Everyday, Every You

Chapter 15



Chapter 15

TAHIMIK lang kaming dalawa ni Shaun na bumabyahe habang pauwi sa condo. Walang nagsasalita sa amin simula nang umalis kami sa school kanina. Parang parehas kaming may mga katanungan sa isip namin na hindi masagot-sagot. Nakatuon lang ang pansin niya sa dinadaanan habang ako naman ay nakatuon ang mga mata sa bintana ng sasakyan.

Hindi na natuloy ang pagyayaya nina Lucas na mag-bar after ng party school tulad ng napag-usapan nila kanina. Nagyaya na kasi agad si Shaun na umuwi kami. Hindi raw maganda ang pakiramdam niya. Napagod daw kasi siya sa pagbubuhat ng sobrang daming upuan kanina.

Alam naming excuse niya lang iyon para hindi na matuloy. Pero walang nagsalita ni isa sa amin. Pumayag na lang sina Arjon dahil pagod nga rin daw sila. Kahit todo ang pagmamaktol ni Lucas, wala siyang nagawa. Ewan ko na lang kung sinamahan siya ni Raphael sa bar na gusto niyang puntahan.

Pasimple kong sinulyapan si Shaun. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa manebala. Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa harap niya. Para bang kahit nagmamaneho siya, wala sa dinadaanan namin ang atensyon niya. Para bang nasa ibang lugar o tao ang atensiyon niya ngayon.

Gusto kong itanong sa kanya ngayon kung anong iniisip niya. Kung anong pakiramdam niya kanina nang muli niyang nakita si Mandy. Kung anong balak o anong plano niya sa muling pagbabalik ng babaeng una niyang minahal. Kung anong plano niya para sa aming dalawa.

Pero natatakot ako sa sagot na maaari kong makuha. Hindi dapat ako magtanong kung hindi ako handa sa posibleng isasagot niya. Hindi pa ako handa na masaktan. Kahit na paunti-unti na akong nasasaktan sa inaasta niya ngayon. Kasi sa totoo lang, alam kong malaki ang epekto ng pagbabalik ni Mandy. Sobrang laki ng epekto nito kay Shaun ngayon.

Hindi nagtagal si Mandy sa party. Nagbigay lang siya ng maikling speech `tapos umalis din agad. May pupuntahan pa raw kasi siya. Halos lahat ng students ay nanghinayang. Gusto pa raw kasi siya makasama. Maka-bonding. Tumawa lang si Mandy katulad ng palagi niyang ginagawa noon. Saka siya nangako na babawi next time. Especially sa mga kaibigan niya.

Sa mahigit tatlong taon na nawala si Mandy sa school, hindi siya nagbago. I mean, malaki ang pinagbago niya sa panlabas na anyo. Lalo siyang gumanda. Kuminis. Mas tumaas ang kumpyansa niya sa sarili. Pero kahit ganoon, siya pa rin `yong Mandy na nakilala ng lahat.

Siya pa rin `yong Mandy na palatawa. Palangiti. At mahal na mahal ng lahat. Siya pa rin `yong Mandy na nang-iwan kay Shaun noon. `Yong Mandy na minahal ni Shaun at iniyakan niya nang sobra. `Yong Mandy na alam kong wala akong sinabi kapag pinagkumpara kaming dalawa.

Because she was still the girl who held the biggest part of his heart.

Huminto na ang sasakyan ni Shaun sa parking lot ng building kung nasaan ang condo niya. Saka siya mabilis na bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Paglabas ko ng sasakyan, bigla akong hinila ni Shaun at niyakap nang mahigpit. Para siyang bata na humihingi ng atensiyon. Ng pagmamahal. Hinayaan ko lang siya sa ginawa niya.

“Don’t leave me, okay?” sabi niya nang binitawan niya ako. “No matter what happens, stay by my side. Don’t leave me. Just don’t, Chin. Please, don’t.”

