Everyday, Every You

Chapter 6



Chapter 6

MABUTI na lang wala ngayon ang kasama ni Bea rito sa dorm niya dahil hindi ko alam kung saan ako matutulog ngayong gabi. Ayoko namang bumalik doon sa condo dahil tiyak hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko kapag narinig ko na naman si Shaun kasama `yong babaeng nasa kuwarto niya.

Sobrang sakit na talaga. Sobra-sobra na. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin. Kaya napagdesisyunan ko bigla-bigla na mag-overnight dito sa dorm ni Bea. At least dito nakakaiyak ako. Nailalabas ko ang lahat ng sakit. Katulad ng pag-iyak ko kay Bea kanina.

Ilang minuto rin akong hinayaan ni Bea na umiyak habang yakap-yakap niya ako nang mahigpit. Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagtanong. Alam na naman niya kasi kung bakit ako umiiyak. Alam na alam na niya ang dahilan ng bawat luhang lumalabas sa mga mata ko.

Nang matapos akong umiyak, pumasok na kami sa loob ng dorm ni Bea. Tinanong niya ako kung gusto ko ba raw kumain dahil may ulam pa pero sinabi kong ayoko. Gusto ko na lang `kako na magpahinga dahil bigla akong napagod.

Kaya ngayon, nakahiga na kami ni Bea sa kama niya. Magkaharapang dalawa. Walang nagsasalita sa amin dahil siguro’y hinihintay niya ako mag-open up sa kanya.

Isa rin ito sa nagustuhan ko kay Bea. Kapag nakita niya akong umiiyak, hinahayaan niya lang ako hanggang sa ako na mismo ang magsalita at magsabi ng nararamdaman ko sa kanya.

“Nag-set ng date si Shaun sa akin kasama si RJ,” paninimula ko. Nakikinig lang si Bea. “Akala ko nagbibiro lang siya nang sinabi niya sa akin iyon pero hindi. Tinotoo niya talaga. Ilang ulit niya pang pinaalala sa akin kanina ang tungkol doon. Gustong-gusto niya talaga akong pumunta doon.”

Hinawakan ni Bea ang kamay ko nang mahigpit. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong awa sa akin at inis kay Shaun. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“Hindi ko siya maintindihan. Ayaw niya akong sumama sa `yo doon sa blind date pero nag-set naman siya ng ibang date sa akin. Ang gulo-gulo ng mga pinapakita niya. Hindi siya consistent. Pero ako naman `tong si Tanga. Pumunta. Mabuti na lang hindi ako pinursue ni RJ,” sabi ko. “Naglinis si Shaun kanina ng condo. Akala ko bored lang siya kaya niya ginawa iyon. Pero pag-uwi ko—”

Napatigil ako para huminga nang maayos. Naramdaman ko na naman ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Wala na talagang kapaguran ang mga mata ko sa pagluha.

“Pag-uwi ko, may babae na naman siyang dinala sa condo. Kaya pala sinabi niya na mag-text ako kapag pauwi na ako... para hindi ko makita iyon. Ilang beses na naulit ito. Ilang beses na niyang ginawa ito. Pero patuloy ko pa rin siyang pinapatawad. Patuloy akong nagiging tanga.”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Bea sa kamay ko nang tumulo ang mga luha ko.

“Pero sino ba naman ako para magalit, `di ba? Sino ba naman ako para magalit sa kanya tuwing nag-uuwi siya ng babae sa condo. Eh, condo niya `yon. Kanya `yon. Besides, hindi naman niya ako girlfriend. Wala kaming relasyon. Best-friend niya lang ako. Best friend na walang karapatang magalit tuwing may inuuwi siyang babae. Tuwing may kasama siyang babae.

“Pero kahit wala akong karapatan na magalit, nasasaktan ako. Nasasaktan ako tuwing nakikita kong may kasama siyang iba. Kailangan kong itago `tong sakit sa puso ko kasi nga best friend lang ako. Best friend na kailangan siyang suportahan sa mga ginagawa niya.”

Bigla akong napatawa habang lumuluha.

