Everyday, Every You

Chapter 7



Chapter 7

SHAUN’S POV

TO BE honest, naiinis na rin ako kay Bea these days.

May alam kasi siya sa problema at pinagdadaanan ni Chin nitong mga nakaraang araw pero ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang sabihin sa akin kung ano. Para bang ayaw niyang tulungan ko si Chin sa kung anong gumugulo sa kanya. Kaibigan bang maituturing ang ganoon? Mas nanaisin niya pang mahirapan si Chin kaysa ang matulungan ko, eh.

Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi sumama ang loob kay Chinnie. Bakit sa dinami-rami na pwedeng pagsabihan ng problema, bakit kay Bea niya pa ito sinasabi. Bakit hindi sa akin? Wala na ba siyang tiwala? Hindi na ba best friend ang turing niya sa akin? For fuck’s sake, we had been best friends since we were kids. Ang dami na niya naging problema na ako mismo ang lumutas. Pero bakit ngayon naglilihim na siya? Bakit may mga bagay na siyang hindi niya masabi-sabi sa akin? Nagmumukha na akong tanga sa totoo lang. Tanginang buhay `to.

Lalo lang tuloy akong na-bad trip dahil sa naging usapan namin ni Bea. Pinamukha niya kasi sa akin na siya ang mas karapat-dapat na tawaging best friend at hindi ako. Bullshits.

Alam kong mas dumoble ang pagkunot-noo ko dahil biglang natawa si Arjon nang makita niya ang pagmumukha ko. Umupo ako sa tabi niya habang si Lucas at Raphael ay patuloy pa rin sa paglalaro ng bola. Niyaya nila akong maglaro pero tumanggi ako. Sabi ko, mainit ang ulo ko.

“Sasabihin mo na ba ang problema mo, p’re?” muling tanong ni Arjon.

Bago pa ako makasagot, sumingit na si Raphael.

“Malamang si Chinnie na naman problema niyan. Wala naman pakialam sa iba `yan,” sagot niya na hindi tumitingin. “Nagiging ganyan lang naman ang mukha ni Shaun kapag si Chinnie ang issue, eh.”

“Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Lucas. “Kapag si best friend Chinnie ang involved, parang handa kang kalabanin ang buong mundo para sa kanya, eh. `Yong tipong ‘putangina n’yong lahat. Subukan n’yong galawin ni dulo ng daliri ni Chinnie, magkakamatayan tayo.’”

Nagtawanan sina Lucas at Raphael. Nag-apir pa nga ang dalawang gago.

Natawa rin si Arjon. “Tama ba ang dalawang ugok na `to? Si Chinnie pa rin ba problema mo?”

Hindi ako nakakibo. Wala na namang rason para tumanggi pa ako. Totoo naman kasi ang sinabi ni Lucas at Raphael. Nagiging ganito lang naman ako kapag si Chinnie ang issue at pinag-uusapan. Nagiging ganito lang ang reaction ko kapag may problema siya na hindi niya sinasabi sa akin.

“Dude.” Tinapik ni Arjon ang balikat ako. “Sigurado ka bang hindi ka talaga in love kay Chinnie?”

Seryoso ko siyang tiningnan. Marahan ko ring tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

“Dude, I’m not,” sagot ko. “We are just best friends. Nothing more. Nothing less.”

“Wooh! In-denial!” pangangasar na naman ni Lucas.

“Wooh! Ayaw pang aminin!” sagot naman ni Raphael.

“Tanga, p’re. Parehas lang `yon. Tinagalog mo lang ang sinabi ko!”

“Ay ganoon ba? Sorry. Sorry. Gwapo lang!” Saka na naman nagtawanan sina Lucas at Raphael.

“Tangina n’yo. Sige, huwag n’yo kong tigilan. Masasapak ko kayong dalawa,” napipikon kong sabi.

“Huwag mo na nga lang pansinin `yang dalawa na `yan,” sabi ni Arjon. “Pero kasi, tol, umamin ka na lang. Nakikita kasi namin na in love ka sa kanya. Matagal nang in love actually. You are just afraid to admit it. Pakiramdam mo kasi, kapag tinanggap mo sa sarili mo na in love ka kay Chinnie, parang tinatanggap mo na rin sa sarili mo na isang araw mawawala rin siya sa `yo. You’re afraid to lose her.”

Napahilamos ako ng sarili kong mukha dahil sa sinabi ni Arjon. Bakit ba kasi pinipilit nila na in love ako kay Chinnie? Bakit mas marunong pa sila sa nararamdaman ko? Eh, hindi nga kasi. I was not in love with her. She was my best friend since like forever. Hanggang doon lang ang feelings ko sa kanya.

