Ex with Benefits 2

Chapter 27



Chapter 27

Nagui-guilty lang siya kaya siya ganyan. Nagui-guilty siya sa mga kasalanang ginawa niya sa akin at sa mga anak niya. Hindi ako magpapadala sa mga luha mo Adam Jacob dahil kulang pa ang lahat ng yan sa sakit na naramdaman ko. Kulang pa sa lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa akin.

Iniwan ko siya at lumabas ako ng kwarto. Hindi ko siya kayang makitang ganun. Ayoko. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya.

"Ate," tawag ni Ian.

Nilingon ko siya at nilapitan niya ako sa terrace. Pinahid ko ang mga luha ko.

"Hanggang ngayon pinapaiyak ka pa din niya."

Hindi ko alam kung tanong ba yon o hindi.

"Ewan ko ba, nagtataka nga ako. Ang tagal tagal na naman naming tapos pero hanggang ngayon nagagawa pa din niya akong saktan. May relasyon o wala nasasaktan niya pa din ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar."

"Nasasaktan ka kasi mahal mo pa din siya."

Tiningnan ko si Ian. Gusto kong umiling pero hindi ko magawa. Hindi din naman kasi siya maniniwala.

"Tingin mo?" tanong ko.

Is it really possible to love and hate him at the same time?

"Honestly, gusto kong magalit kay Kuya Adam dahil pinapaiyak ka niya pero minsan kasi iniisip ko ikaw din naman ang gumagawa niyan sa sarili mo."

So kasalanan ko ang lahat ng ito? Ako na naman ang dapat sisihin?

"Hindi ko maintindihan kung bakit mas kinakampihan mo si Adam kesa sa akin. God Ian, alam mo lahat ng pinagdaanan ko. Nandoon ka noong halos gumuho ang mundo ko."

"Alam ko naman lahat, Ate. Ang problema kasi hindi ka makamove on. Palagi kong sinasabi sayo na aasa ako na magkakabalikan pa din kayo ni Kuya Adam pero sa nakikita ko ngayon parang gusto ko ng sumuko," sabi niya at iniwan na niya akong mag-isa.

Yung wasak kong puso kanina ay parang mas nawasak sa mga salitang binitiwan ni Ian. Pakiramdam ko binubuhusan ng alcohol ang puso kong sugatan.

Sumusuko na si Ian.

Hindi ko naman kailangang magworry diba?

Mas okay nga yon eh.

Mas okay yun.

Kinabukasan, nagpaalam si Ian na uuwi na raw siya ng probinsya next week.

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng breakfast. Tulog pa ang mga bata.

"Diba matagal mo na naman akong pinapaalis, Ate. Dun ka naman magaling diba, ang magtaboy ng tao?"

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Adam na nakatayo. Dala ang mga gamit niya.

"Hindi ko na ginising ang mga bata para magpaalam," sabi ni Adam.

"Saan ka pupunta, Kuya Adam?" tanong ni Ian.

"Sa tingin ko mas masasaktan ko ang Ate mo kapag ipinagpatuloy ko ang pananatili rito."

Nakatingin lang ako sa pagkain ko habang nagsasalita si Adam. Sanay na ako sa ganyan. Aalis, dadating tapos aalis ulit.

"Aayusin ko na din ang annulment naming dalawa at pakisabi sa Ate mo, tatawagan na lang siya ng lawyer ko para pag-usapan ang arrangements namin tungkol sa mga bata."

"Kuya Adam.."

Halos dalawang taon na kaming hiwalay ni Adam. Hindi na dapat bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Ganito rin kaya ang naramdaman niya noong makipaghiwalay ako sa kanya two years ago?

Iba pala sa pakiramdam kapag ikaw ang hinihiwalayan. Ang sakit pala sa pakiramdam. Feeling mo may ginawa kang mali sa relasyon nyo. Iisipin mo kung saan ka ba nagkulang?

Annulment?

Will he really be out for the rest of my life?

When I looked up, wala na si Adam sa pwesto niya kanina.

"Congrats Ate. You won. Your marriage will be annulled soon. I think we should celebrate!"