“Best friend. Dalawang salitang panampal sa taong palihim na nagmamahal sa kaibigan niya,” sabi ko saka napailing-iling. “Ang tanga-tanga ko, Bea. Ang tanga-tanga ko para ma-in love sa bestfriend ko. Bakit sa dinami-rami pa kasi ng lalaki, bakit siya pa? Bakit sa best friend ko pa?”

“Hindi ka tanga. Nagmamahal ka lang,” sabi niya. “Minahal mo siya hindi dahil tanga ka. Minahal mo siya dahil tao ka lang. Nakakaramdam ng pagmamahal para sa isang lalaki na hindi dapat karapat-dapat mahalin. Chin, umamin ka na kasi. Para matapos na `to.”

Tiningnan ko siya. “Ayoko. Ayokong mawala ang kung anong meron kami ngayon.”

“Sa nangyayari at sa nararamdaman mo, paunti-unti na rin namang nawawala ang kung anong meron kayo ng bwisit na `yon, Chin,” sabi niya. “It’s either umamin ka o itago mo forever `yang feelings mo sa kanya kahit ang sakit-sakit na. O hindi kaya naman, iwasan mo siya.”

“Sinubukan kong umamin sa kanya kanina,” pagtatapat ko. “Sa pabirong paraan nga lang. Doon naman tayo magaling, `di ba? Idaan sa pabirong paraang ang nararamdaman. Para kapag hindi ang inaasahan nating sagot ang nakuha natin. Pwede tayong tumawa. Kasi kunwari biro lang `yon.”

“O, ano’ng sinabi ni Shaun?”

“Sabi niya, iiwas daw siya. Mag-best friend daw kami kaya iiwas na lang siya dahil ayaw niyang lalo akong masaktan. Ibig sabihin n’on, `di ba, wala akong pag-asa sa kanya? Kasi iiwasan niya ako. Kasi lalayuan niya ako. Kung umamin pala ako, mawawala lang din siya sa akin. Mawawala ang best friend ko. Kapag nalaman niya `tong feelings ko, mawawala lalo si Shaun sa akin, Bea.”

Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Bea. Habang ako naman, patuloy pa rin sa pagluha.

“Hindi ko talaga alam kung sino ang sisisihin ko sa aming dalawa. Kung siya ba dahil ang manhid-manhid niya para hindi maramdaman na mahal ko siya na higit pa sa kaibigan. O ang sarili ko ba dahil ang duwag-duwag ko para sabihin na mahal na mahal ko siya,” sabi ko ulit.

“Hindi ko talaga sigurado kung sino ang may kasalanan. Kung siya ba dahil masyadong nakaka-fall ang bawat sinasabi at ginagawa niya. O ang sarili ko dahil hindi ako marunong makuntento sa kung anong meron kami ngayon.”

“Walang dapat sisihin sa inyo. Babae ka, mahina ka. Madali talaga tayong ma-fall sa tipo ni Shaun. Lalo na kung ibang-iba ang trato niya sa `yo kaysa sa iba. Habang si Shaun, lalaki siya. Manhid. Masyadong sweet at ma-effort sa `yo kaya hindi niya naman alam ang limitasyon niya. Nasanay kasi siya dahil mula noon hanggang ngayon, ganoon siya sa `yo.”

Pinunasan ni Bea ang mga luha ko.

“Sa ngayon, dito ka muna matulog. Sa susunod na araw ka na umuwi sa condo. Magpalamig ka muna at mag-isip-isip. Sakto may school bazaar bukas. Mag-inom tayo.” Ngumisi siya.

“Hindi ako umiinom ng alak,” sabi ko.

“Ay oo nga pala good girl ka. Kaya palagi kang nasasaktan, eh. Masyado ka kasing mabait.” Natawa si Bea. “Ah, basta. Dito ka muna. Wala naman `yong kasama ko kaya solo natin `tong kuwarto.”

“Paano si Shaun?” nag-aalala kong tanong.

“Magpakamatay na lang siya.” Napaikot ng mata si Bea kaya natawa ako. “Naku, huwag mo isipin ang bakulaw na `yon. Malaki na siya, `no. Ilang babae na nga ang kinama niya. Kayang-kaya na niya sarili niya mag-isa doon sa condo. I’m sure papalakpak pa ang tainga niya habang wala ka.”

