Sylvestre's Wedding

Chapter 8



Chapter 8

H INDI ako nakinig kay Aljur nang sinabi niyang huwag na akong magkape. Kaya ito ako ngayon, kinakabahan. Kape lang ito. Hindi ito dahil magkikita na kami ni Sylvestre sa loob ng limang minuto. Tumingin ako sa relo ko. Apat na lang pala.

Naging tatlo. Naging dalawa. Naging isa. Naubos ang mga minuto bago mag-alas-sais. Walang dumating.

Well. Hintay lang. Pinatay ko na ang TV dahil hindi naman nakakatulong ang pagkatapos ng mga programa. Lalo ko lang naiisip ang oras na dumaraan na wala pa ang hinihintay ko. Tumayo na muna ako para magtimpla pa ng isang kape.

Hinahalo ko ang mainit na tubig na unti-unti nang nangingitim nang tumunog ang doorbell. Inayos ko ang sando ko para hindi naman sumilip ang utong ko. Inayos ko rin ang shorts ko at ang nasa loob niyon para gumanda ang bukol. Nanatiling nasa mesa ang kape na umuusok pa habang nagmamadali akong pumunta sa pinto at pinagbuksan ang nasa likod niyon.

Umiiling si Aljur. Nilinga ko kung may ibang tao sa likod niya. Sa gilid, sa ibabaw, maging sa ilalim.

“Hindi siya darating,” sabi ni Aljur. “He backed out.”

“Bakit?”

Nagkibit-balikat siya.

“Ano na naman ang sinabi mo?”

“Ako na naman ba ang sisisihin mo sa pagba-back out niya? Ako kaya ang nag-set up ng meeting…”

“Sorry,” sabi ko. “Nakaka-upset lang.”

Pumasok si Aljur at dumeretso sa bagong timplang kape. Inamoy. Gusto niya. “Akin na `to,” sabi niya.

Hindi na ako tumutol. Pang-ilan ko na rin naman.

“Bakit daw?” mayamaya, tanong ko.

Inabot niya sa akin ang cell phone niya. Nandoon ang message ni Sylvestre. Number sa itaas, `tapos mensahe lang wala nang ibang usapan.

Sorry, Aljur. I can’t make it tonight. Maybe some other time.

“Ito lang ang usapan ninyo?” tanong ko.

“Ano pa ba ang pag-uusapan namin?”

“Wala naman. Weird lang na parang nabura ang mga previous conversations.”

“Tinawagan ko siya kanina, `di ba?” Sabi ni Aljur, tapos ngumiti. “Nagseselos ka ba? Iniisip mo bang may ginagawa kami? Ang future-ex at never-been-ex mo?”

Natawa si Aljur sa sinabi niya. Hindi ako natuwa. Oo. Nagselos ako. Nagalit ako sa ideya. Isinauli ko ang cell phone sa kanya. Lumakad ako palabas ng terrace ng condo ni Aljur. Kailangan ko ng hangin.

Sumunod sa akin si Aljur. Yumakap siya sa akin mula sa likuran, habang parehas kaming nakatingin sa mga kalsada at bubungan ng kalungsuran.

“May pride pa rin naman ako,” sabi ni Aljur. “Gusto ko si Sylvestre mo no’ng una. Ipipila ko sana kapag iniwan mo na ako. Pero no’ng malaman kong sa `yo na siya, hindi na. Hindi pa naman ako nauubusan ng ganda. Hindi ko pa kailangang mamulot ng basura. Kahit sa `yo pa galing.”

“Ako kasi ang basura niya,” sabi ko. “Ako ang pinulot mo. Punit-punit. Pira-piraso. “

“Hindi ko naman naisip `yon,” sabi ni Aljur. “Pero kung `yan ang nararamdaman mo, hayaan mo akong buuin ka uli. Ako na muna ang masking tape mo.”

That was so sweet of Aljur. Hindi ko sinasadyang lingunin siya. Tumitig ako sa kanya na naghihintay lang sa akin. Inilapit ko ang mga labi ko sa kanya na kanya rin namang sinalubong.

Naramdaman ko ang haplos niya sa aking dibdib, pinaglaruan ang mga mga utong kong naninigas sa init ng kanyang yakap. Sa aking likuran, naramdaman kong nagsisimula nang tumusok ang kanyang katigasan. Lalo akong nag-init. Nakahanda akong mapasok at pumasok ngayong gabi. Sobrang hinintay ko si Sylvestre, pero hindi na rin ako tatanggi kung si Aljur ang pupuno ng kanyang hindi pagdating.

“Fuck me, baby,” bulong ko kay Aljur.

“Sige,” sagot niya at bumalik na sa paghalik sa batok ko, panga, pabalik sa mga labi.

Ibinaba niya ang shorts ko at pinaghiwalay ang mga hita gamit ang tuhod. Pagkatapos ay humiwalay siya sa aming halik. Binasa niya ng laway ang mga daliri niya at pinahid sa aking likuran. Kinapa ang butas niyon at diniinan nang kanyang matagpuan.

“Ahh…” ungol ko. Hindi ko ito laging nararamdaman. Kaya tuwing mauulit, bago ang pakiramdam sa akin.

Itinutok niya ang kanyang nangangalit nang pagkalalaki sa aking butas. Oo, mas payat sa akin si Aljur, pero hindi nagpaiwan sa laki ko ang laki ng titi niya.