I tried to laugh. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Hindi ako aalis. Unless, ikaw ang magtulak sa akin.”

Umiling siya. “I’m not gonna do that,” sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Ikaw ang kailangan ko, Chin. I’m not needing anyone. Just trust me. You’re the one that I need.”

Then he kissed me. His lips brushed onto mine. It lasted for few a seconds.

Saka mahigpit na hinawakan ni Shaun ang kamay ko at sabay kaming lumakad papasok.

Lumakad kaming dalawa na todo-pigil ako sa mga luha ko na huwag bumagsak. Hindi dapat ako umiyak. Hindi dapat makita ni Shaun na naiiyak ako.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pighati nang dahil sa halik at emosyon na nasa mga mata ni Shaun na nakita ko. His eyes were like saying good-bye. And his kiss… his kiss felt so empty.

Nang makarating na kami sa loob ng condo, bumitaw na si Shaun sa kamay ko.

“Mauuna na akong matulog, Chin,” paalam niya sa akin. “Good night,” sabi niya saka ngumiti.

“Good night,” sagot ko. “Sleep well.”

“You, too.” Muling lumapit si Shaun sa akin at hinalikan ako sa noo. “Good night.”

Hinaplos niya pa ang pisngi ko nang ilang beses saka siya tumalikod at pumasok na sa loob ng kuwarto niya. Napatulala pa ako ng ilang minuto sa pintuang pinasukan niya.

Nang muli ko na naman maramdaman na babagsak na ang mga luha ko, nagmadali na akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. At sa pag-lock ko ng pinto, nagbagsakan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mga luhang kanina pa gustong lumabas para maibsan ang sakit sa dibdib ko.

Mga luhang nang dahil kina Shaun at Mandy. Silang dalawa ang dahilan ng mga luha ko ngayon.

Napahiga ako sa kama ko at tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko para hindi matuloy ang paghagulhol ko. Pero kapag pala pinipigilan mo ang pag-iyak mo, lalo ka lang masasaktan. Lalo ka lang nahihirapan sa loob-loob mo.

Hinayaan ko na lang na patuloy na dumaloy nang dumaloy ang luha sa mga pisngi ko papunta sa unan ko. Umaasa ako na sa ganitong paraan ay mababawasan ko ang sakit sa puso ko.

“Don’t leave me, okay? No matter what happens, stay by my side. Don’t leave me. Just don’t, Chin. Please, don’t.”

Nag-echo sa isip ko `yong sinabi ni Shaun kanina kaya lalong umagos ang luha ko.

Nagmamakaawa siya na huwag ko siyang iwan. Na huwag akong aalis sa tabi niya. Pero `yong emosyon sa mga mata niya, iba ang sinasabi. Iba ang pinapahiwatig. Para bang gusto na niya akong iwan. Na siya mismo ang aalis at mang-iiwan sa akin. Na siya ang gustong magpaalam.

Shaun, paano ko magagawang mag-stay sa tabi mo kung ramdam ko naman na hindi ganoon ang gusto mong sabihin. Paano ko magagawang magtagal sa tabi mo kung nararamdaman ko naman na ikaw ang gustong mamaalam? Na ikaw ang gustong umalis sa tabi ko?

Shaun, nakita ko, eh. Kitang-kita ko. Kitang-kita ko kung paano ka tumitig kay Mandy kanina habang nagsasalita siya. Kung paano pinapahiwatig ng mga mata mo na bigla mo na lang ako nakalimutan. Kung paanong bigla na lang akong hindi nag-exist sa mundo mo.

Shaun, kitang-kita ko sa mga mata mo kanina. Kitang-kita ko ang pangungulila mo sa kanya. Na para bang gusto mong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya nang sobrang higpit. Kitang-kita ko kung paano mo siya titigan na para bang natatakot ka na kapag kumurap ka, bigla na naman siyang mawawala sa harap mo. Na baka bigla siyang mawala sa `yo.