“I’m not in love with her,” mariin kong sagot. “Huwag n’yong bigyan ng ibang meaning ang pakikitungo ko sa kanya. Ganito na ako ever since kay Chinnie. Natural lang na ganito ako kapag siya ang pinag-uusapan, best friend ko, eh. We’re like sister and brother. Ayaw kong may gumugulo sa kanya. I am more than willing to die for her.”

“Ganyan ang mga linya ng mga in love sa best friend nila,” tudyo na naman ni Lucas. “Dude, takot ka lang talaga. Tama si Pareng Arjon, takot ka lang aminin sa sarili mo. Dahil pakiramdam mo, magiging katulad si Chinnie ni Mandy na iiwan ka someday. Na mapapagod sa `yo. Takot ka na bigla siyang mawala sa `yo kaya nililimitahan mo ang sarili mong feelings. Na pinipilit mo ang sarili mo na best friend lang ang turing mo kahit hindi naman. Kahit matagal nang hindi ganoon.”

“She’s not Mandy, dude,” sabi naman ni Raphael. “Ibang-iba si Chinnie kay Mandy. Hindi ka niya iiwan someday sa hindi mo alam na dahilan. You had turned into your worst before but she chose to stay. Kaya don’t hold back your feelings anymore, p’re. Nagkakasakitan lang kayong dalawa.”

Nagpasalit-salit ang tingin ko sa mga tropa ko. Para bang may alam din sila na hindi ko alam.

“I’m not in love with her. Period,” sure na sure na sagot ko.

Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ako in love kay Chinnie. Sure, I loved her. I loved her more than my life actually. Pero ang pagmamahal na iyon ay hindi in a romantic way. We bowed to each other that we were gonna be best friends forever. Mas magtatagal kami doon.

“You are in love with her,” sagot naman ni Arjon. “Remember noong final practice natin before? `Yong time na kailangan talaga nating mag-practice dahil kinabukasan ay basketball final? Nasaan ka no’n? Hindi ka sumipot, dude. Hindi mo kasi maiwan si Chinnie dahil may sakit. Kahit na pinapagalitan ka na ni coach wala kang pakialam. Ang sagot mo lang, ‘Wala akong pakialam kahit matalo bukas. Si Chinnie ang priority ko. Fine. Tanggalin n’yo ako. Hindi ako darating.’”

“Ay oo, naalala ko `yon!” sabi naman ni Lucas. “Mabuti na lang pinanalo mo ang game kinabukasan. Kaya hindi natuloy ang pagtanggal sa `yo. Pati after party natin hindi mo pinuntahan. After natin manalo, tumakbo ka agad paalis ng venue para lang bumili ng lugaw dahil nagpapabili kamo si Chinnie.”

Nagtawanan sina Lucas at Raphael dahil doon. Ilang weeks din nila akong inasar dahil doon dati.

“Gago ba kayo? Malamang, nag-aalala ako kay Chinnie. Mahina ang katawan n’on simula ng mga bata pa lang kami,” panunupalpal ko sa kanila. “Ako lang ang kasama niya sa condo kaya kailangan `andoon ako para maalagaan siya. Huwag n’yong bigyan ng meaning `yon.”

“Hindi rin, p’re,” sagot naman ni Raphael. “Naalala mo `yong first date n’yo ni Mandy?”

Kumunot ang noo ko. “O, anong meron? Hindi ko na maalala, eh.”

“Haha. Gago. `Bilis mo makalimot, ah. `Yong first date n’yo dati na dapat ihahatid mo siya pauwi. Pero hindi mo naihatid. Ang dahilan? Malakas kasi ang ulan, `tapos si Chinnie walang masakyan pauwi. Iniwan mo si Mandy sa restaurant at hinayaan mong sunduin ng daddy niya.”

Pilit kong inaalala `yong insidenteng `yon. Actually, nakalimutan ko na talaga `yon kung hindi lang nabanggit ni Raphael. Hindi ko na maalala.

“Nasabi ko nang mahina ang katawan ni Chinnie lalo na kapag umuulan. Madali siyang magkasakit. Saka, okay naman kay Mandy na iwanan ko siya doon. Hindi siya nagalit. Okay lang sa kanya na mauna na akong umalis para sunduin si Chinnie,” paninigurado ko sa kanila.

“Hindi por que sinabi ng isang babae na okay lang, ibig sabihin, okay lang talaga. Dude, maraming ibig sabihin ang okay ng isang babae,” sabi naman ni Arjon.

“Ewan ko sa inyo,” naiinis kong sagot. “Ano ba ang point ng mga sinasabi n’yo?”

