Kiss Me

Chapter 7



Chapter 7

Gian

"Daddy!" salubong sa akin ni Shasney mula sa pinto. Binuhat ko siya. "Saan galing ang baby ko?" then she kissed me on my cheeks.

"Kay Ninang Ganda po."

"Wifey,” then I gave Shane a smack one on the lips.

"Kinukulit pa din ako ng pinsan mo,” sabi niya at nagdiretso kaming tatlo sa kwarto. Binihisan niya si Shasney.

"Hindi ako papayag."

"Sinabi ko na din yan sa kanya, pero ang anak mo.."

I looked at Shasney. Masyado pa siyang bata para sa bagay na yon.

"Baby, you have to study first okay? Then kapag tapos ka ng mag-aral, you can do what you want. Kung gusto mong maging katulad ni Ninang Ganda, okay na kay Daddy, basta mag-aaral ka muna. Okay ba?"

"Yes Daddy."

Matapos bihisan si Shasney, ay lumabas na ito ng kwarto.

Nilapitan ko si Shane na nagpapalit ng damit. She was about to wear a T-shirt. "Hep!" pigil ko sa kanya, at inagaw ko ang damit na hawak niya.

"Gian!" protesta niya. "Akina yan!"

"Mas gusto ko kapag wala to,” tukoy ko sa hawak kong damit. "And that,” turo ko naman sa natitirang suot niya pantaas.

Bigla niyang niyakap ang sarili niya upang takpan ang katawan. Nilapitan niya ako para agawin ang hawak ko pero syempre hindi ako papayag na maagaw niya yun.

"Gian ano ba?!"

Then she went back to her closet to get another one pero mas mabilis ako sa kanya. Nahawakan ko ang braso niya and I embrace her.

Kinurot niya ako sa tagiliran. "Aray!"

"Magbibihis ako, lumabas ka na. Puntahan mo ang bata,” utos niya. Itinapon ko sa kama ang ang damit na hawak ko.

"Mas gusto kong gumawa ng bata,” then I claimed her lips at inihiga ko siya sa kama.

My mouth went to her neck, down to her breast. Sinimulan kong tanggalin ang natitirang sagabal. I cupped her breast with one hand and suck the other one.

Tumayo ako and I started to undress myself. "Stay still,” utos ko sa kanya.

I saw her unbuttoned her jeans.

"Let me do it,” sabi ko sa kanya habang hinuhubad ko ang damit ko.

Nang matapos ako sa ginagawa ko, bumalik ako sa ibabaw niya at nagconcentrate. "DADDDDYYY! MOMMMYY!"

"Let's make this fast,” bulong ko kay Shane.

"MOMMMYY! DINNER IS READY!!" nagsisisigaw pa din sa labas ng kwarto ang anak ko. Wait lang baby, malapit na to. Gusto na kasi ni Daddy na magka baby boy.

Dali-dali kaming nagbihis pagkatapos. She comb her hair at inayos niya ang buhok ko. Bago lumabas ng kwarto hinalikan ko ulit siya.

Pagbukas namin ng pinto, wala na si Shasney. Nagsawa na ata sa kasisigaw at bumaba na. "Mamaya ulit ha,” bulong ko kay Shane.

Tiningnan niya ako at pinanlakihan niya ako ng mata. Inakbayan ko siya habang naglalakad papuntang dining table at binulungan.

"Para sigurado na ang baby boy natin."

**

"Gian, sigurado na ba ang dating ni Lolo next week?" "Oo. Tumawag siya kay Daddy, bakit?"

"Wala naman."

"Napepressure ka ba?" tanong ko.

Halata sa mukha ni Alex na kinakabahan siya. "Ako pa?!" pagyayabang na lang niya.

"Sir, may naghahanap po sa inyo,” sabi ng sekretarya ko sa intercom. "Busy ako. Wala akong ineexpect na bisita,” sagot ko.

Madami akong ginagawa at kailangan kong tapusin ang lahat ng ito lalo pa't dadating na si Lolo. "Sir, importante daw po. Kailangan niya daw po kayong makausap."

"Sino ba yan?" naiirita kong tanong. "Cheska daw po. Francesca Vasquez." Tiningnan ko si Alex.

"Bakit nandito si Cheska? Baka naman ikaw ang kailangan niya?" tanong ko kay Alex.

"Gian, sa opisina mo siya nagpunta, hindi sa akin. Bakit hindi mo na lang siya papasukin para malaman mo."

"Papasukin mo siya,” utos ko sa aking sekretarya.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Cheska. Hindi ko maintindihan pero may bigla akong naramdamang kaba. Hindi ko naman ito naramdaman ng magkita kami sa bar. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang batang lalaki na kasama niya.

"Cheska!" tumayo si Alex at nakipagbeso kay Cheska. "Hi Alex!"

"Have a sit,” alok ko sa kanya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa bata at pagkatapos ay tiningnan ko siya.

"Anak mo?" tanong ko kay Cheska nang makaupo na siya. Hinaplos niya ang ulo ng bata at tumingin sa akin.

"Yes. Siya ang tinutukoy ko na gusto kong ipakilala sayo. Gian, meet Cian, our son."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.