Chapter 49
Chapter 49
ARKISHA'S POV
"Anong sabi ng doctor? Kamusta raw ang apo ko? Bakit hindi pa din nila dinadala ang apo ko rito?"
Boses ni Mama yon. Nananaginip ba ako?
Bakit nga ba hindi pa dinadala sa akin ang baby ko?
Anong nangyayari?
"Paano natin yon sasabihin kay Ate?"
I don't think this is a dream. Boses ni Ian yon.
Naramdaman ko na may humawak sa aking kamay. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. I need to know what is happening.
"Adam?"
"Kamusta ka?" tanong ko.
"Nasan ang baby ko?"
Bakit niya hinihigpitan ang kapit sa kamay ko?
"Adam?? I want to see her. I want to see my baby."
Bumibilis na ang tibok ng puso ko.
"Please.."
Inalalayan ako ni Adam papunta sa kinaroroonan ng anak namin. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay anytime soon sa bilis ng tibok ng puso ko.
Totoo ba tong nakikita ko? Bakit dito kami pupunta?
"Adam? Why are we going this way?"
Narating namin ang NICU at doon ko unang beses na nakita ang aming anak.
"She is sick. Kailangan niyang manatili muna rito kasi mahina ang baga niya. But she will be okay. She is strong. Mana siya sayo eh," sabi niya.
Sana nga tama si Adam. Sana mamana niya ang pagiging strong ko. Sana kaya niyang lumaban. Tanging salamin lang ang namamagitan sa aming dalawa. Gustong gusto ko siyang hawakan. Okay na sa akin kahit mahawakan ko lang ang kamay niya, pero natatakot din ako kasi ang liit liit niya.
"I wanna hug her? God! She's so tiny. Can I touch her?" tanong ko. Hindi ko sinulyapan si Adam. Ayokong ialis ang tingin sa bata. Para akong sira ulo, ngumingiti habang umiiyak.
Masaya ako kasi nakita ko siya pero naiiyak ako dahil may sakit siya at hindi ko siya mahawakan.
"I don't think so," malungkot niyang sagot.
Nawala ang ngiti sa labi ko.
"Anika," tawag ko.
Did I see her smile?
"I will call her Anika Jade," sabi ko.
I looked at Adam at nahuli ko siyang nakatingin sa akin then he smiled.
Ibinalik ko ang tingin ko sa bata and I waved at her.
"Hi Anika! Mommy and Daddy are here. Hang in there, you will be alright. Just be strong, okay?"
I know you are strong, baby. Kung kulang ang pagiging strong mo, andito ko. I will not let anything bad happen to you. Never.
Everytime I wipe my tears away, eh panibagong luha na naman ang pumapatak.
"We have to go," sabi ni Adam.
Umiling ako.
"Baby, I understand how you feel. Ako man, ayoko ng umalis sa tabi niya but visiting hours are over," bulong niya.
Fuck visiting hours.
Dapat walang ganun. Sobrang higpit nga pala sa hospital na to. Kung alam ko lang sana sa Manila na lang ako nanganak. Anak ko ang nasa loob. Dapat pwede ko siyang makita ano mang oras na gusto ko. I need to know every minute, every second kung okay lang ba siya? Kung may masakit ba? Kung napadede na ba siya? Kung umiiyak ba siya?
Kung kailangan niya ako?
Ako ang ina niyan eh.
"Adam, please. Five more minutes," sabi ko.
Niyakap niya ako.
"Kahit three or one?" pagmamakaawa ko.
May nurse na din na lumabas para sabihin na tapos na ang oras ng dalaw.
Sabay na itinaas ni Adam ang hintuturo at middle finger niya then he mouthed "two minutes". Tumango naman ang nurse.
God! She is so pretty!
This time sigurado ako, ako ang kamukha niya. Dugo ng Aragon 'to.
The day after tomorrow, we were advised na pwede na raw akong madischarge sa hospital.
"How about Anika?" tanong ko.
Dalawang beses ko pa lang siyang nakikita.
Una, ay noong araw na magising ako sa after manganak at ang huli ay kahapon.
"Maiiwan muna rito ang bata, Mrs. Castrences," sabi ng doktor.
"Hindi pa ba siya okay?"
"Kailangan pa din niya ng oxygen to help her breathe at kailangan niyang unti-unting matutunang huminga by herself without the help of oxygen. Kapag nagawa na niya yon, maaari na siyang lumabas ng hospital," paliwanag ng doktor.
"Gaano yon katagal, Dok?" tanong ni Adam.
"One week."
One week?! Isang linggo ko pang hindi makakasama ang anak ko?!
Ni hindi ko pa nga siya nahahawakan.
Bago ako lumabas ng hospital ay pinakiusapan ko ang doktor na baka pwede ko ulit makita ang anak ko at pumayag naman siya.
Nagpaalam kami ni Adam sa bata. Kaming dalawa muna ni Adam ang naunang bumisita at pagkatapos ay sinundan na nina Mama, Papa, Ian, Venice at Paris. By two's ang pagbisita at kailangang may kasamang adult ang batang bibisita.
"Gusto mo bang dumito muna ako habang hindi pa nakakalabas si Anika sa hospital?" tanong ni Venice nang maiuwi ako sa bahay.
Nakahiga lang ako sa kama at tinabihan niya ako.
"Okay lang ako. Andito naman si Adam. Salamat," sagot ko.
"Magiging okay din si Anika, huwag kang mag-alala."
Hindi naging madali ang mga unang araw ko rito sa bahay mula nang lumabas ako sa hospital. Minsan naiingit ako kay Adam kapag pumupunta siya sa hospital para magdala ng gamit ng bata. Mabuti pa siya nakikita niya ang anak namin. Pero kapag inaaliw ako nina Landon at Madison, kahit papano nawawala ng lungkot ko.