Hindi na ako nakasagot kay Bea dahil bigla akong humikab. Bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang hinahaplos ni Bea ang buhok ko.

“Sleep well, Chin. Magiging okay din ang lahat,” sabi ni Bea na patuloy sa paghaplos sa buhok ko.

Ngumiti ako sa kanya at tuluyan nang nakatulog.

Thank you, Bea. Thank you for always being there for me.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta nagising na lang ako na madilim pa ang paligid pero wala si Bea sa tabi ko. May naririnig din akong ingay mula sa labas. Parang nagtatalo. Agad nawala ang antok ko nang marinig ko kung kaninong mga boses iyon.

Mabilis akong sumilip sa bintana ng kuwarto ni Bea. Nakita ko siya sa may gate habang kausap si Shaun. Oh, my God. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya `andito?

Mukhang nagtatalo sila dahil medyo mataas ang boses nilang dalawa. Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Shaun. Mukha siyang desperado sa isang bagay at lalo siyang nabubwisit dahil halatang pinipigilan siya ni Bea na gawin ang gusto niyang mangyari.

“Bakit ka ba nangingialam? Gusto ko lang naman siyang makausap? Iuuwi ko siya ngayon,” iritadong sabi ni Shaun. “May sariling tinitirhan si Chinnie. Hindi niya kailangan makitulog dito!”

“Gago ka ba o sadyang gago ka talaga? Hindi lang ikaw ang kaibigan ni Chinnie rito. Kaibigan niya rin ako!” sabi naman ni Bea. “Eh, sa may report nga kaming gagawin. Dito muna siya. Letse ka. Huwag kang gumawa nang ingay dito. Ipapapulis kita tingnan mo!”

“Eh, di ipapulis mo! Chinnie, gising ka pa ba? Uuwi na tayo!” Sumigaw na si Shaun. “Chinnie!”

“Ano ba, Shaun? Itahimik mo nga `yang bibig mo. Tang’nang `to ang sakit sa bangs!”

“Hindi ako titigil hangga’t hindi lumalabas si Chinnie!”

“Tulog na nga siya. Ano, maglalakad habang tulog? Manhid ka na nga, wala ka pang utak!”

Patuloy lang silang nagtatalo sa labas at pataas na nang pataas ang mga boses nila. Hindi maaari `to dahil nakakaistorbo na sila sa mga kapitbahay ni Bea.

Mabilis akong tumayo mula sa kama ni Bea at maglalakad na sana palabas nang makita ko ang sarili kong reflection sa salamin. Namamaga ang mga mata ko. Hindi pwedeng makita ni Shaun ang mga mata ko nang ganito dahil baka isipin niyang iniyakan ko siya—which is totoo naman.

May nakita akong eye glasses sa tokador ni Bea kaya kinuha ko ito at sinuot agad. Kahit papaano, natakpan ang pamamaga ng mga mata ko. Hindi na masyadong halata.

Lumabas na agad ako at pinuntahan si Bea at Shaun na nagtatalo pa rin.

“Huwag na nga kayong magtalo,” pagsasalita ko habang naglalakad palapit sa kanila.

Napatingin sila parehas sa akin. Kumunot ang noo ni Bea habang si Shaun , gulat na napatingin sa akin.

“Chinnie, pumasok ka na sa loob. Aalis na rin `tong letse na `to,” iritadong sabi ni Bea sabay tingin muli kay Shaun. “Umuwi ka na. Gabi na. Shooo! Shooo!”

Hindi siya pinansin ni Shaun dahil nakatitig na si Shaun sa akin. `Yong mga mata ni Shaun na punong-puno ng mga emosyon na hindi ko maipaliwanag. Agad akong napaiwas ng tingin dahil baka maging tanga na naman ako at sumama sa kanya pauwi ngayon.

“Chinnie,” malungkot ang boses ni Shaun. “Uwi na tayo.”

“Hindi nga siya uuwi. Tang’na. Bingi-bingihan lang?” sermon na naman ni Bea.

