Chapter 5
Chapter 5
NAPATIGIL ako sa pagta-type ng report ko sa laptop nang marinig ko na may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Tinanggal ko ang eyeglasses ko nang marinig kong nagsalita si Shaun.
“Chin,” sabi niya. “Tapos na akong magluto. Kain na tayo.”
I sighed. “Mauna ka nang mananghalian. May tinatapos pa akong report.”
“Sabay na tayo. Hindi ako sanay na hindi ka kasabay kumain, eh,” sagot niya. “Niluto ko ang paborito mong pakbet. Masarap `to kasi masarap din ang nagluto. Kaya tara na. Tama na muna `yan.”
“Mamaya na nga ako. Kailangan ko muna `tong tapusin.”
“Please, Chin? Hahayaan mo bang kumain mag-isa `tong best friend mo? Palagi ka na lang nandiyan sa kuwarto mo, eh. Sige na naman. Please, Chinnie? Please? Please?”
Ginamitan na naman niya ako ng tono niyang hindi ko natatanggihan. I was too weak whenever he used that of tone. Hindi ko siya matiis. Nagiging tanga ako.
Siguro panahon na para pag-aralan ko naman kung paano ko siya titiisin. Kung paano ako matututo na hindian siya sa mga bagay na gusto niya. Para naman hindi na ako nahihirapan.
Pero papaano ko iyon aaralin kung hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung papaano ko siya matitiis. Kung sa bawat pagtawag niya nang ganoon sa akin ay parang natutunaw na agad ako?
At kung may bagay man na kailangan kong pag-aralan, iyon ay `yong kung paano ko maiaalis `tong nararamdaman ko sa kanya. Itong pagmamahal ko sa kanya na nakakasakit lang sa akin.
Tumayo na ako mula sa desk ko at lumapit sa pinto, saka ito binuksan. Tumambad sa akin ang mukha’t katawan ni Shaun na pawis na pawis. Mukhang nag-work-out siya, saka naglinis ng buong condo. Hindi tumagal ang tingin ko sa kanya. Agad akong napaiwas ng tingin.
Itong mga nakalipas na araw palagi ko siyang iniiwasan. Hindi ko siya tinitingnan. Ang hirap lang dahil nakatira lang kami sa iisang condo. Nahihirapan akong ipagpatuloy `to.
Kaya as much as possible, nagkukulong ako sa kuwarto ko. Natatakot kasi ako na makita niya na ang feelings ko para sa kanya na unti-unti nang nagiging obvious.
“Hindi mo talaga ako matiis, `no?” sabi niya habang nakangisi. “Mahal na mahal mo talaga ako, eh.”
Oo, mahal na mahal kita. Sa paraang hindi katanggap-tanggap at nararapat. Mahal na mahal kita sa paraang hindi mo alam at kahit kailan ay hindi mo malalaman.
“Tse! `Dami mong alam.” Pati manakit alam na alam mo.
“Siyempre pogi kaya maraming alam.” Ramdam na ramdam ko ang pagngisi niya.
Nilampasan ko si Shaun at nauna nang pumunta sa dining area ng condo. Kumuha ako ng dalawang plato at inilapag ito sa lamesa. Si Shaun na ang nag-ayos habang nagpupunas ng katawan niya dahil sa pawis. Nagsandok na rin ako ng ulam, saka umupo na rin sa tapat ni Shaun.
Tahimik lang akong kumakain habang si Shaun lang ang salita nang salita. Puro oo o hindi lang ang sinasagot ko sa kanya. O kaya naman tatango at iiling na lang ako. Hanggang sa tumigil na rin sa pagsasalita si Shaun. Para bang naramdaman na niyang wala akong gana kausapin siya o makipag-usap. Na-guilty ako dahil sa ginawa ko sa kanya.
Sa aming dalawa, siya talaga ang palaging nagsisimula ng topic. Hindi siya nanahimik kapag magkasama kaming dalawa. Palaging ang dami niyang kwento at sinasabi.
Masarap kasama si Shaun sa totoo lang. Hindi ka maa-out of place kapag kasama siya. Pero nang mga oras na `to mas nanaisin ko na lang sana na manahimik siya.
Kahit kasi sa pagsasalita niya lang napapakirot niya ang puso ko.
He was hurting me with everything he did.
“Alam mo, Chin?” nagsalita ulit si Shaun.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ang lungkot-lungkot na ng mukha niya.
