Sylvestre's Wedding

Chapter 19



Chapter 19

M AY SOMETHING sa simbahan na nakakapayapa. Siguro dahil dito ang huling tambayan ng mga namayapa bago sila ilibing. Kaya pwedeng-pwede na rin dito ilagay muna ang puso kong durug-durog at pira-piraso. Siguro rin, dahil ang laki ng simbahan, ang taas, nakakapangliit. Ang mga nasa paligid pa ay mga taong nakaluhod para sa dahilang hindi ko niluluhod dati. Nararamdaman ko kung gaano ako kaliit at kung gaano ka-trivial ang heartache ko sa heart transplant na ipinagdarasal ng iba.

I actually found peace inside the church. Baduy nga siguro, pero Ito na siguro ang pinaka-effective na pampa-move-on ko. Kumapit kay God. Somehow, I felt na hindi talaga ako nag-iisa. I know I had a family na mas buo na at mas masaya na, pero it’s comforting to sleep at night na kahit wala akong katabi, I felt safer and warmer na there was a God watching over me. Less creepy pa kesa sa ibang lalaki ang nanonood sa aking matulog.

But I was not here to preach. Wala rin ako sa simbahan ngayon para magsimba.

Hawak ko ang isang kandila kasama ang kambal na Choi at tatlo pang babaeng nakalimutan ko na ang pangalan. Nakaharap sa pari, kasama sina Martin at Camina, hawak naman ang kanilang baby. Sinubukan nilang gumawa ng baby sa iba’t ibang bahagi ng mundo, pero nang bumalik sila sa Pilipinas, atsaka lang sila nakabuo. Mag-iisang taon na ang baby at ngayon, ito, binibinyagan na.

Ninong ako siyempre, na kung naganap ito mga ilang buwan bago ang kasal nila, tinanggihan ko. Pero three weeks ago, noong tinawagan ako ni Camina. Hindi ko alam kung bakit magaan sa loob ko ang pag-oo. Hindi naman dahil bawal ang pagtanggi sa invitation na pag-ninong, pero parang dapat oo, kasi si Martin ay naging best friend ko naman. At best friend ko pa rin. Kahit straight na siya.

“Thanks, dude,” sabi ni Martin habang kumakain kami sa reception.

“Naman,” sabi ko. “Makakatanggi ba ako sa `yo.”

“Hindi ko in-expect na tatanggpin mo, actually,” sabi ni Martin. “Camina insisted. At kilala mo naman siya. Hindi niya ako napapahindi.”

“And I think it was a great decision,” sabi ko. “Nahihiya rin kasi akong lapitan ka after the wedding.”

“Same here,” sabi niya. “I don’t know where to start.”

“Eh, kasi ang aarte ninyo,” sabi ni Camina na pumasok sa usapan. Nagulat kami ni Martin. Napansin iyon ni Camina. Nag-iba siya ng tono at naging seryoso nang kaunti. “Well, I just wanna have a moment with Drew to apologize. Hindi ako nakapag-sorry sa pandadamay ko sa kanya sa pagka-spoiled ko. And I took this opportunity, kasi sa tingin ko, no one can bitch around with a baby, inside the church, with the lord looking.”

“Wala na naman akong bitch mode,” sabi ko. “Okay na ako.”

“But I am really sorry,” sabi ni Camina.

“It’s okay,” sabi ko. “Naintindihan ko naman.”

“Talaga?” sabi ni Camina. “Okay tayo?”

Natawa ako. “Oo naman.”

Yumakap si Camina. “I really thought this would be hard.”

“The hard part is over,” sabi ko. “Nawala lang.”

“Thank you for making this easy,” sabi ni Martin.

“And thank you for being my best friend again,” sabi ko.

“Best friend na lang ha,” sabi ni Camina.

“Oo naman,” sabi ko. “Iyon na kasi ang pinanghawakan ko that made all this bearable for me. Best friend na lang talaga tayo, Martin. May mga ginawa man tayo before. `Yon na `yon. And for whatever na hindi nangyari, tinanggap ko na kasalanan ko. Pinatawad mo na naman ako doon `di ba?”

“Oo naman,” sabi ni Martin. “And I knew I’ve forgiven you when I felt that Camina was the one for me. I cannot hold a grudge as deep as I love someone else. One must win, and I chose love. I cannot love someone keeping the pain from someone else. And that’s how I knew I moved on.”

