Ex with Benefits 2

Chapter 25



Chapter 25

"Jane! Ella!" bati ko sa dalawang babaeng pumasok sa opisina ko. Agad kong inutusan ang receptionist na paakyatin ang dalawa kong bisita.

Tumayo ako para yakapin silang dalawa.

"Namiss ka namin, Arkisha!" sabi ni Jane.

"Everytime na magkikita tayo, paganda ka ng paganda," sabi naman ni Ella.

"Oo nga, iba talaga ang nagagawa ng pagmo-move on noh?" sabi ni Jane.

Alam naman kasi nila na hiwalay na kami ni Adam. Six months ago nung huli kaming magkita-kitang tatlo. Sa Singapore nagtatrabaho si Jane samantalang umuwi naman si Ella sa probinsya nila kasi nagkasakit daw ang tatay niya kaya ngayon lang sila ulit nagpakita.

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Jane.

I asked for drinks sa secretary ko at tinabihan ko silang dalawa sa couch.

"So tell us, sino na ngayon ang nagpapatibok ng puso mo?" tanong ni Jane.

"Nakafocus lang ako sa mga anak ko. I don't need a man," sagot ko.

"Sabagay eh sabi mo nga sa akin nung magkachat tayo last week eh sa bahay mo na ulit natutulog si Adam. Hindi mo na nga kailangan," Ella said sarcastically.

"Natutulog lang siya. Huwag mo ngang bigyan ng ibang kulay."

"Eh baka naman gusto na niyang makipagbalikan sayo?" sabi naman ni Jane.

"Makipagbalikan? Bakit pa? Alam mo, tapos na ang kwento namin ni Adam. Kung ano man ang nangyari noon, hanggang doon na lang yon. Masyado ng madaming nasaktan at ayoko ng maulit ang mga yon. I've suffered enough and you guys know that."

Tumango naman sila.

"Pero sabagay, kung sa akin din naman nangyari yon mahihirapan din akong magpatawad. Huwag na huwag lang talagang mambababae ang asawa ko at naku, hiwalay agad!" sabi ni Ella.

"Agad agad? Wala ng explain explain?" tanong ni Jane.

"At ano pa ang ieexplain niya? Eh kung huling huli ko na sa akto diba? Tsaka wala na akong nakikitang dahilan para mambabae pa ang asawa ko. Aba lahat naman ginagawa ko. Kahit anong posisyon pa yan!"

"Ang daming alam," sabi ni Jane.

"Aba dapat talaga madami kang alam. Kaya ikaw, galing galingan mo nang masundan na ang panganay mo!"

"Baliw talaga to!"

"Ganun talaga Jane, kapag mahal mo gagawin mo ang lahat."

"Lahat ng posisyon??"

"Lahat ng kaya mong gawin para mapatunayan sa kanya na mahal mo siya," pagtatama ni Ella.

I miss my girls. Namiss ko makipagusap ng ganito. Yung walang pakialam kahit na ano pag-usapan nyo. Kahit saan pa umabot. Kahit maglaitan pa kayo, mag-asaran. Kapag kasi sina Venice at Paris ang kausap ko, sosyal. Yayamanin!

"At si Arkisha ang expert dyan!" sabi ni Jane.

"Hindi din. Hindi ako perfect. I can't even keep a relationship," sagot ko.

"And it's not your fault," dugtong ni Jane. "Hanggang ngayon ba sinisisi mo pa din ang sarili mo?"

Huminga ako ng malalim.

"Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko maisip kung saan ako nagkulang o nasobrahan ba si Adam sa pagmamahal ko? Sinisisi ko si Adam dahil.. dahil.. Nang dahil sa kanya.."

Nararamdaman kong nababasa na ang mga mata ko.

"Let's just change topic. Enough of Adam kasi hindi ka makakamove on ng ayos pag pinag-usapan natin siya," sabi ni Ella.

She's right.

"Imposibleng hindi natin mapapag-usapan si Adam, eh siya kaya ang tatay nung kambal," sabi naman ni Jane.

She's also right.

"Okay, let's just think of happy memories," sabi ni Ella.

"Ay! May pasalubong nga pala ako sa twins," biglang sabi ni Jane.

Inilabas ni Jane ang damit na regalo niya.

"Salamat."

"Pwede ba naming makita ang kambal?" tanong ni Jane.

"Of course!" sagot ko.