“Kung hindi lang tayo nakatira sa iisang condo, iisipin ko na iniiwasan mo ako. Parang these days, ang layo-layo mo sa akin. Para bang may nagawa akong kasalanan sa `yo na hindi pwedeng mapatawad. Para bang nasaktan kita na hindi ko nalalaman. It feels so lonely really. Nasa iisang condo tayo pero parang mag-isa lang ako,” sabi niya. “I don’t feel your presence at all.”
“Wala kang nagawa, Shaun,” nagi-guilty kong sagot. “Sadyang marami lang akong ginagawa.”
“Ewan ko ba.” Napailing-iling siya. “We were not like this before. Para kasing mayroon nang invicible wall sa pagitan nating dalawa. Isang klase ng harang na kahit anong gawin ko, hindi ko matibag-tibag. You’re here but I’m missing you. I’m missing my best friend big time.”
Best friend.
Napatitig ako sa mukha ni Shaun. I saw a painful expression cross his face. Dahil sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya, nasasaktan ko rin siya. Sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan, `di ba? Hindi niya sinabing mahalin ko siya nang higit sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi niya sinabing ma-in love ako sa kanya. Wala siyang alam sa mga nararamdaman ko.
Kaya dapat hindi ko ginagawa `to sa kanya. Hindi ko dapat siya iniiwasan. Hindi ko dapat siya tinatrato na parang hindi ko siya nakikita kahit nasa iisang bubong lang kami nakatira. Wala naman kasi sa kanya ang problema, eh. Nasa akin. Nasa akin ang problema.
Na-in love kasi ako sa kanya kahit niya sinasabi. Minamahal ko nang palihim. Kahit ayokong aminin, may parte sa akin na sinisisi ko siya kahit hindi niya deserve masisi sa mga bagay na `to. He never asked me to love him as more than friends. So, why was I doing this to him?
Because of my unwated feelings for him, I was hurting. And while I was hurting, I was hurting him, too. Nasasaktan ko siya to the point na ang pagiging mag-best friend naming dalawa ay naaapektuhan na. Wala naman kasi talaga sa kanya ang problema. Nasa akin. Sarili ko lang dapat ang sinisisi ko.
“I—I’m so sorry,” mahina kong sagot. “Sadyang naguguluhan lang ako lately. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Shaun.”
Hinawakan ni Shaun ang kamay kong nakapatong sa lamesa.
“Hey,” sagot niya. “Kung ano man `yang problema mo, pwede mo namang i-share sa akin, `di ba? Ilang years na ba tayong mag-best friend, Chin. Ilang taon na sinubok `tong pagkakaibigan natin. Kahit ano pa `yang problema mo, ako na ang bahalang umayos niyan. Hindi ba nasabi ko na sa `yo na sa lahat ng bagay kakampi mo ako. Na kahit ikaw pa ang mali, ikaw ang kakampihan ko?”
Hinigpitan ni Shaun ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Hindi kasi ganoon `yon, Shaun,” sagot ko. “May mga bagay sa mundo na kapag sinabi ko, magiging complicated lang ang lahat. Magbabago ang nakasanayan. Mawawala ang kung ano mang natitira. Shaun, may mga nararamdaman kasi tayo na hindi na dapat inilalabas. Na mas magandang itinatago na lang. Dahil kapag lumabas pa, alam mong magbabago lang ang lahat-lahat.”
“Hindi ko maintindihan,” sagot niya. “Chin, alam kong hindi ako matalinong tao. Hindi ko namana ang pagiging matalino ni Mommy. Pero katulad ko naman si Daddy. Na tutulungan ka sa abot ng makakaya. Na pipilitin intindihin ang mga bagay-bagay. Basta ba, magsalita ka lang.”
Napakagat ako ng labi ko habang nakatitig sa mga mata ni Shaun.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ito sa kanya. O kung ngayon na ba ang nararapat na panahon para malaman niya. Pero kailangan ko nang magsalita. Para mabawasan kahit papaano ang sakit na yumayakap sa puso ko. Parehas lang kasi kaming nagkakasakitan.
“Shaun.” Napalunok ako. “Paano kung malaman mo na in love pala ako sa `yo? Na hindi na hanggang best friend ang tingin ko sa `yo? Na sa bawat sweetness at effort mo para sa akin na wala lang sa `yo, may malisya na pala sa akin? Na sa bawat nakakasama mong babae, nasasaktan mo na ako na hindi mo namamalayan. Na all through these years, I have been secretly in love with you.”
Kitang-kita ko na nagulat si Shaun. Binitawan niya ang kamay kong hawak niya.