“Ang point lang namin, may mga bagay kang ginagawa na exclusive lang kay Chinnie. Mga bagay na sa mismong girlfriend mo ay hindi mo ginawa o ginagawa,” sabi ni Lucas.

“Malamang, best—” pinutol ni Raphael ang sasabihin ko.

“Best friend? Sus! `Tol, hindi dahil best friend mo kaya ganoon ang ginagawa mo. In love ka kasi sa kanya kaya ganoon ang ginagawa mo. Si Chinnie lang ang mahalaga sa `yo kaya wala kang pakialam sa iba kahit na mismong girlfriend mo,” putol ni Raphael sa sasabihin niya.

“You’re in love with your best friend. Too in love to the point you’re afraid to admit it.” Si Lucas.

“Hindi nga! `Tangina naman. Bakit ba ang kukulit n’yo?”

“Let’s say hindi ka nga in love, dude.” Si Arjon naman. “Pero paano si Chinnie? Ganoon din ba siya sa `yo? Hindi ba siya in love sa `yo? Babae si Chinnie, pare. Dahil sa mga ganong effort at ka-sweetan mo sa kanya, imposibleng hindi siya ma-fall sa `yo. Kahit na best friend pa kayo. Babae pa rin `yon.”

Sasagot na sana ako sa sinabi ni Arjon pero bigla ko na namang naalala `yong sinabi ni Chinnie sa akin. `Yong time na tinanong niya ako kung halimbawa ay in love siya sa akin na hindi ko namamalayan. Sinagot kong mabuti ang sinabi niya. Pero mabuti na lang ay nagbibiro siya.

“Hindi siya in love sa akin,” seryoso kong sagot. “Tinanong ko na siya. Pero hindi. Never daw.”

“Again, dude, maraming ibig sabihin ang mga salita ng isang babae. Maraming kahulugan. Hindi por que gano’n ang sinabi, gano’n na talaga. Magaling silang magsinungaling dahil iyon lang ang tanging paraan para mapagtakpan nila ang totoo nilang nararamdaman.”

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Arjon. Bigla kasi akong natakot sa sinabi niya.

Paano nga kung in love si Chinnie sa akin at mas pinili na lang niya na magsinungaling? Paano kung all along, nasasaktan ko na siya sa mga pinaggagagawa ko? Ang daming paano na nabuo sa utak ko na nakakatakot bigyan ng kasagutan. Nakakatakot mag-isip ng mga sagot.

Bigla akong napatulala sa kawalan. Wala na akong masagot kay Arjon.

Tumayo si Arjon at pinagpagan ang suot niyang pantalon. Tumigil na naman si Lucas at Raphael sa paglalaro ng bola. Seryoso silang tatlo na tumingin sa akin.

“Pare, sana sa mga sinabi namin sa `yo, maliwanagan ang feelings mo. Kung ano ba talaga ang lagay ni Chinnie diyan sa puso mo. Kung ano ba talaga ang tingin mo sa kanya. Hanggang doon na lang ang sasabihin namin dahil ayaw talaga namin mangialam. After all, feelings mo `yan, pre. Higit sa ating lahat, ikaw dapat nakakaalam niyan,” sabi ulit ni Arjon.

“Oo nga, p’re,” sang-ayon naman ni Lucas. “Sana, maliwanagan ka na. Nakakasakit ka na talaga. Huwag mong hintayin na dahil diyan sa pagiging in-denial mo, mawala ang itinuturing mong pinakaimportante sa `yo. Baka mahuli ka at hindi mo siya maibalik.”

“Tara na mga, pare. Nagugutom na ako,” sabi ni Raphael. “Hayaan muna natin si Shaun na mag-isip-isip kung marunong man siya n’on. Mabuti na lang bazaar mamaya. Pwedeng mag-inom. All right!”

Niyaya ako ni Arjon na sumabay na sa kanila kumain pero sabi ko wala pa akong gana. Gusto ko `kako munang mag-isa para mapag-isip-isip ang mga pinagsasabi nila. Hinayaan niya na lang ako `tapos umalis na sila. Tuwang-tuwa pa si Raphael dahil daw makakainom siya mamaya.

Naiwan akong tulala at napaisip na naman. Alam ko sa sarili ko na hindi ako in love kay Chinnie. Na kung anong nararamdaman ko sa kanya ay walang malisya. Ganito na ako sa kanya mula noong mga bata pa lang kami kaya alam ko sa sarili ko na hindi talaga.