“Dahan-dahan,” malambing kong bulong nang maramdaman ang ulo ng pagkalalaki niya sa aking bukana.

Muli niya iyong hinugot at dinagdagan ng laway para maging mas madulas. Effective. Naipasok niya ang ulo at marahang itinuloy-tuloy.

Dama ko ang haba at taba ni Aljur. Para akong pinupunit kaya napakapit ako sa bakal ng terrace.

Humawak si Aljur sa balikat ko at marahang itinuloy ang paglabas-masok sa akin.

Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa kapaligirang nanonood sa amin. Wala akong pakialam. Nasa 26 th floor kami ng building. Madilim na naman ang gabi. Maliit na rin siguro kami sa mga nasa baba. Pero kahit naman may nakakapanood sa amin, wala akong pakialam. Lalo akong nag-init, lalo pa’t bumibilis na si Aljur sa kanyang ginagawa at nararamdaman ko nang nawawala ang sakit. Napapalitan na ng sarap.

Bumitaw ang isa kong kamay sa railing, at napahawak sa puwitan ni Aljur, pilit kong idiniin ang pagbayo niya sa akin. Natatamaan niya ang aking spot. “Fuck, Aljur,” sabi ko habang nakatingin sa sarili kong katigasang basa na sa sarili kong precum. It was dripping with my juice. Sarap na sarap ako sa ginagawa niya. “I really love your cock, Aljur.”

“Titi pa lang `yan. Mas masarap `yan kung mamahalin mo ako nang buung-buo,” sabi niya at ang mabilis na pagbayo ay naging marahas.

“Ahhh,” ungol ko. “Please don’t stop.”

At hindi nga tumigil si Aljur. My precum continued dripping, too. Napakasarap. “Cum, inside me, please,” pakiusap ko.

“Oo. Malapit na ako.”

Sinabayan ko si Aljur. Hinawakan ko ang aking katigasan habang tuloy siya sa pagtama sa aking G-spot. “Don’t stop… ahhhh…” bulong kong hindi maiwasang masabayan ng ungol.

Sinunod ako ni Aljur. Hanggang sa lalong naging mabibigat ang kanyang pagpasok. Naramdaman ko ang mas pagtigas ng kanyang titi sa loob ko. Hindi ko na napigilan.

“Aljur, I’m coming,” at tumalsik ang tamod ko palayo sa building. Kasabay niyon, naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Aljur, at ang pagpintig niya sa aking loob.

Dahan-dahan niyang hinila ang sarili palabas sa akin.

Humarap ako sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan. Ibinalik niya sa akin ang ginagawa ko. Nanatili kami sa terasa. Mas dumilim na ang gabi, at mas maliwanag na ang ningning ng mga bituin.

INIWAN ako ni Aljur sa kama. Hubad pero mag-isa. Inayos ko ang sarili ko, lumabas ng kuwarto at tiningnan kung may pagkain pa. Nasa ref na rin ang note ni Aljur. Pumasok na siya, among other sweet words.

Nagtimpla ako ng kape habang iniinit sa microwave ang ulam na iniwan ni Aljur. Sabay mag-ting ng oven ang pag-ring ng cell phone ko. Si Camina. Hinawakan ko ang cell phone at idinikit sa dibdib. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Isandaang tawag ang hindi niya nasagot mula sa akin. Paano ko iyon ipapaliwanag, eh, nahimasmasan na ako.

Pero sige, kinanselahan mo ako ng date, Sylvestre, tingnan natin kung kakayanin mo ang gagawin ko.

Sinagot ko ang tawag.

“Drew,” sabi ni Camina na very perky, parang hindi pa alas-syete ng umaga. “Sorry, hindi ko nadala ang cell phone ko. Iba kasi ang business phone ko sa usual phone.”

“It’s okay. I just wanna tell you something about Sylvestre, I mean, Martin.”

“What? That he’s gay?” tanong ni Camina na sobrang pabulong. “May nangyari na ba sa inyo?”

“Uhm, lately, wala pa naman?” patanong din na sabi ko.

“Drew, marami na kasing nagsabi sa akin niyan. Kaya nga, `di ba, that’s my fear.”

“Oh, alam mo na? Eh, bakit hindi mo na lang siya hiwalayan? Bakit pa ninyo itutuloy ang kasal?”

“Because we love each other,” sabi ni Camina. “And I can’t unlove him until I have enough reasons to do so. And my reason is if he is gay.”

“Say no more,” sabi ko. “Saan siya nagwo-workout?”

NAKUHA ko ang schedule ni Sylvestre. Pati ang gym na pupuntahan niya ngayong araw. Kaya naman bago pa ako pumunta sa lugar na iyon, eh, tumakbo na ako at nag-pullups. Kailangan kaakit-akit na ako bago pa magbuhat sa gym.

Putok na putok na ang mga braso ko sa sando kong ginupit lang ang manggas hanggang baywang. Sumisilip ang mga guhit sa ilalim ng aking dibdib at ang namumukol na mga abs, paminsan-minsan. Nagsuot din ako ng cap at shades, para kunwari, ayoko magpakilala. At siyempre, malaking gym bag at tumbler na may chocolate protein shake para mukhang seryoso talaga ako.

Hindi ko naisip na ganito lang kadali ang pagbawi ko kay Sylvestre. Isang sex lang sa kanya, hiwalay na sila ni Camina. Akin na uli siya.

