Ex with Benefits 2

Chapter 48



Chapter 48

ADAM'S POV

Makalipas ang ilang araw, inihatid na din namin sa huling hantungan si Anika. Naging malungkot man ang ilang linggo sa pagkawala ni Anika, ginagawa ng dalawang anak ko ang lahat para mapangiti ako and it's working.

Papasok ako sa kwarto nang madaanan ko ang kwarto ni Madison. Bukas ang pinto ng kwarto niya kaya naman kita ko siya na busy sa pag-iimpake ng gamit niya. Pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko na hindi naman pala mga gamit niya ang inilalagay sa bag niya. Mga baby bottles, diaper ang damit ng bata.

"What are you doing Madi?" tanong ko.

"I'm getting ready, Daddy."

Umupo ako sa kama habang patuloy siya sa ginagawa niya.

"I'm packing, Daddy."

"But that's not your things. That's for our baby."

"You're right. I'm afraid Mommy can't do this because her tummy is so big so ako na lang."

Wow.

We are getting ready kasi uuwi kami sa probinsya ni Arkisha. Isang linggo na lang at manganganak na siya. Mas gusto raw niya na roon manganak para mabantayan ng Mama niya and that is fine with me.

Makakasama namin ang mga bata kasi may program sa school nila the whole week kaya wala silang klase.

"You're a big girl now, huh?"

She smiled.

"I will be her favorite Ate," tukoy niya sa baby.

Yes. She is a girl and Madison can't wait to see her.

"Adam, nakita mo ba ang baby bottles n--."

Natigil si Arkisha sa pagtatanong mula sa pinto ng kwarto ni Madison nang makita niya ang ginagawa ng anak niya.

"Here, Mommy," sabi ni Madison at binuhat pa ang bag na kulay pink. Hindi pa nga niya naisara ng ayos ang zipper eh.

"How about your things? Hindi ba sabi ko--."

"There," turo niya at nakasandal sa wall ang bag niya na mukhang punong puno nga ng laman.

Tuluyan nang pumasok sa kwarto si Arkisha.

"Wow! Parang kailan lang para tayong aso't pusa kapag uutusan kitang mag-impake ah?"

She checked her bag and what does she expect?

Basta na lang niya inilagay ang mga damit niya sa loob kaya medyo magulo ito. But still, nageffort siya para sa younger sister niya so she kissed her cheeks.

"Good job, Ate," sabi ko.

Nang makapasok sa backseat ang kambal ay inilalayan ko si Arkisha na makaupo sa passenger's seat. Kanina pa kasi siya nagrereklamo na masakit ang likod niya. Inayos ko ang seatbelt and made sure na lahat ng gamit na kailangan niya ay nasa kotse.

Habang nasa byahe ay nakatulog si Landon habang busy naman si Madison sa paglalaro sa ipad.

"Are you okay, babe?" tanong ko.

Sinulyapan ko siya at agad ko din ibinalik ang tingin sa daan.

"Sumasakit kasi ang katawan ko," sagot niya.

Napansin ko kasi na hindi siya mapakali sa upuan niya.

"Don't worry. Thirty minutes na lang, makakarating din tayo."

"Mom!"

Sumigaw ba si Madi o malakas lang talaga ang boses niya?

"Mom! Where's the water coming from? Did you pee?"

What?!

I hit the break.

Hindi ko mapigilang mapa "shit" kahit kasama ko ang mga bata.

Sinulyapan ko siya. She looked down at sumabog na nga ang panubigan niya.

"Hang on, babe. Malapit na tayo sa hospital."

Unang sasapitin ang hospital kesa sa bahay. Kinalkula ko ang oras at fifteen to twenty minutes ay mararating na namin ang hospital.

Napansin ko ang pagtanggal ni Madi sa seatbelt niya mula sa rear view mirror. She was about to get up at pupunta kay Arkisha nang pigilan ko siya.

"Madi, get back on your seat," saway ko.

"But Dad!"

Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa pa ding ngumiti ni Arkisha nang sumagot si Madi. May secret language or secret code ba silang dalawa?

Nang makarating kami sa hospital ay halos matataranta ako habang tinutulungan kong bumaba sa kotse si Arkisha. Hindi naman ito first time, pero ewan ko ba kinakabahan pa din ako. Dumating naman kaagad ang mga Mama niya. Tinawagan ko kasi sila kaagad habang nagmamaneho ako kanina.