Ang kinakatakot ko lang talaga ay `yong in love si Chinnie sa akin. Natatakot ako na nasasaktan ko talaga siya everytime na nag-uuwi ako ng babae sa condo at naririnig niya pa ang mga hindi kaaya-ayang mga tunog. Natatakot ako na everytime nangyayari `yon, umiiyak siya sa kuwarto niya.

“Shaun, what if you’ve been hurting me for so many freakin’ times? While the whole world was peacefully sleeping, behind that door, I was silently crying. I was crying for a guy who couldn’t see me the way I see him. Ano ang magiging reaction mo?”

Fuck. Biglang kumirot ang puso ko nang ma-imagine ko si Chinnie na umiiyak.

Sana... sana hindi talaga siya in love sa akin. Ayokong mawala si Chinnie sa akin. Kahit siya lang ang matira sa akin, okay na ako. Please, Chinnie. Don’t fall in love with me. Don’t. Please.

Ayokong mawala kung anong meron tayo. Ayokong mawala ang best friend ko.

Don’t fall in love with an asshole like me. Masasaktan lang kita.

Iyon ang ayokong mangyari. Masaktan na ang lahat huwag lang ikaw.

Habang nakatulala lang sa kawalan, biglang nahagip ng mga mata ko si Chinnie. Kalalabas niya lang ng Art Club at naglalakad na mag-isa. Wala sa sarili akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya. Para akong bata na excited makita ang isang tao na matagal kong hindi nakita.

“Chin!” pagtawag ko sa kanya. “Chinnie!”

Napahinto si Chinnie sa paglalakad para lingunin kung sino ang tumatawag sa kanya. Nang makita niya ako, agad siyang umiwas ng tingin, saka muling naglakad nang mabilis.

Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na `to kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Mabuti na lang maliliit ang binti ni Chinnie kaya naabutan ko agad siya. Hinawakan ko siya sa braso niya para pigilan siya. Napahinto naman siya pero hindi na siya uli tumingin sa akin.

“Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko?” simula kong tanong sa kanya.

“I-I’m busy,” mahina niyang sagot. “Ginagawa ko ang report ni Bea. Hindi ko napansin na may text at tawag ka. Saka hindi ko madalas hawak ang phone ko, `di ba?”

Hindi talaga siya makatingin sa akin. Pasimpleng kumakawala si Chinnie sa pagkahawak ko sa braso niya kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko para hindi siya makawala.

“Bakit hindi ka makatingin sa akin? Chin, may problema ba tayong dalawa?” seryoso kong sagot. “`Tangina. Mayroon, `di ba? Chin, nahihirapan na ako. Magsalita ka naman, please?”

She tried to look at me for a second. `Tapos muli siyang umiwas ng tingin.

“Wala, Shaun. I’m just busy. Let me go.”

“If I let you go, you wouldn’t come back, right?” nasasaktan kong sagot. “Chin, can’t you see? You’re slowly wavering. You’re saying good-bye to me. Hindi ko alam kung bakit napunta tayo sa ganito. Hindi ko na alam ang nasa isip mo. Gusto kong malaman ang nasa isip mo para matapos na `to.”

Bigla siyang tumingin sa akin, saka niya marahan na binawi ang braso niya.

“Shaun, you would be in tears if you could only read my mind.”

“Goddamn it, Chinnie. Sabihin mo na lang kung ano bang problema. Kung may problema ka sa akin, just say it. Para naman makapag-apology ako.”

“Wala kang nagawa, Shaun. Kung meron man, hindi rin madadaan sa apology `tong nararamdaman ko.” Tumitig siya sa mga mata ko. Namumula pa rin ang mga mata ni Chinnie. “Shaun, wala akong problema sa `yo. Ako ang may problema sa sarili ko. Hayaan mo muna ako.”

“Uuwi ka na mamaya, `di ba?” paninigurado ko.

Napailing-iling si Chin. “I’m not sure. Baka kina Bea muna ako.”

“Chin, please, umuwi ka na. Hindi ako sanay na wala ka.”

Napatitig si Chin sa akin. `Tapos may malungkot na ngiti na sumilay sa mga labi niya.

“I think kailangan mo nang sanayin ang sarili mo na wala ako, Shaun,” sabi niya. “Mas makakabuti iyon para sa ating dalawa. Hindi habang-buhay pwede tayong magkasama.”

“Pero... pero ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay.”

“Hindi ako, Shaun. Ibang babae ang gusto mong makasama habang-buhay. And unfortunately, hindi ako `yon. Best friend mo lang ako, remember?”

Kumikirot ang sarili kong puso nang dahil sa malungkot na ngiti ni Chinnie.

“Tama. We are best friends,” sagot ko habang kumikirot ang puso ko. “We are gonna be best friends forever. Pangako natin sa isa’t isa `yon, `di ba? So please, come back to me.”

