Ex with Benefits 2

Chapter 34



Chapter 34

(PRESENT DAY)

Arkisha's POV

Makalipas ang isang linggo ay hindi pa din nagkakaroon ng malay si Papa. Napagdesisyunan namin na ilipat na siya sa Manila at iyon din naman ang suggestion ng doktor. Sinabi ko kay Mr. Carbonel na hindi pa ako makakabalik sa pagtatrabaho at naiintindihan naman niya yon. Ipinapadala na lang niya kay Ellaine sa hospital ang mga importanteng papeles na pipirmahan ko.

Nasa loob ako ng kwarto ni Papa at nakita ko si Adam sa labas ng kwarto na may kausap sa cellphone. Bigla kasing pumasok si Ian kaya nagbukas ang pinto. Sigurado ako wala pa din siyang tulog. Kasama namin siya nang ilipat si Papa rito sa Manila. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya naman agad kong inilayo ang tingin ko.

"Ate, umuwi ka na muna. Hindi ka pa natutulog, pati si Kuya Adam," sabi ni Ian.

"Okay lang ako. S-si Adam na lang ang sabihan mo na matulog," utos ko sa kanya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang aking sintido. Medyo sumasakit na nga ang ulo ko. Narinig kong nagsara ang pinto pero hindi ko pa din iminumulat ang mga mata ko.

"Halika na, Arkisha."

Saan ako niyaya ni Adam?

I opened my eyes at nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.

"Huwag ng matigas ang ulo, Ate. Sumama ka na kay Kuya Adam. Matulog kayong dalawa. Ako na ang bahalang magbantay kay Papa at tsaka padating na din naman si Mama. Magagalit yun sayo kapag nalaman niya na hindi ka pa natutulog."

At dahil isa laban sa dalawa, tumayo na ako, nagpaalam kay Papa at mas naunang lumabas ng pinto kesa kay Adam. Nang makalabas kami ng hospital ay hinawakan niya ako sa braso at iginiya papunta kung saan nakaparada ang kotse niya. Hindi na ako lumaban pa dahil sa tingin ko wala na din naman akong lakas para magmaneho at makipagtalo sa kanya.

Akalain mo yun, mapapagod din pala akong makipag-away sa lalaking to?

Binuksan ni Adam ang pinto ng kotse. I was about to get inside when I remembered what happened two years ago. Kakayanin ko bang sumakay sa kotse niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I will never ever do the same mistake again, Arkisha. Alam kong wala ka pang tiwala sa pagmamaneho ko pero ipinapangako ko I will not be careless this time. Iingatan na kita. Mas hindi ako mapapanatag kapag ikaw ang nagmaneho ng kotse mo sa kondisyon mo, so please get inside the car," pakiusap niya.

Sinunod ko siya at pagkaupo ko sa passenger's seat ay ipinikit ko na kaagad ang mata ko. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Narinig kong nagsara ang pinto sa may driver's seat at pagkatapos ay naamoy ko ang pabango ni Adam. Bakit parang ang lapit lapit niya sa akin? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong sinuotan niya ako ng seatbelt.

Nang makarating kami sa bahay ay wala ang kambal. Sina Venice at Paris ang magkatulong na nag-aalaga sa mga bata.

"Gusto mo bang kumain o magdiretso na ng tulog?" tanong ni Adam nang paakyat na ako ng hagdan.

"Matutulog na ako," sagot ko at nagdiretso na ako sa kwarto.

Nagpalit muna ako ng damit at humiga na sa kama. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko. Magkakasakit pa ata ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi lang dahil sa panggigising ni Adam sa akin.

"Arkisha," tawag niya.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahiga sa tabi ko si Adam.

"Umuungol ka kaya ginising kita. Nananaginip ka ata kasi tinatawag mo ang Papa mo," sabi ni Adam.

Bumangon siya at binuksan niya ang ilaw. Kumuha din siya ng damit ko sa closet. Hinawakan ko ang noo ko at basang basa ito ng pawis.

Pagbalik ni Adam sa kama ay may dala siyang towel, damit ko, gamot at isang basong tubig.

"Magpalit ka ng damit. Basang basa na ng pawis oh," utos niya.

Tinulungan niya akong bumangon. Ewan ko ba pero pagod na pagod ako. Daig ko pa ang tumakbo. Nang makaupo ako sa kama ay sinubukan kong hubarin ang damit ko pero na-stuck sa ulo ko ang T-shirt.

Tinulungan niya akong mahubad ang damit ko. Ipinatong niya ito sa upuan sa tabi ng kama. Ipinainom niya sa akin ang gamot at pagkatapos pinunasan niya ng hawak niyang towel ang katawan ko. Inilapit niya ang katawan ko sa kanya para mapunasan niya ng likod ko kaya napasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

Ilang gabi din kasi akong puyat kaya siguro wala na akong lakas at sumama ang pakiramdam ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay ni Adam sa likod ko. Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng tanggalin niya ang hook ng bra ko.