Habang naglalakad papunta sa locker room, natanaw ko na si Sylvestre. Nasa mga machines siya at nagro-row. Back ang tinitira niya. Dahil nakasandong razor back, kitang-kita ang namimintog na mga muscles sa kanyang likod. Nakakailang workout na rin siguro siya. Nagmadali na akong pumunta sa locker para makapagsimula na.

Pagbalik ko, nasa mga dumbells na si Sylvestre. Shoulders naman ang tina-target niya. Pinapanood ang sarili habang itinataas ang weights. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti ako. Ngumiti naman siya pabalik. Pero tipid na tipid ang paggalaw ng kanyang mga ngiti, Pagkatapos ay muling pinanood ang ginagawa niya sa salamin.

Sapat na sa akin na na-recognize niya ang presensiya ko sa lugar.

Nagsimula akong mag-workout sa mga cable. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Hindi ko na naman talaga kailangang mag-workout, nauna na ako sa WOD training ko. Kaya naman pansin kong kahit hindi nakatingin si Sylvestre, eh, maraming nagpipiyestang mga mata sa katawan ko.

Tumayo si Sylvestre na hindi tumitingin sa akin. Pumunta siya sa treadmill. Tumakbo. Nagku-cool down na. Alam na alam ko na ito, iiwasan ako. Kadarating ko lang, aalis na siya. Pero parang nagpapahiwatig pa. Kung nairita siya sa akin, eh, di sana, umalis na lang siya at hindi na nag-cool down. Nagpapa-yummy pa.

Itinuloy ko lang ang pagbubuhat, pero pinakikiramdaman ko pa rin ang galawan niya. Nakailang buhat din ako nang tumigil si Sylvestre at naglakad papunta sa locker room.

Tinapos ko muna ang set ko para hindi rin halatang sinusundan ko lang siya. Pagkatapos ay sumunod na ako sa locker room.

May mga lalaking nakatapi lang ng tuwalya. They came in all shapes and sizes. Napansin ko lang dahil may hinahanap ako. Pero wala si Sylvestre. Ayos, malamang, eh, nasa steam bath na siya or sa sauna. Just the perfect place. Pero baka rin nakaalis na. Kung iiwas nga, umalis na siya. Kung may pag-asa pa, nasa isa sa dalawang mainit na kuwarto lang iyon.

Hinubad ko ang lahat ng suot ko at iniwan ang bikini briefs. Bikini briefs talaga para kitang-kita ang v-line ng katawan ko na bababa patungo sa nagpapakilalang bukol. Pero syempre, para demure kunwari, I kept it black. My peripherals were meeting with their peripherals as I watched the men check my body out. Hindi ko naman sila masisisi. Kahit ako, I checked out myself pagdaan sa salamin. Perfect, paglalawayan ako ni Sylvestre.

Pumunta muna ako sa shower area, na medyo kalahati ay may laman na. Naghanap ako ng cubicle para sa akin. Nag-shower muna ako para tanggal alat at asim. Hindi namin gusto ni Sylvestre ang lasa ng katawan, maliban na lang kung galing sa sex. Kaya naman tinanggal ko lahat ng pawis mula sa workout. Sinabon. At pagkatapos ay ginulo ang buhok para magka-volume.

Una kong pinasok ang steam bath. Mausok ang puting silid na iniilawan ng puting ilaw. Nakamarmol ang upuan at ang paligid ay finished with tiles. Mahirap maaninag ang mga nasa loob dahil sa kapal ng steam. May tatlong lalaki sa loob na nakatapi ng tuwalya. Ngumiti ang isa sa akin nang baybayin ng mata ko ang lahat ng sulok ng silid. Wala si Sylvestre. Agad akong umalis.

Lumipat ako sa sauna. Gawa naman sa kahoy ang madilim na kuwarto, kung saan ang dilaw na ilaw na nakatago sa isang sulok ang tanging liwanag. Sa sulok katabi ng pinto, mayroong kahon na may batong umuusok. Dito galing ang init. Hindi sa kung sinong tao, dahil walang tao sa loob.

Hay, wala na si Sylvestre. Naupo na lang ako sa panghihinayang. Ang tagal ko nang nagpapaputok ng katawan, wala naman pala ang lalaking puputukan ko. Naupo na lang ako. Hanggang pumasok ang isa pang lalaki. Medyo matanda na, pero maganda pa rin ang katawan. Nanatili siyang nakatayo

“Bago ka rito?” tanong ng lalaki. Mababa ang boses niya. Bagay sa laki ng katawan niyang may balahibong makapal sa mga tamang lugar, tulad ng dibdib, manipis uli pababa sa tiyan at muling kakapal papasok sa maliit na briefs na kanyang suot. Puti ang briefs niya, di tulad ko. At dahil galing na rin sa shower, kita ko ang hugis ng kanyang tinatago doon. Hindi nagpatalo ang bukol sa loob sa laki ng kanyang katawan.

Doon ako nakatingin at parang napakagat ako ng labi nang muling bumukas ang pinto ng sauna. May pumasok, nakatapi, putok na putok din ang mga muscles at kitang-kita ko ang definition nito, lalo na sa likod. Si Sylvestre. Nandito pa si Sylvestre.

“Bago,” sabi ko sa mababang boses.

“Ikaw din ba?” tanong ng lalaki kay Sylvestre. “Bago dito?”

Tumango lang si Sylvestre.

Hindi ko alam kung saan ako magpo-focus. Iba rin kasi si Daddy Bear. Matangos ang ilong, manipis ang mga labi, at ang ganda ng mga mata. Lahat ng ito, naka-frame sa perfectly trimmed na balbas.

