Chapter 22
Chapter 22
Hindi kaya ako ang nagdidiliryo at hindi si Adam? Nasa langit na ba ako? Hindi pa akong pwedeng mamatay. Ang babata pa ng mga anak ko, gusto ko pang matutong magcross stich, tsaka kailangan ko pang umattend pag kinasal si Jam. Pangarap kasi yun ni bakla, ang ikasal. Gusto raw niya yung mas bongga pa raw sa kasal ko. Pero bakit parang nakakakita ata ako ng anghel?
Pumikit ako at nagmulat ulit ang mata ko. Ngumingiti yung anghel.
“Good morning!”
Shit. Nagsasalita yung anghel. English pa!
“It really feels great waking up beside you,” dagdag pa nito.
Foreigner nga ata yung anghel.
Pero ang anghel na ito ay kamukha ng demonyo kong asawa. EX, I mean.
I was about to stand up nang hawakan niya ako sa braso.
“Teka lang naman. I-extend naman natin yung sinabi ko kagabi. Tsaka may sakit pa ako oh,” sabi ni Adam at inilapat niya ang kamay ko sa leeg niya.
“Nasa utak ang sakit mo, Adam,” sagot ko. Hihirit pa kasi.
“Ibig mong sabihin isa kang sakit?”
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Eh ikaw lang naman ang laman ng utak ko eh,” sagot niya.
Kalma, Arkisha. Si Adam talaga ang nagdidiliryo. Tingnan mo, kung ano ano na ang lumalabas sa bibig.
Ngumiti ako sa kanya.
“Hindi totoo yan, masyado akong malaki para magkasya sa utak mo,” diin ko sa kanya.
“Alam ko, kaya nga umabot ka na rito eh,” sabi niya at mula sa ulo niya ay ibinaba niya ang kamay niya sa may dibdib niya.
“Ha-ha,” sagot ko na lang. “Wala ka ng lagnat, Adam. Sure ako.”
Tumayo ako at nagdiretso na sa banyo.
Kailangan kong tawagan si Venice at ipasundo ang magaling niyang kapatid. Nakakatakot kaya. Mamaya niyan kung anu-ano pa ang matutunan ni Ian sa kanya. Psssh!
Nang makapagbihis ako ay nakita ko si Adam na naghahanda ng breakfast.
“Wala ka bang pasok?” tanong ko kay Adam pagkatimpla ko ng kape ko.
“Nakaleave ako,” sagot niya. Tiningnan siya ni Ian.
Napataas ang kilay ko. Sa akin naman ibinaling ni Ian ang tingin niya.
“Himala,” bulong ko. “Kakayanin ba ni Venice ang pagpapatakbo ng CGC?”
“Aha.”
“Hanggang kailan naman ang leave mo?”
“Depende.”
“Depende saan?”
“Depende sayo.”
“Sa akin? Bakit ako?”
Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat at inalalayan sa pag-upo sa silya.
“Aish. Wag ng maraming tanong. Kumain ka na lang.”
“Hindi ako nagugutom.”
“Hindi yan totoo. Magkakape ka lang? Sinabi mo sa akin noon na sumasakit ang ulo mo kapag kape lang ang iniinom mo sa umaga. Tsaka pasasalamat ko na din ito sa pag-alalaga mo sa akin kagabi.”
“Inalagaan ka niya Kuya Adam?!” nanlalaking matang tanong ni Ian.
Pakshet. Andito nga pala ang magaling kong kapatid.
“Hindi totoo—.”
Pinutol ni Adam ang pagsasalita ko at sinubuan niya ako ng tinapay.
“Oo, ang sweet nga ng ang Ate mo kagabi eh. Buong magdamag niyayakap niya ako,” pagkekwento ni Adam habang yakap yakap ang sarili. “Sabi ko pa nga, ‘Arkisha, huwag mo na akong yakapin baka mamaya magkasakit ka din,’ pero hindi talaga siya paawat at mas humihigpit ang yakap niya.”
“Hoy! Hindi totoo yan!” sabi ko nang malunok ko ang tinapay na isinubo niya.
Lumapit si Adam kay Ian at bumulong pero pakinig ko pa din naman.
“Mahiyain kasi talaga ang Ate mo. Gagawin niya ang lahat para i-deny ang nangyari,” sabi ni Adam.
“Adam, pwede ba! Huwag ka ngang magsabi ng kung anu-anong kasinungalingan sa kapatid ko!”
“Bakit? Diba, ikinuha mo pa ako ng gamot at tubig kagabi?” tanong niya sa akin.
“O-oo,” napilitan kong sagot.
“Tapos pinalipat mo pa ako sa kama mo, diba?”
“Magkatabi kayo kagabi? Whoa!” singit ni Ian.
“O-oo,” sagot ko ulit.
“Pinalitan mo pa nga ako ng damit diba?”
“Adam, stop!”
Para siyang tanga. Pati ba naman iyon kailangan pang sabihin sa harap ni Ian.
“Syempre hanggang doon na lang ang mga sasabihin ko. The rest will be in private,” sabi ni Adam kay Ian at tinapik tapik pa ang balikat ni Ian.
