Kiss Me

Chapter 12



Chapter 12

Shane

"Shane!"

Nagulat ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko. "Shantelle!"

Paglingon ko si Francesca, papalapit sa akin. "Hi!" bati ko sa kanya.

"Bakit nandito ka sa labas?"

"Nagutom kasi ako bigla, bibili lang sana ako ng food dyan." Ngumiti siya sa akin.

"That's great! Halika. Sasamahan na kita. Nagugutom na rin ako eh."

"Mabuti naman may kasama na ako ngayon sa pagkain. Boring din kasi mag-isa." Nakahanap naman kami kaagad ng makakainan malapit sa school.

"Ikaw palagi ang naghahatid sa anak mo?" tanong niya.

"Oo. Busy kasi ang asawa ko sa work eh. Ikaw? Eh di ikaw din palagi naghahatid sa anak mo?"

"As of now yes. Kasi kapag kasama na namin ang Daddy niya, I'll make sure, mahahatid niya din sa school ang anak namin no matter how busy he is."

Sabagay tama siya. Tama. One of these days, sasabihin ko kay Gian, ihatid namin si Shasney.

"I hope you don't mind pero hindi ba masama yung gagawin mo? Aagawin mo yung ama ng anak mo sa pamilya niya?" tanong ko.

I know wala akong karapatang magtanong sa kanya ng ganun pero mali naman kasi yung gusto niyang mangyari.

"Aagawin? More like babawiin. Babawiin ko kung anong akin at walang makakapigil sa akin, kahit pa yung asawa niya,” matapang niyang sabi.

Napakatapang talaga niya. Sana hindi mangyari sa amin ni Gian yun. Ewan ko ba, bigla ko na lang naisipang itext si Gian.

| ILoveYou. Walang space yan, para walang makapamagitan sa ating dalawa. <3|

Napapangiti ako matapos kong isend yung text. Mahal na mahal ko si Gian at hindi din ako papayag na mawala siya.

"Sigurado ako mahal na mahal mo ang ama ng anak mo kasi consistent kang mabawi siya eh,” sabi ko kay Francesca.

Tumawa muna siya bago nagsalita. "You have no idea."

"Ako kasi, mahal na mahal ko din ang asawa ko kaya hindi ako papayag na maagaw siya ng kahit na sino."

Mas lalo siyang tumawa.

"Really? Mahal na mahal mo siya? Kahit na may pagkakamali siyang ginawa?" tanong niya. Saan naman nanggaling ang tanong niya?

"What do you mean?" nalilito kong tanong.

"I'm just asking a hypothetical question. Don't take it seriously, ano ka ba? Hahaha." Nagreply si Gian, binasa ko ito.

|MAHALNAMAHALKITA. All caps yan para mas mabasa at maramdaman mo.| Kilig much na naman ako!

Nakahinga ako ng maluwag. Eh kasi naman, never ko naisip na gagawa ng mali si Gian, though I know he's not perfect pero wala naman siyang pinapakitang mali sa akin kaya walang dahilan para paghinalaan ko siya ng kahit ano. Ano ba tong mga naiiisip ko? Nadadala ako sa sitwasyon ni Francesca.

"Hindi ako sasaktan ng asawa ko. Alam ko hindi siya gagawa ng kahit ano na alam niyang masasaktan ako,” yan na lang ang isinagot ko kay Francesca. Hindi ko naman obligasyong sagutin ng diretso ang tanong niya.

"We'll see,” sabi niya. "What??"

"I mean, we'll see. Who knows? Hindi naman natin masasabi ang mga mangyayari diba. There are no guarantees in life, my dear."

Pagkatapos naming mag-usap, nagbalik na kami sa school. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng takot.

Biglang pumasok sa isip ko si Gian. Hindi naman siya mawawala sa akin, diba? Kaya naman naisipan kong tawagan si Gian.

"Hello.. Hubby, busy ka ba?" "Bakit Wifey?" tanong niya.

"Wala lang. I miss you. Magdate naman tayo,” paglalambing ko.

"Naku, hindi yata ako pwede ngayon eh. May meeting kasi kami ni Lolo." Oo nga pala, dumating na si Lolo.

"Ganun ba? Sige next time na lang. Bye." "Sorry Wifey. Next time promise. I love you." "Yeah. Love you too."

Sayang naman. Pero siguro busy nga si Gian. Hindi nga naman biro ang maghandle ng malaking kumpanya.

Pero miss ko na siya. Miss ko na kapag lumalabas kami. Pinatulog ko muna si Shasney.

