Chapter 23
Chapter 23
Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito. I should be happy kasi wala na rito sa bahay si Adam. Hindi ko na maririnig ang boses niya. Hindi ko na siya makikita at hindi ko na din siya maaamoy. Tama. Mas okay nga ang ganito. Back to normal ang buhay ko. Isa pa, mukhang okay naman na kay Madi na umalis na si Adam. See? Hindi nga naman daw siya umiyak. Good girl. Sabagay, hindi naman kasi katulad noong unang umalis si Adam kasi batang bata pa si Madison.
Nang mapatulog ko ang mga bata ay nagdiresto na ako sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ni Adam. Yung mga damit niya na nakakalat sa kwarto ay ibinalik ko na sa maleta niya. Mas maigi ng nakahanda na ang mga gamit nya sakaling balikan at kunin niya. Mga gamit lang naman niya ang dapat niyang balikan dito. Yun lang at wala ng iba.
Itinigil ko ang ginagawa ko nang maisip ko na hindi dapat ako ang gumagawa nito. Siya ang nagkalat, siya ang mag-ayos! Ganun naman talaga diba? Kung sino ang sumira, siya dapat ang mag-aayos.
Nahiga na ako sa kaliwang bahagi ng kama at nagsisisi ako na pinalipat ko pa si Adam sa kamang ito kagabi. Okay na kasi yung mga nakaraang gabi eh. I mean, halos dalawang taon na din naman na akong natutulog magisa sa kamang ito at nasasanay na ako. Pero bakit ganun? Isang gabi lang naman napunan ang space sa kamang ito pero pakiramdam ko magsisimula na naman akong magadjust matulog mag-isa?
Oo, nakakasama ko minsan ang kambal sa pagtulog sa kamang ito pero iba yon eh. Iba sa pakiramdam yon.
Nilagyan ko ng unan ang kanang bahagi ng kama at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Maaga akong nagising at pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang maleta ni Adam. Hindi ko nga pala tinapos ang paglalagay ng mga gamit niya. Bumangon ako sa kama at itinuloy ang pagiimpake ng gamit niya. Nang matapos ako ay naligo na ako at kumain ng breakfast. Ipinababa ko na din sa katulong ang maleta ni Adam mula sa kwarto ko at ipinalagay sa sala.
I was about to leave the house. Binuksan ko ang front door at nagulat ako nang makita ko si Adam.
"Bakit nandito ang maleta ko? Arkisha, ano to?" tanong niya agad.
Ay tanga! Hindi ba siya nakakapanood sa movie ng mga ganitong eksena?
"Ipinahanda ko na ang mga gamit mo para hindi na hassle sayo ang pag-iimpake," sagot ko.
Hindi ko na sinabing ako talaga ang nag-impake, baka mamaya niyan mabigyan pa niya ng kulay. Mahirap na.
"Impake? Sinong aalis? Bakit ako aalis? Saan naman ako pupunta?"
"Kung saan ka natulog kagabi,” sagot ko at tinalikuran ko siya.
"Galing lang ako kina Ashley kagabi. Isang gabi lang yon."
Confirmed.
"Oh yun naman pala. May matutuluyan ka naman pala bukod dito. Eh di roon ka na lang sa Ashley mo!”
“May problema lang si Ashley kagabi kaya sinamahan ko siyang mag-inom. Siya ang karamay ko noong.. noong may problema tayo kaya gusto ko lang ibalik ang ginawa niya sa akin. Marami akong matutuluyan oo, pero rito ko gusto. Sayo ko gustong umuwi. Sayo lang, Arkisha at sa mga anak natin. Teka, nagseselos ka ba?"
I crossed my arms.
“Bakit naman ako magseselos? We are exes. Walang puwang ang selos sa pagitan nating dalawa.And we both know what happened the last time na nagselos ako. So no, there is no room for that.”
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya naman tuluyan na akong pumasok sa opisina. Tinawag ko na si Ian at isinabay siya.
Nang gabing iyon ay hindi ulit sa bahay natulog si Adam. Hinayaan ko lang ang mga gamit niya sa isang tabi sa living room para in case na kukunin na niya ang mga gamit niya ay madali niya itong makukuha.
“Ate, mukhang hindi ulit dito matutulog si Kuya Adam ah, kailangan mo ba ulit ng catapres?” tanong ni Ian habang kumakain kami ng dinner nang gabing iyon. Maagang natulog ang mga bata.
“Gusto mo bang uminom ng sleeping pills ng makatulog ka na agad?” balik ko sa kanya.
