Ex with Benefits 2

Chapter 32



Chapter 32

(Flashback Part III)

ADAM'S POV

"Adam.. can you hear me?"

Everything was black.

"Adam.."

"Venice, are you sure you saw him move his fingers?"

That voice belongs to Paris.

"Of course! I've been staring at him all day."

"Adam, if you can hear me please move your fingers once again."

I tried.

I tried really hard to move a muscle. I tried to move my middle finger.

"Oh Adam!" sigaw ni Paris.

I felt someone hold my hand.

"Call the doctor Paris, tell them he's awake!"

This time the voice belongs to Venice. Bakit hindi ko naririnig ang boses ni Arkisha?

Where is she?

I tried to open my eyes. I need to see if she's here with me. Ang magandang mukha ni Venice ang nakita ko.

"Thank God, you're awake!"

Mahigpit ang hawak ni Venice sa kamay ko and I saw a tear roll down her cheeks.

I looked around at nakita ko ang swero na nakatusok sa kamay ko. Nakataklob ng puting kumot ang babang bahagi ng katawan ko. I tried to move my muscles down at nagawa ko naman.

Biglang dumating ang mga nurse at doktor. Kung anu-ano ang chineck nila sa katawan ko. Madami siyang sinabi kay Venice pero isa lang ang concern ko.

"Where is Arkisha?" tanong ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tinapunan ni Venice ng tingin ang doktor.

"Doc, my wife. Where is my wife??!"

"Mr. Castrences, you have to calm down," sabi ng doktor.

How the hell will I calm down when I don't have a single idea where my wife is right now?!

"Venice! Where is Arkisha? Answer me!"

"Adam, please. Calm down. Makakasama sa kalagayan mo ang ma-stress," sabi ni Venice.

Ganun ba kahirap sagutin ang tanong ko at hindi nila masagot sagot?

Tinangka kong hilahin ang swero sa kamay ko pero napigilan ako ng mga nurse.

"Adam please, listen to me. Please," pagmamakaawa ni Venice.

I just cried. I'm not even sure why I'm crying but tears keep rolling on my face.

"He'll be fine," ang huling sinabi ng doktor bago siya umalis kasama ng mga nurse.

"Where are the twins?" tanong ko.

"Ian is looking after them."

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" tanong ni Paris.

Umiling ako. Food is not what I want right now.

"Where is Arkisha? Please, Venice tell me," pagmamakaawa ko.

I swear tatanggalin ko talaga ang swero ko kapag hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko.

"Wala ka bang naalala sa mga nangyari?" tanong niya.

I closed my eyes and tried to remember what happened.

"I was in the car with Arkisha.. and.. she was screaming at me.. and.."

I cant find the words to say. I just cried.

"Sshhh.. it's not your fault, Adam. It was an accident. Hindi nyo ginustong mangyari yon."

"It was my fault. Ako ang nagdadrive kaya ako ang may kasalanan. I was careless. Nang mag-U-turn ako.. hindi ko na alam kung anong nangyari."

"Hindi ko alam na umalis pala kayong dalawa sa party ni Luigi. I just received a call na itinakbo ka raw sa hospital. Ikaw lang."

Mas bumilis ang tibok ng puso ko habang nagkekwento si Venice.

"Sumugod kaagad ako sa hospital pero nagpaiwan si Paris sa lugar kung saan kayo naaksidente," patuloy ni Venice.

Lumapit sa kama ko si Paris.

"Alam kong kasama mo si Arkisha nang umalis ka kaya nagtataka ako kung bakit ikaw lang ang dinala sa hospital. Nasaan siya? Then I saw a lot of people na nagkakagulo sa kabilang kalsada. Tumalsik siya palabas ng kotse mo sa lakas ng impact kaya ikaw ang unang nadala sa hospital," kwento ni Paris.

I felt numb.

"Asan siya ngayon? Gusto ko siyang makita!"

She's fine. She will be fine.

Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko dahil kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"She's still in coma for two days," sagot ni Venice.