Isinama ko sina Jane at Ella sa bahay. Bumalik sila sa office nung mag-out ako. Nag-mall muna kasi sila para di sila mainip sa pagiintay sa akin. Sinabi ko kasi sa kanila na hindi ako agad agad makakaalis sa office kasi madami akong kailangan gawin.

Agad na niyakap ng dalawa ang kambal. Inilabas agad nila ang pasalubong at tuwang tuwa naman ang mga anak ko.

"Jane! Ella!" bati ng hubad na Adam.

Hindi ko nga pala siya na-advise na may bisita akong dadating.

Hindi ko alam kung gaano na ba katagal kung kailan huling nakita nina Jane at Ella si Adam.

Isa o dalawang taon? O baka higit pa.

"Adam!" bati naman ng dalawa.

Lumapit sa akin si Jane at bumulong.

"Shit friend, kalimutan me ne ang pagmomove on. Hindi me nemen nebengget na mas naging hot ang asawa mo ngayon. Trust me, hindi ka magtatagumpay sa pagmomove on."

I just rolled my eyes.

"Kumain na ba kayo? Teka magpapahanda ako ng pagkain kay Manang," sabi ni Adam at nagpunta siya sa kusina.

"Arkisha, saang bansa nga ulit galing si Adam? Sa Paris? Shit. Magkano ba ang pamasahe papunta doon? Papapuntahin ko din ang asawa ko. Look at him! Mas lalong gumwapo! Paano mo nagawang makipaghiwalay sa kanya?"

Look at them. Kanina lang sinusuportahan ako na magmove on ako. Na kesyo hindi ko raw kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Adam tapos ngayon, aba, nakita lang ata ang abs ni Adam binabawi na agad lahat.

"What happened to move on thingy?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Move on? Naku, mahirap magmove on. Hindi mo kaya yun. Kalimutan mo na ang pagmo move on," sabi ni Ella.

"Oo nga, Arkisha. I don't understand why you let that man go," banat naman ni jane.

"Hay! Baliw talaga kayong dalawa!"

Nagdiretso na kami sa kusina at hindi na namin nadatnan si Adam doon. Ewan. Baka nagbibihis. Ganyan yan. Sanay na ibinabalandra ang katawan sa bahay.

Nang makakain kami ay naisip kong magpasama na din kina Jane at Ella sa pupuntahan ko bilang nandito na din naman sila. Gusto ngang sumama ng kambal pero sabi ko ay bawal ang bata sa pupuntahan namin. Hindi ko sinabi kay Adam kung saan ako pupunta. Una, hindi naman ako dapat magpaalam sa kanya at pangalawa, ayoko siyang makasama sa ganoong lugar.

Hindi talaga ako komportable na magpunta sa lugar na ito. Mabigat lagi ang pakiramdam ko sa tuwing papasok ako sa loob. Mabigat sa paa, mabigat sa ulo at mabigat sa puso.

"Okay ka lang, Arkisha?" tanong ni Ella nang mapansin niya na tumigil ako pagpasok.

"Hindi ka pa rin sanay? I mean.." putol ni Jane.

Nginitian ko sila ng tipid.

"Okay lang ako. Huwag kayong mag-alala. Medyo mabigat lang talaga," sagot ko.

"Naiintindihan ka namin. Andito lang naman kami."

Hinawakan ni Jane ang kamay ko papasok sa loob. Hindi ko na kailangang magtanong pa sa receptionist na nakatingin sa direksyon namin, alam ko na naman kung anong room ang pupuntahan ko. Ilang beses na ba akong nakapunta rito? Hindi ko na din mabilang at gusto kong matigil na.

Room 307

Pumasok kami sa elevator. Hindi pa rin binibitiwan ni Jane ang kamay ko. Alam kong nararamdaman niya ang panlalamig nito. Bumukas ang pinto ng elevator at dalawang nurse ang nakasalubong namin.

Room 307

Pinihit ko ang doorknob at pumasok kaming tatlo sa kwarto. Napalunok ako ng makita ko siya. Nakaswero pa din ang kaliwang kamay niya. Lumapit ako at hinawakan ko ang kanang kamay niya.

God, she's so thin.

She's so tiny. For a more than one year old, this baby is really tiny. I swear to God, I will do anything para gumaling siya. Matagal na din siya rito sa hospital and I miss seeing her beautiful brown eyes.

Ayoko siyang makitang ganito. Naaawa ako sa kanya. Alam kong mahirap ang pinagdadaaanan niya. It breaks my heart and I am sure that any mother would feel the same way.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.