Ex with Benefits 2

Chapter 33



Chapter 33

Arkisha's POV"Babe?"

"Arkisha, can you hear me?"

That was Adam's voice. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Adam.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari.

"Come with me," sabi ni Adam at iniabot niya ang phone kay Brent na hanggang ngayon ay tunog pa din ng tunog. Sinulyapan kong muli ang phone niya at iisang pangalan pa din ang nababasa ko sa screen.

Who the hell is this Anika?

"Saan tayo pupunta? Bakit ba hindi mo sagutin ang phone mo?!" singhal ko sa kanya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at sumakay kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Adam. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang tanging nais ko lang ay malaman kung sino ba ang babaeng yon at bakit ba iniiwasan ni Adam na sagutin ang tawag ng babaeng yon?!

Nagsimulang magmaneho si Adam.

"What is wrong with you, Adam? Bakit ba hindi mo masagot sagot sagot ang tawag ng 'Anika' na yon? Sino ba siya sa buhay mo, Adam? Sino?! Bakit hindi mo masagot ang tawag ni Anika sa harapan ko?!" sigaw ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya dahil pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa yon ay sasabog ako. Sasabog ang sakit na nararamdaman ko.

Nakalabas na kami ng subdivision nina Brent at nasa highway na kami.

"Bullshit, Adam! Answer me! Sino ba si Anika? Anong itinatago mo sa akin? Bakit hindi mo masagot ang tawag niya?!"

Hindi ko na din alam kung ilang beses ko bang inulit ulit sa kanya na dapat sinagot niya sa harapan ko ang tawag ng babaeng yon. Aaminin kong palakas din ng palakas ang boses ko habang sinasabi ko ang mga yon.

Napatingin ako sa manibela at humigpit ang hawak niya rito.

"You want me to answer her call? Fine. Let's go back to the party!" sagot ni Adam and then he made a quick U-turn and sped away.

"Babe," tawag ulit ni Adam.

I looked at him.

Naningkit ang mga mata ko nang tapunan ko ulit siya ng tingin. Kung nakakamamatay lang ang tingin ng isang tao, malamang kanina pa siya nakabulagta sa sahig.

Biglang dumating ang doktor at nilapitan ako. Unti unting humakbang palayo si Adam sa kama ko. Marami siyang sinabi kay Venice pero wala akong naintindihan sa mga iyon. Isa lang ang gusto kong malaman.

"Doc, kamusta po ang baby ko?"

Sabay na tumingin sa akin sina Venice at ang doktor.

"I'm sorry Mrs. Castrences, we did our best to save your baby pero marami ng dugo ang nawala sayo dahil sa aksidente.."

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Venice. Biglang nagsikip ang dibdib ko.

"NOOOO!! PLEASE DO SOMETHING! HINDI PWEDENG MAMATAY ANG BABY KOOO!! DOC PLEASE!!"

Niyakap ako ng mahigpit ni Venice at sa kanya ako umiyak. Wala na akong pakialam kung gaano pa kalakas ang iyak ko. Nakita ko si Adam sa may pinto at sigurado akong umiiyak din siya dahil panay ang taas-baba ng mga balikat niya.

Hindi ko na nga namalayan na nakalabas na pala ng kwarto ang doktor dahil basang basa na ng luha ang mga mata ko.

"Arkisha," tawag ni Adam at nagsimula siyang maglakad papalapit sa kama ko.

"Venice, palabasin mo siya," matigas kong utos.

"Arkisha,"boses ni Venice.

Umiling ako at hindi ko tinapunan ng tingin ang isa sa kanila.

Hinawakan ko ang tiyan ko at mas lalo akong napahagulhol sa pag-iyak.

"Arkisha, please," pagmamakaawa ni Adam.

Sa halip na lumabas ng kwarto ay lumapit siya sa akin. Akma niyang hahawakan ang kamay ko pero inilayo ko ito sa kanya.

"I'm sorry baby. I'm really sorry," paulit-ulit na sabi niya.

Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

"Adam please, get out. Hindi ko kayang makita ka."

"Arkisha, hindi lang ikaw ang nawalan. Anak ko din yon kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Alam ko kung gaano kasakit," sabi niya sa gitna ng mga iyak niya.

