Chapter 14
Chapter 14
G AGA na kung gaga.
Pero itinaas ko na ang glass of champagne. Ngumiti at sinimulang basahin ang sinulat ko sa index card.
“I guess I am lucky that Martin’s stepbrother is not here with us. That gave me a chance to be here, take the shoes of his best man. But if this happened a few years ago, when he was more comfortable with people calling him Sylvestre rather than Martin, I wouldn’t just be here as his best man, I would have been his best bro.
“I used to be the brother he never had. We were more than best friends. But not enough to be lovers, of course. I wasn’t gay then. Then. Until he came out and told me that he loved me. Camina, I’m sorry that I’m saying all of these things right now. But I think this is the best thing I can do not just for us but especially for you. Nothing may have have happened between us in the recent days, but before meeting you, we were each other’s best fuck.
“Forgive my selfishness, but this will save us a lot of tears and heartaches in the future. Martin is gay, and he loves me. And I love you, too, Sylvestre.”
“We were each other’s best fuck? Sana naglagay ka na lang ng bomba sa reception, `tapos pinasabog mo,” sabi ni Aljur na nakikinig sa akin.
“Jur naman,” sabi ko. “Mas kailangan ko ang suporta mo ngayon. Ito na `yon, o. Final na. Rehearsal na ng kasal nila. Hahayaan ko bang maging maayos ang rehearsal para lang sa kasal pa nila ako magkalat?”
“Hindi ba pwedeng hindi ka na lang magkalat?”
“Hindi. Kaibigan ko si Sylvestre at kailangan ko na siyang tulungang maglinis bago pa ang lahat. Totoo naman ang sinabi ko, `di ba? This will save all of us from tears and pain in the future.”
“Pwede namang totoo `yan. Pero pwedeng sa `yo lang totoo. Sa kanila kaya?”
“Sa kanila, totoo rin naman,”
“Sigurado ka? Kasi sa akin, hindi.”
“Paano naman magiging totoo sa iyo `yon, eh, ayaw mo naman akong mapunta kay Sylvestre. Kasi gusto mo, sa iyo na lang ako.”
Napabuntong-hininga si Aljur. “Magpapanggap akong hindi ko iyan narinig.”
“Ayaw mo lang gawin ko ito. Kasi gusto mo, kapag natapos ang three months natin, wala rin akong pupuntahan, `di ba?”
“Seryoso ka talaga?”
“Ang selfish mo naman, Aljur. Sana naman, hindi naman pwedeng ikaw lang ang nag-e-enjoy dito sa pagtatapos ng tatlong buwan natin. Oo, bullshit na itong three month rule ko. Pero last chance ko na ito sa totoong pag-ibig.”
Nanatiling nakatitig si Aljur sa akin. Very much in disbelief. May nasabi ba ako? Hindi ko alam. Pero dinugtungan ko na lang ang mga sinabi ko.
“Kung ayaw mo akong suportahan, huwag mo na lang akong sirain ang plano ko.”
Umiling si Aljur bago nagsimulang magsalita. “Siguro nga, wala akong naipakitang totoo sa iyo. Sige na, tuloy mo na lang `yang gagawin mo. Pasensiya na, ha. Hindi kita masasamahang sumira ng napakaraming buhay, kasama na ang sa `yo.”
Nag-ayos ng gamit si Aljur at umalis.
“At ikaw na rin ang nagsabi, selfish ang gagawin mo. Kaya huwag mong ipasa sa akin ang ka-plastikan mo.”
MAHABANG biyahe ang papunta sa Batangas kung saan gaganapin ang kasal nina Martin at Camina. Naramdaman ko ang haba ng biyaheng ito dahil sa pag-iisa. Nitong mga huli kasi, sa bawat biyahe ko, nahahawakan ko ang kamay ni Aljur, maging siya man o ako ang nagmamaneho. Pero kailangan ko na muna iyong makalimutan.
Binuksan ko ang cell phone ko at kinabisa uli ang mga salitang binigkas ko kay Aljur. Nilagyan ko pa ng adlib. Binubuo ang conversations na sa utak ko lang talaga, at nagbabaka-sakaling magkaroon ng puwang mamaya sa speech ko.