Kumirot ang puso ko dahil doon. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Shaun, what if you’ve been hurting me for so many freakin’ times. While the whole world was peacefully sleeping, behind that door, I was silently crying. I was crying for a guy who couldn’t see me the way I see him. Ano ang magiging reaction mo?”
Parang binuhusan ng malamig si Shaun dahil sa sobrang gulat sa mga sinabi ko. Namutla rin siya. Napahawak siya sa bibig na para bang hindi niya inaasahan ang mga lumabas sa bibig ko.
“This—This ain’t serious, right?” nauutal niyang tanong. “Hindi ka ganyan, `di ba?”
“What if nga lang, `di ba?” I gave him a weak smile.
“I don’t know how I should react,” aniya na halatang humahagilap ng mga isasagot. “This is a shock. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Baka iwasan kita. I don’t want you to get hurt even more. Mag-best friends tayo kaya iiwas na lang ako para hindi na kita lalong masaktan pa.”
Mag-best friends tayo kaya iiwas na lang ako para hindi na kita lalong masaktan pa.
Ibig sabihin, kahit umamin ako, wala rin palang saysay. Iiwasan niya lang din pala ako. Mawawala lang din pala kung ano mang meron kami ngayon. I will lose him if I confessed.
I faked a smile. Pekeng ngiti ang ipinakita ko dahil dito naman ako magaling. Hindi ko muna pwedeng hayaan na lumuha ang mga mata ko. Hayaan ko na lang muna ang puso ko na lumuha.
“Good thing hindi ako in love sa `yo,” sagot ko saka tumawa.
Naging seryoso ang mukha ni Shaun.
“Chin, for some reason,” saad niya. “You are not in love with me, right?”
Damn it, Shaun Eliseo Valentin. I am in love with you. Simula noong high school pa tayo. Noong iniwan mo si Rachelle sa J.S Prom para lang sunduin ako. `Yong time na hinawakan mo nang mahigpit ang kamay ko habang naglalakad tayo papasok ng venue. `Yong time na binugbog mo si Tristan at sinabing nagkamali siya ng taong ginagago. Shaun, I love you. I really really love you even it hurts.
`Yan ang mga katagang gusto sabihin ng puso ko pero iba ang lumabas sa bibig ko.
“No,” I lied. Hindi nawawala ang pekeng ngiti sa labi ko. “Never.”
Biglang napahinga nang maluwag si Shaun.
“Phew. Mabuti naman.” He smiled. “Akala ko in love ka sa akin, eh. Pero alam ko namang impossible `yon. `Di ba, best friend tayo forever at hindi `yon magbabago?”
`Di ba, best friend tayo forever at hindi `yon magbabago?
“Of course,” sagot ko. “Hindi `yon magbabago,” pagsisinungaling ko dahil alam ko naman ang totoo.
Alam na alam ko na noong araw na na-in love ako sa kanya, iyon na ang araw na nagbago na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Na nawala na siya sa akin bilang best friend ko.
Na nakikita ko na siya hindi bilang best friend. Kundi bilang isang lalaki na gusto kong mahalin din ako kung paano ko siya mahalin. Isang lalaki na gusto ko maging akin nang buong-buo.
Pinilit kong munang ubusin ang pagkain ko kahit nawalan na ako ng gana. Pilit ko kasing pinipigilan ang sarili ko na huwag mapaluha sa harap ni Shaun.
Nang matapos ako, agad akong tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Habang nakatalikod, biglang nagsalita si Shaun.
“`Nga pala, Chin. Mamaya na `yong date n’yo ni RJ.” Napatigil ako sa ginagawa ko. “Ako na ang nag-set ng restaurant. Five PM `yon. Kaya huwag mong kakalimutan, ha.”
“Si—sige.” Garalgal ang boses ko. “Hindi ko kakalimutan.”
Hindi ko kakalimutan na ikaw pa mismo ang nag-asikaso ng date na `to para lang may maka-date akong ibang lalaki. Hinding-hindi ko makakalimutan na parang isinampal mo na sa akin ang katotohanang hindi mo talaga ako magugustuhan. Marami ka na kasing mga sinabi na nagpapatunay. Nagpapatunay na hanggang best friend lang ako sa `yo.
“I’m sure he is a nice guy,” dagdag pa niya.
“I know,” sagot ko. “He isn’t like you,” bulong ko.
Because you are a cruel guy but, goddamn it, I’m so stupidly in love with the likes of you.
Until when are you going to break my heart without knowing it, Shaun?
