Ex with Benefits 2

Chapter 30



Chapter 30

"Bakit inilihim mo sa akin na nagkita kayo ni Scarlett? Ilang araw akong naghintay na banggitin mo sa akin, pero hanggang ngayon wala ka pa ding sinasabi."

Napaupo siya sa kama. Of all people, bakit si Scarlett pa?

"I never told you dahil hindi naman importante yon. Hindi si Scarlett ang mismong katagpo ko noong araw na 'yon, kundi si Brent. Nagulat na lang ako na kasama pala niya si Scarlett at umalis din naman ito kaagad."

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Tinitigan niya din ako sa mata.

"Kung ayaw mo pa din maniwala, itanong mo kay Brent."

Then he left the room.

I just find it odd. Dati naman nagkekwento si Adam sa akin kahit sa kaliit-liitang bagay pero bakit hindi niya man lang binanggit yung tungkol kay Scarlett?

Gusto kong patulan yung sinabi niya na itanong ko kay Brent pero magmumukha lang akong tanga kung gagawin ko yon.

Nang sumunod na gabi ay madaling araw na umuwi si Adam. Hindi na ako nagtanong pa. Kapag kasi mag-uusap kami kahit maliit lang na bagay ay lumalaki at nauuwi sa away. Kinabukasan, pumasok ako sa banyo at nagligpit ako ng mga damit na hinubad niya. Napansin kong iba ang pabangong nakadikit sa damit niya. Inilapit ko ito sa ilong ko at inamoy ng bahagya. Hindi ako maaaring magkamali. Pabango ito ng babae. Ganun ba katindi ang pabango ng babae niya at dumikit pa talaga sa damit ni Adam? Unless..

Imposible.

Ayoko ng mag-isip pa ng kung anu-ano.

Pero..

Hindi kaya niyakap siya ng babae kaya dumikit ang pabango niya kay Adam?

Inalis ko na sa isip ko ang bagay na iyon at nilapitan ko si Adam na nagbibihis sa harap ng salamin.

"Nakabili ka ba ng regalo para kay Luigi?" tanong niya.

Hinarap ko siya at pinanood ko siyang ayusin ang buhok niya. Tango ang isinagot ko sa tanong niya. Hindi ko maitatanggi na mas gwapo si Adam ngayon. Dahil ba yon sa may pinopormahan siyang ibang babae?

May iba nga ba siya? Dapat na ba talaga akong mangamba na hindi talaga nagbago si Adam at babaero pa din siya? Nagsasawa na ba siya sa akin kaya humahanap na siya ng iba?

"A-adam.." tawag ko.

"Hmm??" tanong niya habang inaayos ang damit niya.

Mababaliw ako kapag hindi ko ito naitanong sa kanya. Hindi ko kayang magtiis na naglalaro lang sa isip ko ang lahat ng tanong.

"Saan ka ba galing kagabi?" malumanay kong tanong.

Baka kasi kapag iba ang way ng pagtatanong ko at hindi pagalit ay may makuha akong hint kung saan ba talaga siya galing kagabi.

"Nakipag-meet lang ako sa isang kliyente," sagot niya.

Nabigo ako.

Iyon naman kasi palagi ang sagot niya. Pero kapag itinatanong ko sa kanya kung sino ang kliyente..

"Arkisha, alam mo naman na maraming kliyente ang CGC, gusto mo bang isa-isahin ko? Paulit-ulit na naman ba tayo?"

Hindi ko na siya nakayang tingnan at naupo ako sa kama.

Nakita kong umilaw ang screen ng phone ni Adam na nakapatong sa table sa tabi ng kama. Pasimple kong binasa kung sino ang nagtext.

1 new message

Anika

"May meeting ka ba ulit mamaya sa isa sa mga kliyente mo?" tanong ko.

"Siguro. Oo," sagot niya.

Iba talaga ang kutob ko eh. Hindi ako naniniwalang kliyente ang tatagpuin niya.

"Paano ang birthday ni Luigi. Magagalit sayo si Brent," sabi ko para naman tablan siya ng hiya.

Hinarap niya ako.

"Aattend pa din naman ako ng birthday ni Luigi. Pero kung sakaling hindi ako makaattend, maiintindihan ako ni Brent."

