Ex with Benefits 2

Chapter 29



Chapter 29

After two days, tuluyan ng nakuha ng CGC ang Boomerang Airlines. Bilib din ako sa tyaga ni Adam. Gagawin niya talaga ang lahat para lang manalo siya sa lahat ng bagay. Hinding hindi siya magpapatalo lalong lalo na sa mga Chua. Madalas nga late na siya nakakauwi sa bahay.

"Adam.." tawag ko nang minsan magising ako sa gitna ng gabi. Nilapitan niya ako sa kama at hinalikan ako sa noo.

"Sshh.. Just go back to sleep," utos niya.

"Ano bang oras na?" tanong ko habang kinukusot ko pa ang mga mata ko. Hindi niya binuksan ang ilaw. Nag-aalala siguro siya na baka magising ako pero ang totoo, mababaw lang talaga palagi ang tulog ko dahil hinihintay ko siya kaya konting kaluskos lang, nagigising na kaagad ako.

"Go back to sleep, babe. Makakasama sa baby yan," paalala pa niya.

Hindi ko siya sinunod dahil hindi din naman ako makakatulog agad hangga't hindi siya humihiga sa tabi ko. Umupo ako sa kama at pinanood ko siyang magpalit ng damit pantulog.

"Ilang gabi ka ng madaling araw umuuwi. Adam, baka magkasakit ka niyan," pag-aalala ko.

"I need to focus, Arkisha," sagot niya.

Tumayo ako at tinulungan ko siyang magtanggal ng necktie dahil mukhang nahihirapan siya. He must be really tired.

"I need to be hands on pagdating sa pagpapatakbo ng CGC. Hindi ako papayag na mawala lahat ng pinaghirapan ng Daddy ko at ng Papa mo. Papatunayan ko na hindi nagkamali ang Papa mo na tulungan ang kompanya namin noon." Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at tinitigan ako sa mga mata. "Gagawin ko ang lahat, Arkisha. Gagawin ko ang lahat para hindi ito mawala." Then he kissed my lips.

Hanga din talaga ko sa dedication ni Adam pagdating sa trabaho.

"Babe, I just want to remind you na next week na ang Recognition Day sa school ng twins. You need to be there, gusto ko tayong dalawa ang magsabit ng medal sa dalawang bata," paalala ko kay Adam Monday morning. Nakaupo kaming dalawa sa dining table matapos ko siyang maipagluto ng paborito niyang breakfast.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin at humigop sa kape habang nakaharap sa laptop.

"Of course I will be there. Special day yon para sa mga anak natin," sagot niya.

I just nod. Tumayo na ako para gisingin ang mga bata nang biglang tumunog ang phone niya.

"Hello... yah. Hindi ko naman nakakalimutan... I know... 7 pm sharp," sabi ni Adam sa kabilang linya. Hindi na ako nag-abalang itanong pa kung sino ang nasa kabilang linya.

Nang makapasok ang kambal ay inihatid naman ako ni Adam sa Daily Routine. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan nang bigla naming mamataan ang paparating na kotse ni Nick. Nagpark ito malapit sa kotse namin at bumaba.

"Good morning, I'm glad papasok ka ngayon sa office, Arkisha," bati ni Nick habang malapad ang ngiti.

Napansin ko ang pagtiim ng bagang ni Adam. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya.

"Adam," bati niya sa asawa ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Adam.

Oo nga, ano nga bang ginagawa ni Nick dito? Ilang linggo na din siyang hindi pumupunta rito para makipameeting kay Papa simula ng magkasagutan sila ni Adam.

"Business," tipid na sagot ni Nick.

"Nick, kung si Papa--."

"Nicko, call me Nicko," pagtatama niya at pagkatapos ay ngumiti.

This time, mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Adam. God! Ibang klase din tong lalaking to! Paano niya nagagawang makipagflirt sa isang babae habang kaharap ang asawa nito?!

"Nick, kung si Papa ang kailangan mo eh wala siya ngayon dito. Nagpunta siya sa Japan kahapon."

"Okay lang. Sayo na lang ako makikipagmeeting, after all you are the heiress of this company. You have the power. Nakapagsalba nga kayo ng kumpanya noon eh," sabi niya.

Shit.

"Right. And that business is doing really good today," sagot ko naman sa kanya.

"Better be. Sayang naman ang tulong nyo kung mapupunta lang sa wala lahat diba? Una na ako sa loob," paalam niya at pumasok na siya sa loob ng building.

Tiningnan ko si Adam at nagulat ako na hindi madilim ang anyo niya. Mas dapat ba akong mag-alala?

"Babe," tawag ko.

"Nicko huh? That jerk," bulong niya.

"I know. Thank you because you didn't do something stupid," sabi ko habang hawak ko ang dalawa niyang kamay.

"Like what? Punching his face?" tanong niya at tumawa ng maiksi. "Masasaktan lang ang kamay ko sa tigas ng mukha ng taong yon. Nasa loob naman si Mr. Carbonel diba?"

I nod.

"Siya na lang kamo ang makipausap sa lalaking yon. I don't want him near you. Kung may kailangan siya sa Papa mo o sa Daily Routine, let him discuss it with your Dad or Mr. Carbonel. Lalaki ako, Arkisha. Alam ko gumagawa lang siya ng paraan para magpapansin sayo o makausap ka. I know he likes you."