Minsan naman para maaliw ako, pinagkukwento ko si Ian tungkol kay Ellaine kasi back to school na silang dalawa eh. Gusto kong maging updated kung nililigawan na ba niya or ano bang label nila?
Kinabukasan, nagpaalam ulit si Adam para magdala ng gamit sa hospital. May nakalimutan pala siyang dalhin kahapon.
"Baka naman pwede akong sumama?" tanong ko habang nakaupo ako sa sala. Ayoko din namang magkulong sa kwarto. At least dito naaaliw ako ng kambal.
"Babe, hindi pwede. Hindi pa magaling ang sugat mo. Baka makasama sayo," sagot ni Adam.
Hindi ko naitago ang lungkot sa mukha ko.
"Isa pa, baka dumaan ako sa office kasi may kailangan ako pirmahan," dagdag niya.
May branch din kasi rito sa probinsya namin ang Daily Routine. Nagsisimula na nga pala ulit bumalik si Adam sa pagtatrabaho but this time he always makes sure na hindi siya nawawalan ng time sa amin ng mga anak niya.
"Please tell Anika, I love her so much," bilin ko kay Adam bago siya umalis.
"I will, so please be reminded that I love you too, okay?" sabi ni Adam at hinalikan ako sa labi.
That made me smile.
Nang makaalis si Adam ay nanood na lang ako ng TV kahit ang ingay ingay ng kambal. Mas okay na yon kesa tahimik ang bahay, hanggang sa hindi ko namalayan na dalawang oras na mahigit na pala ang nakakalipas.
"Ate! Ate!" sabi ni Ian na patakbong pumasok sa loob ng bahay.
Humihingal pa nga siya kasi para bang ang layo ng tinakbo niya.
I remember that face.
"Nakakita ka na naman ba ng multo?" tanong ko.
Ganyang ganyan ang hitsura niya nang makita niya si Adam sa labas ng bahay eight years ago.
"Hindi, Ate. Nakakita ako ng anghel. May nag-h-haha-n-nap sayo," sabi niya.
Habol pa din siya sa paghinga. Inilapat ko ang kamay ko sa dibdib niya at ang bilis ang tibok ng puso ng kapatid ko.
"Sino ba?" tanong ko.
Kinakabahan na din ako. Lumingon si Ian sa may pinto at sinundan ko ang tingin niya. Nakatayo si Adam sa may pinto at bigla na lang tumulo ang luha ko.
"She's looking for you," sabi ni Adam.
Sa kaliwang braso niya ay may puting lampin kung saan nakabalot ang sanggol na wala akong ibang hiniling kundi akin ng mahawakan.
Lumapit sa akin si Adam at ibinigay si Anika.
"Anika," tawag ko at hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit ang kapit niya sa daliri ko na para bang ayaw na niyang bumitaw.
Don't worry baby, I will never let you go.
"Adam, paanong? Okay na ba siya? Kamusta na siya?" tanong ko nang hindi ko tinitingnan si Adam. Nakafocus lang ako kay Anika habang patuloy ang agos ng luha sa pisngi ko.
"I know I promise that I will never lie to you anymore and no more secrets but I'm sorry baby coz I lied to you this morning. Tumawag ang doktor at sinabi niya na pwede ng lumabas si Anika. She is okay, pero kailangan pa din nating i-monitor ang kalagayan niya. Sinabi ko lang sayo na magdadala ako ng gamit pero ang totoo, inayos ko ang paglabas niya. Gustong gusto ko kasing i-surprise ka. Mapapatawad mo pa naman ako diba?"
"Of course!" sagot ko at hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
Nilapitan ko si Adam at hinalikan ko siya sa labi.
"Are you surprised?"
"Sobra sobra akong nasurprise! Thank you, Adam!"
Niyakap niya kaming mag-ina. Umupo ako para makita at mahawakan din siya nina Madison at Landon.
"Kung alam mo lang, gustong gusto ko ng lumipad kanina papuntang hospital para kunin si Anika," sabi ni Adam habang nakaupo sa lap niya si Madison.
Mula sa bulsa niya ay may kinuha siyang bracelet at isinuot niya sa kanang kamay ko.
"I hope you like my gift," sabi ni Adam.
"Wait, wala akong gift sayo. Paano yon?" tanong ko.
Hindi ko naman kasi alam na madaming pasabog 'tong si Adam ngayong araw.
"Who told you?" sabi ni Adam at isa-isa niyang hinalikan ang mga anak niya. "Wala ng mas hihigit pa sa tatlong regalong ibinigay mo sa akin," dagdag niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Awwww. Sige nga, tingnan nga natin ang gift mo," sabi ko at itinaas ko ang kamay ko.
Tiningnan ko iyon at may iba't ibang klaseng charms. Inisa-isa ko ito.
"Stiletto?" tanong ko.
"Ilang beses mo ba akong binato nyan noon?" natatawang tanong ni Adam.
I can't even remember so I just shrugged.
"Bed. Bed talaga ha?!"
"Why?! After all, that is where we started," sagot niya then he winked at me.
"Right," sabi ko at hindi ko mapigilang mapatawa. "Eto, two baby bottles."
Hindi siya sumagot, sa halip ay itinaas niya ang tig-isang braso nina Madison at Landon.
"Hmmm. You're starting to impress me, Mr. Adam Jacob Castrences," sabi ko.
"Anything for you, Mrs. Castrences."
Lumunok muna ako bago ko binanggit ang huling charm na natitira.
"Car," sabi ko.
Hinawakan niya ang charm and then he looked at me.
"This one. This will remind us that no matter what happened, nothing will ever break us. Na kahit ilang beses man tayong maging mag-EX, we will always find our way back to each other."
***THE END***
novelraw