Sylvestre's Wedding

Chapter 18



Chapter 18

P ARA daw mawala ang sakit, kailangan mo lang takpan ito ng mga bagay na magpapa-busy sa iyo. Inisip ko ang kinatatayuan ko, isang kasalang nagaganap sa beach ng Batangas. Sylvestre and Camina were having a dream wedding. Nakisama ang panahon. Tamang-tama lang ang init ng araw na pinalalamig ng simoy ng hangin. Nakakakalma ang pag-alon ng bughaw na dagat sa puting buhangin ng beach.

Magaganda ang mga taong naka-formal kahit sa beach. Ang mga dekorasyon sa mga upuan ay mukhang mamahalin tulad ng mga bulaklak na nakalinya sa aisle leading to the entrance, to the grand arc of flowers. Then the bride appeared. Her every angle was IG worthy. Inisip ko kung paano pa mas gaganda ang kanyang venus cut gown, but it was just perfect.

That kept me busy for a while. But just for a very short while. Dahil maaalala ko na pinili kong tumayo ngayon sa tabi ni Sylvestre habang hinihintay ang mahabang lakad ni Camina. Then every beauty that I thought of crumbled down.

Ang daming bagay na pwede kong gawin at lahat ng iyon ay kino-consider ko. Tulad ng tumakbo, magmaneho, at ibangga kung saan-saang puno ang sasakyan ko para mamatay na ako, para mawala na ang sakit na nararamdaman ko. O kahit ideretso ko na lang ang sasakyan sa kung saan man at umasang madadaanan ko si Aljur at maaayos namin ang lahat, kahit napakaimposible. Hindi pa rin niya sinasagot ang kahit anong tawag at paramdam ko.

Pwede ko ring iwan na lang ang kasal na ito at hindi na tiisin ang pakikipag-isang dibdib ng pinakamamahal kong taong harap-harapan akong binasted. Kung hindi man iwan, gumawa ng eksena sa kasal, magwala, sirain ang gown ni Camina, hubaran ng pants si Sylvsetre, magwala. O matulog. Naisip kong matulog na lang. Walang escalation ng bigat ang mga iniisip ko. Kung anu-ano lang ang pumapasok. At sabi nga, sa mga ganitong pagkakataon, huwag munang magdesisyon. Kaya ginawa ko ang pinakamadaling desisyon. Ang gawin ang naka-schedule. Do what I was required to do. What I signed up for. Ang maging bestman ni Sylvestre. Endure the things that would happen. At least walang ibang masasaktan. Ako lang.

Natapos ang seremonyas na hindi ko pa rin alam ang konkretong gagawin. So I had to endure the reception. Habang naghihintay na ma-settle ang mga tao. Lumapit sa akin ang isa sa mga kambal.

“You look like a mess,” sabi ni Choi, kung sino mang Choi ito.

Hindi ko siya pinansin.

“Dude, you might end up hitting trees and walls intentionally after this event,” sabi ng isa pa sa kambal. “Might as well tell us why you’d do that, so we could say something on TV.”

Umiwas na lang ako at naglakad, naupo sa kahit anong available table. Wala na muna akong pakialam sa seating arrangements.

Parang ganoon din ang mode ng kambal. Pinagitnaan ako. Umupo sa magkabila ko.

“Please, leave me alone,” sabi ko.

“Actually, we can’t,” sabi ng nasa kanan ko.

“Martin asked for you,” sabi ng nasa kaliwa. “Dude, we’re doing your stuff in the groom’s room. You should be there.”

“His wife is with him,” sabi ko. “There’s no way he’ll be needing me.”

“So he chose the girl.”

“And left the man.”

“Could you two just please shut up,” sabi ko na may pagpipigil na sumigaw.

“Chill man.”

“We’ll just tell Martin that you’ve left.”

At iyon na nga siguro ang pinakamabuti kong gawin.

Hindi na ako nagpaalam. Pinulot ko ang lahat ng dignidad kong iniwan matapos akong i-reject nang harap-harapan.

“MAY DIGNIDAD-DIGNIDAD ka pang nalalaman,” sabi ni Kuya. “Sana umalis ka na lang. Magsu-survive naman sila kahit wala ka. Hindi na ikaw ang bride. Hindi mo naagaw ang groom.”

“Para lang naman hindi ako magmukhang bitter,” sabi ko.

“Pero bitter ka nga?”

“Tinatanong pa ba `yon?”