“Bea, mag-uusap muna kami,” sabi ko kay Bea. Inis niya akong tiningnan. “Please?”

Napatitig siya sa akin sandali bago nagsalita.

“Argh! Fine!” pikon niyang sagot.

Binigyan niya pa si Shaun ng masamang tingin bago padabog na pumasok sa loob ng dorm niya.

Ngayon, kaming dalawa na lang ni Shaun ang naiwan dito sa labas ng dorm. May maliit na gate na humaharang sa aming dalawa. Naramdaman kong lumakas ang hangin kaya bigla akong nilamig kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko. Naririnig kaya ni Shaun ito?

“Chin.” Muling nagsalita si Shaun.

Mas naging doble ang lungkot sa tono ng boses niya.

“Uwi na tayo. Tara na?”

Tiningnan ko siya at nakita ko ang mukha niyang sobrang lungkot. Ganitong-ganito ang expression ng mukha niya nang iwan siya ni Mandy noon. I hated seeing this expression on him.

“Dito ako matutulog,” pagtanggi ko sa sinabi niya. “May gagawin pa kami ni Bea. Tinutulungan ko siya, `di ba? Tatapusin namin ang report niya.”

“That’s just an excuse,” protesta niya. “Ayaw mo lang doon sa condo matulog dahil nahuli mo akong may dinala na namang babae. Chin, pina—”

“Ilang beses ko nang sinabi sa `yo na pwede kang magdala ng babae doon, `di ba? Kaya wala iyong kaso sa akin. Gawin mo ang gusto mo sa condo mo. Hindi kita pagbabawalan.”

“Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, Chin. Please, makinig ka,” sabi niya na parang hindi alam ang gagawin. Gulong-gulo siya sa sarili niya. “Alam kong ilang beses na itong naulit. `Tanga-tanga ko dahil paulit-ulit kong ginagawa. Paulit-ulit pa rin akong nag-uuwi ng babae sa condo kahit alam kong ayaw na ayaw mo. `Tangina. Ang gago ko lang kasi. Por que alam kong papatawarin mo ulit ako. Ako naman itong si Tanga, paulit-ulit sa kasalanan.”

Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi ni Shaun.

“Hindi ko sinasabing patawarin mo ulit ako, Chin. Pero, sorry. Sorry ulit. Ilang beses ko na bang sinabi sa `yo `to pero ginagawa ko pa rin? Pero, Chin, ito lang ang alam ko, eh. Kahit `di mo aminin, alam ko nang dahil doon kaya ka pumunta dito kina Bea. Chin, wala na siya sa condo. Pinauwi ko na agad siya noong umalis ka. Hindi ko kasi makalimutan `yong expression ng mga mata mo kanina. For sure, nasaktan kita. Nasaktan na naman kita sa ginawa ko.”

Napahinto si Shaun sa pagsasalita. Pinipigilan niya siguro ang sarili na huwag umiyak.

“Ngayon lang kita nasundo dahil pinag-isipan kong mabuti ang mga sasabihin ko sa `yo. Kung paano ko ipapaliwanag sa `yo na nagsisisi na talaga ako. Walang nangyari sa amin ng babae na `yon. Wala talaga, Chin. Promise. Pinaalis ko agad siya.”

“It doesn’t matter kahit may mangyari sa inyo o meron, Shaun. You’re single. You can fool around anytime. I am in no position to stop you. We’re just best friends, remember?”

Sinasaktan ko ang sarili ko sa huling linya na sinabi ko sa kanya.

Mas okay na iyon. Ako na mismo ang magpapamukha sa sarili ko kung ano kami, katulad ng pagpapamukha niya sa akin na iiwasan niya ako if ever malaman niyang in love ako sa kanya.

“Kahit na, Chin,” pagpupumilit niya. “Wala na siya doon. Walang nangyari sa amin. Please, uwi na tayo sa condo natin. Tara na, Chin. Please, nagmamakaawa ako sa `yo?”

Punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata ni Shaun.

“Shaun, that’s not our condo. Sa `yo lang `yon. That’s not my home. That’s your home.”

Napailing-iling siya.

“That’s not my home if you aren’t there,” sagot niya. “Chin, you’re my home.”