"I want to see her, Venice. Please," pagmamakaawa ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Hinahawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

Nakasakay ako sa wheelchair at itinutulak ito ni Venice habang papunta sa ICU.

Mula sa labas ay nakita ko ang nakahigang katawan ni Arkisha. May bandage siya sa bandang kaliwang kilay at ang mas ikinasakit ng damdamin ko ay ang mga tubo na nakakabit sa katawan niya.

"Bakit hindi na lang ako?" tanong ko.

"Adam.."

"Ang baby namin? Kamus--?"

Hindi ko na naituloy ang tanong ko dahil nakuha ko na ang sagot sa mukha ni Venice. Bigla na lang siyang umiyak.

"I'm sorry, Adam."

"No. Hindi pwede! Hindi!"

Niyakap ako ni Venice.

"Paano ko sasabihin yan kay Arkisha? Kasalanan ko ang lahat. Sana ako na lang. Ako na lang."

"Adam huwag kang magsalita ng ganyan. We'll get over this. Magiging okay din si Arkisha."

"Ang baby ko? Hindi na siya maibabalik!"

Hindi ko alam kung paano haharapin ang Mama ni Arkisha nang dumating ito. Nadatnan niya kami na yakap yakap ako ni Venice.

"Adam! Diyos ko! Mabuti at gising ka na!"

Nagulat ako nang yakapin ako ng Mama ni Arkisha. I was expecting that she will shout at me and will put all the blame at me.

"I'm sorry po. I'm sorry po kasi nasa ganyang kondisyon ngayon si Arkisha. I'm really sorry."

Hindi ko na siya magawang tingnan pa nang biglang tumulo ang mga luha niya. Kung nasasaktan ako sa kalagayan ni Arkisha ngayon, sigurado ako na doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil anak niya ang nasa loob ng ICU.

"I'm really sorry," paulit-ulit kong sinasabi.

"Sssh.. Kailangan mong magpahinga," sabi niya.

Iling lang ang isinagot ko sa kanya.

Araw-araw akong nagpupunta sa hospital kahit na na-discharge na ako. Tinutulungan ako ni Paris mag-asikaso sa mga bata.

Oras-oras akong naghihintay na sana magising na si Arkisha. Nawala na sa amin ang bunso namin. Hindi ako makakapayag na pati siya ay mawala. I can't lose her. Hindi ko pa man nasasabi ang nangyari sa baby namin eh nasasaktan na ako sa nararamdaman niya. Halos isang linggo din siyang nasa ICU. Nang sinabi ng doktor na ligtas na sa panganib ang buhay niya ay inilipat na siya sa private room. Tinanggal na din ang bandage niya. Halos sa hospital na din ako tumira but I always make sure na nababantayan ng ayos ang mga bata. Isinasama ko din sila minsan sa hospital.

Ayokong umalis sa tabi ni Arkisha. Ang gusto ko nasa tabi niya ako kapag nagkaroon na siya ng malay. Gusto ko ako ang una niyang makikita dahil kapag nalaman niya ang nangyari, natatakot ako sa magiging resulta. Natatakot ako sa mararamdaman niya.

"Adam, ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka na muna," sabi ni Venice. Nakaupo siya sa sofa habang may mga papel na binabasa.

Sa bahay na ako natulog kagabi katabi ang mga bata at hinayaan ko ang Mama ni Arkisha na magbantay dito sa hospital. Pero hindi din naman ako nakakatulog ng ayos tuwing gabi.

"Dito lang ako sa tabi niya. Ako ang magsasabi sa kanya sa mga nangyari. Ako ang magpapaliwanag. Kaya rito lang a--."

Nagkatinginan kami ni Venice. Napatayo si Venice at lumapit sa kama ni Arkisha.

"Babe?" tawag ko.

Hindi kami maaaring magkamali. Umungol siya.

"Arkisha, can you hear me?" tanong ko habang hawak ko ang kamay niya.

I looked at her beautiful face. Umaasa ako na mangyayari na ang mahigit isang linggo kong hinihintay.

Please, Arkisha. Wake up.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.