Pero nawawala ako pagdating sa “…we were each other’s best fuck.” Bumabalik sa akin si Aljur. Naramdaman ko ang pag-iisa.
Tinanggal ko muna sa screen ng phone ang speech ko at nag-dial. “Ate,” sabi ko nang sumagot si Kuya Dexter.
“Perfect greeting to a perfect woman,” sagot niya.
“May titi ka pa,” sabi ko.
“`Wag kang ano,” sabi ni Kuya. “O bakit ka napatawag?”
Hindi ako nakasagot.
“Matanda ka na, Drew,” sagot ni Kuya sa aking katahimikan. “Nagkausap na tayo, `di ba? Wala ka bang ibang friend?”
“Meron,” sabi ko. Pero wala na siya. Umalis at hindi ako sinamahan sa biyaheng ito. Pero hindi ko na nasabi. Natahimik lang ako.
“Bakla, matanda ka na. Ilang beses ka nang nakaboto sa eleksiyon. Ilang beses mo nang nailagay sa kamay mo ang kapakanan ng bansa. Na kahit alam nating magiging kasumpa-sumpa ang kalalagyan ng Pilipinas sa binoto mo, eh, pinangatawanan mo naman.”
“Hindi na ako masaya sa binoto ko,” sabi ko.
“Hindi `yon ang punto ko. Ang sinasabi ko, alam mo na ang tamang gawin.”
“Alam ko naman. Kaya lang, nakasakit ako. Nagi-guilty lang ako kay Aljur. Baka sukuan na niya ako.”
“Anong gusto mong side ko?” tanong ni Kuya.
Hindi na naman ako nakasagot.
“Pwede kong sabihin sa iyo na sundin mo ang nasa puso mo at huwag mong isipin ang sasabihin ng iba,” sabi ni Kuya. “Dahil I believe, at the end of the day, when the sun comes down, it is gabi na, at nag-iisa ka, pagsisisihan mo ang mga bagay na pinalampas mong maaaring makapagpasaya sa iyo.
“Pwede rin naman kitang hayaang magkuwento lang nang magkuwento habang nagme-make-up ako dito, `tapos sasagot lang ako ng, ‘`tapos’ every time may maaayos akong part ng mukhang kong inaayos. Mukha na rin akong mabuting kapatid on that part.
“Pwede kong idikdik sa iyo na napakalaking tungak mo kung pakakawalan mo pa si Aljur,” sabi pa ni Kuya. “Pero alam mo na naman iyon. At ayaw mo lang tanggapin. Dahil pinapairal mo ang pride mo.”
“Kuya, wala akong pride para kay Aljur,” sabi ko. “Malinaw naman sa amin. Bukas, tapos na kami. Tapos na ang three months. Malaya na kami parehas.”
“Hindi naman kay Aljur ang tinutukoy kong pride na tatapakan kung gusto mong kantahan ng Bayang Magiliw habang tinataas sa flagpole. Si Martin ang sumira sa iyo at hindi mo matanggap na iniwan ka niya. Sa kanya mo gustong bumawi. At dinadamay mo si Aljur. Maygad, Drew. Kung hindi lang talaga ako nalalansahan sa mga katulad mo, eh, inagaw ko na si Aljur sa iyo, eh. Pasalamat ka at babae ako at straight na lalaki ang taste ko.”
Hindi na naman ako nakapagsalita.
“Kapatid,” sabi ni Kuya. “Ikaw ang tumawag pero pinagmomonolog mo ako. Sige na. Nilatag ko na ang menu. Anong role ang gusto mong gawin ko bilang butihing kapatid?”
“`Yong pangalawa na lang, Kuya.”
“`Tapos?” sagot agad ni Kuya.
“Si Aljur kasi,” sabi ko. “Ayaw niya sa gagawin ko.”
Katahimikan
“Hindi mo ba itatanong kung ano’ng gagawin ko?” tanong ko.
“`Tapos lang ang lines sa second option,” sabi ni Kuya. “Pero sige, go. Ano ba’ng gagawin mo?”
“Sasabihin ko na kay Camina mamaya na huwag na nilang ituloy ang kasal, kasi bakla si Martin. Maraming nangyari sa amin ng pakakasalan niya. At hanggang ngayon, mahal pa rin namin ni Martin ang isa’t isa.”