Tumitig sa mga mata ko si Chinnie. Saka siya dahan-dahan napatango.

“See you around, Shaun,” sabi niya saka tumalikod.

“Chin, please, umuwi ka na agad, ah? Kapag handa ka nang pag-usapan ang problema mo.”

Tumango lang si Chinnie habang naglalakad.

“Huwag kang papagutom. Kapag busy ka pa naman, kinakalimutan mo nang kumain. Huwag ka magpapatuyo ng pawis mo. Wala pa namang aircon kina Bea. Kung gusto mo nang umuwi, magsabi ka lang. Susunduin kita. Kahit anong oras. Kahit anong ginagawa ko. Magsabi ka lang at ako mismo ang susundo sa `yo,” sabi ko. “Chin, please, umuwi ka kaagad!”

Para akong tatay na nagbibilin sa anak niyang nawala sa sarili naming tahanan. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Habang naglalakad si Chinnie palayo sa akin, kumikirot ang puso ko. Para bang nababasag ito sa bawat hakbang na ginagawa ni Chinnie palayo.

“Shaun, you would be in tears if you could only read my mind.”

Wala akong pakialam kahit maiyak ako, basta ba, mabasa ko lang kung ano ang iniisip mo.

CHINNIE’S POV

WALA sana akong planong pumasok ngayong araw dahil wala naman akong klase sa umaga at may bazaar kami sa afternoon. Pero dahil tinawagan ako ng professor ko sa Art Club, wala akong nagawa. Gusto niya raw akong makausap para sa entry na ipapasa ko sa Art Competition.

Nag-usap lang kami kung may subject na raw ba ako. Sabi ko wala pa akong naiisip. Biniro niya ako na si Shaun na lang daw ulit. Tanging ngiti at pag-iling na lang ang ginawa ko. Sabi ko hindi na ganoon ang ipapasa ko. Ayoko nang mas lalo pang lumabas ang feelings ko kay Shaun na pilit ko nang tinatago at pinipigilan para sa ikakabuti.

Simula kaninang umaga, hindi ko sinasagot ang tawag at text ni Shaun. Paulit-ulit niya akong kinukulit kung anong oras daw ako uuwi at susunduin niya raw ako. Ilang ulit akong nagdasal na sana hindi ko siya makita ngayon sa school pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Kung sino pa ang ayaw mong makita, iyon pa ang kauna-unahan mong makakasalubong.

“Pero... pero ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay.”

Napangiti ako nang mapakla nang maalala ko ang sinabi niya. Kasabay nito ang pagkirot ng dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ako ang gusto niyang makasama habang-buhay. O, maiiyak dahil alam kong bilang kaibigan lang ang ibig niyang sabihin.

Habang magkausap kami ni Shaun kanina, para siyang batang nawawala. His eyes were so lost. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niyang mali. Kung ano ba ang problema ko sa kanya. Hindi ko masabi-sabi sa kanya kung ano ba talaga ang problema sa aming dalawa dahil kapag ginawa ko iyon, alam kong mawawala na kung anong meron sa amin. Tuluyan na siyang mawawala sa akin.

Hindi ko hahayaan ang sarili ko na pati pagkakaibigan naming dalawa ay mawala pa. Kailangan ko nang masanay na hanggang dito lang talaga kami. Na... na hindi niya ako mamahalin sa paraang gusto ko dahil tulad ng sabi niya, iiwasan niya ako kapag nangyari iyon.

Masakit man itago ang feelings ko sa kanya pero mas mabuti na ito. Mas nakakabuti na rin ito para kay Shaun dahil sa ganitong paraan ay mananatili kung anong meron kami ngayon. Kailangan ko na lang matutunan na kalimutan `tong nararamdaman ko sa kanya.

Alam kong isang araw, muli kong matitingnan si Shaun na hindi na hihigit sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko. Alam kong darating din ang araw na mawawala `tong feelings ko sa kanya. At kapag nangyari iyon, babalik na ulit kami sa dati. `Yong dating best friends lang tulad ng gusto niya. Iyon ang mas makakabuti sa amin. Ang manatiling mag-best friends lang.

Minsan kasi, kung anong meron kayo ay biglang nawawala kapag naghangad ka pa nang sobra.

Alam kong mawawala rin `tong feelings ko kay Shaun isang araw. Mawawala ito nang hindi niya nalalaman na nagkaroon ako ng feelings sa kanya. He will always be my what ifs in a world full of regrets. My once-upon-a-time type of guy but not my happy ending.