Nakahiga na ako sa kama ng maramdaman kong nagbukas ang pinto.

May bumukas ulit na pinto, malamang sa banyo yun, pagkatapos ng ilang minuto, may naramdaman akong tumabi sa akin sa kama.

"Wifey.."

Niyakap ako ni Gian. Nakatalikod ako sa kanya. Nakapikit ang aking mga mata. "Wifey, gising ka pa ba?"

Gumalaw ako, pero hindi ako sumagot. Sapat na siguro yun para malaman niyang gising pa ako.

"Sorry kanina ha. Next time, lalabas na talaga tayo. Ang dami ko lang kasing inaasikaso sa opisina. Si Lolo, dumating pa, ang dami naming pinag-usapan."

Kahit na may konti akong pagtatampo, nabura yon when I realized na tama nga naman si Gian, madami siyang ginagawa. Siguro pressured din siya. Malamang pagod pa to galing sa trabaho.

"Huwag ka ng magtampo,” sabi niya tapos hinalikan niya ang buhok ko. Humarap ako sa kanya at nagmulat ng mata.

I kissed him on the lips. "Namimiss kasi kita eh,” sabi ko.

"Ako din, I miss you a lot. Sorry kung nawawalan ako ng time sayo ha, tsaka kay Shasney, pero promise babawi ako."

Bigla akong nakaisip ng idea.

"Hubby, minsan ihatid naman natin si Shasney sa school, yung kasama ka. Sa tingin ko matutuwa si Shasney nun."

Ngumiti siya. Lumabas na naman ang dimples niya. "That's a good idea. Sige, next week gagawin natin yan."

Sumiksik ako sa dibdib niya. Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "Gian.."

"Hmmm??"

"Huwag mo kaming iiwan ni Shaney ha?"

Bigla ko na lang nasabi kay Gian. Gusto ko naman talaga yung sabihin eh.

"Saan naman nanggaling yan? Syempre hinding hindi ko kayo iiwan. Pamilya ko kayo, mahal na mahal ko kayong dalawa. Bakit ka ba ganyang magsalita?"

Niyakap ko siya ng mahigpit at napangiti sa sagot niya.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig sayo na hindi mo kami iiwan, na hindi ka mawawala samin ng anak mo."

Inangat niya ang mukha ko. Tiningnan niya ako sa mata.

"Shantelle, huwag na huwag mo ng iisipin na iiwan ko kayo, okay?"

Tumango ako at hinalikan niya ako sa lips.

Masayang masaya talaga ako sa sinabi ni Gian. Eh saan ko nga ba nakuha yung idea na iiwan niya kaming mag-ina? Hay. Naaapektuhan lang siguro ako ng mga pangyayari sa paligid ko.

**

Kinaumagahan, nagising akong wala sa tabi ko si Gian. Pagbaba ko, nakita ko na nagluluto siya ng breakfast. Napakaswerte ko talaga kay Gian.

Si Shasney gising na din, nakaupo na sa dining table.

"Daddy, gutom na po ako!"

"Shasney, don't shout. Bad yun,” saway ko. Hinalikan ko sa ulo ang anak ko at nilapitan ko si Gian.

"Good morning Wifey." "Good morning."

"Baby, malapit na tong maluto, wag ka magalala."

"Hmmm. Ang bango naman nitong niluto mo,” sabi ko at kumain na kami. "Pupunta tayo ngayon kay Lolo,” sabi ni Gian.

Tumingin ako kay Gian. Akala ko bukas pa kami pupunta.

"Tumawag si Lolo kanina lang. He cant wait to see his apo daw, at baby, may gift daw si Lolo sayo."

"Yehey!"

**

After breakfast nagpunta na kami kina Lolo.

"Kamusta na ang apo ko?" tumakbo si Shasney palapit kay Lolo Enrique. "Lolo! I miss you Lolo,” lambing ng anak ko.

"Sus, if I know Shasney, excited ka lang sa gift ng Lolo mo,” sabi ko.

Tumawa si Lolo.

"Namiss ko din ang apo kong ito,” sabi ni Lolo at hinalikan niya sa pisngi ang anak ko.

Pumasok na kami sa loob at iniabot ni Lolo ang gift niya kay Shasney. Latest gadget na naman. Tuwang tuwa naman ang anak ko.

Nagkatinginan kami ni Gian. Nasapo niya ang noo niya. Natatawa naman ako. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Wifey.."

Hindi pa man siya nagsasalita, pinipigilan ko na ang tawa ko. Alam ko na ang sasabihin niya. "May bago na namang gamit na sisirain ang anak natin."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.