Itinuloy na lang namin ang pag-inom ng kape ni Kuya habang nasa terrace ng bahay namin ni Tatay. Nailabas na siya sa ospital at sa bahay na nagpapahinga. Wala naman masyadong damages na nangyari. Makaka-function pa siya nang mabuti.

Ilang araw ko rin kinimkim ang nangyari. At ngayon lang ako nakapagdesisyon na makaka-function na rin ako. Mabuti at nagbakasyon muna si Kuya kasama namin ni Tatay sa bahay. Si Nanay naman, dumeretso na kay Steve.

Mabuting tao naman pala si Nanay. Kinuha na niya ang parte niya sa mga naipundar nila ni Tatay para hatiin sa amin ni Kuya. Siniguro lang niya na kung maubos man ng kapabayaan si Tatay, may matitira para sa aming magkapatid.

Pero dahil sa nangyari, mukhang magsisimula na rin si Tatay na ayusin ang sarili. Sabi niya, bibilin niya ang House for sale sa kabilang barangay at tatayuan niya ng isa pang branch ng bakery namin. Sabi ni Nanay sa akin, tutulong daw siya pero sa akin na niya idadaan. Baka raw kasi umasa pa si Tatay na magkakabalikan pa sila. Agree naman ako kay Nanay.

“Keri na lahat sa pamilya natin,” sabi ni Kuya. “Pwede ko na uli gawing shabby chic ang kuwarto ko, para may mauwian naman ako dito paminsan-minsan.”

“Oo,” sabi ko. “Hindi naman na magagalit si Tatay. Hindi ka na niya hahabulin ng sinturon.”

Nagtawanan kami ni Kuya.

“Kung makatawa ka parang ang saya mo na talaga,” sabi ni Kuya. “Okay na ba kayo ng mga lalaki mo?”

“Kung maka-mga ka naman,” sabi ko. “Parang ang kati-kati ko naman.”

“Kati lang ba talaga sina Sylvestre at Drew sa `yo?”

“Alam mo naman ang sagot diyan. Kung kati lang silang dalawa, siguro hindi ako nasaktan.”

“Ay, hurt si Bakla!”

Nagtawanan kaming dalawa ni Kuya.

“Pero saang part ka pinaka-nasaktan?”

“Interview na lang?”

“Bakla, nagkakape lang tayo. Walang bonggang ganap. Magpasabog ka na lang ng information.”

“Pinakamasakit of course `yong nakita kong kinakantot ni Aljur si Sylvestre.”

“Naman,” sabi ni Kuya. “Imagine, ang mga lalaki ko, nagkakantutan na hindi ako kasama. Napaka-left out naman ng feeling nun.”

“Pero kanino ka mas nasaktan? `Yong may kinakantot si Aljur, o `yong may kumakantot kay Sylvestre? Or `yong basic na hindi ka kasali?”

“Magkakaiba pa ba iyon?” tanong ko. “Hindi ba pwedeng in general na lang, masakit?”

“Himayin natin `yang emotion mo,” sabi ni Kuya. “Mahalaga ito para maka-move on ka. Dapat alam mo `yong source ng sakit. Para alam mo kung ano ang aayusin or kakalimutan, or papalitan, or what have you.”

“Actually, hindi `yong hindi ako kasali,” sagot ko. “Ang totoo, never ko na-imagine ang threesome kaming tatlo. Pero mas nasaktan ako na nakipag-sex si Sylvestre sa lalaki, `tapos hindi pa sa akin. Sana ako na lang. Ako naman kasi talaga dapat iyon.”

“Pero na-gets mo naman?”

“Gets ko na,” sabi ko. “Kahit na-flatter ako na pwede ko palang maagaw si Sylvestre kay Camina. Sobrang sakit na hindi ko nagawa kasi ayaw palang magpaagaw ni Sylvestre.”

“Napaka-weird din ng babaeng iyon, eh, `no?” sabi ni Kuya. “Maipagpag ko lang.”

“Maiisip ko rin naman siguro `yon, kung babae ako” sabi ko. “Pero hindi ko gagawin.”

“Ay ako, bilang babae, hindi na,” sabi ni Kuya.

“Talaga, hindi mo na titiyaking ayaw ng mapapangasawa mo sa titi?” sabi ko. “Kasal kasi iyon. Forever. Ipapagawa ko na lahat ng makakapagbago ng isip sa mapapangasawa ko, bago kami tumalon sa forever.”

“Eh, paano `yan,” sabi ni Kuya. “Akala ko ba, ikaw ang threat sa forever na iyon? Eh, si Aljur ang kumarat?”