And until when will I gonna allow you to do it?
TINAPOS ko na lang ang report ko before five PM, saka nag-ayos para pumunta doon sa date na sinasabi ni Shaun. Ilang ulit niya pa itong pinaalala sa akin sa mga nakalipas na oras baka raw kasi nakalimutan ko. Gago ba siya? Paano ko makakalimutan iyon? Eh, nasampal ako ng mga salita niya.
Gusto ko na lang sanang magkulong sa kuwarto at hindi na umalis para gawin ang paborito kong bagay—ang pag-iyak. Dahil sa pag-iyak lang naman ako magaling. Doon ko lang kasi nailalabas ang mga feelings ko kay Shaun na hindi ko mailabas-labas sa kanya.
Pero mahirap na dahil nandito rin si Shaun. Baka makita niya na namumula ang mga mata ko at maisip niya na may nagawa na naman siyang mali—na totoo naman. Hindi lang siya aware. Dahil kahit kailan, hinding-hindi siya magiging aware sa feelings ko.
Nakaayos na ako nang lumabas ako ng kuwarto ko. Naabutan ko si Shaun na nasa sala at nakahiga sa couch habang nanonood ng Deadfool . Tumayo siya nang mapansin niya ako.
“Aalis ka na?” nakangiti niyang tanong. “Mag-ingat ka, ha. Text mo ko kapag pauwi ka na.”
“Sure,” sabi ko na hindi man lang siya tinitingnan.
Dumeretso ako sa may pintuan nang muli niya akong tawagin.
“Chin.” Nilingon ko siya. “Have fun,” he said while smiling.
Damn that smile. Hindi niya alam na sa pagngiti niya lang na iyon ay nasasaktan na niya ako.
“I will,” sagot ko. “For you.”
Lumabas na agad ako ng condo at sumakay sa taxi patungo sa restaurant kung saan kami magkikita ni RJ. Nakatanggap ako ng text galing sa kanya na nandoon na raw siya. Sabi ko malapit na ako kaya huwag siyang mag-aalala. Okay lang daw kahit maghintay siya.
Kaunti lang ang tao sa restaurant kaya mabilis kong nakita si RJ. Agad ko siyang nilapitan. Ngumiti siya nang makita niya ako saka sinalubong.
“Hi,” bati niya sa akin.
Siya pa ang nag-ayos ng upuan ko.
“Thank you,” sabi ko saka umupo. Umupo rin agad siya sa tapat ko. “I don’t understand.”
“You don’t understand what?” naguguluhan niyang sagot.
May lumapit sa aming waiter, saka nag-abot ng menu.
“I don’t understand you,” prangka kong sagot. “Iniiwasan mo ako sa Art Club na para bang may nakakahawa akong sakit `tapos pumayag ka sa date na `to?”
He sighed. “Sorry. I have reasons,” sagot niya. “Iniwasan kita dahil kay Shaun. Alam niyang may gusto ako sa `yo kaya pinalayo niya ako sa `yo. Subukan ko lang daw lumapit sa `yo kundi babasagin niya ang mukha ko. Of course, I got scared, Chin. Who would have not?”
“Pinaiwas ka niya sa akin? Bakit daw?” nagulat kong sagot.
Hindi ko inaasahan na may ganitong kagaguhang ginawa si Shaun kaya pala bigla-bigla na lang akong iniwasan ni RJ. Akala ko nagalit siya dahil ako ang nanalo sa Art competition last year.
“I don’t know,” sagot niya. “Besides, hindi naman ako nandito para i-pursue ka. O para ipakita sa `yo na gusto talaga kita. Alam ko namang useless din, eh. Alam kong kahit sabihin kong gusto kita, hindi mo ako magugustuhan. May iba ka na kasing gusto, `di ba?”
“Ha?” Kinabahan ako. “Wala akong gusto—”
“Si Shaun, `di ba? In love ka sa best friend mo,” prangka niyang sagot habang nakangiti. “Don’t worry, Chin. Hindi ko sasabihin sa kanya. Wala ako sa lugar para manghimasok. Pero in love ka kay Shaun, right? You have been in love with him for years now.”
Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi ni RJ.
“How did you know?”
“Chin, you are so transparent whenever you are with him. You look either in love or in pain. Iyon ang mga expression ng taong in love sa taong kasama nila. Palagi kong napapansin `yon tuwing kasama mo si Shaun. I guess, manhid na lang ang mga taong hindi nakakapansin n’on. And unfortunately, kasama doon si Shaun. Masyado siyang manhid.”
