Chapter 47
Chapter 47
Adam's POV
"She will be okay, Dad. Everything will be okay," sabi ko.
I can see fear in his eyes. Tinabihan kami ni Mommy. Yes, kasama rin ni Daddy si Mommy na sumugod dito sa hospital. Natanggap na din naman niya si Anika at hindi na din iba ang tingin niya rito. I almost have the perfect family noon, kaso nga lang magkahiwalay pa kami ni Arkisha noon pero ngayong okay na kami saka naman nangyari to.
Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ang doctor mula sa emergency room.
"Kamusta ang anak ko Doc?"
Si Daddy ang sumalubong dito.
"We are doing everything we can, Mr. Castrences..."
Napakadami pang sinabi ng doctor pero ang paulit-ulit sa utak ko ay ang sinabi niya na maaring hindi na magtagal si Anika. Pakiramdam ko ilang milyong karayom ang tumusok sa puso ko. Gaano katagal ko pa lang bang nakakasama si Anika? Ni hindi pa nga sila nakakapagbonding ni Arkisha.
Next thing I know, nakalipat na si Anika sa VIP room. Ang pinakamagandang kwarto sa hospital ang ibinigay sa kanya. Lumipas ang ilang linggo ngunit walang pagbabago sa kundisyon niya. Palagi kaming dumadalaw sa kanya.
Hindi naging madali ang pagdalaw kay Anika. Kailangan pa naming magsuot ng mask at gown and we have to make sure na malinis ang aming kasuotan. Kaya naman bago ako dumalaw kay Anika pagkatapos ko sa trabaho ay umuuwi muna ako at naliligo to make sure na malinis ako. Hindi din kami pwedeng magtagal sa kwarto niya. Baka kung anong germs pa ang maidulot noon. Minsan si Mommy ang kasama ko, minsan naman si Paris or Venice.
Kung ano-ano ang nakakabit sa katawan niya. Minsan ayoko siyang tingnan kasi naaawa ako sa lagay niya. Naaawa ako na makita siyang ganyan.
"Sana noon pa kita nakilala," sabi ni Mommy. Hinawakan niya ang kamay ni Anika at pinahid niya ang luhang tumulo sa kaliwang pisngi nito.
Yes, that's the least we could do. If you only knew how much I want to hug her but I can't, kasi masasaktan siya.
"Gustong gusto kong sabihin sayo na magiging okay din ang lahat--," sabi ko.
"But it will not be okay," sagot niya.
"Anika," sabi ni Mommy.
I knew it. Kaya ayokong sabihin sa kanya kasi alam kong alam niya ang sitwasyon. She's been fighting this battle for a long time and maybe she is prepared no matter what happens.
"I know it will not be okay... but that's okay," mabagal niyang sabi. "Masaya ako kasi nakilala ko kayo. Masaya ako kasi nakilala ko ang Daddy ko. When I found out that I am sick, wala na akong ibang ginusto kundi makilala ang Daddy ko. Bonus na nga yung nakilala ko pa kayo."
"Please, don't cry. Baka makasama sayo," sabi ni Mommy.
"At least magkikita na kami ni Mommy," sabi niya.
"Oh Darling, wag kang magsalita ng ganyan."
"Adam, please take good care of your family. Alagaan mong mabuti yung baby nyo and please huwag kang magsasawang mahalin si Arkisha. She's a keeper."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko.
Napakadami pa naming plano. May plano pa kaming out-of-the-country kasama ang mga bata at si Anika. Nakilala naman ni Anika ang mga anak ko nang minsang nagpunta siya sa bahay pero hindi pa sila nakakapagbonding.
Ramdam ko ang paghihirap sa pagsasalita niya. Sa pagpikit niya ay tumulo ang luha niya sa kaliwang pisngi. Kasabay nito ang unti-unting pagbitiw ng kamay niya sa kamay ko.
"Anika?" tawag ko.
Tuluyan na niyang nabitiwan ang kamay ko.
"Anika?" ulit ko pero hindi niya pa rin iminumulat ang mga mata niya.
Next thing I know, nasa loob na ang doctor at mga nurse habang patuloy kong tinatawag ang pangalan ng kapatid ko.
"Time of death, 7:32 PM," deklara ng doctor.
No!
Niyakap ako ni Mommy. Sunod-sunod na dumating sina Venice, Paris at ang Daddy ko. Nang maayos ang burol niya ay dumating din ang kapamilya niya sa Mother side niya.
"Masaya ako na nakilala ka ng pamangkin ko," sabi ng Tita niya sa Daddy ko. Magkatabi kaming dalawa sa upuan nang biglang tumabi sa amin ang Tita niya.
"Hindi ko alam ang tungkol kay Anika until one day, nagpakita siya sa akin and she mentioned her mom's name. Bigla akong kinabahan kasi alam ko na. Alam ko na kung sino si Anika sa buhay ko. Niyakap ko siya kaagad."
"Mahal na mahal ka ng kapatid ko."
Tiningnan ko ang Tita ni Anika habang sinasabi niya iyon at kita ko sa mata niya na seryoso siya.
"I know," sagot ng Daddy ko. "At minahal ko din siya, alam niya yon."
Imagine, kung silang dalawa ang nagkatuluyan wala ako rito ngayon.
"But maybe, some things are just not meant to be," dagdag ng Tita niya.
That is what I am talking about, sabi ng utak ko.
Imagine, kung binalewala ko ang feelings ko kay Arkisha noon, eh di wala akong kambal ngayon. Walang Madison na super sweet sa akin at Landon na kasing gwapo ko.
Lumapit ang isa sa tauhan ni Dad at bumulong.
"Sir, nandito po ang mga Chua."
Lumingon ako sa likod at una kong nakita si Nick. Lumapit siya sa amin ni Arkisha.
“Condolence,” sabi ni Nick at tinapik niya ang balikat ni Adam.
“Kamusta na si Claude?” tanong ko.
“He’s doing good. Nagugulat din ang mga doktor sa bilis ng recovery niya.”
Lumapit sa amin ang Daddy ni Nick.
“Gusto kong humingi ng tawad sa mga nasabi ko sayo noon, Arkisha. And I want to say thank you sa tulong na nagawa ninyo para sa apo ko. I hope you can forgive me.”
Ngumiti ako at tumango.
“Ang importante po okay na si Claude,” sagot ko.
Nagising na si Claude last week and that’s a good news for all of us. One of these days, dadalawin ulit namin siya.
novelraw