“`Tapos?” tanong ni Kuya.
“Bakit tapos lang?” sabi ko. “Hindi mo ba sasabihing mali ang gagawin ko? O tama ba ang desisyon ko?”
“Bakla ka, pinili mo `yong second option. Pero ito, humihingi ka ng opinyon ko.”
“Sige na. Nalilito talaga ako.”
“Hindi ka nalilito. Gusto mo `yan. Gagawin at gagawin mo `yan. Sayang naman, pinag-isipan mo na `yan, eh. Kinabisa mo pa with all the adlibs.”
“Oo nga.”
“Pero wala akong pakialam diyan. Isipin mo muna kung bakit mo iniisip si Aljur ngayong gagawin mo `yan. Saka ka magdesisyon kung itutuloy mo `yang pa-speech mo.”
“Si Aljur kasi iyon,” sabi ko. “Relationship material naman siya.”
“Material lang?” sabi ni Kuya. “Huwag ka nang magpanggap. Mahal mo na rin si Aljur.”
“`Yong totoo,” sabi ko. “Oo. Na-appreciate ko siya nitong mga huling linggo.”
“Eh, ano `yang ginagawa mong speech?”
“Mahal ko si Aljur. He has become my best friend. He has become a very great part of me. And I don’t want to lose him.”
“Juskopo! Friendzone lang pala!”
“At alam ko naman na babalik pa rin naman siya pagkatapos nito. And he will support we, whatever the outcome of this speech will be.”
“Kaya lang?”
“Kaya lang, nasasaktan siya sa ginagawa ko.”
“Totohanan naman na `to, kapatid, `no,” sabi ni Kuya. “Ako rin nasasaktan para sa iyo. You’re better than that. You’re stronger than that. Pero hindi kita pipigilan. Gawin mo na lang. Parang kailangan mo. Kung magtagumpay ka at masira mo sila, totoo naman na magiging masaya ka at mase-save mo sila sa future pains. Pero kung mali ka naman, masasaktan ka nang bongga. At baka iyon ang kailangan mo. Ang matodohanan ang pananakit mula kay Martin para ma-realize mo na you deserve better. At alam naman natin pareho na ano man ang ending, nandiyan si Aljur.”
Natahimik ako.
“Okay na ba iyon?” tanong ni Kuya. “Mabuting kapatid na ba ako? Masayang pamilya na ba tayo? Nakausap mo na ba si Nanay?”
“Next time na si Nanay. Okay na ako sa iyo. Thanks, Ate. You’re the best.”
“Gaga, kausapin mo si Nanay. May sasabihin siya sa inyo ni Tatay,” sabi niya. “Ako naman ay nagsasabi lang ng gusto mong marinig. Na babalik din si Aljur kung ano man ang kahinatnan ng kagagahan mo.”
WALA ka nang babalikan sa akin! reply ni Aljur sa text ko nang kinamusta ko siya.
Wala siyang sagot sa mga pangangamusta ko at sa mga pagtatanong ko kung nasaan na siya. Na-trigger lang talaga siya nang sabihin kong itutuloy ko na ang speech. Nagsabi ako ng sorry, pero hindi na uli siya nag-reply.
Pagkarating sa Batangas, dumeretso na ako sa beach kung saan naka-set-up ang kasalan. May arko na mukhang paglalagyan ng mga bulaklak na magsisilbing entrance. Papasok ay nakaharap sa dagat ang mga upuan. Nakahanda na rin ang mga paglalagyan ng dekorasyon sa aisle. Wala pa ang carpet na lalakaran. Pero sa dulo niyon, may munting altar nang inilaan para sa pari at sa harap niyon, may dalawang upuan. Tig-isa ang ikakasal. Kay Martin. Napangiti ako. At para sa akin.
May ilang bisita na rin na nakaupo. Sa pinakaharap na upuan, nandoon na ang isang malaking lalaki na may magandang kasama. Asawa niya malamang. Maganda ang kanilang tindig. Halatang mayaman. Mga magulang ni Camina.
Wala pang tao sa bahaging uupuan ng pamilya ni Martin. Pero sa likod niyon, nandoon na ang kambal na Choi. Naka-shorts lang ang dalawa at sando. Mukhang may planong lumangoy pagkatapos ng rehearsals. May ilang babae na ring kasama sa entourage ni Camina.