“Dahil lang doon kaya mo nalaman na mahal ko si Shaun?” sabi ko. “Nagkakamali ka.”
Natawa si RJ. “I’m not. Naaalala mo ba ang drawing na pinanalo mo last year? `Yong painting ni Shaun na nakapikit siya habang may mga tubig sa paligid ng ulo niya sabay may mga drops ng tubig? I’m an artist, too, Chin. Alam ko ang ibig sabihin n’on. You painted him because you are in love with him. Iyong mga drops ng tubig? Hindi iyon raindrops. Those drops are your tears. Your own tears while you were painting, Shaun.”
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni RJ. Napaiwas ako nang tingin. Wala na kasi akong madadahilan sa kanya. I guess tama siya. Artist lang din ang makakaalam ng totoong meaning ng painting na iyon. Sa kasamaang palad, hindi artist si Shaun.
“That painting is beautiful, Chin. But in a tragic way. Kitang-kita ko ang feelings mo doon.” Nalungkot ang boses ni RJ. “Bakit hindi ka umamin sa kanya? Bakit tinatago mo ang feelings mo?”
I finally looked at him.
Nakita ko ang awa sa mga mata ni RJ. Ang awa na katulad sa mga mata ni Bea.
“I’m too scared to confess,” pag-amin ko. “Natatakot ako na baka... baka mawala kung ano man ang meron sa amin ngayon. Natatakot akong i-risk ang pagkakaibigan namin. I don’t want to lose him.”
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang mga luha ko. Nakakahiya na umiyak sa harap ni RJ.
“Hindi ka takot na mawala kung anong meron kayo ngayon, Chin. Hindi ka takot sa risk o sa mga naghihintay na kapalit ng pag-amin mo. Alam mo kung saan ka takot? Na hindi ka niya mahalin pabalik. Na hindi niya masuklian ang pagmamahal mo sa kanya.
“People only tend to get scared confessing their true feelings because they are thinking about how others might not love them back,” dagdag niya. “You’re not afraid to confess. You’re just afraid that he might not love you back.”
Siguro nga tama si RJ. Siguro nga hindi ako takot mag-risk. Hindi ako takot sa mga naghihintay na kapalit. Siguro mas takot lang ako na hindi niya ako mahalin pabalik. Na hindi niya masuklian ang feelings ko, `tapos magbabago na ang lahat. Hindi na kami babalik sa dati dahil imposibleng bumalik ang dalawang tao sa kung anong mayroon sila dati kung may feelings na iyong isa.
“I’m not saying this out of pity, Chin,” nagsalita uli siya. “But your situation is so damn hard. Lumayo ka na lang kung ayaw mong umamin. Pero, `di ba, deserve rin naman ni Shaun malaman ang feelings mo? Deserve niya malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya? Para naman hindi ka niya nasasaktan na hindi niya nalalaman.”
“Please, change topic,” sabi ko. “Ayoko na `tong pag-usapan.”
Napatitig si RJ sa akin for a moment then he finally gave up.
“Okay, sorry,” sagot ni RJ saka na siya nag-order ng kakainin namin.
Mabuti naman nawala na ang topic namin about kay Shaun at nabaling na lang ang usapan namin sa Art. Tinanong niya ako kung ano raw ang isasali kong entry next month sa Art Competition this year dahil ako uli ang ipapadala ng school. Sabi ko hindi ko pa alam. Hindi ko pa iniisip.
Tumagal kami ng dalawang oras na magkasama ni RJ dahil sinamahan niya rin akong bumili ng art supplies. Bumili rin siya ng paintbrush at ilang canvas dahil naubos na raw ang supply niya.
Alas-siyete na ng gabi nang ihatid niya ako sa condo. Nagpasalamat ako sa kanya at agad na pumasok sa building.
Habang naglalakad papunta sa unit namin ni Shaun, bumalik sa isip ko ang lahat-lahat ng pinag-usapan namin ni RJ tungkol kay Shaun. Napailing-iling ako.
You’re just afraid that he might not love you back.
I’m not afraid anymore because I already know the truth.
He can’t love me the way I love him. He would never. Ever. Period.
Pagpasok ko ng unit namin ni Shaun, hindi ko pa natatanggal ang suot kong sandals, biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Lumabas siya na tanging boxer lang ang suot.
Halatang nagulat siya. Hindi niya siguro inaasahan ang bigla kong pagdating.
