Ex with Benefits 2

Chapter 26



Chapter 26

"Arkisha, Jane, Ella!" bati ng babaeng pumasok sa loob ng kwarto. Nakapony tail ang buhok niya pero medyo gulo gulo na. Wala na nga siguro siyang panahon para sa sarili niya.

"How is she?" tanong ko.

Nilapitan niya ako.

"Ang sabi ng doktor medyo okay na naman daw. Kabilin bilinan niya na huwag na huwag hahayaan na matuyuan ng pawis ang bata. Summer pa naman ngayon kaya sobrang init."

I'm glad na nagiging maayos na ang lagay niya.

"Mabuti naman kung ganoon. Kailan daw siya makakalabas?"

"Tatlong araw raw mula ngayon ay pwede ng lumabas si Grizella. Mabuti na lang at may sweldo na ako bukas, Hindi ko nga lang alam kung magkakasya---"

"Ate Gem, hindi mo naman kailangan pang alalahanin ang pera na pambayad sa hospital. Malaki ang shares ko sa hospital na ito. Alam mo naman na simula ng isilang mo si Baby Grizella ay palagi na akong nasa tabi niya. Alam mo na mahal na mahal ko ang batang ito."

"Maraming maraming salamat, Arkisha. Hindi namin alam ni Harris kung paano ka papasalamatan."

Tiningnan ko si Ate Gem at namumuo na ang luha niya.

"Ate Gem, huwag ka ng umiyak. Magiging okay din si Baby Grizella," sabi ni Jane at niyakap niya ito.

Ilang beses ng naglabas-pasok sa hospital ang bunso ni Ate Gem. Sakitin kasi ito, at ngayon pneumonia ang sakit ng bata. Hindi biro ang sakit na iyon lalo na pagdating sa bata kaya naman palagi kong sinasabi sa kanya na kapag inubo ang bata ay dalhin na agad sa doktor. Prevention is better than cure. Mahigit isang taon na si Grizella. Halos anak na din ang turing ko sa batang ito. Kung nabuhay sana ang bunso ko, hindi nalalayo sa edad niya. Kaya naman malapit ang batang ito sa puso ko.

"Arkisha, tumutunog ang phone mo," sabi ni Ella.

I checked it and it's none other than Adam. Hindi ko na nga sana sasagutin pero alam kong hindi sya titigil sa kakatawag hangga't hindi ko sinasagot.

"He--."

"WHERE ARE YOU?!"

Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Nakaloud speaker ba ito? Bakit ang lakas?

"Saan ka ba nagpunta, Arkisha?! Tell me, susunduin kita ngayon din."

"Excuse me," paalam ko sa kanila at lumabas ako ng kwarto para kausapin si Adam. Baka kasi magising ang bata sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

"Ano bang problema mo, Adam? Hindi ka ba makakatulog na wala ako sa tabi mo, ha? Para kang bata!" I asked sarcastically.

"Susunduin kita. Ngayon din. Nasaan ka ba?"

As if naman magpapasundo ako sa kanya. Wait. Umiiyak ba si Madison? May naririnig akong batang umiiyak.

"Umiiyak ba si Madison?" tanong ko.

"Hinahanap ka niya. Ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Kung saan-saan ka naman kasi pumupunta? Ganito ba noong wala ako? Iniiwan mo na lang sila?" tanong ni Adam.

Mas bumigat ata ang ulo ko sa sinabi niya.

Kalma, Arkisha.

Kalma lang.

No.

I cannot.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?! Wait. No. Don't you dare, Adam Jacob!"

I ended the call.

Hindi ko na kakayanin pa kung maririnig ko pa ulit ang boses niya.

Anong sinasabi ni Jane na balikan? Walang balikan na magaganap. Gera meron.

Nagpaalam ako kina Ate Gem, Ella at Jane. Sinabi ko na kailangan ko ng umuwi dahil nagliligalig si Madison. Hinahanap ako and that's new. Himala, hindi siya mapatahan ng ama niya. Okay lang naman daw kina Jane at Ella na iwan ko na sila roon. Uuwi na lang daw sila kapag dumating na si Harris para may kasama na si Ate Gem.

Hinayaan kong tumunog ng tumunog ang phone ko. Nakailang missed calls na din si Adam. Pagdating ko ng bahay ay naririnig ko pa din ang iyak ni Madison.

"Mommy!!!"

Tumakbo si Madison payakap sa akin. Lumuhod ako para salubungin siya. Pinahid ko ang luha niya at binuhat ko siya.