“Sa kabila lang ako,” paalam ni Daddy Bear.

Nagpapaalam sa mga ngayon lang nakausap? Nagyayaya si Daddy. Pumintig ang harapan ko sa ideya. Pero si Sylvestre ang pinunta ko dito. At nakatalikod pa rin siya, kahit alam nang nasa likod lang ako. Okay na iyon, kaysa naman umalis siya.

Inabangan ko ang galawan niya. Tumayo na rin ako para mas maganda ang view niya kapag humarap. And wish granted. Kumilos si Sylvestre at umupo. Alam kong nakikita niya ako sa kanyang peripherals.

Ngumiti ako.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay ngumiti rin.

At doon ako nanigas lalo. Hindi ko alam kung paano susundan ang aking nasimulan. Nag-stretch na lang ako. Arms stretched up, then to the side. Para kitang-kita niya ang mga cuts ng katawan ko. Pagkatapos, pinunasan ko ng kamay ang mga pawis na tumutulo sa aking dibdib. May kaunting hipo at kurot sa aking utong, habang nakalayo ang mga mata kay Sylvestre.

Pagtingin ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sa akin. Nanonood.

I gave him a better show. Legs naman ang in-stretch ko. At habang kumikilos, inaayos ko ang bukol ko para hindi lumabas sa kung saan man. Pinaling ko sa gilid dahil tumitigas na. Nakakahiya naman kay Sylvestre kung lalabas sa garter ang aking alaga.

Nakangiti pa rin si Sylvestre. Ngiting may kasunod na pagkagat sa labi. Gusto niya ang nakikita. Isang hawak lang niya dito, ire-report ko kaagad kay Camina. Then, poof. Wala nang kasal.

Hindi na ako nahiya kung sisilip sa garter ang sawa ko. Sa tigas, alam kong gusto na nitong manuklaw. Inayos ko para lumabas na sa briefs ang titi ko.

Napahinga nang malalim si Sylvestre. Tumayo.

Pero muling bumukas ang pinto.

“May show pala dito,” sabi ni Daddy Bear na nagbalik sa sauna.

Mula sa pagkakatayo, lumabas ng sauna room si Sylvestre.

Sumunod ako pero hinarang ako ni Daddy Bear. Hinalikan ang aking leeg, pababa sa aking dibdib. Hindi ko napigilang mahulog sa pagkakayakap ni Daddy Bear. Ang kanyang malalaking braso, pinapainit ang aking malaki ring katawan.

Pero si Sylvestre, kailangan kong habulin. Pumiglas ako, pero hinawakan ni Daddy Bear ang aking katigasan.

“Laki nito, ah.” Bahagya niyang ibinaba ang aking briefs. As if, kailangan pa dahil labas na labas na rin naman ang titi ko sa bikini. Hinawakan niya ito at isinubo kaagad.

Ang sarap ni Daddy sumubo. Pero hindi ko magawang ma-enjoy nang tuluyan dahil si Sylvestre talaga ang pakay ko. At hindi ko planong magpa-chupa sa sauna.

Nanatiling nakaluhod si Daddy Bear at taas-baba ang mukha sa harap ko nang luminaw ang aking pag-iisip sa kabila ng init at sarap na natatanggap ng aking katawan.

“Daddy, sorry,” sabi ko. Iniangat ko ang briefs ko at sumunod sa shower area.

Nakasalubong ko si Sylvestre. Shit. Tapos na siyang mag-shower.

Fail!

“WEH,” SABI ni Aljur. “Hindi ka nagpalabas? Sinubo lang ni Daddy Bear? Hindi mo siya binalikan?”

“Hindi nga,” sabi ko pagkauwi sa bahay ni Aljur.

“Matapos mo siyang i-describe na sobrang nakakalibog, `yon na?” pang-uusig niya.

“Hindi nga. And that’s not even the point. Sasabihin ko ba sa iyo `yon kung nagkantutan kami ni Daddy Bear? Eh, di nasaktan ka.”

“So, `yong mga kakantutan mo, hindi mo na lang sinasabi sa akin, para hindi ako masaktan?”

“Aljur, that’s not the point?!” sabi kong naiirita na.

“Joke lang. Eh, hindi mo na nga naakit si Sylvestre. Sayang naman. Wala ka tuloy maire-report kay Camina.”

“`Yon na nga. But the thing is, he got excited. Pinipigilan lang niya. And I’m sure, if Daddy Bear didn’t go back, something could have happened between us.”

“Pero haka-haka pa lang din `yan `pag narinig ni Camina.”

“Pero nagawa ko na ang first step.”

“Huwag mo na munang sabihin kay Camina. Malamang, may nagsabi na rin niyan sa kanya. Hindi sapat ang first step lang. Nagmumukha kang naninira.”

“You think?”

“Ikaw?” balik niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. May punto naman si Aljur.

“Mimisyonin mo ba talaga ang pakikipag-sex kay Sylvestre?” mayamaya ay tanong ni Aljur.

“If that’s what it takes to save him.”

“Baka naman hindi niya kailangan ng saving.”

“You know the boiling frog syndrome? The frog doesn’t know he’s in hot water because his body is adjusting, until it’s too late and he’ll die.”

“Wala akong ideya d’yan,” sabi ni Aljur. “Pero gusto mo `yan. Suportahan na lang kita. Mas gusto ko naman na nagsasabi ka sa akin ng totoo. Masakit, pero mas masakit ang mapaglihiman.”