Shaun, please. Tama na sa mga ganyang salita. Pakiramdam ko kasi may pag-asa dahil sa mga ganyan-ganyan mo, eh. Kahit alam ko namang wala at nilinaw mo na kanina.

“I’m staying here,” pagmamatigas ko. “Please, ikaw na muna ang umuwi ngayon.”

“Hindi na ba kita mapipilit?” Umiling ako. “Pero uuwi ka pa rin naman, `di ba?”

“Siyempre. `Andoon ang mga gamit ko, eh.”

Tumitig sa akin si Shaun. Para bang binabasa niya kung anong tumatakbo sa utak ko ngayon. Saka siya napahugot ng malalim na buntong-hininga.

“Okay,” sabi niya ulit. “Uuwi na ako. Good night, Chin.”

“Good night, Shaun,” sagot ko.

Ngumiti si Shaun sa akin pero halatang hindi siya masaya. Saka siya tumalikod at lumapit doon sa kotse niya. Nang binuksan niya ang driver’s seat, muli siyang humarap sa akin.

“Chin, uuwi ka pa rin, `di ba? Hindi mo ako iiwan, `di ba?” paninigurado niya.

“Yeah,” hindi ko siguradong sagot. “Uuwi pa rin ako.”

“Please, come back. I’ll wait for you.”

“Good night, Shaun,” sagot ko. “Good-bye.”

Parang may gusto pang sabihin sa akin si Shaun pero hindi na niya sinabi. Sumakay na siya kotse niya saka umalis na sa tapat ng dorm ni Bea.

Pinagmasdan ko muna ang sa kotse niya, hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Katulad ng paghiling ko na sana ay mawala na ang mga nararamdaman ko sa kanya.

SHAUN’S POV

“GOOD night, Shaun. Good-bye.”

Iyan ang huling sinabi ni Chin sa akin nang umalis ako sa tapat ng dorm ni Bea.

Kahit ilang minuto na ang lumilipas nang umalis ako doon habang nagmamaneho, hindi pa rin mawala sa isip ko ang emosyon sa mga mata niya nang sinabi niya ang mga salitang `yon.

It was as if she was saying good-bye. Her eyes were saying good-bye. Para bang nagpapaalam siya at pupunta siya sa lugar na malayo sa akin. Malayo sa pagkatao ko. Malayong-malayo. Hindi ko maialis sa isip ko `yon. Katulad ng hindi pag-alis ng expression ng mukha niya nang mahuli niya akong may dinala na namang babae sa condo.

She was hurting. Damn it. She was hurt because of me. Nasaktan ko na naman siya sa kasalanan na paulit-ulit kong ginagawa sa kanya. Por que alam kong papatawarin niya ako, paulit-ulit ko naman siyang sinasaktan. Ang gago ko lang. Ang gago-gago ko lang.

Ayoko sanang umuwi sa condo dahil wala si Chinnie doon. Tinagalan ko ang byahe ko pauwi pero nakarating pa rin ako agad. Parang wala ring kuwenta ang pagbyahe ko nang malayo. Nakarating pa rin ako sa tinitirahan ko nang mag-isa. Sa tinitirahan ko na wala si Chinnie ngayon.

This was bullshit. This was not a home if she was not here. Chinnie was my home. Siya lang. Siya lang talaga. Wala akong pakialam sa ibang tao. As long as kasama ko ang best friend ko—si Chinnie, okay na ako. Okay na okay na ako. I wouldn’t want to be here if she was not here. Fuck.

Chinnie, please, come back soon. Nami-miss na agad kita.

Pagbukas ko ng condo namin ni Chinnie, sumalubong sa akin ang amoy niya. I thought she was here pero alam kong wala. Naiwan lang ang mabangong amoy ni Chinnie sa buong condo. I inhaled it deeply. But wrong move. Lalo ko lang siyang na-miss agad. Lalong lumakas ang urges ko para muli siyang puntahan at piliting umuwi rito sa condo.

Tamad na tamad akong pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw. Hindi na rin ako nagpalit ng damit. Wala na ako sa mood gumalaw. Nawalan na ako ng ganang kumilos.