Katulad ng mga magulang ni Martin, wala pa rin siya at ang ikakasal. Ang babaeng wedding planner pa lang ang punong abala sa event.
“Pagdating po ng ikakasal, ipapaliwanag po namin sa inyo ang mga gagawin natin,” paliwanag ni Girl. “Una sa lahat, we have to be here by 8 AM. Ayaw nating abutin tayo ng 10 AM dito dahil mainit. Ayaw naman nating mangitim nang hindi lumalangoy. Maliwanag po ba?”
“Yes,” sagot ng crowd.
“Great. Now sa mga gagawin naman natin pagdating natin bukas ng 8 AM, una po nating ire-rehearse ngayon ang mga pagsasabit ng veil and the rituals, alam na po natin iyan. `Tapos po, ang moment ng mga vows and kiss. `Tapos po, sasabihin na namin ang arrangement ng photo ops. `Tapos po, pa-practice natin ang paglabas. Opo, kasama po iyon sa ire-rehearse, ang recessional. Pakitandaan na po kung saan kayo nakaupo ngayon, dahil after ng recessional, saka lang po natin gagawin ang processional. At kung saan kayo nakaupo ngayon, diyan kayo pupunta pagkapasok sa wedding area. Malinaw po ba?”
Mukhang hindi naman nakikinig ang kambal na Choi. Hindi ko pinapansin pero halata kong nagbubulungan sila at ako ang pinag-uusapan.
Naglakas-loob si Jervis at lumapit sa akin. “Where is Aljur?”
“He’s not coming,” sabi ko. “We can’t fuck you right now.”
“Shoot,” sabi ni Jervis. “We’re looking forward to doing it by the beach later.”
Lumapit na rin si Jerold. “We could rent a yacht, actually.”
Fuck, ano ba namang offer ito? Mga pantasya. Pero ito nga ang ipinunta ko dito, ang pagsasakatuparan ng pantasya ko at walang kinalaman dito ang kambal. Si Martin ang gusto kong mapasaakin.
At heto na nga ang dalawa. Magkahawak ang mga kamay nina Camina at Martin habang naglalakad papunta sa wedding area. Malaki ang mga ngiti nilang isinasalubong sa mga bisita nilang mukhang lumipad mula sa ibang bansa at naka-book na ngayon sa resort para sa kasal na gaganapin sa umaga.
Napangiti sa akin si Martin na may kasamang pagtatanong na tingin. Umiling ako. Wala si Aljur, kung iyon ang hinahanap niya. Bagong gupit si Martin, ang linis ng kanyang mukha. Handang-handa na sa bagong buhay na kanyang papasukin. Pero siyempre, hindi ko iyon papayagan. Ang kaguwapuhang iyan ay para sa akin.
At para ipaalala sa akin ang kagagahang ito, nag-vibrate ang cell phone ko. Sinilip ko. Si Aljur. May mensahe.
Drew, please, huwag mo nang ituloy.
Nag-reply ako. Sorry. I just have to do this.
Nag-ring ang cell phone ko. Tinawagan na ako ni Aljur. Hindi ko sinagot. Pinanood ko na lang sina Martin at Camina na makipagkamay sa kanilang mga bisita. At ang pagyakap ng nanay ni Camina kay Martin. Halatang kino-comfort ito sa absence ng sariling ina.
I should be doing that, sabi ko sa sarili. But I didn’t think it would matter. Wala namang matutuloy na kasal.
Pero hinayaan ko na munang mag-proceed ang rehearsals. Hindi naman ako nabagot dahil hindi ako nilubayan ng kambal na kapwa groomsmen. Katabi ko si Jervis, samantalang si Jerold ay nasa kabilang side niya.
“I wouldn’t mind sharing a single dick,” sabi ni Jervis.
“That’s enough for the both of us,” sabi ni Jerold. “But of course, watching you getting fucked as my ass is filled by another is so much better.”
“Well, we can ask Martin,” sabi ni Jervis. “Drew would surely not mind.”
“Oh, I wont mind that at all,” sabi ko. Grabe itong dalawang ito. Pinupuno ang ulo ko ng kalokohan at ang isa pang ulo, ng dugo na nagpapatigas sa aking harapan.