Shaun, ang sakit-sakit. Sobrang sakit talaga. Kitang-kita ko kasi sa mga mata mo kanina. Kitang-kita ko ang pangungusap habang nakatitig ka sa kanya. `Yong mga mata mong parang nagmamakaawa kay Mandy. Parang humihingi ng atensiyon sa kanya. Shaun, kitang-kita ko lahat ng `yon.

Nagmamakaawa ka sa akin na huwag kitang iwan. Pero ang tanong, Shaun, ako ba talaga ang gusto mong makasama? Ako ba talaga ang gusto mong nasa tabi mo ngayon?

Halata kasing hindi, eh. Halatang hindi ako, Shaun, dahil sa mga tingin mo sa kanya.

Sabi mo ako ang mundo mo. Pero kung paano ka tumitig sa kanya, bigla akong nanliit. Siya kasi ang kalawakan mo, `di ba? I’m just your world but she’s your universe.

Ano ang binatbat ko sa kanya, Shaun? What is world compared to universe?

Hindi ko na nagawang bumangon dahil sa sobrang pagod sa pag-iyak. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na inantok na. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha. I closed my eyes, pretending that I was fine.

That night, I forced myself to sleep before I could fall apart.

MAAGA akong nagising kinabukasan. Pagtingin ko sa orasan, mag-aalas-siyete pa lang ng umaga. Ang aga kong nagising kahit na alas-diyes pa ang klase ko. Tinatamad tuloy akong bumangon.

Thirty minutes pa akong humilata sa kama bago ko napagdesisyunan na tumayo. Inayos ko muna ang sarili kong kama bago humarap sa salamin. I looked horrible when I saw myself in the mirror. Kalat-kalat ang makeup dahil sa pag-iyak kagabi. Hindi rin ako nagpalit ng damit.

Kumuha ako ng wet tissue para punasan ang mukha ko. Saka ako nagpalit ng damit pambahay. Bago ako lumabas ng kuwarto, sinuot ko muna ang salamin ko. Kailangan ko na naman suotin `to para mapagtakpan ang pamamaga ng mga mata ko dala ng pag-iyak.

Paglabas ko ng kuwarto ko, nabigla ako nang makita ko si Shaun na gising na. Nakasuot na siya ng varsity uniform niya habang nagsisintas. Nagulat siya nang makita ako.

“Ang aga mong nagising.” Ngumiti siya saka tinapos ang pagsisintas.

“May homework pa ako na hindi ko nagagawa,” pagdadahilan ko. “Ikaw, ang aga mo. Aalis ka na?”

He nodded. “Yap! Practice,” sabi niya saka tumayo at lumapit sa akin. “See you at school.”

Hinalikan ako ni Shaun sa mga labi, saka sa noo. Tumagal ang mga labi niya sa noo ko nang ilang segundo.

“I love you,” sabi niya habang nakangiti. “For everyday, for every you, Chin.”

Napatitig ako sa kanya nang panandalian. Hindi sigurado kung dapat ko ba `yong sagutin o dapat ko bang paniwalaan. Unti-unti na akong hindi nagiging sigurado sa mga sinasabi niya. Sa mga pinaparamdam niya nang dahil sa eksena kagabi. Nagkakaroon na ako ng doubt.

“Shaun...” Marahan akong nagsalita. “Are you sure?”

“Sure of what?” Naging seryoso ang mukha niya.

“Sure kung mahal mo talaga ako?” sagot ko.

Kailangan ko `tong sabihin kahit natatakot ako sa maaaring sagot na makuha ko.

“Sigurado ka ba sa nararamdaman mo ngayong bumalik na siya? Ngayong muli mo na siyang nakita? Kasi, Shaun, ako sigurado ako sa pagmamahal ko sa `yo, eh. I love you, Shaun. Wala ka dapat ipangamba doon. Pero ikaw? Ngayong sinasabi mong mahal mo ako. Hindi ko `ata kayang paniwalaan. Paano ko paniniwalaan na mahal mo kung ganoon ang reaction mo no’ng nakita mo siya kagabi?”