Humiga ako sa kama ko, saka ipinikit ang mga mata ko. Pagpikit ko, I saw Chinnie’s face.

“Shaun. Paano kung malaman mo na in love pala ako sa `yo? Na hindi na hanggang best friend lang ang tingin ko sa `yo? Na sa bawat sweetness at effort mo para sa akin na wala lang sa `yo, may malisya na pala sa akin? Na sa bawat nakakasama mong babae, nasasaktan mo na ako na hindi mo namamalayan. Na all through these years, I have been secretly in love with you.”

“What if you’ve already been hurting me for so many freakin’ times? While the whole world was peacefully sleeping, behind that door, I was silently crying. I was crying for a guy who couldn’t see me the way I see him. Ano ang magiging reaction mo?”

Bigla kong binukas ang mga mata ko nang maalala ko `yong mga sinabi ni Chinnie kanina. `Yong mga what ifs na tanong niya sa akin. To be honest, it gave me a shock. I didn’t expect that question.

Sinabi niya sa aking joke lang iyon at hindi naman talaga siya in love sa akin. Pero seryoso ang mga mata niya. Samantalang nakangiti ang mga labi niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang papaniwalaan ko. Hindi ko alam kung biro lang iyon o hindi. Hindi ko na talaga maintindihan si Chinnie.

Sinabi ko sa kanya na iiwasan ko siya kapag nangyari iyon. I got scared, of course. Iiwasan ko na lang siya if ever totoong in love siya sa akin. Hindi ko kakayanin na harapin siya kung in love pala siya sa akin `tapos ilang beses pa niya akong nakikitang may kasamang babae. Hindi ko kayang ma-imagine na umiiyak si Chinnie tuwing nangyayari `yon. Para akong pinapatay sa loob-loob ko.

Besides, hindi ako worth it. Hindi ako worth it para ma-in love si Chinnie sa akin. I was an asshole. I didn’t deserve to be loved by her as more than a friend. Her love was too precious to be waste in me. Mas magandang iwasan ko na lang siya kapag nagkataon dahil ayokong ma-in love si Chinnie sa akin. I was not worth it. Hindi ako worth it para sa kanya.

Kaya hinihiling ko na sana... sana hindi in love si Chinnie sa akin.

“Please,” bulong ko sa sarili ko. “Don’t fall in love with me, Chin. I don’t want you to get hurt.”

Iyon na lang ang huli kong natatandaan na sinabi ko sa sarili ko hanggang sa makatulog ako.

Paputol-putol ang tulog ko nang madaling araw dahil palagi ko napapanaginipan si Chinnie. Iniwan niya raw ako at hindi ko na siya muling nakita. Sa panaginip ko, I was crying. I kept calling her name. Pero hindi ko na siya nakita pa. Walang Chinnie sa panaginip ko.

Bigla akong bumalik sa batang version ko. The seven-year-old version of me. `Yong time na nadapa ako sa tapat ng bahay nila. I was smiling in my dreams. Alam ko kasing lalabas si Chinnie sa bahay nila at pupuntahan ako sabay madadapa.

Pero walang Chinnie na dumating para umihip sa galos ko at magsabing, “Go go go away, pain, pain, pain. Go go go away. Wala na ang sakit, `no?” Walang batang Chinnie na bungi-bungi ang ngumiti sa akin kahit na mas nasugatan siya sa pagkakadapa.

“Hoy! Tulog ka nang tulog!” Biglang may sumigaw at may tumamang bola sa ulo ko.

Agad akong napabangon para tingnan kung sinong tarantado ang nagbato ng bola. Nandito ako ngayon sa tapat ng classroom namin at nakahiga sa mahabang bench.

Pagtingin ko, nakita ko si Lucas, Arjon at Raphael. Pinulot ni Lucas `yong bola.

“Tang’na. Sinong bumato ng bola sa inyo?” bwisit kong tanong.

Tinuro agad nila si Lucas. Nilapitan ko si Gago, saka sinapak sa balikat.

“Ouch! Masakit, ha!” reklamo niya.

“Huwag kayong magulo at inaantok ako!” sagot ko saka bumalik sa bench at umupo na lang.