“Man, you’re phone is vibrating,” pansin ni Jervis. “Sure you don’t want to take that?”
“Don’t mind it,” sabi ko at hindi ko na rin inintindi ang walang tigil na pag-ring ng cell phone ko. Hanggang sa nagsawa na si Aljur. Pwede ring naubusan ng battery. Pero sana, nagsawa na lang.
“Well, something seemed to be in your mind,” sabi ni Jerold. “This is just a rehearsal. I’m sure, that girl won’t mind if you’ll sit between us for now.”
Tumayo si Jervis at pinausog ako sa upuan niya. Hindi naman ako tumanggi. Umupo ako sa pagitan ng kambal. At doon na nagsalitan ang dalawa sa pagsalat sa aking katigasan.
“You surely are blessed down here,” sabi ni Jerold.
“So have you talked to Camina?” tanong ni Jervis habang kinakapa ako.
“Not yet,” sagot ko.
“I thought you’d tell her about us, and about you, being on Martin’s fuck list,” sabi ni Jervis.
“Well, I have a speech on the reception…” sabi kong hindi ko natapos.
“Oh, you have this thing for the theatrics, huh,” sabi ni Jerold.
“This will go viral for sure. Remind me to charge my phone,” sabi ni Jervis.
“No. Please don’t,” sabi ko. “Sylves… I mean, Martin would not take things seriously if it’s just between us. I think, everyone has to know his true self before he marries not just Camina but all of her family.”
“Fair enough,” sabi ni Jerold.
“But how do you plan to be fair with the two of us?”
`Tang-ina. Sex na naman ang iniisip nitong si Jervis. Not that I mind. Not that I mind everything that’s happening actually. Natapos na ang vows at veils at ang lahat-lahat. Natapos ang lahat maliban sa pag-ring ng cell phone. Hindi ko pinansin. Not now, Aljur.
Dahil tapos na ang rehearsals, kinuha na ni Camina ang pagkakataon para magsalita. Kasama niya sa harapan, tahimik pero nakangiti at mukhang masaya naman, si Martin.
“Before heading out to the beach, please go muna sa reception,” sabi ni Camina. “Hindi pa finished ang mga tables, but you can sit na para makapag-merienda muna tayo.”
“You wanna be fair with us first in the CR?” tanong ni Jervis.
Ngumiti lang ako.
TAHIMIK sa table sina Jervis at Jerold. Cold dahil hindi ko pinagbigyan ang init nila. Kasama ko sila sa table habang ang ikakasal ay may sariling table sa harapan. Casual pa ang lahat. May mga kuwentuhan na at ako, bumubuwelo dahil hindi ko alam kung saang bahagi ng lahat ng ito ko ipe-present ang kinabisa ko.
Muling nag-ring ang cell phone ko. Malamang si Aljur uli. Hindi ko na pinansin. Heto na ang moment na hinihintay ko. Pero kailan ba ako pasasalitain ni Girl Wedding Planner?
“Iyan na rin pong inuupuan ninyo ngayon ang magiging puwesto ninyo bukas dito sa reception,” sabi ni Girl Wedding Planner. “We’ve rehearsed everything na naman po, pakitandaan na lang po. For now, hingi na lang tayo ng message sa ikakasal. Sir.”
Iniabot ni Girl ang mic kay Martin, pero nginitian lang siya nito. Si Camina na ang kumuha ng mic.
“First of all, I wanna thank everyone for being here,” sabi ni Camina. “And of course, advance thank you na for being early tomorrow by the beach. Please walang male-late. Ang ma-late, pakakain ko sa shark. I know, walang shark dito. But my dad has ordered one, naka-park na sa pool.”
Nagtawanan ang lahat. Ako hindi. Ang speech ko, masasayang. At ipinapaalala ito ng vibration ng cell phone ko.
“But seriously, I just want everything to be perfect tomorrow,” tuloy ni Camina. “This is every girl’s dream, and I’d be very grateful to all of you if you make mine happen.”
Palakpakan ang lahat sa mala-teary eyed na speech ni Camina.