Kahit nakangiti si Ian habang sinasabi ang mga yon ay ramdam na ramdam ko ang sarcasm sa boses niya.

"You know what Ian, I thought all this time naiintindihan mo ako, but I guess I was wrong. Nawala ang anak namin ng dahil sa kanya! Pero anong nangyari? Ako pa rin ang nasisisi sa huli. Kasalanan ko pa din. Hanggang ngayon ba naman na tuluyan na kaming maghihiwalay, ako pa din ang may kasalanan? Minahal ko si Adam, pati ba naman iyon mali pa din? Bukod kina Madison at Landon, alin pa ang tama?"

"Ni minsan ba Ate inisip mo ang nararamdaman ni Kuya Adam? Ni minsan ba inisip mo na baka naman hindi lang ikaw ang nasasaktan? Baka may iba pang taong naaapektuhan?"

"Syempre naisip ko din naman yon. Hindi ako selfish na katulad niya! But he deserves it. He deserved all the pain, Ian."

Iniwan ko na si Ian at pumasok na ako sa office. Hindi ko na siya isinabay. Kung uuwi na siya next week ibig sabihin hindi ko na siya kailangang papasukin sa office.

Ipinatawag ako ni Venice. Pumunta raw muna ako sa CGC. Isinama ko naman si Ellaine. Pinaghintay ko muna siya sa labas ng office ni Venice at sinabi ko na mabilis lang naman kaming maguusap ni Venice. Ayoko ding magtagal dito sa CGC. Baka kasi kaya gusto ng bumalik ni Adam sa kanila eh dahil tapos na ang bakasyon niya at babalik na siya sa trabaho. Baka magkrus pa ang landas namin dito.

"It's getting serious, right?" tanong ni Venice.

"What do you mean?"

"Adam Jacob called me earlier. Nagpapaschedule ng meeting with Atty. Mendez. Alam mo bang wala akong ibang gustong maging sister-in-law kundi ikaw lang Arkisha."

Hindi ako sumagot. Alam ko naman yon. Pero ganun nga siguro talaga, hindi lahat ng gusto natin eh nakukuha natin.

Ako.

I have always wanted a perfect family. I told myself back then that my family will never be broken. Ayokong matulad kina Mama at Papa. Sino ba naman ang may gusto ng broken family diba?

Pero minsan iba ang gusto ng tadhana,

People change.

"Siguro si Paris, ginusto noon si Scarlett pero ako ikaw lang."

Tiningnan ko ang maganda niyang mukha. Nakalugay ang buhok niya.

"Pero sino ba naman ako para pigilan kayong dalawa diba? I have always wanted you guys to be happy. Kung gusto mo talagang makipaghiwalay kay Adam for good then ako mismo ang tutulong kay Adam sa process ng annulment."

"Venice..," ang tanging nasambit ko.

Right. People really change.

"Hindi ko na kailangang itanong pa ulit sayo kung sigurado na ba talaga kayong dalawa because I am sure that's what you really wanted two years ago, right?"

Hindi ko alam kung pinapunta lang ba ako ni Venice rito para sermunan o payuhan.

"You can go now, Arkisha."

Lumabas ako ng office ni Venice na natatameme pa din.

"Aalis na ba tayo Ms. Aragon?" tanong ni Ellaine habang naglalakad kami papunta sa elevator.

I looked at her at sa likod niya ay nakita ko ang isang magandang babae na nakasuot ng kulay pulang damit. Mataas ang stiletto na suot niya na sa tantya ko ay five inches. Alon alon ang kulay chesnut brown niyang buhok na mahaba. Sinundan ni Ellaine ang babaeng tinitingnan ko.

"Anong ginagawa niya rito?" bulong niya.

Pumasok ang babae sa opisina ni Venice.

"Kilala mo siya?" tanong ko kay Ellaine.

"Opo. Her name is Anika."

May mga idinagdag pa si Ellaine na sagot sa tanong ko but my mind was too preoccupied by that name.

ANIKA.

I will never ever forget that name. Who is Anika, anyway? Is she the same Anika two years ago?

Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Venice sa akin kanina sa office niya? Na ako lang ang gusto niyang maging sister-in-law o pati ba iyon nagbago na?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.