Kiss Me

Chapter 6



Chapter 6

Shane

"Bakit ba parang antok na antok ka pa?" tanong ko kay Ara. Napansin ko kasi kanina pa siya humihikab.

"Eh kasi naman isinama ako ni Matt kagabi sa bar kasi tumugtog sila,” sagot ni Ara. "Cute to para kay Shasney,” sabay kuha niya na lavander na dress. Nandito kami sa mall. Nagpasama siya. Wala naman si Shasney. Hiniram ng kanyang carbon copy, si Allyna.

"Nagtext nga sa akin si Gian kagabi na late siya uuwi."

"Speaking of Gian, alam mo ba kagabi nakita ko yung babaeng nakita natin sa school." Nakikinig lang ako sa kanya. Ano naman kung nakita niya?

"Tapos, tingin ng tingin sa asawa mo. Nagpapacute, ganun." "Tapos?" naging interesado ako bigla sa kinekwento ni Ara.

"Ayun, inaasar nung mga kaibigan niya. Sabi ko nga isusumbong ko sila sayo. Tapos nun, umuwi na ako. Hindi ko na alam kung anong nangyari."

Hindi na ako umimik. Yun lang naman pala. Okay lang na may magpacute na babae sa asawa ko. Hindi ko naman siya masisi na gwapo siya. Ang hindi okay ay kung papatulan ni Gian ang pagpapacute sa kanya ng mga babae. Naku! Malilintikan siya sa akin. Dapat kami lang ni Shasney ang babae niya.

"Mabuti na lang hiniram ni Allyna si Shasney kundi malabo kita maisama ngayon. Close na close yung dalawa noh?"

"Sinabi mo pa. Kulang na lang mommy din itawag nun kay Allyna eh."

**

"Shane, pumayag ka na kasi,” pilit sa akin ni Allyna. Andito kami ni Ara sa kanila, sinusundo si Shasney.

"Huwag ako ang tanungin mo, si Gian. Pero malabong pumayag yun,” sagot ko.

"Knowing Gian, hindi papayag yun. Overprotective yun sa anak niya,” malungkot na sabi ni Allyna.

Nagkibit-balikat lang ako. Mas lumungkot ang mukha ni Allyna.

"Hay. Shasney, gusto mo namang mag-artista diba?" tanong niya sa anak ko na nakaupo sa lap niya.

"Yes po, Ninang Ganda,” sagot naman ng anak ko.

Matagal nang gustong kuhaning artista si Shasney. Bagay na bagay daw sa role ng bata ang pagiging anak ni Allyna. No wonder, magkamukha kasi silang talaga.

"See?" sabi niya sa akin at bumaling ulit sa bata. "Tell your dad na payagan ka ng mag artista. And Daddy mo kasi, KJ,” at sabay silang tumawa ni Shasney.

Magkasundong magkasundo talaga sila.

"Ah, alam ko na. Kaya ayaw ni Gian na mag artista si Shasney kasi mawawalan ng time ang baby niya sa kanya. Eh di gumawa na kayo ng bago,” she suggested.

"Allyna, ano ka ba? Naririnig ka ng bata,” saway ko.

"Okay lang yan, diba baby? Gusto mo na ba ng kalaro? Hindi ka ba nalulungkot mag-isa? Sabihin mo din kay Daddy mo, gusto mo na ng kapatid."

"Hay naku Allyna. Kung ano ano sinasabi mo sa bata, ang mabuti pa umuwi na kami. Sigurado nasa bahay na si Gian. Let's go baby, say goodbye na to your Ninang Ganda."

Matapos magpaalam ang dalawa sa isat isa na akala mo ay hindi na ulit magkikita ay umuwi na kami.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.