sa kama.

"Gian.."

"Kumain na ako. Wag kang mag-alala." Hinawakan niya ang kamay ko.

"May gusto akong sabihin sayo,” at lumabas kami ng kwarto.

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong kinabahan. Parang may malaki siyang problema. Sa kumpanya ba? Sa Daddy niya ba? Huwag kang magalala Gian, andito lang ako para sayo.

Binuksan ni Gian ang sliding door papunta sa terrace. Ramdam ko ang malakas na hangin. Mukhang uulan pa yata.

"Gusto mo ba magpalit ka muna ng damit?" tanong ko to ease the tension. Nanlalamig ang kamay niya, mas kinakabahan tuloy ako.

"No need. Kailangan ko ng sabihin sayo to." Nakatitig lang ako sa mata niya.

"Shane.. I'm sorry,” sobrang lungkot ng boses niya.

Sorry? For what? Wala naman akong natatandaang kasalanan niya. "Gian, what are you sorry for?" nalilito kong tanong.

"There's this woman. She came to my office one day at sinabi niya na may anak ako sa kanya.." WHAT???

Dalawang kamay ko na ang hawak niya. Oh my God! He's really serious!

"...Nagulat din ako sa sinabi niya. In fact hindi ako naniwala sa kanya, but she was so sure na anak ko ang bata.."

Saan ba pupunta ang usapang ito? Umaagos na ang luha sa mga mata ko.

"Shane..,” sinubukan niyang punasan ang luha ko pero nag-iwas ako. Tinalikuran ko siya. Ayokong makita niya ang pagbe-breakdown ko.

Ang sakit sakit!

"Anak mo nga ba ang bata, Gian?" tanong ko. Nakatalikod pa din ako sa kanya. Alam kong mas masasaktan ako sa maririnig kong sagot mula sa kanya pero dapat kong malaman.

"We decided na ipa-DNA ang bata.."

Sa mga oras na 'to, umaasa pa din ako na baka mali ang iniisip ko, na sana hindi niya anak ang bata. Na sana..

"...and the result is positive." BOOM!

Halos sumabog ang mundo ko sa narinig ko. I thought we are a perfect family.. but I guess there's no such perfect family at all.

Naramdaman kong unti-unting lumalapit sa akin si Gian. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Wifey, there's no easy way to say this but I want you to know that I'm really sorry,” bulong niya.

"Ilang taon na ang bata?" tanong ko. "He's turning six,” sagot niya.

He. Great! Lalaki ang panganay niya. Mas nasaktan ako. Natupad naman pala ang gusto niyang magkapanganay na lalaki. Unfortunately, hindi sa akin.

Niyakap niya ako mula sa likod. Gusto kong kumalas sa pagkakayakap mula sa kanya pero alam kong sa kanya din naman ako kukuha ng lakas. Humarap ako sa kanya at hindi ko na napigilan, humagulhol ng iyak.

"Sssshh. I'm sorry Shane. I was so careless then,” pag-aalo niya sa akin. Pumasok na kami sa kwarto dahil bumuhos na nga ang malakas na ulan.

Nahiga na ako sa kama. Hindi ko na tinulungan sa pagpapalit ng damit si Gian. I just wanna sleep to escape from the pain.

Ipinikit ko ang mata ko.

"We decided na ipa-DNA ang bata.." "...and the result is positive."

Gustong gusto kong matulog pero paulit-ulit yan sa utak ko. Sana nanaginip lang ako.

**

Nagising ako sa iyak ni Shasney. My little Shasney. And then I realized something. Pinuntahan ko sa kwarto niya si Shasney pero nadatnan ko na si Gian, buhat na niya ang bata.

"Good morning Wifey,” bati niya. Medyo malungkot pa din ang boses niya kaya naman nilapitan ko siya at hinalikan sa labi.

"Good morning Hubby!"

Niyakap ko siya. Lumabas na kami ng kwarto at ibinaba na niya si Shasney. Hinapit niya ang bewang ko. "Galit ka pa ba saken?" nag-alala niyang tanong. Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya.

"No. Nangyari yon, before our marriage. Alam ko hindi mo din yon ginusto and besides, walang kasalanan ang bata."

Totoo ang sinabi ko. Mahal ko si Gian at gagawin ko ang lahat para intindihin siya. Hinawakan niya ang mukha ko.

"I love you so much, Shane. I am really lucky that you are my wife." "Mas maswerte ako sayo, kasi alam kong mahal na mahal mo ako, diba?" "Of course, ikaw lang at walang iba."

Then he claimed my lips.

"I wanna meet your son,” sabi ko kay Gian.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.