Napatitig siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Saka siya napaatras at napatalikod sa akin. Nasabunutan niya ang sarili niyang buhok.

“The fuck with that, Chin?” naiinis niyang tanong. “Dahil lang doon? Dahil lang sa nakita mong reaction ko? Nag-doubt ka na agad sa pagmamahal ko sa `yo? Fuck that!” galit niyang sagot.

“I-I’m so sorry.”

“Chin, listen. Natural lang na ganoon ang maging reaction. I was surprised. No—I was shocked. Hindi ko kasi inaakala na susulpot siya kagabi. Oo, naiisip ko na bigla siyang uuwi. Pero hindi ko inaasahan na kagabi na agad `yon. Natural magugulat talaga ako. Para kong nakita ang multo ng kahapon, eh. But I’m sticking with my words, Chin. I am done with her. So done a long time ago.”

Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Shaun.

“Chin, wala ka dapat ipangamba. Hindi ako babalik sa kanya. Kahit magkausap kami o magmakaawa siya na magkabalikan kami, hindi na `yon mangyayari. Tapos na kami. Matagal na kaming tapos.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Ikaw na ngayon, Chin. Ikaw na laman nitong puso ko. Ikaw na ang mahal ko at hindi iyon magbabago dahil lang dumating siya.”

“But... but she’s your first love,” mahina kong tugon.

“And so?” Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Pag-aari niya lang ang nakaraan ko. Pero ikaw? Pag-aari mo na ako ngayon. Bukas. At sa mga susunod pang mga araw. Pag-aari mo na ako nang buong-buo, Chin. Buong-buo at walang kahati.”

He kissed my hand.

“Chin, I love you so damn much. Don’t ever doubt that, okay? Because it fucking hurts.”

Then he kissed my lips.

“Sorry.” Nangilid ang mga luha ko. “I’m so sorry, Shaun. Naguguluhan lang talaga ako.”

“Ssshh, don’t cry. At least alam mo na.” Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Shaun.

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang tumunog ang cell phone niya.

He groaned. “Ugh! Si Coach na naman `to,” iritado niyang pagsasalita.

Natawa ako. “Sige na. Umalis ka na. Ilang araw na lang laban n’yo na, eh.”

“Sure,” sabi niya saka kinuha ang gym bag niya at sinukbit sa balikat niya.

Maglalakad na sana siya papunta sa pintuan nang bigla siyang mapahinto at muling lumingon.

“Why?” nagtataka kong tanong.

Hindi siya sumagot. Mabilisan lang siyang lumapit at mabilis akong hinalikan sa mga labi.

“I forgot that,” he said. “Pampalakas ko sa araw na `to.” Then he winked.

“Puro ka kalokohan!” natawa kong sabi.

Tawa lang ang sinagot niya sa akin hanggang sa makalabas na siya ng pinto.

Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga nang maiwan na lang akong mag-isa.

Bumalik sa isip ko `yong mga sinabi ni Shaun.

“I love you. For everyday, for every you, Chin.”

“Chin, I love you so damn much. Don’t ever doubt that, okay? Because it fucking hurts.”

May parte sa utak ko na ayaw siyang paniwalaan. Pero ang puso ko, muli na namang sumugal.

Muli na namang nagtiwala ang puso ko sa mga sinabi ni Shaun. Alam kong mahirap `tong sugal na gagawin ko pero kailangan kong magtiwala kay Shaun. Kahit alam kong malaki ang possibility na masaktan niya ako in the end, magtitiwala pa rin ako sa kanya. Ito kasi ang gusto ng puso ko.

Ang puso kasi ng isang tao ang pinakamalakas na parte sa katawan niya. Kaya ka kasi nitong paniwalain sa isang bagay na alam mong imposible naman na mangyari. Na imposible naman na matupad. Papaniwalain ka niya kasi siya ang parte ng puso mo na sobra kung umasa.

