Kiss Me

Chapter 16



Chapter 16

Gian

Nang tumawag saken si Shane at niyayaya akong lumabas, hindi talaga ako pwede nun. Magkikita kami ni Lolo eh kaya naman pag-uwi ko, todo lambing ako sa kanya. Alam ko nagtampo siya kaya kailangan kong bumawi.

Nagulat pa nga ako nang kung anu-ano ang sinasabi ni Shane. Parang takot na takot siya na iiwan ko sila ni Shasney. I will never do that. Sila ang pamilya ko kaya hinding hindi ko sila iiwan.

Kahit na magulo ang sitwasyon at dumating si Cheska, hindi sumagi sa isp ko na iwan sila.

She suggested na ihatid namin si Shasney minsan sa school. I think that's a good idea. I need to make time for my family.

Pagkatapos naming dumaan kina lolo, ipinasyal ko silang dalawa. Tuwang tuwa si Shasney pati ni din si Shane.

Monday, nakipagkita ako kay Allyna. I told her about Cheska. Hindi niya pala ito kilala. Galit na galit siya ng malaman niya ang tungkol doon. Hindi din siya naniniwala na anak ko ang bata.

Sigurado ako hindi siya papayag na magulo kami ni Shane.

**

Sinabi ko kay Cheska na magkita na lang kami sa hospital. Ngayon ang araw ng pagpapaDNA ni Cian.

Dumating naman kaagad sila. Kasama si Alex, pero umalis din siya kaagad.

Si Dr. Robles ang kumuha ng mga tests. He's our family doctor. Kaibigan siya ni Daddy. Kung meron kaming pinagkakatiwalaang doctor, si Dr. Robles yun. Masyadong confidential ang bagay na to kaya siya ang napili ko. Pinakiusapan ko na lang siya na huwag munang babanggit ng kahit na ano tungkol dito kay Daddy at kay Lolo.

"Gian, maglunch muna tayo,” Cheska suggested. Kakatapos lang ng mga tests. "Para na rin makapagbonding kayo ng anak mo,” dagdag pa niya.

She is so confident na anak ko si Cian. I have to wait until I see the results. Tiningnan ko ang bata. Gwapo siya. Ngumiti siya sa akin. May dimples din siya. Sa akin kaya niya yun namana?

Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Cian, saan mo gustong maglunch?" tanong ko.

Sinagot niya ako kung saan ngunit bigla namang nagring ang cellphone ko. Sinagot ko ito. Si Lolo.

"Cheska, I'm sorry. I have to go. Si Lolo kasi tumawag. Its urgent."

Lumungkot ang mukha niya.

"Cian, hindi kita masasamahang maglunch ngayon eh, some other time maybe?" "Promise?" tanong ng bata.

"Promise."

Ngumiti ulit siya. Bakit ganon? Why do I have this feeling that I'm cheating on my wife? Pero hindi naman diba?

Kaya naman hindi ko pa sinasabi kay Shane ang tungkol dito kasi gusto ko munang makasigurado kung anak ko nga ang batang to. Ayokong magpadalos dalos. Ayokong masaktan ang mag-ina ko sa isang bagay na hindi naman pala totoo kung hindi ko nga siya anak.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at pumunta sa opisina.

**

Pagkalipas ng ilang araw, nakita ko na ang resulta. Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ko ang papel. Sa opisina ko na ito binasa. Hindi pa din ako makapaniwala sa nabasa ko.

POSITIVE??

Positive.

Positive.

Anak ko si Cian. Anak namin ni Cheska. Ang panganay ko.

Paulit ulit sa utak ko. Pinipilit kong tanggapin ang katotohanang yon. Nagbalik sa isip ko ang maamong mukha ng bata. Napapangiti ako kapag naiisip ko siya. Anak ko siya. Dugo at laman ko siya. May little Gian ako!

Gusto ko siyang yakapin. Pero paano ko ito sasabihin kay Shane? Kay Shasney? Kay Daddy? Kay Lolo? Naguguluhan na ako.

Siya namang pasok ni Alex sa opisina ko.

"Gian, kasama ka ba sa meeting mamaya?" tanong niya. May meeting ba? Nakalimutan ko na. Tiningnan ko siya ngunit hindi ako sumasagot.

"What? Napano ka?"

Kinuha ko ang DNA result at iniabot sa kanya.

Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat. Akalain nyo maging si Alex nagulat din ng malamang may anak ako sa iba. Sino nga bang mag-aakala. Pero andito na to, wala na akong magagawa.

"P-POSITIVE??" bulalas niya.

"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa pagpapaliwanag sa mag-ina ko,” sabi ko. "Anong plano mo?"

"Gusto kong kunin yung bata. After all, he's my son."

Kukunin ko ang bata, pero kailangan ko munang sabihin kay Shane. "Paano si Shane?"

Concern pa din pala siya kay Shane.

"Sasabihin ko din naman sa kanya ang tungkol dito, hindi ko lang alam kung paano,” sagot ko.

**

Pagkatapos ng meeting dali-dali na akong sumakay ng kotse at nagdrive pauwi. My phone rang. Its Cheska.

"Hello Daddy Gian. Did you miss us?" bungad niya.

"Can I talk to my.. to Cian?" I was about to say 'to my son' pero parang ang hirap pa eh. "Sure. Cian! Your Dad wants to talk to you."

At narinig ko na ang boses ng bata. "Hello.."

"Hi Cian. How are you?"

"I'm fine. Can I ask you something?"

"Ano yon?" Somehow may nararamdaman akong tuwa ngayong kausap ko ang panganay ko. "Since Mommy told me you are my Daddy, can I call you Dad?"

Nagsisimulang mamuo ang luha sa mata ko, pero patuloy lang ako sa pagdrdrive. Gusto kong yakapin ang batang kausap ko ngayon.

"Of course. You can call me Dad. One of these days, I want you to meet your baby sister."

"Really? I have a sister?" tuwang tuwa ang boses niya. "Cian, give me the phone,” boses ni Cheska.

"So kelan mo kami balak bisitahin mag-ina?"

"Give me time Cheska. Hindi madali ang lahat. Hayaan mong sabihin ko muna sa mag-ina ko ang tungkol sa bagay na to."

"Sige. Pagbibigyan kita. Pero siguraduhin mong hindi mo patatagalin or else pwede ko naman siyang ipakilala sa Lolo mo."

"Binablackmail mo ba ako?" galit kong tanong. Anong binabalak niya?

"No. Sinasabi ko lang sayo ang kaya kong gawin. Sinasabi ko lang sayo ang mga posibleng mangyari kapag pinaasa mo kaming mag-ina sa wala. Tandaan mo Gian, responsibilidad mo kami."

"Alam ko ang ginagawa ko. Isa pa, si Cian lang ang responsibilidad ko. You are not my wife. Hindi mo din alam ang kaya kong gawin, kaya huwag na huwag mo akong tatakutin."

I ended the call. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi muna dapat malaman ni Lolo ang tungkol dito. Baka kung anong mangyari sa kanya.

Pagkadating ko sa bahay umakyat ako sa taas, hinanap ko si Shane at nakita ko siya pinapatulog si Shasney.

Wala akong nakikitang dahilan para patagalin pa na sabihin kay Shane ang tungkol kay Cian so I guess, dapat ko ng sabihin ngayon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.