“Don’t worry. Wala naman akong nililihim sa `yo.”

“Talaga? Wala ka pa talagang kinakantot na hindi ko alam?”

Lumapit ako kay Aljur. Bumulong. “Wala talaga.” Pagkatapos ay bumaba ako sa kanyang leeg at hinalikan iyon.

“Bitin ka sa sauna, `no?” sabi ni Aljur.

“Sobra.”

SA BAHAY ni Aljur ako nanggaling bago pumunta sa Bulacan. Nag-text kasi si Kuya na tapos na ang mga fiesta sa Visayas. Kaya’t balik Luzon ang grupo nila para lumaban sa mga pageants. Unang sabak nila sa Pulilan kaya naman nagdesisyon akong puntahan si Kuya. Miss ko na siya. Miss na rin niya ako. Kaya lang, bakit kahit papalalim na ang gabi ay mabigat pa rin ang traffic. Mabuti na lang at may mga lalaki sa phone kong sinasamba ang body pic ko.

Tumunog ang phone ko. Isang set ng picture ang pumasok. TripTayo 19. Guwapo. Chinitong maganda ang ngiti. Buo at pantay ang ngipin. Maayos ang tindig. Mukhang matangkad. Hindi mataba, tama lang. Nag-send ng dick pic. Malaki rin. Pwede.

Pic please, message niya after ng set ng pictures na pinadala.

Nagpadala ako ng pictue. Top here, sabi ko.

Cool. Bottom ako, reply niya.

11pm later. Meet me at my condo. 2630. Just hit the doorbell. Here’s my number.

Napangiti ako. Booking, check.

Hindi lang si TripTayo 19 ang nag-message. Marami pa pero siya na ang pinaka-okay. Pinatay ko na ang app. Ayoko nang maistorbo.

Nagmaneho na ako. Nalampasan ko na ang banggaan na nag-cause ng mabagal na traffic. At nang akala kong makakaarangkada na ako, biglang tumunog na naman ang phone. Hindi ko muna pinansin. I just picked up the phone when the stoplight turned red.

May mensahe.

Sorry, hindi ako nakarating kanina.

Si Sylvestre ba ito? Napahinto ako nang matagal na kahit go na ay hindi ako nakakilos. Binusinahan ako ng nasa likod ko kaya nagising ako at umandar.

Si Martin ito. Pasok ng pangalawang text.

I had to stop the car. Kinabahan ako. Napangiti. Napahinga nang malalim. Napatakip ng bibig ang dalawa kong kamay. Bumilis ang tibok ng puso. I couldn’t drive like this. Tinitigan ko ang cell phone kong nakatayo sa dashboard hanggang sa mag-black ang screen.

Binuksan ko uli ang phone.

Sorry hindi ako nakarating kanina.

Si Martin ito.

Magkasunod pa rin ang text sa phone ko.

Kinuha ko ang cell phone. Andami kong gustong i-type. Hindi ko alam ang uunahin o kung magse-send na ba ako. Baka magmukha akong sabik na sabik. Ibinalik ko ang cell phone sa dashboard at muling itinakip ang kamay sa bibig. Gusto kong sumigaw, pero, hindi! Magmumukha akong tanga.

Anyway, if you’re still free tonight, we can meet somewhere. Saan mo ba gusto? sabi sa kapapasok lang na message.

Kinuha ko ang cell phone. Nag-dial. May sumagot. “Male-late ako.”

“Bakla ka. May uunahin ka na namang booking, ano?” sabi ni Kuya.

Pagkatapos namin mag-usap, si Aljur naman ang tinawagan ko.

“Aljur, nag-text si Sylvestre,” sagot ko sa kanyang hello. “Magkikita kami ngayon.”

“Bakit daw?”

“Mukhang tinablan sa nakita niya sa gym.”

“Naku, sayang naman. Sana hindi na tayo nagpalabas kanina.”

Natawa ako nang malakas. “Kaya pa nito ang apat pa.”

“Lakas,” sabi ni Aljur. “Pero huwag kang masyadong umasa. Baka gusto lang niyan makipagkuwentuhan at hindi kwentutan.”

Nagtawanan kami. Tuloy ang usapan namin ni Aljur hanggang sa makarating ako sa venue ng meeting namin ni Sylvestre.

HE WAS wearing a plain white shirt perfectly tucked in his kinda slim dark pants. I saw his perfection as he stood up while I walked closer to him. Tama si Camina, papantay nga ako sa hitsura ng mapapangasawa niya. Magsinlaki pa rin ang aming mga katawan. Hindi na nawala ang tindig niya noong kadete pa lang kami. Ang tikas. Guwapo pa rin talaga ang gago. Ang lalaking nang-iwan sa akin sa ere. Pero ano pa ba ang inaangal ko? Nandito na siya. Pinatawag ako. Muli nang babalik ang tamis na hindi nahalo noong bata pa kami.

“Sorry about ealier. I really had to cancel,” sabi ni Sylvestre. “My boss called me for an emergency meeting.”

“No, it’s okay,” sabi ko. “Wala namang problema.”

“Good,” sabi niyang naupo na kasabay ko. “What do you want? My treat. Nang-indian ako kanina, eh.”

“Sure.” Tiningnan ko ang menu. Oorder ako nang pinakamahal.