Magtitiwala ka pa rin kahit alam mong masasaktan ka lang. Handa kang sumugal kahit alam mong walang kasiguraduhan. Mahal mo kasi kaya pagkakatiwalaan mo. Kahit malaki ang chance na matalo ka rin sa huli. Susugal ka pa rin kasi nga mahal mo siya. Mahal na mahal.

KATULAD ng inaasahan ko, naging usap-usapan ang muling pagbabalik ni Mandy sa school.

Akala mo, isa siyang artista na nag-uwi ng isang malaking achievement sa bansa kung paano pag-usapan ng mga student. May malaki rin siyang tarpaulin sa labas ng school at sa building ng Tourism kung saan ang dati niyang department.

Welcome back, Mans! We missed you! ang nakasulat.

“Mans” ang palayaw niya pero ang tawag sa kanya noon ni Shaun ay Dy.

“`Kakairita talaga. Kung pag-usapan si Gaga, akala mo mas sikat pa kay Taylor Swift, eh,” pagrereklamo ni Bea. “Bakit? May kanta ba `yang si Mandy-gagita na pumasok sa Top 100 Billboard charts? Kasama ba `yan sa 100 Powerful Woman in the World?”

Kanina pa rant nang rant si Bea tungkol kay Mandy. Bwisit na bwisit daw siya dahil ito na lang daw ang bukambibig ng bawat makasalubong niya. Bad trip na tuloy siya bago pa magsimula ng klase.

`Andito na kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break na. At hanggang dito, si Mandy ang topic. Lalo tuloy uminit ang ulo ni Bea. Ever since talaga mas inis na siya kay Mandy kumpara sa akin.

“Ugh, Chin? Ano’ng gagawin ko? Naiirita ako! Ang sarap manampal!”

“Hayaan mo na,” sagot ko. “Wala ka naman mapapala. Besides, sikat si Mandy. Hindi mo mapipigilan na pag-usapan talaga siya. Na-miss siya ng buong school, eh.”

“Bwisit! Kapag hindi ako nakapagpigil maglalabas ako ng scandal ko, eh. Para `yon na lang ang pag-usapan nila kaysa sa kaka-Mandy nilang mga pakingshet sila.”

Tumawa ako nang tumawa dahil sa sinabi niya. Puro talaga kalokohan `tong si Bea.

“Anyway, Chin. Okay ka lang ba talaga? As in hindi naman naging cold si Shaun?” paninigurado niya.

Umiling ako. “Hindi. Saka nag-usap na kami kanina,” sabi ko.

Kinuwento ko na kanina kay Bea ang lahat ng napag-usapan namin ni Shaun. Ito kasi ang una niyang tanong nang makita niya akong pumasok sa classroom. Nag-aalala raw kasi siya sa akin. Kakaiba raw kasi ang inasta ni Shaun kagabi kaya nag-aalala siya para sa kapakanan ko.

“Amp!” napaismid siya. “Siguraduhin lang niyan ni Shaun, ah. Huwag siyang loloko-loko. Kundi, putol-tutoy ang gagawin ko sa kanyang letse siya.”

Muli na naman akong natawa.

“Putol-tutoy. Ano ba `yang mga words mo, Bea. Saan mo ba `yan hinuhugot?”

“Sa `yo para mas masayahan ka!” Natawa si Bea. “Pero, totoo naman din `yong sinabi ni Shaun. Kasi no’ng umuwi ako sa amin dati at nakita ko ang pagmumukha ng letse kong ex-boyfriend for the first time simula nang nawala siya? Speechless din ako. Nakaka-speechless kasi ang kapangitan ni Gago. Mapapaisip ka na… tangina, minahal ko ba talaga `tong animal na `to?”

At muli na naman akong natawa sa sinabi ni Bea. With action pa talaga ang pagsasalita niya.