“And that’s when I started forgiving myself,” sabi ko naman. “Tinaggap ko na, na hindi ka na babalik, and I should be fine. Na kasalanan ko ang paghihiwalay natin, pero hindi ko na maibabalik iyon. Pinalaya ko na ang ideya na babalik ka pa. Kaya `eto ako ngayon, pwede na akong magsimula ng mga relasyong hindi ko na iisiping magtatapos. Wala na kasi akong inaasahang babalik.”

KASABAY ng pagtalikod sa mga relasyong hindi ko naman paninindigan ang pagbabagong-buhay, nagbago na rin ako ng mundo. Trabaho, pamilya na, at sa aking pag-iisa, nagbabasa ako ng libro. Hinalukay ko ang mga binili kong libro dati na pampanggap lang na well read ako. Pero ngayon, well read na talaga ako.

Hindi na lang installation art ang bookshelf sa condo ko. Nang nasa dulo na ako, ginawa kong bookend ang isang LAE reviewer. Sinimulan kong basahin at nang dumating ang exam season, binalikan ko ang lahat ng inaral ko, hinanap ang requirements, pinasa ko at kumuha ako ng exam. Pasado.

Parang love din pala itong law school. Mahirap pasukin, pero ang pagpasok na pala ang pinakamadali sa proseso. Mahirap manatili, kailangang trabahuhin, pero masarap naman ang pay-off. Okay na ito. Ang mga ka-date ko lagi, mga kaso ng kung sinu-sino.

Nasanay na akong lumabas ang kotseng, hindi kamay ng kung sino ang hawak. Minsan, si Chan Robles ang kasama ko, na iuupo ko sa nagingitim ko nang bookstand. Ngunit wala kaming mapaglalagyan ngayong araw na ito sa paborito kong coffee shop. Nalalapit pa naman ang exam, kailangan kong mag-aral.

Masuwerte at bukas na ang mag-iisang buwan nang inaayos na tindahan sa tapat. Coffeeshop din. Three Moons Café. Interesting. Tumawid na lang ako at hindi na ako naglipat ng parking. I set my bookstand and put Chan Robles on it. Then I looked at the menu. An unexpected wind blew, then something became so familiar inside me.

Bumalik ako sa upuan ko, sinimulang buksan ang makapal na libro ng mga kaso. Iniisip kung paano pagkakasyahin sa utak ko ang lahat ng nakalagay sa mga pahina nito, habang hinihintay ang kape at cake na in-order ko.

Then the scent of home that came with the coffee was matched by a familiar built of the guy sitting two tables across from mine. Natawa ako. At napansin iyon ng lalaki nang dumapo ang tingin niya sa nakangiti kong mga mata. Ngumiti siya. Tumango ako sa pagsagot sa ngiti niya’y sa aking akala nya’y sumasagot sa ngiti ko.

Nag-usap ang aming mga mata. Lumingon-lingon siya. Tiniyak na wala akong kasama. Tumingin ako sa upuan ko at umiiling na bumalik ang tingin sa lalaki. Tumingin din siya sa upuan. Umoo ako. Tumayo ang lalaki at umupo sa bakanteng upuan sa table ko.

“Hi. Gabriel,” sabi ng lalaki na nag-abot ng kamay. Inabot ko ang kamay ko at pinisil ang kamay niya.

“Drew,” sabi ko.

“I assume it’s okay,” sabi niya na itinuturo ang upuan.

“Of course,” sagot ko.

“You’re not busy or anything, right?”

“I have time,” sabi ko. Matagal na rin bago ako nakakausap ng lalaking nagsimula sa pakikipagkilala. There must be something with the scent of this coffee shop that made me feel relaxed. I closed my book and looked at this guy. Mapa-praktis ko ang English ko.

Napangiti si Gabriel. His smile looked young but in pain. Innocent and sweet.

“You always here?” tanong niya.

“You’re new in this game?” sabi ko.

“What game?”

“This meeting with a stranger thing,” sabi ko.

“Why?”

“Kabubukas lang nitong coffeeshop,” sabi ko.

“Shit,” sabi niya.

“It’s okay,” sabi ko. “You look young and naïve. And this game that you wanna play will be very difficult.”

“You seem to have experienced a lot.”

“I’m almost thirty,” sabi ko. “College ka pa lang, `no?”

Ngumiti ang lalaki.

“Nasa phase ka pa na ine-enjoy ang sex,” sabi ko. “Got a fubu?”

Ngumiti lang ulit ang lalaki.