Tumambay na lang ako sa classroom nang hindi ko ma-contact si Bea. Hindi siya sumasagot sa text o tawag ko kung nasaan siya. Masyadong malaki ang school kaya impossible na makita ko siya kung hahanapin ko siya sa bawat department.

Nagpalipas na lang ako ng oras habag nag-i-sketch ng subject ko para sa next Art competition. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin kong subject. Sabi ng professor ko, i-drawing ko raw kung ano ang nasa utak ko ngayon. Kaya ang nai-drawing ko tuloy ay mukha ni Shaun habang punong-puno nang wasak na puso ang paligid niya.

Mapakla akong napatawa sa sarili ko.

“Chin!”

Napalingon ako sa likuran ko nang makita ko ang isa sa classmate namin ni Bea na tinawag ako.

“Bakit?” Nilapag ko ang sketch pad ko.

“Si Bea kasi nandoon sa field. Nag-iinom. Mukhang napaparami na ang inom.”

“What?” Natataranta akong napatayo. “Sige, salamat sa pagsabi.”

“No problem,” sagot niya saka lumabas ulit ng classroom.

Pinasok ko na lang nang basta-basta ang sketch pad sa loob ng bag ko, saka dali-daling lumabas ng classroom at naglakad papunta sa school field.

Kinakabahan ako sa pag-iinom ni Bea ngayon. Para kasing gusto niyang uminom ngayon dahil parang may dinadala siyang problema. Kanina sa dorm niya, ang tagal-tagal niya sa banyo. `Tapos paglabas niya, namumula ang mga mata niya. Para siyang umiyak. Tinanong ko siya kung anong problema pero hindi niya sinabi. Masakit lang daw ang mga mata niya.

Hindi ko na siya kinulit tungkol pa doon hanggang umalis siya at nagtungo rito sa school. Pero sana pala, tinanong ko kung anong problema niya. Alam kong meron dahil hindi siya basta-basta iinom kung wala. Hay. Nagi-guilty tuloy ako. Mas nag-focus kasi ako sa problema ko kay Shaun kaya hindi ko na alam kung may problema rin ba si Bea.

Hindi rin kasi pala-salita si Bea. Bihira din siya mag-share ng kung ano-ano sa buhay niya.

Nang makarating ako sa school field, agad kong inilibot ang mga mata ko. Ang dami nang students dito at nagpa-party. Ganito talaga kapag nag-bazaar ang school. Hinahayaang uminom ang third and fourth year college. Siguraduhin lang na hindi sosobra. Kaya mayayari si Bea kapag nalaman.

Sa dulong parte ng field ko nakita si Bea na nakaupo kaya agad ko siyang nilapitan. May tatlong bote na siyang nainom na alak. Tsk. Napalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung may professors na umiikot. Mabuti na lang wala pa kaya mapipigilan ko pa siya.

Inagaw ko kay Bea ang hawak niyang bote.

“Bea, tama na `yan,” sabi ko. “Uuwi na tayo.”

Napatitig si Bea sa akin. Malamlam na ang mga mata niya kaya alam kong medyo marami na nga siyang nainom. `Tapos puro hard drinks pa. Mabilis talaga siyang tatamaan.

“O, Chin, ikaw pala.” Ngumiti siya. “Akin na `yan. Hindi pa ako tapos uminom.”

Inilayo ko sa kanya ang bote. “Sssh. Tama na, Bea. Baka makita ka ng mga professor.”

“Wala akong pakialam sa kanila.” Malungkot na ngumiti si Bea. “Anong pakialam nila sa pag-inom ko? Masama bang mag-celebrate, ha? Masama bang uminom at i-celebrate ang birthday niya?”

Kumunot ang noo ko. “Anong i-celebrate? Kaninong birthday?”

“Ay, hindi mo pa pala alam, `no? Hindi ko pa pala nakwento sa `yo, Chin.” Napapapikit-pikit na siya. “Ayoko sanang sabihin sa `yo `to, Chin, dahil pilit ko nang kinakalimutan. Pero may mga bagay pala na kahit takasan mo, pilit ka pa ring hahabulin. Hindi ka papatahimikin. Ipapamukha sa `yo ang pagkakamaling nagawa mo sa nakaraan.”

Umayos ng pagkakaupo si Bea kahit nahihilo-hilo na siya. Nakinig lang ako.

“Third birthday na niya sana ngayon, Chin. Sini-celebrate ko ang birthday ng anak ko. Anak kong... pina-abort ko. Grabe ako, `no? Wala akong kwentang ina. Nakaya kong ipapatay ang batang nabubuo sa tiyan ko. Kaya heto ako ngayon, sising-sisi. Palagi ko kasi siyang napapanaginipan. Sa panaginip ko, umiiyak siya. Tinatawag niya ako.”