Dumating ang waiter at sinabi namin ang mga gusto namin. Nacho Grande dahil matagal na kuwentuhan ito. Salpicao Aglio Olio para sa pasta. At saka bottomless iced tea. Sa kanya, Tuyo Pasta. At iced tea na rin. Nang matapos, bumalik kami sa isa’t isa.

“Kumusta na?” bati ni Sylvestre.

“Okay naman,” sagot ko. Nag-Tagalog na siya. Magta-Tagalog na rin ako. Pero ang totoo, hindi ko pa alam kung paano sisimulan ang mga diskusyong naplano ko na sa isip habang papunta dito. Natameme ako.

“May big client kasi,” paliwanag ni Sylvestre na bumasag sa katahimikan. “Tumawag sa tatay ni Camina. Gusto kaming mag-pitch ng proposal para sa isang itatayong provincial mall. Biglaan. `Buti wala kang pasok ngayon.”

“Actually, meron,” pagsisinungaling ko. Baka ma-guilty siya kung malaman na si Kuya ang ipinagpaliban ko para kitain siya. I don’t want this meeting to be awkward. Then sinundan ko ng katotohanan. “Pero pwede naman akong ma-late. Kahit nga um-absent ako.”

“You didn’t have to. Nakakahiya naman.”

“No, okay lang,” sabi ko. “Best friend kita. Nagbalik ka na sa `Pinas after how many years, seven? Eight?”

“Yeah, almost eight.”

“O, excuse na `yon. A-absent ako, para sa `yo, Sylvestre.”

Natawa siya. “I don’t respond to that name anymore,” sabi niya. “Martin na lang.”

“Wow naman. Iba na talaga.”

Ngumiti lang si Sylvestre. Dumating ang iced tea kasunod na ang nachos. Nagsimula na kaming kumain. Ang awkward ng silence. Parang wala siyang planong basagin. Hindi ko rin alam kung paano mag-uumpisa uli ng usapan.

“Kailan mo pa itinigil ang paggamit ng Sylvestre?” naisip ko lang na itanong.

“Pagdating sa Singapore. `Tapos, pagbalik dito, Martin na rin ang pakilala ko. Ikaw na nga lang ang tumawag sa akin sa Sylvestre. Siguro kung hindi tayo magkaharap, hindi kita nalingon.”

“Matagal mo na naman akong hindi nilingon.”

“Alam ko,” sabi ni Sylvestre.

Then silence. Tumuloy kami sa pagkain.

“Sorry,” sabi niya. “You were my best friend. Hindi ako nakapagpaalam nang maayos.”

Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. I deserve that sorry. Ang sarap namnamin.

“I hope you did well after we separated,” sabi ni Sylvestre. “So ano nang pinagkakaabalahan mo? Saan ka nag-college?”

“Sa first choice natin,” sagot ko. Gusto ko pa sanang mag-dwell doon sa apology niya. Kaso tinanggalan niya ako ng moment. Then I realized that it was given to me just like that. So easy. Hindi ko kailangang hingin o ipagpilitan. Ibinuga lang niya bago uminom ng iced tea. “Nag-Public Ad ako. `Tapos ito, nag-iipon lang ako para makapag-Law.”

“Nice,” sabi ni Sylvestre. “Hindi na kita nasamahan sa Pre-Law. Architecture ang gusto ni Mom para sa akin. Ito, pina-practice ko na. Nakakaipon ka ba sa pasayaw-sayaw mo?”

Nahiya naman ako, professional na pala ang kausap ko. May board exam na naipasa. May lisensiya. “Sideline ko lang `yon. Team Lead ako ng mga QA, BPO.”

“Okay na `yang ipon mo. Sabay mo na lang ang pag-aaral at pagtatrabaho. `Pag tumagal ka pa diyan, baka katamaran mo na ang Law.”

“Tinatamad na nga rin ako.”

“See. Sayang naman ang pangarap mo.”

“Pangarap natin `to.”

Dumating ang mga pasta. Sakto naman sa moment na nambabara ako. Bad trip. Natahimik tuloy kami. Pero si Sylvestre na rin ang nangunang magsalita uli.

“Oo, ako ang unang tumalikod. Pero tuloy mo na lang `yang sa `yo. Para may patunguhan ka.”

“May pinatutunguhan naman ako,” sabi ko, iyong pagkahiya ko noong una ay napalitan ng pride. I’m doing good in my career. “I actually have a direction in this field. Team lead na kaya ako.”

“Well, bahala ka na,” sabi ni Sylvestre. “I chose a new direction myself.”

Natahimik uli kaming dalawa.

Matagal.

Walang gustong mag-umpisa. Napansin yata ni Sylvestre na na-offend ako. At kahit na na-miss ko nang sobra ang lalaking ito, gusto kong iparamdam sa kanya na hindi okay ang lahat. Hindi okay na parang pangmamaliit niya sa field ko. Hindi okay na iniwan niya ako.

Tumuloy lang kami sa pagsubo. Nguya. Lunok. Inom.

“Kumusta ang parents mo? Sina Tito at Tita?” Sinubukan ni Sylvestre na makabawi.

“Naghiwalay na rin sila,” sagot ko.

“Sorry to hear that.”

“I sent you messages,” paalala ko. “Hindi mo yata nababasa.”

“Nawala ang phone ko sa airport.”

“E-mail actually.”

“I changed my e-mail. Nobody’s taking [email protected] seriously,” sagot niya. “But I get your point. Sorry I haven’t checked on you.”