“Just be careful, kasi baka nakakasakit ka na. You might think na fubu lang kayo, may hangganan kayo. You might think it is okay sa fubu mo, pero sa totoo, nasasaktan mo na siya. At `pag naiwan ka na niya, dahil nasaktan mo siya, dahil may gusto ka pang iba, doon mo mararamdaman na mahal mo pala siya.”

Ang ngiti ng lalaki, naging mahinang tawa.

“Dude, I’m just here to fuck,” sabi niya. “I didn’t know there’s so much issues that come with this.”

Natawa na lang din ako.

“I don’t wanna be rude, but can I excuse myself,” paalam ni Gabriel.

“Sure,” sabi ko na natatawa.

Tumayo si Gabriel at naiwan akong natatawa pa rin. Unti-unti kong napansin ang tawang sumasabay sa akin. Papalapit kasama ng kapeng in-order ko.

“Hindi naman `yan ang kuwento mo dati tungkol kay Sylvestre,” sabi ng waiter.

Naiwan akong nakanganga sa pagdating niya. Inilagay niya ang kape ko at cake. Pagkatapos ay umupo siya sa inalisan ni Gabriel.

“Hindi ko na kinukuwento si Martin,” sabi ko.

“Wow, Martin na. Wala na ngang Sylvestre.”

“Matagal na.”

“Eh, sino naman ang kinukuwento mo?”

“Some guy I used to…”

“Used to love?”

“Used to hurt,” sabi ko. “Hindi. I just cant get used to loving him.”

“Siya lang? Hindi ka nagmahal ng iba?”

“Ikaw lang,” sabi ko.

Tumawa si Aljur. “Ulol mo,” sabi niya. “Hindi mo nga ako hinabol.”

“Nagpapahabol ka ba?”

“Oo. Naghintay kaya ako sa parking lot. Iniisip ko kung paano tayo uuwi, na dala mo ang kotse mo at dala ko ang kotse ko. `Tapos hindi ka talaga sumunod.”

“Galit ka?”

“Oo naman. Galit na galit,” sabi niya. “Pero no’ng lumayo ako, naintindihan ko ang gusto mong mangyari. Hindi nga pwedeng samahan kita sa pag-move on kay Sylves— Martin. At naiintindihan ko kung bakit kailangan mo munang maka-move on kay Sylvestre bago natin ituloy ang sa atin.”

“Thank you,” sabi ko. Malaking bagay sa akin na napatawad na niya ako. “That’s why I wanted to have a break first. Dahil kahit tayo na noon, kapag kinailangan ako ni Sylvestre, siya pa rin ang pipiliin ko. At masasaktan ka. Dahil inaakala mong pag-aari mo na ako.”

“`Yon na nga, gets ko naman,” sabi ni Aljur.

Humarap si Aljur sa waiter. Tumango. Lumapit ang waiter sa amin.

“Kape nga ako,” sabi ni Aljur.

“Yes, Sir,” sabi ng waiter.

“Mukhang mahaba ang usapan na ito. Hindi ka makakapag-aral,” balik ni Aljur sa akin. “Pero ikaw ba? Galit ka ba sa akin?”

“Huh?” Hindi ko na pina-elaborate ang nangyaring utos niya sa waiter. Mas nagulat ako sa tanong niya. Bakit naman ako magagalit sa kanya?

“Pakiramdam ko kasi, kailangan kong magpaliwanag. Alam mo ba, ilang beses kong sinulat kung ano ang sasabihin ko sa iyo dahil nakita mo akong nakapatong kay Martin.”

“Ang subtle ng nakapatong, ha,” sabi ko na natatawa. “Hindi ako sanay.”

“Gago,” sabi ni Aljur.

“Actually, I don’t. Wala naman na tayo no’ng may nangyari sa inyo ni Sylvestre. At nangyari na `yon. Tapos na. Mas mahalaga ang hinaharap.”

“Talaga? Eh, bakit ako pa rin ang kinukuwento mo sa mga nakakausap mo?”

“Hindi, ah?!” sabi ko.

“Sige,” sabi ni Aljur. “Eh, ano naman `yang mas mahalaga ang hinaharap mong sinasabi?”

“Ikaw,” sabi ko.

“Anong ako?”

“Ayan, oh,” turo ko sa kanya. “Ikaw ang nasa harap ko.”

“Bakit? Naturuan na ba kitang magmahal?”

“I won’t give you the credit of teaching me how to love,” sabi ko. “Pero ang alam ko. Thankful ako na natuto akong magmahal. Natutunan kitang mahalin nang hindi ko sinasadya. Basta alam ko na lang bigla. Mahal na kita.”

Wakas


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.