"Adam.."

"Yes, baby. Alam ko yon and it's not your fault. I am not surprised that he likes you. You're beautiful, sweet, kind and you're mine."

Hinapit niya ako sa bewang. Magkadikit na ang mga katawan namin.

"You are mine, kaya dapat alam niya kung saan siya lulugar. Mahal na mahal kita, Arkisha."

I closed my eyes and I felt his lips on mine.

"I love you more, Adam."

Naghiwalay lang ang mga labi namin nang tumunog ang phone niya. Mukhang urgent kasi nagmadali na siyang umalis. Hindi pa rin ako nag-abalang itanong kung sino ang tumatawag pero nasilip ko sa phone niya kung sino ang tumatawag nang hawakan ito ni Adam.

Nang Recognition Day na ng twins ay nahirapan akong kontakin si Adam.

"Hindi pa rin ba sumasagot?" tanong ni Venice.

Umiling ako. Sina Venice at Paris ang kasama ko ngayon sa special day na ito. Inulit ko pa nga kay Adam ang event na ito kagabi para hindi niya makalimutan at sigurado ako na hindi niya ito nakalimutan dahil importante din sa kanya ang araw na ito. Sinabihan ko na siya na ipostpone muna ang meeting pero hindi na raw maaari dahil bigatin na kliyente raw ang imimeet niya ngayon pero sisiguraduhin daw niya na makakarating siya.

"Sinabi ko na kasi sa kanya na ako na lang ang aattend ng meeting pero ayaw niya eh," sabi ni Venice.

"Obsess na kasi yang si Adam sa pagtatrabaho. Define workaholic—Adam Jacob Castrences," singit ni Paris.

Isa isa ng umaakyat sa entablado ang mga bata para sabitan ng medalya at susunod na ang section nina Landon at Madison.

Sinubukan ko ulit tawagan si Adam pero cannot be reach na ang phone niya.

"Shit," bulong ko.

Naiwan si Paris at kami ni Venice ang umakyat ng stage para sabitan ng medalya ang kambal. Si Paris ang kumuha ng picture. Medyo nabawasan ang galit na nararamdaman ko noong sinasabitan ko na ng medalya si Landon. Naglalakad na kami papunta sa parking lot nang dumating si Adam.

"Daddy!" salubong ng kambal.

I crossed my arms. Binuhat ni Adam si Madison.

"Ang galing naman ng baby ko. Proud na proud sa inyo si Daddy," puri ni Adam sa bata at hinalikan niya ito sa pisngi. Ginulo naman niya ng buhok ni Landon.

"Late ka. Saan ka pa ba kasi nagsuot?" tanong ni Venice.

"I'm sorry, I'm late. Babawi ako, kumain tayo sa labas."

"Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Gusto ko ng magpahinga," sabi ko.

Wala na din ako sa mood magcelebrate. Sinira ni Adam ang araw ko. Nakakainis. Mas importante pa sa kanya ang kumpanya niya kesa sa mga bata.

Pagdating sa bahay ay nagdiretso ako sa kwarto. Sumunod naman si Adam.

"Babe, I'm really sorry. Ang tagal kasi natapos ng meeting tapos naipit pa ako sa traffic."

"Sinabi ko na naman kasi sayo na i-cancel mo muna ang meeting mo pero hindi ka naman marunong makinig."

Badtrip. Badtrip na badtrip talaga ako kay Adam nitong mga nakaraang araw tapos dadagdagan pa niya. Bigalng tumunog ang phone niya.

"Sino ba yang tawag ng tawag sayo?" tanong ko.

Hindi na ako nakatiis at pati iyon ay pinakialaman ko na.

"One of the clients," sagot niya.

Sinilip ko ang phone niya at iyon na naman ang pangalan ng tumatawag sa kanya.

"Sino si Anika? Siya ba ang kliyente mo?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

Masama ang kutob ko. Ilang araw na din. Ganun naman kasi talaga yon. Kapag nambababae ang asawa mo, ramdam mo yun. Woman's instinct, ika nga. Kahit nga magjowa pa lang kayo at kapag nagloloko ang jowa mo, ramdam mo yon. Parang may kakaiba sa bawat galaw ng lalaki.

"Bakit ka ba ganyan, Arkisha? Hindi mo naman pinapakialaman ng cellphone ko noon diba?"

See? Ako pa pinalalabas na masama!

The nerve!

"Oo, Adam. Kasi noon wala ka namang itinatago sa akin."

"Wala akong itinatago sayo," sagot niya.

Ang kapal talaga.

Sinungaling.

Manloloko.

"I saw you last week, kausap mo si Scarlett sa isang coffee shop."

Can you see his face right now? Nawalan ata ng dugo ang mukha niya.

"Ngayon sabihin mo na wala kang itinatago sa akin?!"

Hindi siya makasagot. Hindi ata alam kung paano siya mag-iimbento ng dahilan.

"Bakit inilihim mo sa akin na nagkita kayo ni Scarlett? Ilang araw akong naghintay na banggitin mo sa akin, pero hanggang ngayon wala ka pa ding sinasabi."

Hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi pa rin ba titigil sa panggugulo sa buhay namin ang babaeng yon? Ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ni Adam? Trabaho o babae?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.