Naglaro ng bola si Raphael at Lucas sa harap ko habang si Arjon naman tumabi sa akin.

“Mukha kang problemado, Shaun,” sabi ni Arjon.

“Oo nga, p’re. Kanina ka pa tulala sa klase,” pagsingit naman ni Lucas.

Sasagot na sana ako nang makita ko si Bea na naglalakad. Mag-isa lang siya kaya mabilis akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Nakita niya akong papalapit sa kanya kaya lalo niyang binilisan ang paglalakad niya. Lalo ko tuloy nilakihan ang mga hakbang ko para makaabot.

“Bea, wait lang!” Humarang ako sa harap niya. “May itatanong lang ako!”

“Wala akong pakialam. Lumayas ka sa harapan ko!” sabi niya na pilit umaalis.

Napa-sigh ako.

“Bakit ba galit ka sa akin? Tangina naman, eh. Wala naman akong ginagawang mali sa `yo.”

“Tangina mo rin! Ulol!”

“Hindi kita minura!”

“Kasi naman. Tangina mo pa rin at ulol na rin!” sabi niya. “Tangina mo dahil ang manhid mo!”

“Ha? Ang manhid ko? May gusto ka pa rin sa akin?”

“Ulol na rin kasi ang feeler mo. Gago!” sagot niya. “Lumayas ka nga!”

“Itatanong ko lang kung nasaan si Chinnie. Hindi ba siya pumasok?”

“Aba, malay. Hanapan ba ako ng taong nawawala?”

“Tinatanong kita dahil sa dorm mo siya natulog kagabi. Pinuntahan ko siya sa classroom niya kanina pero wala naman siya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag at text ko. Gusto ko lang malaman kung nasaan siya dahil sasabihin ko na sabay na kami umuwi.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Bea sa librong dala-dala niya. Parang gusto niya itong ihampas sa akin. Galit na galit talaga si Bea sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

“Una, kung hindi mo siya mahanap. Malamang, ayaw niya magpakita sa `yo. Pangalawa, kaya siguro hindi niya sinasagot ang tawag at text mo kasi iniiwasan ka niya. Pangatlo, what made you think na uuwi na siya sa condo mo? Duh! After ng mga ginawa mo? Gago ka!”

Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

“May alam ka ba sa problema ni Chinnie? Problema niyang hindi niya masabi-sabi sa akin?”

“Alam ko lahat. Best friend kami, remember?” pagmamalaki niya.

“Kami ang mag-best friend, hindi kayo. Naging friends lang kayo nitong college. Kami, noong mga bata pa lang kami. Ako ang best friend at hindi ikaw!” inis kong sagot.

Mapaklang napatawa si Bea. Parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

“Best friend mo si Chinnie pero hindi mo alam kung ano pinagdadaanan niya ngayon? I can’t believe you. Kung talagang concern ka kay Chinnie, alam at ramdam mo kung ano ang problema niya. Kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. God, Shaun. Transparent masyado si Chinnie. Kung pagmamasdan mo lang siya mabuti, malalaman mo kung ano ang problema niya.”

“Pwede ba, deretsuhin mo na lang ako? Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo, eh!”

“Hindi pwede. Nangako ako kay Chinnie na hindi ko sasabihin sa letseng manhid na katulad mo. Ito lang ang payo ko, Shaun. Huwag mo nang masyadong saktan si Chinnie. Kung pwede lang, lumayo ka muna sa kanya. Dahil sa presensiya mo, nasasaktan na siya. Sobrang nasasaktan na actually. Nasasaktan mo siya na hindi mo namamalayan,” sagot niya. “Hindi mo alam kung ilang beses na siyang umiyak nang dahil sa `yo. So, please, kung concern ka kay Chinnie bilang “best friend” mo nga tulad ng sabi mo, iwasan mo muna siya. Hayaan mo siyang umalis sa condo n’yo.”

Napatulala ako dahil sa mga salita ni Bea. Umalis na siya sa harap ko na may naiwang mga tanong sa isipan ko na hindi ko masagot-sagot.

Paano siyang nasasaktan nang dahil sa presensiya ko?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.