“Ang deal naman kasi ni Camina, eh, basta makipag-sex si Sylvestre sa lalaki,” paliwanag ko. “Not necessarily me. Pero pinara-paraan talaga ako ni Camina para mapalapit uli kay Sylvestre. Para maging normal lang na ako ang makipag-sex sa mapapangasawa niya. Eh, ito naman palang si Sylvestre, nagpipigil.”

“Wow, ang ganda ng kapatid ko,” sabi ni Kuya. “Piniling gumanap bilang tukso.”

“Hindi naman napili ng tinutukso,” sabi ko. “Tanga rin kasi ni Camina. Sana ginawa na niyang specific na ako ang naging kakarat ni Sylvestre.”

“At sa tingin mo, mai-in love talaga sa iyo si Sylvestre?”

“`Yong totoo?” sabi ko. Nawala ang ngiti sa akin. Naramdaman ko ang totoo. “Mai-in love.”

“Ay ang ganda talaga, kukuha lang ako ng korona sa loob ha, ipuputong ko sa iyo.”

“Mai-in love pero hindi niya iiwan si Camina. Masasaktan lang din ako.”

“Feel mo?”

“Oo.”

WALANG timeline ang pagmo-move on. May mga kayang gawin ito nang tatlong buwan. Iyong iba, tatlong taon. Mayroon ding nakatatlong relasyon na pero hindi pa rin nakaka-move on sa naunang relasyon nila. Ako, naman, tatlong linggo pa lang. Hindi pa rin nakaka-move on. Tulala pa rin ako sa kisame ng aking kuwarto habang hinihintay ang pag-alarm ng orasan.

Hanggang sa isang araw matapos ang tatlong linggong iyon. Tumunog ang doorbell. Bumangon ako. Nagtapis ng tuwalya sa hubad kong katawan at tinungo ang pinto.

Sumilip ako sa peephole.

Si Aljur.

Agad kong binuksan ang pinto. Pinapasok siya.

“Sarap mo naman,” bati niya sa akin.

“Lalo ka pa, bihis ka pa niyan,” sabi ko. He was in his usual polo shirt. Putok ang mga braso. Tight pants and a pair of chucks.

“Pero `wag muna tayong maghubaran,” sabi ni Aljur na nangiti. “Kukunin ko lang sana `yong mga damit kong naiwan dito.”

“Sure,” sabi ko. “Tara sa kuwarto.”

Nauna si Aljur pumasok sa kuwarto. Wala siyang lingon sa akin na tumungo sa aparador. Inalis sa pagkaka-hanger ang kanyang mga damit. Pumunta din siya sa drawer ng mga briefs at pinili ang mga sa kanya. Kinuha rin niya ang isang bag at doon pinagkasya ang mga kinuha. Pagkatapos ay umupo siya sa kama.

“Dami rin pala.”

“Oo nga,” sabi ko sabay upo sa tabi niya. “Gusto mo unti-untiin?”

“Lahat na,” sabi ni Aljur. “Para isang bagsak na lang.”

Unti-unti kong inilapit ang kamay ko sa kamay niya

Pero binawi niya ang kamay niya. Pagkatapos ay ipinatong sa kamay ko, hinawakan nang mahigpit. “Isang bagsak na natin,” ulit niya.

My god. It was so painful but Aljur was so attractive and so familiar that he still gave me the hard on. Niyakap ko siya.

“Dude, matigas,” sabi ni Aljur. “Baka may mangyari.”

“Ayaw mo ba?” sabi ko. “I haven’t had anyone since we parted ways.”

“Magkaiba tayo ng ginawa,” sabi ni Aljur.

“Okay lang,” sabi ko. Kahit masakit. Nagpanggap ako. “Okay lang.”

“Pero kung may mangyayari sa atin uli, hindi okay.”

Nawala ang tigas ng harapan ko. Pero kasabay niyon, mas humigpit ang yakap ko kay Aljur.

“Mahal kita, Aljur,” sabi ko.

“Alam ko,” sabi niya. “Sinadya ko `yon. Sinabi ko sa iyo. Tuturuan kitang mahalin ako.”

“Natutunan ko naman,” sabi ko.

“Kita mo na. Kaya mo pang magmahal kahit hindi na para kay Sylvestre.”

“Kaya ko nang magmahal,” sabi ko. “Sana pagbigyan mo. Para naman may application `yong mga tinuro mo sa akin.”

“Nai-apply mo na naman,” sabi ni Aljur. “At masuwerte ang susunod na taong makikilala mo. Mamahalin mo na siya nang totoo.”

“Ikaw sana `yon,” sabi ko.

“Hindi sa ngayon.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.