“It’s okay. Nakabangon naman ako. It’s just that I was so depressed after you left. `Tapos, si Nanay naman ang nawala.”

Tahimik uli. Nag-iba ang energy ng mesa namin. Sinubukan kong bumawi. Ayoko namang mapunta kami sa sour note.

“Ikaw, kumusta ang buhay kasama nanay mo?”

“Mom was supportive,” sabi ni Sylvestre. “But my stepdad is kinda aloof. Even their son. Para din akong nasa Pilipinas. I have no one.”

“You had me,” sabi ko.

“I know.”

Napangiti ako. Mukhang effective naman, we we’re warming up na uli.

“But of course, Mom doesn’t want me to be a stranger in their house,” tuloy ni Sylvestre. “Nagpapanggap siyang okay ako sa bago niyang pamilya. She said, they’ll fly here for my wedding. Even volunteered my stepbrother to be my best man.”

“Ayos. Finally, makikita ko na sina Tita.”

Ngumiti si Sylvestre. “Hindi naman totoo `yon. Paasa lang `yon,” sabi niya na may kasamang masakit na tawa. “Okay na ako kahit pamilya na lang ni Camina ang dumating. Sila na rin naman ang naging bago kong pamilya.”

Ito kami dati ni Sylvestre. Nagsasabihan ng issues namin sa buhay. Nagbalik na nga ang best friend ko. Sana magbalik din ang mga naiwan namin noon. Iyon siguro ang dahilan kung bakit may biglang dumulas sa bibig ko.

“Ako ang family mo dito sa `Pinas, `di ba?” sabi ko. “Hindi mo ba ako iimbitahin?”

Did I just volunteer myself? Hindi ko sinasadya. Lumabas lang sa bibig ko. Sylvestre continued eating. Parang walang narinig. Sumubo na rin ako na parang walang sinabi.

“Camina is dealing with the invitations,” sabi niya. “She wants to handle everything. I’ll ask her to invite you.”

Bigla ko lang naisip ang tanong na iyon. Dumulas lang. Pero may mga alam na akong sagot na pwede niyang sabihin. Wala doon ang sinagot niya. Nasaktan ako. Pero ano ba naman ang sakit na ito? At least ngayon, kaharap ko na siya. Hndi ko na hinayaang humaba pa ang katahimikan.

“Sabi mo, pinatawag ka ng tatay ni Camina. Is he your boss?” Sinubukan kong ibalik ang sigla ng pagkukuwento niya.

“Yes,” sabi ni Sylvestre.

Pagkatapos tahimik uli. Nakakaramdam ako ng pagpipigil kay Sylvestre. Magbibigay siya, pagkatapos biglang babawi.

“Gusto mo bang i-elaborate?” push ko.

“Sorry,” sabi niya. “My phone is vibrating. Baka hanap na ako ni Camina.”

“Answer it,” sabi ko. “Okay lang.”

“Hayaan mo siya. Minsan lang naman tayo magkikita.”

Napangiti naman ako. Ako pala ang pinipili niya ngayon over Camina. Kinilig ako.

“Yes, Camina’s dad is my boss,” sabi ni Sylvestre. “Soon I will be a partner in their architectural firm. After the wedding na nga lang. They want the business to be run by the family.”

Napakanta ako sa isip. Mangga, manga, hinog ka na ba? Oo. Oo, hinog na ako.

“Napatunayan ko naman ang sarili ko sa company kaya ako na-invite maging partner,” sabi ni Sylvestre. “Camina came afterwards.”

“Wala naman akong sinasabi,” paliwanag ko na medyo natatawa.

“It’s easy to think na ikakasal ako para sa negosyo,” sabi ni Sylvestre. “Partly, true. Pero that’s just a cherry on top. Mom got me a scholarship in Singapore. He got Camina’s dad’s company’s foundation.”

“Ang daming apostrophe s,” komento ko.

“Sa company na rin ako kumuha ng Internship. Then they just waited for my graduation to hire me. I did great, by the way.”

“Nag-internship ka sa company nila? Saan? Dito sa Manila?”

“Bulacan,” sagot ni Sylvestre.

“Ang lapit n’on dito,” sabi ko. “Hindi mo man lang ako pinuntahan?”

“I had no time. Even as an intern, I was handling real projects. Kaya siguro nakita nina Mr. Sol ang potential ko. And when they hired me. I was part of the team that handled the new projects in Dubai. Dahil marami, I was given one project under me. It was so successful, that other companies offered me partnership in their firm. Pero hindi ko iniwan sina Mr. Sol. That sealed my future in the company.”

“Saan part mo nakilala si Camina?” tanong ko, nagkainteres ako sa yabang nitong lalaking ito.

“Gitna na ng project,” sabi ni Sylvestre. “HR siya sa Pilipinas. Then when the company was becoming big sa Dubai, pinapunta muna siya doon.”

“`Buti nakalampas siya sa three-month-rule mo.”

“Naaalala mo pa pala iyon.” Natawa si Sylvestre.

Hindi niya sinagot ang observation ko. Dinaan ako sa tawa. Naghintay pa naman ako ng violent reaction. Nakitawa na lang din ako.

“Ikaw?” tanong ni Sylvestre. “Gaano na kayo katagal ni Aljur?”

“Three months soon,” sagot ko, saka naramdamang nawala ang mga ngiti ko mula sa aming tawanan.

“What’s wrong?” pansin ni Sylvestre.

“No, nothing,” sabi ko. “That three month rule is stupid.”