Nilingon ko siya.

"Adam, hindi mo alam ang nararamdaman ko. Oo, anak mo nga siya pero hindi mo alam kung gaano kasakit sa isang ina ang mawala ang anak niya."

"Arkisha, aakuhin ko ang lahat ng kasalanan at dahilan kung bakit nawala ang anak natin pero please, wag namang ganito."

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaang magtagumpay. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang anak namin. Napaka careless niya.

"Adam, please. Get out. Baka kung ano pang mas masasakit na salita ang mabitiwan ko kaya umalis ka na lang," utos ko.

Inalalayan naman siya Venice na makalabas ng kwarto ko. Makalipas ang limang minuto ay bumalik na sa kwarto ko si Venice.

Nakatitig lang ako sa bintana. Nilalaro ng kanang kamay ko ang wedding ring namin ni Adam.

"Gusto kong makita ang mga anak ko," sabi ko kay Venice at pinahid ko ang luha ko sa aking kaliwang pisngi.

"On the way na ang mga bata kasama ang Mama mo," sagot niya.

"Kaya ba nawala ang baby namin dahil nagselos ako?"

"Huh? What do you mean?" pagtataka ni Venice.

"May pinagtatalunan kasi kami ni Adam nang gabing yon. Pinipilit ko siyang sagutin ang tawag nung babae pero ayaw niya at noong nakulitan siya sa akin, nag-U-turn siya at naaksidente kami."

"Sinong babae? May babae ang kapatid ko?!"

"Hindi ko alam. Hindi ko kilala. Ang sakit sakit na. Hindi ko matanggap na dahil sa babae niya kaya nawala ang anak ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko na kaya nawala ang anak namin dahil nagselos ako pero sa tuwing maiisip ko yung babaeng tumatawag kay Adam, wala akong ibang pagbuntunan ng sisi kundi si Adam."

Nag-angat ako ng tingin kay Venice.

"I'm sorry kung sinisisi ko ang kapatid mo. I'm sorry kung ganito ang nararamdaman ko. I'm sorry, Venice."

Niyakap ako ni Venice at hindi siya nagsalita.

After one week ay lumabas na din ako ng hospital. Ang sabi nila araw-araw raw pumupunta sa hospital si Adam pero hindi ako pumapayag na pumasok siya sa kwarto ko. Minsan magigising ako sa gitna ng gabi at may maaaninag akong bulto ng katawan ng lalaki pero hindi ko magawang magmulat dahil tinatalo ako ng antok.

Nang malapit ng mag 7th birthday ang kambal ay Trip to Paris ang iniregalo nina Venice at Paris sa mga bata kasama kami ni Adam. I know what they are planning pero hindi uubra.

"Please, Arkisha. Para sa mga bata, sumama ka na," pakiusap ni Paris.

"Kaya na naman ni Adam ang mag-alaga sa kambal," sagot ko.

"Pero 7th birthday nila ito. Dapat nandoon ka."

Pumayag na din ako. Tama naman siya.

Kaya naman a day before their birthday ay lumipad kaming apat sa Paris. Masaya naman ang kambal. Marami kaming lugar na pinasyalan. Pero two days bago kami umuwi ng Pilipinas ay tumawag ako kay Ian.

"Makikipaghiwalay na ako sa kanya," sabi ko kay Ian sa kabilang linya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Hello, Ian. Naririnig mo ba ako?" tanong ko. "Hindi ko na kayang magpanggap na okay. Hindi ko na kayang makasama si Adam. Mababaliw ako sa tuwing maiisip ko ang lahat ng nangyari," sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko.

Wala na akong pakialam kung may kausap ba ako sa kabilang linya o wala. Ang bigat bigat na kasi talaga ng nararamdaman ko. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader.

"Sinasaktan ka ba niya? Physically?" tanong ni Ian.

Umiling ako at sumagot na hindi. Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari.

"Ate..," ang tanging nasabi niya.

"Hindi ako magiging okay hangga't nakakasama ko siya, hangga't nakikita ko siya. Sobrang sakit na. Kukunin ko ang mga bata at makikipaghiwalay na ako sa kanya."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.