Nang makaupo sa wheelchair si Arkisha ay hindi na maitago sa mukha niya ang sakit. Sobrang higpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Shit, Adam. Huli na to! Ayoko na talaga!!"

"Babe, everything will be okay," sabi ko.

"Awwww!"

I think she's crying.

"Baby, alin ba ang masakit? Saan ba?" tanong ko at inayos ko ang buhok niya.

"HINDI KO ALAM! LAHAT! MASAKIT LAHAT! SHIT!"

Okay. Hindi na ako magsasalita. Baka mamaya niyan, mabanggit na naman niya ang tungkol sa benepisyo ko at maputol pa.

Next thing we know, ipinasok na siya sa Operating Room at hindi ko siya iniwan.

Nang makalipat sa private room si Arkisha ay tulog pa din ito. Nagpaalam ako bigla at lumabas ng kwarto para tawagan si Venice. Bumalik naman ako kaagad matapos ang pag-uusap namin dahil gusto ko andun ako kapag nagising si Arkisha.

Kumatok ang isang babaeng nurse at pumasok ito sa loob ng kwarto.

"Sino po ang husband ng pasyente?" tanong niya.

I automatically raised my right hand.

Proud as hell.

"Dra. Montes wants to see you," sabi niya.

Hindi ko maintindihan pero kinabahan ako bigla. Sumunod naman ako sa kanya. Tumagal din ng halos labinlimang minuto ang pag-uusap namin ng doctor. Nang makabalik ako ay tulog pa din si Arkisha.

"Anong sabi ng doctor? Kamusta raw ang apo ko?"

Sinalubong ako ng Mama ni Arkisha. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Siguro nabasa niya din ang lungkot sa mga mata ko.

"Bakit hindi pa din nila dinadala ang apo ko rito?"

Sinabi ko sa kanila ang sinabi sa akin ng doktor. I made sure na mahina lang ang boses ko.

"Paano natin yon sasabihin kay Ate?" tanong ni Ian habang tinitingnan namin si Arkisha.

Nilapitan ko si Arkisha at hinawakan ko ang kamay niya. Nagmulat ang kanyang mga mata.

"Adam?"

"Kamusta ka?" tanong ko.

"Nasan ang baby ko?"

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Adam?? I want to see her. I want to see my baby."

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ba sasabihin sa kanya.

"Please," garalgal ang boses niya.

Tinulungan ko siyang bumangon at isinakay sa wheelchair. Sinamahan ko siya para makita ang anak namin.

Tumingala si Arkisha habang patuloy ako sa pagtulak sa wheelchair. Binasa niya ang label sa taas kung saan kami papunta.

"Adam? Why are we going this way?"

Naririnig ko na ang hikbi nya. Tumigil ako at umupo ako paharap sa kanya.

"Adam, what happened to my daughter?"

I wiper her tears away. Niyakap ko siya.

"I want to see her."

Ipinagpatuloy ko ang pagtulak sa wheelchair at narating namin ang NICU.

Nakita namin mula sa bintana ang aming bunso.

"She is sick. Kailangan niyang manatili muna rito kasi mahina ang baga niya. But she will be okay. She is strong. Mana siya sayo eh," sabi ko.

Patuloy sa pagluha ang mga mata niya.

"I wanna hug her? God! She's so tiny."

Inilapat ni Arkisha ang palad niya sa glass window. Nakakahinga ng maayos ang bata sa tulong ng oxygen. Sa tingin ko kasing haba lang siya ng braso ni Arkisha. Napakaliit niya at maliit na diaper lang ang saplot niya. May kung ano pang nakakabit sa paa at tiyan niya.

"Can I touch her?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa bata.

Inayos ko ang gulo niyang buhok and tucked it in her ears.

"I don't think so," malungkot kong sagot.

Tumulo ulit ang luha niya sa kaliwang pisngi.

Maging ako man, gustong gusto ko din siyang mahawakan pero hindi raw pwede sabi ng doktor.

"Anika," bulong niya.

Tiningnan ko siya.

"I will call her Anika Jade," sabi niya at tiningnan niya din ako.

I smiled. I am glad that she named her after my late sister.

Ibinalik niya ang tingin niya sa bata. She wiped her tears away.

"Hi Anika! Mommy and Daddy are here. Hang in there, you will be alright. Just be strong, okay?"

See? Arkisha is the strongest woman I know and I am so lucky she is mine.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.