“Yeah,” sabi ni Sylvestre. “It was.”

“Nagbago ka na talaga.”

“We have to,” tugon niya.

“Ikakasal ka na,” sabi ko. “Hindi ko naisip na kaya mo `yon.”

“And you are with Aljur,” balik niya. “Something that I never thought would happen, too.”

“What do you mean?”

“Iyon na `yon,” sagot ni Sylvestre na tuluy-tuloy lang sa pagkain. “Things change. We accept. We move on.”

“Ganoon lang ba iyon kadali?” Kumain lang din ako.

“Siyempre, hindi. We both know that. But we get to where we need to be, eventually.”

“Hindi ko pa nararating `yang sinsabi mong eventually na `yan.”

“Isn’t Aljur your eventually ? He’s a nice guy.”

“He’s a great guy.” I mean it. “But I cannot love him because I love someone more.”

“Stop loving that someone. Baka tapos na `yon,” sabi ni Sylvestre. “Eventually you’ll learn to love him more than the one before.”

“Is that why you’re getting married? You learned to love Camina more?”

“Yes,” sagot ni Sylvestre.

“But I am not like that,” sabi ko. “Ayokong matutunang mahalin ang isang tao. Gusto ko lang mahalin siya dahil minahal ko siya, hindi dahil inaral ko para lang magkaroon ng karelasyon. I am not that desperate for love.”

“Then what is this? Why are we here?”

“You invited me.”

“Because you wanted to see me.”

“You need to see me.”

“Why? What’s with that assumption?”

“Because we’re not yet done. And I know you still love me.”

“Okay, maybe you are right that I need to see you. Para ipaalam sa iyo na wala na tayong babalikan. Tapos na kung anuman ang muntik na nating simulan noon.”

“Hindi ko alam kung tapos na talaga `yon.”

“Then just forget it. Huwag mo nang alamin.”

Natahimik kami parehas. Forget it?

Siya na uli ang dumugtong sa usapan.

“Why sacrifice something great for something na hindi mo alam?” tuloy ni Sylvestre. “You’re lucky that you have Aljur. You have someone to move on with.”

Nagpapahabol ka pa ba?

Ibinaba ko ang kubyertos ko at pinunasan ang mantsa ng sauce sa aking mga labi. Tumingin ako sa kanya na nakangiti.

“Sorry for assuming, Drew,” sabi ni Sylvestre na kalmado pa rin sa pagkain. “But I thought you had moved on. I really want to see you now, because you were my best friend. You deserve this. We deserve this.”

Shucks, hindi siya nagpapahabol. Pinatakbo lang pala niya ako. Pero hindi siya kasama sa takbuhan. Napahinga ako nang malamin. Kuwentuhan lang naman ito. Iyong tipong dinner na may halong chikahan. Hindi iskandalo, kahit medyo nanggagalaiti na ako. Ako, move on na lang? Iniwan ako sa ere. Hindi.

“Sinauli na ba ng tita mo `yong Order of Phoenix ?” tanong ko.

“The Harry Potter book?” Natawa si Sylvestre. “Hindi mo pa pala nakakalimutan.”

“Hindi ko kasi nabasa,” tuloy ko. “Pero nabasa ko na ang sumunod hanggang sa matapos.”

Ibinaba na rin ni Sylvestre ang tinidor at nagpunas na rin ng mga labi.

“Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung paano namatay si Sirius. Tuwing papasok ako sa kuwarto ko, at makikita kong bungi ang set ko ng libro, maaalala ko ang kuwento ng Harry Potter , pero hindi kumpleto. Tapos ko na, pero kulang. May nilampasan kasi akong hindi ko na lang inintindi. Pinabayaan ko na lang na, sige, basta namatay siya. Pero `yong kung paano siya namatay at bakit siya namatay? Hindi ko alam.”

“I’ll just send you another copy of the book. Hindi ko na nakita si Tita.”

“It’s not about the book,” sabi ko. “Siyempre nabasa ko na `yon. May pera na ako. Nakabili na ako. Nabalikan ko na. Gusto ko lang ng metaphor.”

“Isang book ba ako na hindi mo nabasa sa buhay mo?” tanong ni Sylvestre. “Isang libro ka rin kasi sa akin. At kung paano natapos iyon sa akin, ganoon din sa `yo. Natapos iyon kung paano natapos. Naghiwalay tayo.”

Nagtaas ng kamay si Sylvestre at tinawag ang waiter. Hiningi ang bill.

Wala kaming salitaan.

Dumating ang waiter. Nag-abot ng resibo. Hindi na binasa ni Sylvestre kung magkano. Nag-abot na lang siya ng credit card.

Wala pa rin kaming salitaan. Ang dami kong gustong sabihin pero may dignidad akong gusto pang ingatan. Kapag nagsalita kasi ako, alam kong magwawala ako sa buong restaurant. Sasabog ang dibdib ko. Na hindi ko kayang pasabugin sa pagkakataong ito.

Pinirmahan ni Sylvestre ang credit card. At nag-thank you sa waiter.

“Wala akong barya,” sabi ni Sylvestre. “Can you please leave kahit fifty pesos lang sa table. I have to go.”

“Is this how we end?”

“We ended long ago,” sagot niya. “And for the sake of everything beautiful that we had when we were young, please let this be the last time that we meet.”

Hindi na ako nakapagsalita. Pero sumasabog ang dibdib ko. At lahat ng sakit, lumabas sa aking mga mata.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.