Chapter 21
Chapter 21
(PRESENT DAY)
I asked Ian to get my bag. It's Sunday today. Magsisimba kami.
"Ate, may itatanong ako sayo," sabi ni Ian pagka-abot ng bag ko.
"Ano naman yon?"
"Sa kwarto mo natutulog si Kuya Adam diba?"
Hindi ako sumagot.
"Bakit may nakita akong comforter na nasa isang tabi? Ibig bang sabihin hindi mo siya katabing matulog sa kama?"
"Hindi," tipid kong sagot.
Tinawag ko na ang mga bata at inutusan ko ng sumakay sa kotse.
"Hindi ba natin hihintayin si Kuya Adam?" tanong ni Ian.
Maaga kasing ipinatawag si Adam ng Daddy niya at pinapunta sa opisina.
"Oo nga, Mommy. Hintayin na natin si Daddy, please?" pakiusap ni Madison. Nakaupo na silang dalawa ni Landon sa backseat habang katabi ko naman sa unahan si Ian.
"Hindi siya darating okay? Kung hihintayin natin ang Daddy nyo, we might missed the mass," sagot ko at sinimulan kong paaandarin ang kotse.
"Pero nagpapahintay siya, Mommy," sabi ni Landon.
"Lagi naman na ganun," bulong ko.
Sinulyapan ako ni Ian.
"Huwag mo ng dagdagan. Umiinit ulo ko," banta ko kay Ian. Mukha kasing hihirit pa siya.
Hindi na ako papauto sa mga salita ni Adam. Ilang beses naman niyang ginagawa yon noon. Sinasabi niya na susunod or pupunta siya pero hindi naman niya tinutupad.
Mabilis lang kami nakarating sa simbahan. Pinaggitnaan namin ni Ian ang kambal. Nang mag "peace be with you" na ay nakita ko si Adam paglingon ko sa likod. Naglalakad papalapit sa amin. Nakangiti at para bang walang problema sa mundo.
"Hi baby!"
Ako ba raw?
Hinalikan niya sa buhok si Madi nang makalapit siya sa amin.
Ay, hindi pala ako.
Nang matapos ang misa ay lumabas na kami ng simbahan.
"Sorry I'm late," sabi niya sa akin at binati niya si Ian.
"Sanayan lang naman yan," sagot ko.
"Better late than never, Kuya," banat ng kapatid ko.
"Better together," hirit naman ng isa at naghigh five pa silang dalawa. Nagyaya si Adam na kumain muna raw kami sa labas. Tututol pa sana ako kaso nakasagot na agad yung tatlo ng "sure" eh.
"Kay Daddy kami sasabay," sabi ng kambal.
Hindi na ako tumutol.
"Ngumiti ka naman, Ate," sabi ni Ian pagkasakay naming dalawa sa kotse ko.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Nu ba yan? Made in China ang ngiti mo!"
"Bakit hindi ka kay Adam sumabay?" tanong ko.
"Wag na. Mahirap na. Baka mamaya takasan mo pa kami. Tsaka diba sabi ni Mama babantayan daw kita.”
"Hindi ko naman kayo tatakasan."
"Weh? Sabagay kahit ano namang gawin mong pagtakbo o pagkatakas, alam ko naman na kay Kuya Adam pa din ang bagsak mo eh.”
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ian. Hahaba lang kasi ang usapan at pag nangyari yon, mas magkakaroon siya ng maraming pagkakataon para asarin ako at sigurado buong byahe ay pangalan lang ni Adam ang maririnig ko mula sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay ay madilim na din. Napansin kong nakahawak sa sintido niya si Adam. Ano kayang problema niya? Inasikaso ko ang kambal at pinatulog na din sila. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakita ko si Adam na nakahiga sa sofa. Hindi man lang nagalaw ang comforter na nasa isang tabi. Hindi na din nagpalit ng damit si Adam.
“Adam,” tawag ko sa kanya pero hindi siya kumikibo. Nakatulog na nga ata.
Nagpunta ako sa banyo at nagpalit ako ng damit. Paglabas ko ay mukhang tulog na tulog pa din siya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso para gisingin. Hindi na ba talaga siya magpapalit ng damit?
“Adam, hindi ka na ba magpapalit ng damit?” tanong ko pero ungol lang ang isinagot niya. Hinawakan ko ang noo niya at mainit na mainit ito. Hinipo ko ang leeg niya at ganoon din ito.