Napahinto lang kami sa pag-uusap nang biglang dumating ang grupo nina Ayana at umupo sa katabing table namin. Nagpaparinig sila about sa akin. Kahit hindi nila pangalanan kung sino ang pinag-uusapan nila, alam kong ako `yon. Alam namin ni Bea na ako ang topic nila.

“For sure, iiwan siya,” sabi ni Ayana saka tumawa. “Hello? `Andiyan na ang original, `no? `Yong mas maganda. Mas sexy. Mas kaysa sa kanya. Mas bagay kaya silang dalawa. Saka sigurado akong hindi magdadalawang-isip si Guy na iwan siya para bumalik sa past. Diamond ang babalikan, eh. Natural, iiwan niya kung saan ang batong napulot niya. Hahaha.”

Nakita kong napahawak si Bea sa bote ng mineral na nasa tapat niya. Kaya mabilis kong pinigilan ang kamay niya dahil alam ko ang gagawin niya.

“Bea, stop,” pagpigil ko. “Hayaan mo sila.”

“Okay,” mabilis niyang sagot kaya binitawan ko ang kamay niya.

“Thank—”

Hindi ko pa natatapos ang pagpapasalamat ko kay Bea pero mabilis na niyang naibato ang bote ng mineral kay Ayana. Tumama ito sa gilid ng ulo niya.

“Ouch!” nasaktan niyang sagot. Saka siya tumingin kay Bea. “Sinadya mo ba `yon?”

“Oo. May problema ka ba doon, ha, Ayana na tinalo pa ang 7-Eleven dahil open thirty hours `yang legs mo? Para kang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain sa `yo!” bulyaw ni Bea.

“Bea, tama na!” pagpigil ko ulit.

“Ano ba’ng problema mo sa akin, Bea? My God!” Umirap si Ayana.

“Problema kita, girl!” walang takot si Bea. “Naiirita ako sa `yo!”

“Duh? Eh, di `wag kang tumingin. Problema mo na `yon!”

“Duh?” ginaya ni Bea ang boses ni Ayana. “Mas maganda kung hindi ka na lang mabuhay!”

“How dare you!” Napatayo si Ayana.

Tumayo rin si Bea at humarap kay Ayana.

“How dare you rin! Ano? Lalaban ka?” Ready na makipagsabunutan si Bea.

Napatitig si Ayana kay Bea. “No, thanks. I have no time for you, babaeng amazona.”

“Wala kang time sa akin pero may time ka sa mga lalaki? Wow naman, babaeng puta!” sabi ni Bea at nagulat si Ayana. “Nagulat ka? Hala siya. Parang hindi ka aware na puta ka, ah?”

At nagtawanan ang mga student na nandito sa cafeteria. Kahit ako mahinang napatawa.

Napatingin-tingin si Ayana sa paligid. Halatang napahiya.

“Ugh! I hate you, Bea!” sabi niya at dinampot ang bag, saka nag-walk out kasama mga kasama niya.

“Gaga! Ako dapat ang magsabi niyan!” sigaw ni Bea. “I hate you, Ayana. So much!” Padabog na umupo si Bea.

“Hay, punyetang Ayana `yan. Salot ang gaga. Nakaka-stress.”

Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magsalita pero hindi ko na nagawa dahil napahinto na ako sa nakita ko. Napatitig ako sa pintuan ng cafeteria at nakita kong sabay pumasok sina Shaun at Mandy.

Naagaw din nila ang atensiyon ng ibang students. Napatingin sa kanilang dalawa. Ang ganda nilang pagmasdan na magkasama. Perfect na perfect sa bawat isa. May something sa kanila na ang sarap titigan. Na para bang kahit makita mo lang silang dalawa na magkatabi sa side ng isa’t isa, kuntento ka na. Bigla na naman akong nakaramdam ng inggit.

Pero mas tumimbang pa rin sa puso ko ang selos.

Mabilis silang naglalakad palapit sa akin na para bang may gusto silang sabihin.

Naramdaman ko na naman bigla ang pagkirot ng puso ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.