Kiss Me

Chapter 13



Chapter 13

Allyna

"Where is Shasney?" tanong ko kay Gian. Hindi ko alam ang dahilan pero gusto daw niya akong makausap. Kaya naman nagkita kami dito sa isang restaurant.

"May pasok siya today."

Oh I forgot. Monday nga pala ngayon.

"So, anong pag-uusapan natin? May problema ba kay Alex?" Umiling siya.

"Walang problema kay Alex, maayos naman siyang magtabaho. This is about Cheska."

~.~

Cheska? Never heard.

"Who's Cheska?" nalilito kong tanong. "She's a girl I dated before."

"And?"

Don't tell me nambababae ka Gian, sasakalin kita. "And sabi niya may anak daw ako sa kanya." "WHAT??!"

"She went to my office one day with a kid, and now gusto niyang sustentuhan ko ang bata. Wala namang problema sa akin kung susustentuhan ko ang bata, ang ikinakatakot ko ay baka guluhin niya kami ni Shane."

"Susustentuhan mo?! What made you sure na anak mo nga ang bata? God! Gian, I don't think I can take this. Who the hell is Cheska? Bakit hindi ko siya kilala? Naging girlfriend mo ba yun?!"

Akala ko okay na sila? Bakit may babaeng gumugulo na naman?

"Hindi ko siya naging girlfriend. Lumalabas lang kami dati. I never thought na may mabubuo pala ng gabing yun. Naging maingat naman ako pero.."

Huminga ako ng malalim.

"Don't worry, tutulungan kitang ayusin to. I wanna meet her."

I wanna meet her and wring her neck! Sinabi ko na dati diba na hindi ako makakapayag na may manggugulo kina Gian at Shane! Kung sino man siya, humanda siya!

**

Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakikita yung Cheska na yun kaya naman ipinahanap ko siya at nakipagkita sa kanya. Bago pa siya makapagsimulang manggulo, tatapusin ko na.

Napaka-unprofessional. 15 minutes na siyang late. Pumili na lang ako ng isang lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng tao. Ayoko ng issue.

After 20 minutes, dumating din siya. I can't believe pinaghintay niya ako ng ganung katagal.

Pumasok siya ng restaurant. Ito ba? Ito ba ang babaeng nagtatangkang sumira sa relasyon nina Gian? She's so thin. Matangkad siya, and well, yeah she's kinda pretty. Pero mas maganda pa din si Shane.

Nastarstruck yata ng makita ako. Nagulat siya eh. "Have a sit,” sabi ko sa kanya.

"Si Allyna ka diba?" "Obviously, yes,” sagot ko.

Inayos niya ang buhok niya. "Anong kailangan mo sa akin?"

"I don't wanna waste my time, so tell me, magkanong kailangan mo para layuan mo ang pamilya ni Gian?" diretso kong tanong.

Mas nagulat siya.

"Anong kinalaman ni Gian dito? Sino ka ba? Hindi naman ikaw ang asawa niya diba?" matapang niyang tanong.

"Im not his wife, I'm his cousin, at sinasabi ko sayo, stay away from him,” matapang ko ding sabi.

Tawanan ba naman ako. Damn! She's getting on my nerve. "I can't stay away with the father of my son."

"You're lying. Hindi siya anak ni Gian. You have no proof." "As of now, wala pa nga pero ipapa-DNA namin ang bata."

"Don't waste your time sa pagpapaDNA sa bata. Pera lang naman ang kailangan mo diba?" sabi ko sa kanya at inilabas ko ang aking checkbook.

"Hindi ko kailangan ang pera mo, ang kailangan ko ay ang ama ng anak ko." "Then go, find the father of your son, but I'm sure hindi si Gian yun."

"Just wait till you see the DNA result,” sabi niya.

"Okay. If the result is negative, you'll get out of their lives, but when its positive, we will take the child at lalayuan mo sila."

"Anong akala mo sa akin, tanga? Hindi ko ibibigay ang anak ko. Wala yon sa plano ko." "Then forget about your stupid plan. Hindi ka magtatagumpay,” sabi ko at tumayo na ako. Iniwan ko na siya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.