Ex with Benefits 2

Chapter 24



Chapter 24

Tao lang ako. Nagkakamali.

"Shut up, Ian!" singhal ko sa kapatid ko na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"Is everything okay?" tanong ni Paris.

Lumapit sila sa table namin habang nakapulupot ang kamay ni Brent sa bewang niya.

"May naalala lang si Ian na nakakatawa kaya ayan kanina pa tawa ng tawa. Ganyan yan," sagot ko nang may diin sa huli.

"That must be a really hilarious memory," sabi ni Paris.

"You can never imagine," sagot ng kapatid ko na sa wakas ay humuhupa na sa pagtawa.

Tinitigan ko na si Ian ng masama. Sapat ng si Venice na lang ang nakakaalam between the twins na napagkamalan ko na babae yung Ashley. Ang dami naman kayang ganun. Pangbabae ang pangalan pero lalaki pala, tulad ng Shane, Angel, Kim, Jamie, Jessie at madami pang iba.

Kapag nalaman pa ni Paris ay katakot-takot na kahihiyan na ang aabutin ko. Pero teka nga, bakit nga ba ako mahihiya?

Nagpaalam na sina Paris at Brent at mageentertain lang muna raw sila ng bisita. See? Pinuntahan lang ata kami nung dalawa dahil makatawag pansin ang pagtawa ni Ian.

"Kung makatawa ka kasi, wagas!" sabi ko kay Ian.

"Nick?" bulalas ni Ian.

Sinundan ko ang tinitingnan niya.

"Inimbita ba sila ni Venice?" tanong ni Ian. Hindi ko alam kung sa akin ba niya tinatanong yun o sa sarili niya.

Hindi nabanggit sa akin ni Venice na inimbita niya ang mga Chua. Hay. Business will always be business.

"Si Kuya Adam nasan?" tanong ulit niya. Ang dami niyang tanong. Sana alam ko ang mga isasagot ko sa kanya.

"Iniisip mo pa din talaga ang mararamdaman ni Adam?"

Tumingin sa akin si Ian.

"Ngayon ko lang kasi ulit makikita na nasa iisang lugar silang dalawa. Kayong tatlo, actually."

"Ian, it's been two years. Sigurado akong wala ng tensyon sa pagitan naming tatlo", I assured him.

"Talaga? Eh paano mo ipapaliwanag ang tingin sayo ni Nick ngayon?" tanong niya habang nakatingin na ulit sa direksyon ni Nick.

Hindi ko na kailangan pang lingunin si Nick. Naniniwala ako na nakatingin nga sa akin ang huli. Inilayo ko ang tingin ko at nahagip nito si Adam na nasa di kalayuan. Nahuli ko siyang nakatingin kay Nick at pagkatapos sa akin.

I excused myself at sinabi ko kay Ian na pupunta lang ako sa CR.

Binilisan ko ang paglalakad nang makapasok ako sa mansyon ng mga Castrences.

"May humahabol ba sayo?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa unahan ko si Adam. Saan siya nanggaling? Saan siya dumaan?

Right. Bahay nga pala nila to. Kahit gaano pa ito kalaki ay alam niya kung paano magpasikot sikot.

"Or should I ask, may humahabol pa din ba sayo?" ulit niya.

"Where is Madison?"

"Iniwan ko kay Daddy. Saan ka ba pupunta?"

"I need to pee."

"Sasamahan na kita."

Ha? I think he's overreacting.

Halos matawa ako.

"Adam, magbabanyo lang ako. Oo, malaki ang bahay ninyo pero hindi naman siguro ako maliligaw dito diba?"

"Nag-uusap pa ba kayo nun?"

"Ha?"

Nagsimula akong maglakad papunta sa banyo. Hindi ako nagkamali na susunod nga siya.

"Ang sabi ko nag-uusap pa din ba kayo ni Chua?"

"Of course!" sagot ko.

"Business??"

Nang marating ko ang banyo ay pumasok ako. I was about to close the door nang pumasok din siya sa loob.

"Fuck, Adam?!"

"Here? Now?" tanong niya then he smirked.

I clenched my jaw.

"Iihi ako. Hindi mo na kailangang sumama sa loob."

"Say it again."

Ha?

"It sounds like music when you combine that word with my name. You're sexier when you curse, do you know that?"

He smirked.

Shit. I curse a lot when were having sex.

No.

I'm not thinking about it right now. Pero bakas na bakas na sa mukha ni Adam na iisa ang nasa isip naming dalawa.

My heart starts to beat so fast.

Fuck sex.

Fuck benefits.