“Adam, nilalagnat ka. Gumising ka at magpalit ka ng damit,” sabi ko sa kanya pero ungol lang ulit ang isinagot niya.
Bumaba ako at nakita ko si Ian sa kusina na umiinom ng tubig.
“Nilalagnat si Adam,” sabi ko sa kanya at kumuha ako ng isang basong tubig. Kumuha na din ako ng gamot sa medicine cabinet.
“Tinatablan din pala ng sakit ang idol ko?” sagot niya sa akin. “Joke lang ate, ikaw ba naman ang ilang gabi na matulog sa sahig, ewan ko lang kung di ka magkasakit kahit pa sabihin na may panlatag. Eh sa lamig ba naman sa kwarto mo.”
Napaisip ako. Siguro nga tama si Ian. Ang kulit kasi ni Adam eh, bakit ba kasi niya ipinagsisiksikan ang sarili niya rito eh ang laki laki ng kwarto niya sa bahay nila!
Tinalikuran ko na si Ian at bumalik na ako sa kwarto. Pilit kong ginising si Adam para palipatin siya sa kama.
“Adam, lumipat ka na sa kama,” bulong ko sa kanya habang inaalalayan siyang tumayo. Nang makalipat siya ay hinubad ko ang damit niya. Kailangan niyang magpalit ng damit. Ipinainom ko na din sa kanya ang gamot.
“Arkisha..” tawag niya.
Naupo ako sa kama matapos kong maayos ang higa niya. Tinitigan ko siya habang tinatawag niya ang pangalan ko. Nakakainis. Kahit may sakit tong gago na to, ang gwapo gwapo pa din! Kamukhang kamukha niya si Landon.
Iminulat niya ang mga mata niya at tiningnan ako. Pumikit ulit siya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Bumagsak ang mukha ko sa dibdib niya.
“Arkisha..” tawag niya ulit.
Naramdaman ko ang yakap niya.
Shit Adam, ang init mo!
Kumalas ako sa yakap niya at inilapat ko ang palad ko sa noo niya.
“Adam, gusto mo bang dalhin na kita sa hospital? Nagdidiliryo ka na ata. Paulit-ulit mo na kasing tinatawag ang pangalan ko,” sabi ko sa kanya.
“Nurse ka ba sa hospital na pagdadalhan mo sa akin?” tanong niya habang nakapikit pa din ang mga mata niya.
“Hindi pero, mababantayan ka ng mga nur--.”
Kinabig niya ulit ako papalapit sa kanya at niyakap.
“I don’t want to go anywhere far from you. Dito lang ako. Dito ka lang sa tabi ko,” bulong niya sa tenga ko.
Hindi ako gumalaw habang ibinubulong niya sa akin ang mga salitang yon. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Pakiramdam ko ilang dekada ang lumipas nang huli kong marinig ang boses niya.
“Please, Arkisha kahit ngayong gabi lang. Dito ka muna sa tabi ko. Kahit ngayon lang.”
Hindi ko mainitindihan pero parang nakakaramdam ako ng pagmamakaawa sa boses niya. Imposible! Ano pa ba ang gusto niyang makuha mula sa akin? Eh hindi ba naibigay ko na naman sa kanya lahat. Lahat lahat ng akin ibinigay ko na! Yung oras ko, pagmamahal ko at buong sarili ko.
“Kahit ngayong gabi lang Arkisha, pwede bang kalimutan mo muna ang galit sa puso mo?”
Patuloy lang siya sa pagbulong sa tenga ko at patuloy pa din ako sa pagkumbinsi sa sarili ko na hindi ako iiyak. Matapang ako. Ako si Arkisha Aragon at hindi na ako mapapaiyak ng isang Adam Jacob Castrences. Hinding hindi na!
Nang hindi na nagsasalita si Adam ay tiningala ko siya. Mahigpit pa din ang yakap niya sa akin. Inayos ko ang higa ko at tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ko na ba siyang tinititigan. Sigurado naman ako na tulog na tulog na siya.
Ilang araw na ba siya rito sa bahay? Nahihirapan akong kumilos when Adam is around. Naiinis pa din ako sa kanya. Naiinis ako sa ginawa niya at hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko dahil alam kong unti unti na din akong nagbabago. Natatakot ako sa magiging resulta kapag ipinagpatuloy niya ang pananatili rito sa bahay. Natatakot ako sa nararamdaman ko.
As long as Adam is inside this house, I feel like I am in hell but tonight when he is lying next to me, while watching him fall asleep, it feels like heaven.
novelraw