“Pero dahil hindi ko naman moment ito para mag-speech, kokontrahin ko na si Ate Girl Wedding Planner. I want to hear the speech nina Karina at Drew. Unless they are confident of not messing it up tomorrow. So if you wanna take this opportunity to rehearse, please do so,” sabi ni Camina na tumayo na sa table nila at naglakad papunta sa table ng bridesmaid. “Just don’t say the punchlines and the sweetest word. Just try to take your stage fright away.”
Napangiti lang ang bridesmaids habang iniabot naman ni Camina ang mic sa kanyang Maid of Honor.
“I’ll just do it tomorrow,” sabi ni Maid of Honor. “Wala naman akong stage fright.”
Mas takot kaya ang stage sa iyo. Sa laki ba naman niya, pati siguro upuan, may fright sa kanya. God I’m harsh. Ikakaimpiyerno ko ang thought na ito. Pero mas ikakaimpiyerno ko ang gagawin ko in a few minutes. Nakangiti na sa akin si Camina habang naglalakad papalapit. Nakangiti na rin sa akin si Martin. Walang mga kamalay-malay sa plano ko. After all, si Camina na rin ang nagbigay ng daan para sa kasiraan ng kanyang kasal.
Muling nag-ring ang cell phone ko. Si Aljur. Hindi ko pa rin pinansin.
“Mind it not.” At tumayo ako sa pagsalubong kay Camina. Matigas ang tuhod ko, pero sobrang kabog ng dibdib ko. Handa na ba ako sa napakalaking kasalanang ito? We were each other’s best fuck… Kaya ko ba ito.
“Dude, Aljur is calling,” sabi ni Jervis. Stating the obvious.
Tumatawag pa si Aljur.
“Well, ready naman yata sa speech si Drew,” sabi ni Camina. “Bukas ka na lang din.”
Napahinga ako nang maluwag. Ayaw na rin ni Camina na bigyan ako ng chance. Parang nagko-conspire ang universe para huwag kong ituloy ang plano ko.
Pero bumalik si Camina. “But of course, we want to hear it from Drew. What have you prepared ba? Mukhang ready ka naman.”
Iniabot sa akin ang mic. Napatitig ako.
“Kukunin mo ba o, babalik na ko sa taas?” tanong ni Camina.
Iniangat ko ang kamay ko. Hinawakan ko ang microphone.
“Well, I actually memorized something,” sabi ko. “I guess it would be great if I give it a run now.”
“Sure,” sabi ni Camina. Nakangiti rin si Martin sa amin. Nakatingin ang lahat sa akin. “Just leave something that will put Martin in tears, ha. You are best friends. Naku, marami kang ibubunyag for sure.”
“Marami talaga,” sabi ko.
Muling nag-ring ang cell phone ko. Hindi ko pinansin at sinimulan ko nang magsalita.
“I guess I am lucky that Martin’s stepbrother is not here with us,” sinimulan ko na nagpakunot ng noo sa maraming bisita. Si Martin naman, natawa. Kaya naman itinuloy ko na ang speech. “That gave me a chance to be here, take the shoes of his best man. But if this happened a few years ago, when he was more comfortable with people calling him Sylvestre rather than Martin, I wouldn’t just be here as his best man. I would have been his best bro…”
Napatigil ako nang makita kong kinuha ni Camina ang cell phone ko at sinagot. “Don’t, Camina,” pigil ko kay Camina sa pagsagot sa telepono.
“Hello,” sabi ni Camina.
“Camina, I’m sorry, but you have to call off…”
“Drew, your father is in the hospital,” sabi ni Camina.
Naibagsak ko ang mic. Umalingawngaw ang pagtama nito sa sahig. Napatingin ako kay Martin. Ang masaya niyang ngiti, napalitan ng pag-aalala.
AGAD akong pumunta sa sasakyan. Tumigil na pala si Aljur sa pagtawag sa akin. At ang mga sumunod na tawag ay galing na kay Nanay at kay Kuya. Hindi ko sila nasasagot sa pag-aakalang si Aljur iyon na tinatangka akong pigilan. Hinanap nila ako kay Aljur. Kaya nakisama na si Aljur sa pagtawag sa akin. Bakit ba hindi ko sinasagot ang mga tawag? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mas isinama pa ang aabutan ko kay Tatay sa ospital.
Pagpasok ko sa kotse, bumukas ang kabilang pinto ng sasakyan. Pumasok si Martin.
novelraw