Tatawa tawa naman ang kapatid ko.
“Ian, it’s not what you think,” depensa ko.
He just shrugged habang nakangiti. Tumayo na siya at lumabas ng dining room.
“Pwede ba Adam, tigilan mo nga ang pagkekwento sa kapatid ko ng kung anu-ano. Hindi naman totoo.”
“Totoo naman ang mga sinabi ko ah.”
“Yung unang part, hindi totoo.”
Tinitigan ako ni Adam at kumunot ang noo.
“Hind ba ganun ang nangyari?” Ngumiti siya at lumapit sa akin. “Ah di bale, pwede mo pa din naman ipaalala sakin mamayang gabi--.”
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at isinubo ko sa kanya ang hawak kong tinapay. Iniwan ko na siya at pumasok na ako sa office.
“Miss Aragon, nasa line 3 po si Miss Paris,” sabi ni Honey mula sa intercom.
“Okay salamat,” sagot ko at sinagot si Paris.
“Balita ko may sakit si Adam kagabi, okay na ba siya?”
Sumandal ako sa upuan at sinagot ang tanong ni Paris.
“Walang sakit ang kapatid mo, okay? Maarte lang siya. Paano naman nakarating sayo ang balitang yan?”
“Sinabi ni Madi. Bago ako umalis ng bahay kanina ay dumaan sina Adam kasama ang kambal. Late na nga ako nakapasok ngayon.”
Hmmm.. So naitakas na pala agad ni Adam ang mga anak ko pagkapasok ko.
“Nakaleave nga ba si Adam? Hanggang kailan?” tanong ko. Bilang kausap ko na din naman si Paris ay aalamin ko na ang sagot.
Isang ipit na tawa lang ang isinagot niya.
“Hello, Paris?”
“Kung ano ang isinagot sayo ng kapatid ko, yun lang din ang sasabihin ko.”
Ghad! Why do they love Adam so much?
Hindi na ako nakapasalita pa dahil ibinaba na niya ang telepono.
Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko agad ang kambal sa sala. Naglalaro sila gamit ang mga laruan na dala ni Adam.
“Look at this Mommy, bigay ni Daddy sa akin,” sabi ni Madison matapos ko siyang halikan sa noo. Hawak-hawak niya ang isang malaking manika. “Sabi niya wag daw akong iiyak kasi aalis na ulit siya. I’m a big girl now, Mommy kaya hindi ako umiyak kanina nung umalis na siya.”
Wait, whut?
“IAN!!!”
Hinanap ko si Ian sa kitchen pero wala siya. Bumalik ulit ako sa living room at mula sa kwarto niya sa taas ay sumilip siya sa living room.
“Ate, ano ba? Rinig na rinig sa buong bahay ang boses mo. Sobrang lakas. Bakit ba?”
“Ma’am, may problema po ba?” tanong ng isang katulong na bigla na lang sumulpot mula sa pinto ng dirty kitchen. Kasunod niya ang isa pang katulong.
“Nasan si Adam?!” tanong ko sa kanila pero kay Ian lang ako nakatingin.
“Buong maghapon tayong magkasama sa office, wag mo sa akin itanong,” sagot ni Ian.
Ibinaling ko ang tingin ko sa mga katulong. Bakas na bakas sa mga mukha nila ang takot.
“Ah eh Ma’am, kanina pa po siyang umalis. Mga bandang alas singko po. Hindi po sinabi kung saan siya pupunta,” sagot ng isang katulong.
Umakyat ako sa kwarto para tingnan kung nandoon pa ang mga gamit niya at mukhang hindi naman nagalaw ang mga iyon. Lumabas ulit ako ng kwarto at hinarap si Ian.
“What’s wrong, Tito Ian?” narining kong tanong ni Landon.
“Wala naman. Beastmode lang ang Mommy ninyo.”
Nakakunot ang noo ko habang nag-iisip kung saan naman ba pupunta yon. Naisip kong tawagan si Paris. Baka may nabanggit sa kanya si Adam kaninang umaga.
“Hello Paris.. Si Adam kasi..ahm, gusto ko lang malaman mo na wala siya rito. Alam mo na, baka kasi mag-alala kayo.”
“Why? Hindi ba siya diyan umuwi ngayon?”
“Iniwan niya lang ang mga bata at sabi ng katulong umalis din daw.”
“Ah, right. Baka kasama niya si Ashley ngayon.”
“Sino kamo? Ash-- Ashley?!”
I swear hindi naninigkit ang mga mata ko ngayon.
“Si Ashley, siya siguro ang kasama niya ngayon. Why Arkisha? Okay lang naman yun diba? Hiwalay na naman kayo ni Adam diba?”
Hindi nakakatuwa ang tono ng pananalita ni Paris. I composed myself and answered, “Of course, that’s fine.”
Then I ended the call.
“Ashley? Sino si Ashley?” tanong ni Ian.
“MALAY KO!! PAKELAM KO BAH?! TABI NGA DYAN!” at tinabig ko si Ian sa balikat. Bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko ay narinig ko pa siyang nag-utos sa katulong.
“Manang, PAHINGI NGA PO NG CATAPRES, MGA 32!”
novelraw