"Adam.." tawag ko.

Kung ano man ang binabalak niya, masyado akong pagod at mahina para tumanggi.

"Sssh..," bulong niya.

Nang mapunasan niya ang likod ko ay isinuot niya din ulit ang hook ng bra ko.

Gusto ko ng mahiga pero bakit parang mas okay sa ganitong posisyon?

Pumikit ako at gusto ko na ulit matulog.

Nananaginip na ata ako dahil pakiramdam ko dumampi ang labi ni Adam sa buhok ko. Paggising ko, may damit na ako at nakabalot ng kumot ang katawan ko.

Mali.

Si Adam pala ang nakabalot sa katawan ko. Nakapulupot ang braso niya sa katawan ko habang balot na balot kaming dalawa ng kumot.

Unti-unti kong inalis ang katawan ko sa kanya at siniguradong hindi siya magigising sa pagbangon ko. Nang makapagbihis ako ay nagdiretso ako sa kusina at nagluto ng breakfast. Nang matapos akong magluto ay nagulat ako kay Adam kasi humahangos siya papunta sa kusina.

"ARKISHA?!" tawag niya. Halatang halata na kakabangon lang niya sa kama.

Hawak ko ang mga plato at muntik ko ng maibagksak ang mga ito dahil sa kanya.

"May problema ba?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"M-may nangyari bang masama kay Papa?" pag-aalala ko.

"W-wala naman. A-akala ko lang kasi umalis ka na," sagot niya. Napakamot siya sa ulo niya. "Nawala ka na kasi paggising ko."

Dahan dahan naman akong tumango.

"Nagluto lang ako ng breakfast, pathank you ko na din sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. Kain ka na," sabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at kumuha ng tubig sa ref.

Pagbalik ko sa lamesa ay nakaupo na si Adam. Nilagyan ko siya ng pagkain sa pinggan niya at bawat galaw ko ay titig na titig siya. Umupo na ako sa tabi niya at akmang kakain nang mapansin kong hindi pa din natitinag si Adam sa kakatitig sa akin at hindi din niya ginagalaw ang pagkain niya.

Napakunot ang noo ko at tinitigan ko siya. Nakahalumbaba pa siya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba kakain? Lalamig ang pagkain mo. Gusto mo bang subuan pa kita?" I asked sarcastically.

"Pwede ba??" tanong niya then he smiled.

I rolled my eyes.

"Hay, Adam. Kumain ka na nga."

Matapos naming kumain ay nagdiretso kami sa hospital. Sabi ni Venice dadalhin daw niya roon ang mga bata. Miss na miss ko na din ang mga anak ko.

Habang naglalakad kami ni Adam sa hospital ay may babaeng sumigaw sa may bandang likod namin.

"JACOB!!"

Lumingon kaming dalawa at nakita ang babaeng papalapit.

"Jacob, andito ka pala! Mabuti naman. Itetext pa sana kita eh," sabi ng babae nang makalapit sa amin ni Adam.

Tinapunan ko ng tingin si Adam. Natetense ba siya? Mukhang pinagpapawisan ata siya ah? Gustong maningkit ng mga mata ko pero pinipigilan ko ito. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Adam dahil ayokong makumpirma ng sarili kong mga mata na ang babaeng kaharap ko ngayon ay ang babaeng nakita kong pumasok sa opisina ni Venice noong kasama ko si Ellaine.

"A-anika, this is Arkisha my wife and A-arkisha, this is Anika---," pakilala ni Adam.

Naputol ang pagsasalita ni Adam nang magsalita si Anika.

"So you're Arkisha? Finally, we've met. Jacob has been telling me so many things about you," sabi nung Anika sabay kapit sa braso ni Adam.

Inilipat ko na kasi ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya kayang kitang kita ko ang pagpulupot ng kamay niya sa braso ni Adam.

Nanlamig ang mga kamay ko.

Kitang kita ko din ang panlalaki ng mga mata niyang kulay brown. Ang haba ng pilik mata. Naka-false eyelashes siguro.

Inihilig pa niya ang ulo niya sa balikat ni Adam.

Tangina naman oh! Kung maglalampungan silang dalawa, eh huwag dito sa harapan ko!

Ibinalik ko ang tingin ko kay Adam.

"Jacob huh?"

Yung kaliwang kilay ko matik na tumaas eh. Ibinaling ko ang tingin ko dun sa Anika at ngumiti.

"Well, I hope it was all good. Excuse me," sabi ko. Nakita ko ang doktor ng Papa ko kaya naman tinalikuran ko na silang dalawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.