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Bea. Hindi ko inaakalang may anak na sana siya. Kung third birthday na sana ng bata, ibig sabihin, nabuo ito noong fourth year high school pa lang siya. Oh, my God. Ang bata-bata niya pa para mabuntis.

“Nagulat ka ba, Chin?” Natawa si Bea. Iyong klase ng tawa na hindi totoong kaligayahan kundi puro paghihinagpis. “Ako rin, eh. Nagulat dati. Tanga-tanga ko kasi. Na-in love ako sa isang walang kwentang lalaki. Binigay ko ang lahat sa kanya. Pati puri ko ibinigay ko sa kanya. Kasi akala ko mahal na mahal ko siya. Akala ko siya na ang mamahalin ko habang-buhay kaya naisip ko na kahit may mabuo, alam kong papanagutan niya ako.”

“Pero no’ng may nabuo na, sabi niya hindi pa siya handa. Hindi niya pa kaya maging tatay. Nag-aaral pa raw kasi siya at hindi iyon tatanggapin ng mga magulang niya. Putangina, Chin. Ako ba handa na no’n? Ako ba, kaya na bumuhay sa bata no’n? Ako ba, hindi nag-aaral no’n? Sixteen years old lang ako noon, eh. `Tapos siya nineteen years old na. Wala pa akong alam. Wala, Chin. Wala talaga.”

Nakita ko ang mga luhang nabuo sa mga mata ni Bea.

“After n’on, biglang nawala si Gago. Tinakasan ako. Hindi ko na siya nakita pa. Chin, hindi ko alam ang gagawin no’n. Gulong-gulo ako. Alam kong mayayari ako kina Mama at Papa kaya ang ginawa ko, pinalaglag ko `yong bata. Kahit alam kong kasalanan `yon, ginawa ko pa rin. Para lang hindi ako itakwil ng pamilya ko. Para lang hindi ako husgahan. Nagawa kong ipapatay ang sarili kong anak.”

Tumulo na ang mga luha ni Bea. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito.

“Chin, ang hirap at ang sakit-sakit,” sabi niya habang umiiyak. “Ang hirap dahil paulit-ulit ko `yon pinagsisisihan. Paulit-ulit ako humihingi ng tawad sa kanya pero alam kong hindi niya mapapatawad ang ina niya. Tinanggalan ko kasi siya ng pagkakataon mabuhay sa mundong `to. Hindi ko siya masisi kasi alam kong deserve ko `to. Deserve kong maging miserable.”

Tinabihan ko si Bea saka siya yinakap nang mahigpit. Wala akong sinabi. Tanging pagyakap lang ang kaya kong isagot sa kanya dahil hindi ko alam kung ano-anong mga comforting words ang kailangan kong ibigay para maibsan ang bigat na nararamdaman niya.

Napaiyak din ako habang yakap-yakap ko si Bea. Hindi ko inaakala na may ganito pala siyang pinagdadaanan. Na isang balat-kayo lang ang pagiging malakas na pinapakita niya. She acted strong just to cover up the pain. Natapos na ang pagkukunwari ni Bea na malakas siya ngayong araw.

Habang yakap-yakap ko si Bea, bigla siyang tumayo. Gulong-gulo ko siyang tiningnan.

Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya saka niya kinuha ang boteng may lamang alak at naglakad patungo kung saan. Tiningnan ko lang siya kung anong gagawin niya.

Nang makita ko na kung kanino siya pupunta, mabilis na akong tumayo para agad mapigilan si Bea sa kung ano man ang gagawin niya. Lasing si Bea kaya baka kung ano ang gawin niya.

Nakita niya kasi si Shaun sa table ilang pagitan mula sa amin na may katabing babae. Pinipisil-pisil ng babae ang muscle ni Shaun sa braso habang nagtatawanan silang dalawa. Halatang naglalandian si Shaun at iyong girl `tapos nakita iyon ni Bea.

“Bea, ano’ng gagawin mo?” tanong ko sa kanya habang pinipigilan siya.

Seryoso akong tiningnan ni Bea at bigla akong natakot.

“Chin, tumabi ka,” sabi niya na wala na akong nagawa. “Sa `yo ko ibubuhos `to!”

Tiningnan ko na lang si Bea hanggang sa makarating siya kina Shaun.

Napahinto si Shaun at iyong girl sa pagtatawanan nila, `tapos biglang ibinuhos ni Bea `yong alak doon sa ulo ng babae. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Bea. Kitang-kita kong nanlaki ang mga mata ni Shaun. Napatayo naman iyong girl at napatalon-talon.