Kinabukasan, umattend kami ng engagement party ni Venice at Patrick sa bahay ng mga mga Castrences. Si Paris daw ang punong-abala sa party na ito. Gusto na raw niya kasing mag-asawa si Venice and I agree.
“Where is Adam?” tanong ni Venice nang mapansin niyang kami lang nina Ian at ng mga bata ang dumating.
“I don’t know. Kilala mo naman ang kapatid mo, he’s full of surprises,” sagot ko at nakipag-beso ako sa kanya.
Hinalikan niya ang kambal at sabay sabay kaming pumasok sa loob. Madami na din ang tao. Nakita ko si Patrick at may mga kausap siyang bisita. Nilapitan kami ni Paris.
“Hi Arkisha! Mukhang hindi na naman umuwi sa bahay mo si Adam ah?” tanong niya.
Paris will always be Paris.
“Oo at wala naman akong nakikitang mali roon,” sagot ko.
“Nawiwili siya kina Ashley ah,” sabi pa niya.
Paano ko ba pupuntahan si Ian sa table niya?
Wait. Umiiyak ata si Madison?
“Ashley?” tanong ni Venice.
“Si Ashley. Remember, yung college friend niya,” sagot ni Paris.
“Right. Si Ashley. Yung maputi na matangkad?”
Tumango naman si Paris.
Tinatawag ba ako ni Landon?
“I remember one time noong college sila, kasama natin siya sa Singapore and grabe, hindi talaga mapaghiwalay yung dalawa ni Adam,” kwento ni Venice habang tawa naman ng tawa si Paris.
“I think I should call Adam, hindi pwedeng wala siya rito. He can bring Ashley if he wants,” sabi ni Venice at kinuha na niya ang phone niya.
“Hello, Adam. Where are you? Oh so you’re on your way with Ashley?”
I excused myself nang kausap na Venice si Adam. Nilapitan ko si Ian at inalam ko kung masakit ba ang tiyan na Madison kasi alam mo na, baka kailanganin naming umuwi.
“She’s enjoying the food here, Ate,” sabi ni Ian nang makaupo ako sa table namin.
Pinanood ko ang anak kong lunurin ang sarili niya sa mga pagkain. I told you, Madison loves to eat.
“Okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo na bang umuwi?” tanong ni Ian.
“Sana,” bulong ko.
“Uuwi na agad tayo?!”
“Sssh. Wag kang maingay. Ang ibig kong sabihin hindi ba sasakit ang tyan ni Madison dyan?” tanong ko.
“Of course not! Those are just cookies and--.”
Naputol ang pagsasalita ni Ian nang lapitan kami ni Venice.
“Your Daddy’s here, Madi,” sabi ni Venice.
Itinigil ni Madison ang pagkain at tumakbo kay Adam. Nagtama ang paningin namin ni Adam at papalapit siya rito. Nabaling ang tingin ko sa kasama niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Kuya,” bati ni Ian kay Adam.
“Congrats Venice, finally may lalaki na ding pumatol sayo!” biro niya kay Venice.
“How dare you!” sagot ni Venice at tumawa naman si Adam. “Hi Ashley!” bati ni Venice sa kasama ni Adam.
“By the way, Ashley I want you to meet Arkisha, Ian and of course kilala mo na naman ang mga anak ko diba? Arkisha, Ian, this is Ashley.”
Ipinakilala niya si Ashley sa amin nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. I know that look Adam Jacob Castrences. Damn you!
“Hi Arkisha, it’s nice to finally meet you!” sabi nung Ashley at nakipagshake hands pa siya sa akin. Sana lang hindi niya naramdaman na nanlalamig ang palad ko.
Sinipa ko ang paa ni Ian sa ilalim ng mesa nang maramdaman kong pinipigilan niya ang tawa niya. Nagpaalam muna sandali sina Adam at Ashley na kukuha ng pagkain. Isinima nila si Madison.
Venice was about to leave our table as well nang pigilan ko siya.
“Ah Venice, lalaki pala si Ashley,” bulong ko sa kanya.
“Oo, lalaki nga. Oh my God, Arkisha don’t tell me nagselos ka kay Ashley?!”
“Hindi ah,” depensa ko.
“Sabagay, hindi ko nga nabalitaan na pinalayas mo si Adam when you found out na kay Ashley ito tumuloy nang hindi umuwi sa inyo,” Venice said sarcastically.
Ipinatong niya ang palad niya sa kaliwang balikat ko.
“You can fool yourself by filling the hole inside of you but you're still gonna feel what's really missing."
Then she left.
Nilingon ko si Ian. Hindi na niya napigilan ang sarili niya and he burst out laughing.
novelraw