“O, `andito ka na pala. Bakit hindi ka nag-text na pauwi ka na?” natataranta niyang tanong.
“Bakit? Hindi na ba ako pwedeng umuwi rito?”
“Hindi naman sa ganoon. Kasi ano—”
Hindi pa natatapos ni Shaun ang sinasabi niya nang bigla uli bumukas ang pinto ng kuwarto niya. May lumabas na isang babae na hindi ko kilala na nakasuot lang ng bra at panty.
“OMG! Sorry. Sorry. Hindi ko alam na may ibang tao,” sabi ng babae saka pumasok ulit sa loob ng kuwarto ni Shaun. “SHAUN! PUMASOK KA NA DITO DALI!” sigaw pa niya mula sa loob.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa pinto ng kuwarto ni Shaun saka kay Shaun. Parang nanigas si Shaun mula sa kinatatayuan niya. Ramdam ko na pabagsak na naman ang mga luha ko.
“May—may bisita ka pala. Sana sinabi mo agad. Aalis din naman agad ako. Doon ako matutulog kina Bea. Nagpapaturo kasi siya sa report namin. `Tapos... `tapos—”
Shit. Shit. Don’t cry, Chin. Don’t cry. Don’t cry.
“Chin,” he called my name.
“Nagmamadali ako,” sabi ko saka pumunta agad ng kuwarto ko at kumuha ng damit.
Nakasunod si Shaun sa akin sa loob ng kuwarto ko.
“Chin,” pagtawag niya ulit. “Sorry.”
Sorry na naman. Umay na umay na ako diyan.
I tried looking at him. “For what?” sabi ko saka tumawa. “Baliw ka. Nagmamadali na ako para hindi ko na kayo maistorbo. Nasaan ba `yong lagayan ng laptop ko? `Ayun!”
Kinuha ko ang lagayan ng laptop ko, saka pinasok sa loob ng bag ko. `Tapos kumuha naman ako ng damit at pantalon, saka underwear. Hindi ko na ito inayos. Basta-basta ko na lang ipinasok sa loob.
“Chin, please, look at me,” sabi ulit ni Shaun.
“Nagmamadali na ako, Shaun,” sagot ko.
Sinukbit ko na ang bag ko at dali-daling lumabas ng kuwarto. Nakasunod lang sa akin si Shaun hanggang sa pinto ng condo.
“Chin, please.” Nagsalita na naman siya kaya tiningnan ko siya. “Don’t give me that look.”
“What look?” I said, confused.
“Don’t look at me like you want to cry.” Sinubukan niyang lumapit. “Chin, don’t go.”
Don’t go? Huwag akong umalis? Gusto niyang nandito lang ako para marinig ko na naman ang ginagawa nilang dalawa ng kasama niyang babae?
Binigyan ko siya ng masakit na ngiti.
“Have fun, Shaun,” panggagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina at lumabas na ng condo.
Patakbo akong naglakad sa hallway hanggang sa makalabas at makasakay ng taxi.
Habang nasa taxi, todo-pigil ako sa mga luha ko. Ayokong umiyak dito. Ayokong umiyak dahil baka maweirduhan ang driver. Sinabi ko agad sa driver kung saan niya ako dadalhin.
Tinawagan ko naman si Bea.
“Hello?” sagot niya. “Bakit, Chin?”
“B-Bea.” Basag na ang boses ko.
“What’s wrong?” Napalitan ng pag-aalala ang boses niya.
“Papunta ako sa dorm mo. I’m on my way. Malapit na ako.”
“Okay. Hintayin kita,” sabi niya saka ko pinatay ang tawag.
Makalipas ang ilang minuto, huminto na ang taxi sa tapat ng dorm ni Bea. Nakita ko na agad siya na naghihintay sa labasan. Nagbayad agad ako sa driver saka bumaba.
Pagbaba ko, agad akong sinalubong ni Bea. Wala nang sabi-sabi at bigla na lang niya akong niyakap nang sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko ang pag-comfort niya kaya tumulo na nang tumulo ang mga luha ko. Ang mga luha kong naipon para sa araw na `to. Ang mga luha kong dala ng pinaghalong pighati at pagmamahal kay Shaun. Mga luhang dahil sa kanya.
“Bea... ang sakit na,” sabi ko habang umiiyak. “Ang sakit-sakit na talaga.”
“Sssshh. Sige, iiyak mo lang lahat `yan,” sabi niya habang hinihimas ang buhok ko.
So I did.
I cried wishing that these feelings for him didn’t exist at all.
novelraw