Napatulala lang ako sa sagot niya. Nagbago na talaga siya. Imposibleng palampasin niya ang birthday ng anak ng kaibigan niya. Mas mahalaga pa talaga ang mga kliyente niya o ang trabaho niya kesa sa mga kaibigan at pamilya niya. Lumabas na ako ng kwarto dahil hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang pakikipag-usap sa kanya.

Alas otso ng umaga pumasok sa opisina si Adam at tinupad naman niya ang sinabi niya na aattend siya sa birthday ni Luigi dahil alas singko ng hapon ay dumating siya sa party. Sa bahay nina Brent ginanap ng party. Madami ding bisita ang umattend. Karamihan ay mga kaklase ni Luigi. Nakacostume pa nga ang mga bata at si Madison, excited talagang suotin ang kanyang Rapunzel costume. Ibinili pa nga siya ni Venice ng wig para bumagay sa kanyang costume. Samantalang isang old rose na dress na above the knee ang isinuot ko.

Hinalikan ako ni Adam sa pisngi nang makita niya ako sa loob ng bahay.

"Late ba ako?" tanong niya.

"Hindi naman. Mabuti nakadating ka on time," sagot ko.

Naupo kami sa isang table sa may garden, bandang alas siete nang matapos na ang mga games. Tuwang tuwa si Madison sa mga prizes na nakuha niya. If I know, tinulungan siya ni Adam na mandaya para lang makuha yung crown na suot niya ngayon.

Tumunog ang phone ni Adam na nakapatong sa table katabi ng alak na iniinom nila ni Brent.

Anika calling...

Sinulyapan ni Adam ang phone niya at tinapunan niya ako ng tingin. He pressed the lock button at tumigil sa pagtunog ang phone niya.

Anika calling...

"Adam, yung phone mo tumutunog," sabi ko sa kanya dahil napasin kong hindi niya ito pinapansin.

"Sagutin mo, baka kailangan ka nung 'Anika'," dagdag ko pa. This time iba na ang tono ng pananalita ko.

Inilock niya ulit ang phone niya and this time I saw him switched his phone to silent mode. Napansin ko din na nagsalubong na ang kilay ni Adam. Hindi ko alam kung saan siya nagagalit. Sa akin ba dahil panay ang pangungulit ko sa kanya na sagutin niya ang tawag o roon sa babaeng kanina pa tawag ng tawag sa kanya. I just hope na dahil sa huli.

Tumayo si Adam at hinawakan ako sa braso.

"Come with me," sabi ni Adam at iniabot niya ang phone kay Brent na hanggang ngayon ay tunog pa din ng tunog. Sinulyapan kong muli ang phone niya at iisang pangalan pa din ang nababasa ko sa screen.

Who the hell is this Anika?

"Saan tayo pupunta? Bakit ba hindi mo sagutin ang phone mo?!" singhal ko sa kanya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at sumakay kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Adam. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang tanging nais ko lang ay malaman kung sino ba ang babaeng yon at bakit ba iniiwasan ni Adam na sagutin ang tawag ng babaeng yon?!

Nagsimulang magmaneho si Adam.

"What is wrong with you, Adam? Bakit ba hindi mo masagot sagot sagot ang tawag ng 'Anika' na yon? Sino ba siya sa buhay mo, Adam? Sino?! Bakit hindi mo masagot ang tawag ni Anika sa harapan ko?!" sigaw ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya dahil pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa yon ay sasabog ako. Sasabog ang sakit na nararamdaman ko.

Nakalabas na kami ng subdivision nina Brent at nasa highway na kami.

"Bullshit, Adam! Answer me! Sino ba si Anika? Anong itinatago mo sa akin? Bakit hindi mo masagot ang tawag niya?!"

Hindi ko na din alam kung ilang beses ko bang inulit ulit sa kanya na dapat sinagot niya sa harapan ko ang tawag ng babaeng yon. Aaminin kong palakas din ng palakas ang boses ko habang sinasabi ko ang mga yon.

Napatingin ako sa manibela at humigpit ang hawak niya rito.

"You want me to answer her call? Fine. Let's go back to the party!" sagot ni Adam and then he made a quick U-turn and sped away.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.