"Stop crying baby, andito na si Mommy," alo ko sa kanya. Nakatingin lang ako kay Adam habang sinasabi ko iyon. Halos magbaga ang mga mata ko habang tinitingnan ko siya. Hindi ako sigurado kung anong gustong sabihin ng mga mata niya pero sigurado akong galit siya.

Ibinalik ko sa kwarto niya si Madison nang mapatulog ko ito. Paglabas ko ng pinto ay nakatayo si Adam.

"Bakit mo iniwan ang mga bata?" tanong niya. Yung tono niya kanina noong nasa hospital ako ay ganoon pa din, medyo mahina nga lang ang boses niya ngayon.

"Nandito ka, nandito si Ian. Anong problema mo?" tanong ko sa kanya at pumasok ako sa kwarto ko. Sumunod naman siya.

Nagsimula akong tanggalin ang butones ng damit ko habang papasok ako sa banyo.

"Ngayon oo, pero paano noong mga panahong wala ako rito at wala si Ian? Iniiwan mo din ba sila ha? Kanino?"

Hinarap ko siya at itinigil ang ginagawa ko.

"You've been warned, Adam Jacob," bulong ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa labas? You should be looking after our kids?"

Unti unti siyang lumapit sa akin hanggang sa lumapat ang likod ko sa pinto ng banyo.

"Huwag na huwag mong ibabalik sa akin ang mga bagay na hindi mo nagawa noon, Adam," bulong ko.

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Hanggang ngayon ba, iyan pa din ang pinapaniwalaan mo? All these years nilalamon ka pa din niyan?"

"Dahil iyon ang totoo!"

Inilapat ni Adam ang palad niya sa wall ng banyo at halos makulong ako sa bisig niya sa sobrang lapit ng katawan niya sa katawan ko. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Taas baba ang dibdib ko sa sobrang kaba at nakaagaw ata ng pansin niya iyon dahil bumaba ang tingin niya sa mga ito. Ilang butones na ba ang natatanggal ko? Dalawa? Tatlo?

Nag-angat din kaagad siya ng tingin at naramdaman ko ang labi niya sa tenga ko. Halos mapatalon ako sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"God knows how much I love our kids, Arkisha. Kahit buhay ko, ibibigay ko para sa kanila. Ibibigay ko para sayo," bulong niya.

Hindi ako iiyak.

Hindi ako iiyak dahil lang sa mga binitiwan niyang salita. Hindi.

Isinubsob ni Adam ang mukha niya sa leeg ko.

I looked up para hindi magtagumpay ang mga luhang nagtatangkang bumagsak mula sa mga mata ko pero hindi ako nagtagumpay. Naiiyak ako kapag naiisip ko ito.

"Minsan.. Minsan nga naiisip ko kaya siguro hindi na tayo binigyan pa ulit ng Diyos ng anak dahil hindi natin kayang alagaan? Kaya siguro kinuha siya.. kaya siguro--."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang ilapat ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako at tuluyan ng sunod sunod na bumagsak ang luha ko. Halos sampung segundo din ang itinagal ng halik niya. Hindi ko iminumulat ang mga mata ko. Siguro isa na din sa dahilan ay ayaw kong matapos ang pakiramdam na ito. It's been almost two fucking years since the last time I felt his lips on mine and God, it still feel so amazing. Kung hindi hinawakan ni Adam ang bewang ko eh baka kanina pa ako nawalan ng balanse.

Nang hindi ko na nararamdaman ang labi niya sa labi ko ay hindi pa din ako nagmumulat ng mata. Ayokong bumalik sa realidad. Ayoko ng masaktan.

Inilapat niya ang noo niya sa noo ko at pinahid niya ang luha ko.

"You know that's not true, baby. May dahilan kung bakit siya kinuha pero hindi yung naiisip mo," bulong niya.

Patuloy si Adam sa pagpahid ng luha ko dahil langya naman oh! Hindi pa rin yata ubos ang luha ko sa mga gabing iniiyak ko noon.

"I'm so sorry sa mga sinabi ko kanina. I didn't mean to hurt you. Nagalit lang ako dahil bigla kang umalis. I'm sorry, baby. God knows I don't wanna hurt you."

Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Gusto kong maniwala sa kanya pero paano pa? Matagal na niya akong nasaktan. He already broke my heart.

I opened my eyes and guess what?

My heart is breaking again because DAMN!

Adam Jacob is crying.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.