Sumasakit na ang puson ko. Ihing ihi na talaga ako.

"Just get out!"

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Business matters lang ba ang pinag-uusapan nyo?"

"Why do you even care?"

"Do you like him?"

"What?!"

"Nah. Forget about it."

Lumabas na siya ng banyo.

I looked myself at the mirror. Punong puno ng tensyon ang mga mata ko. Ano bang karapatan ni Adam na magbato sa akin ng mga ganung klaseng tanong? I was sick and tired of answering his stupid questions.

Kung hindi siya kuntento sa mga sagot ko sa kanya noon, wala na akong magagawa roon at hindi na niya kailangan buksan pa ulit ngayon ang mga issue.

"I was looking for you."

Nag-angat ako ng tingin matapos kong maisara ang pinto ng banyo pagkalabas ko.

"Nick, bakit?"

"Halos isang buwan din kitang hindi nakita. I'm so glad Mr. Castrences invited me at this party. Kaya kahit bukas pa dapat ang dating ko mula Vietnam ay pinilit kong makauwi sa bansa para makita ka."

Mr. Castrences?

Right.

Daddy ni Adam.

There's no way in hell Adam would invite this guy at this party.

"How are you?" tanong niya.

"I'm good."

"You look really pretty. That dress is amazing on you."

I smiled and said thank you.

Lumapit si Ian sa akin at bumulong. I just nod.

"I'm sorry, Nick but we have to go."

"Wait, Arkisha. Are you free this weekend?" pahabol niyang tanong.

"I don't know. Why?"

"Yayayain sana kita manood ng football. May game kasi yung favorite team ko."

"I'll check my schedule."

"Thanks."

Iniwan na namin siya ni Ian. Nagsabi si Ian sa akin na uuwi na raw siya. Bigla raw sumama ang pakiramdam niya.

"Football? Seriously? Kelan ka pa nagkainteres sa football?" tanong ni Ian habang nasa daan kami.

Nagpaalam na din kasi ako kina Venice na uuwi na din kasi hindi ko naman kaya pauwiin si Ian na mag-isa eh masama nga ang pakiramdam niya. Iniwan ko ang kambal. Si Adam na raw ang magsasabay sa kanila pauwi. Mautak din. Para nga naman may dahilan siya para makauwi pa sa bahay.

"Did I ever mention that I am into football?" balik kong tanong sa kanya.

"No. But are you into that guy?"

"God, Ian. Kakailanganin ko nga ata ng catapres ngayon araw na ito. Check mo nga blood pressure ko mamaya nang mapakinabangan naman ang pinag-aralan mo."

Tawa lang siya.

"Alam mo Ate, I think kailangan mo na ng lalaki sa buhay mo para di ka nasstress ng ganyan."

"Tingin mo?" tanong ko then I turned right.

"Oo, may kilala ako. Gusto mo ipakilala ko sayo? Magugustuhan mo siya, sigurado ako."

Napangiti ako.

"I can't believe tinigilan mo na din sa wakas ang panunukso mo sa akin kay Adam!"

Abot tenga ang ngiti ko kasi diba ever since naman si Adam lang naman talaga ang magaling sa pangingin ng kapatid ko, tapos with just a snap hindi na? Nakita lang niya na pinopormahan ako ng ibang lalaki tapos may iba na agad siyang naiisip para sa akin?

Nakaka-amaze lang.

Saya!

"Gwapo yun. Siya ang pinaka pinaka sa lahat. Bagay na bagay kayo, I'm sure," dagdag pa ni Ian.

Then it hit me.

The fuck!

Tiningnan ko siya ng masama nang makababa kami ng kotse.

"Ano? Iseset ko na ba ang date kung kailan kayo magkikita?"

"Shut up!" nanggigil kong sita sa kanya.

"Ayaw mo na agad sa kanya??" tanong niya ng may halong pag-aalala.

"Hindi ka talaga mag-gigive up pagdating kay Adam noh?"

"Kainis ka naman, Ate. Bakit nahulaan mo kaagad kung sino ang tinutukoy ko?"

"Umuwi ka na ha! Bukas na bukas or better yet ipapadala na lang kita sa Amerika!"

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa office. Hindi ko isinabay si Ian kasi ang bagal kumilos eh madami pa akong kailangang asikasuhin lalo na at dumating na nga sa bansa ang mga Chua.

"Ms. Aragon, may dalawang babae po na naghahanap sa inyo dito sa lobby," sabi ng receptionist mula sa kabilang linya.

"Sino raw sila?" tanong ko.

“Stella Ocampo and Janina Torres.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.