“OH, MY GOD! OH, MY GOD!” sabi nito habang hindi alam ang gagawin.

“What the fuck, Bea?” Napatayo rin si Shaun at napasigaw. “Why did you do that?”

Hinubad ni Shaun ang jacket na suot, saka tinulungan magpunas iyong babaeng binuhusan ni Bea ng alak. Ako naman ay parang napako ang mga paa sa damuhan at hindi rin alam ang gagawin.

Muling hinarap ni Shaun si Bea. Sinigawan niya ito.

“Ano bang problema mo, ha? Kung lasing ka na, puwede ba, umuwi ka na? Hindi `yong nanggugulo ka pa ng iba? `Tangina. Lakas mo talagang maka-badvibes. Kanina ka pa, eh! Ang—”

Napatigil si Shaun sa sinasabi niya dahil biglang dumikit ang palad ni Bea sa pisngi niya. Rinig na rinig ang malakas na sampal ni Bea kay Shaun kaya napatahimik ang mga tao.

“`Tangina mo rin, Shaun. Alam mo kung anong problema ko? Gusto mong malaman? Ikaw ang problema kong gago ka!” sigaw ni Bea. Wala siyang pakialam sa lakas ng sigaw niya. “Ang lakas mong makipaglandian dito kahit na alam mong nasa tabi-tabi lang si Chinnie? `Di ba, gusto mong sabihin kung anong problema ni Chinnie? `Di ba, sabi mo willing kang ayusin kung ano pinoproblema niya at kung bakit iniiwasan ka niya lately? Sige, fine. `Tangina ka sasabihin ko sa `yo. Tutal manhid kang gago ka, eh. Sasabihin ko sa `yo nang matapos na `to!”

Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa mga sinabi ni Bea. Kaya dali-dali ko siyang pinuntahan.

“Bea, tama na, please. Lasing ka lang,” pagpigil ko sa kanya saka tumingin kay Shaun. “Huwag mo siyang pakinggan. Lasing lang si Bea. Hindi niya alam mga pinagsasabi niya.”

Tinanggal ni Bea ang kamay ko sa braso niya. Halatang nanggigigil siya ngayon.

“Hindi, Chinnie. Kailangan niya nang malaman kung ano ba ang gumugulo sa `yo. Para naman aware `tong tarantadong `to at hindi siya parang tanga na nanghuhula since manhid siya!” Tumingin si Bea kay Shaun. “Gusto mo malaman, `di ba? Makinig kang mabuti, Shaun. In love sa `yo si Chinnie. In love sa `yo `tong best friend mo! Nagtataka nga ako kung bakit hindi mo ramdam, eh. Eh, halos lahat ng tao, pansin na pansin na `yon. Ikaw lang `tong hindi. Manhid mo kasing hayup ka.”

Dumoble ang gulat sa mga mata ni Shaun. Bumaling ang tingin niya sa akin. Pati ang ibang tao napatingin sa akin `tapos nagbulong-bulungan.

“In love si Chinnie sa tarantado at manhid niyang best friend. Kailan nagsimula? Ilang taon na rin, Shaun. Ilang taon na ring nagtitiis si Chinnie sa mga pananakit mo sa kanya tuwing nag-uuwi ka ng babae sa condo mo at naririnig niya ang mga pinaggagagawa ninyo. Ilang taon nang umiiyak si Chinnie sa kuwarto niya tuwing sinasabi mo sa kanya na mag-best friend kayo forever. `Tangina mo. Hindi ka deserve mahalin pero mahal ka nitong kaibigan ko. Mahal na mahal ka niya.”

Hindi na maialis ni Shaun ang pagkakatitig niya sa akin.

“Ngayon mo sabihin sa akin kung totoong willing kang ayusin ang pinoproblema ni Chin. Ngayon mo patunayan sa akin na willing kang wasakin lahat ng nanggugulo kay Chinnie. Wasakin mo na sarili mong tarantado ka. Umpisahan mo nang wasakin ang sarili mo katulad ng pagwasak mo sa puso ni Chinnie tuwing may babae kang kasama!”

Kitang-kita ko na namutla si Shaun sa mga narinig niya. Hindi ko na maipaliwanag kung anong klaseng expression ang nasa mukha niya ngayon.

Bago pa makapagsalita si Shaun, tumakbo na agad ako palayo.

“Chin, wait! We need to talk!” sigaw ni Shaun pero hindi ko siya pinansin.

I ran away instead while wishing this day wasn’t true.

Wala na. Wala na. Alam na ni Shaun ang feelings ko sa kanya. Mawawala na siya sa akin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.