Kiss Me

Chapter 11



Chapter 11

Alex

"So ipapa-DNA nyo pala ang bata?" tanong ko kay Cheska. "Yup,” sagot niya ng nakangiti.

Napapangiti na din ako. The fact na malapit ng masira ang pamilya ni Gian, ikinatutuwa ko.

Nandito siya ngayon sa loob ng kotse ko, sa tapat ng school ng anak niya. Gusto ko kasing malaman ang plano niya eh.

"Hindi ka ba nasasaktan sa idea na ipapa-DNA nyo pa ang bata. That only means na hindi naniniwala si Gian na anak nyo yung bata. Are you sure anak siya ni Gian?"

Natakot ako bigla, paano kung nanloloko lang tong si Cheska? Paano kung hindi naman pala talaga anak ni Gian si Cian eh di hindi na masisira ang pamilya niya?!

"Ang isang katulad ko ay walang panahong masaktan sa ganoong kaliit na bagay. Wala akong nararamdaman ni kaunting takot sa pagpapa-DNA sa anak ko. Anak niya ang bata kaya kailangan niyang tanggapin yun. Pati ako."

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya. "Kailan nyo siya balak ipa-DNA?"

"Soon. Hindi na nga ako makapaghintay na makapiling namin siya ng anak ko." "Makikihati ka talaga?" tanong ko. Yun ang sinabi niya kay Gian sa opisina eh. Tumawa siya ng bahagya.

"Makikihati? That's not my thing. Gusto ko siyang makuha ng buo. Sinabi ko lang yun kay Gian, pero ang totoo unti unti ko siyang babawiin."

Maganda naman pala ang idea niya. Sigurado ako, kapag nalaman ito ni Lolo, itatakwil niya si Gian.

"Paano kung hindi kayo kilalanin ni Lolo?" tanong ko.

"Si Cian ang una niyang apo. How come hindi niya kikilalanin? Im sure kagigiliwan ng matanda ang anak ko. Cian is smart."

Yeah. I can see that though tahimik lang siya.

"Nakita mo na ba ang anak niya kay Shane?" tanong ko.

"Nope. Not yet and I'm not interested. Sooner or later mawawalan na din naman silang mag-ina ng papel sa buhay ni Gian."

Napapatawa ako. Saan ba nanggagaling ang lakas ng loob niya?

"Anong nakakatawa? Alex, kung tatawanan mo lang ang mga plano ko, eh dyan ka na. Kakayanin ko to ng mag-isa."

She was about to get out of the car nang bigla kong makita si Shane sa labas ng school. Pinigilan ko siyang lumabas.

"What?! Let me go!" sabi niya. "Sino bang tinitingnan mo?" "Si Shane."

Tiningnan niya ang babaeng tinitingnan ko. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "That's Shane??!" halos sigaw niyang tanong.

"Oo. Siya ang asawa ni Gian. Dito pala pumapasok ang anak nila. O? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nakakita ng multo!"

"Siya pala yun?" sabi niya at pagkatapos bigla na lang siyang ngumiti. "I have to go,” paalam niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sabi nga nila. Keep your friends close, and your enemies closer."

Anong ibig niyang sabihin don? Nababaliw na nga ata ang babaeng yun! Nakita ko na lang na nilapitan niya si Shane. Magkakilala na ba sila? Ano ba talagang plano niya? Am I missing something?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.