Chapter 14
Chapter 14
“BEA, HUWAG mong masyadong kapalan, ha? `Di ako sanay sa makeup, eh,” sabi ko kay Bea.
“Alam ko ang ginagawa ko, Chin, okay?” sagot naman niya habang tutok na tutok sa mukha ko at na-a-apply ng makeup na hindi ko alam ang mga tawag. “Hindi naman ikaw ang nagme-make up sa sarili mo kaya shut up ka na lang diyan.”
“Eh, kasi baka hindi bumagay sa akin. Alam mo namang hindi talaga ako sanay sa makeup. Hindi ako sanay na kulayan ang mukha ko. Kaya, please, huwag masyadong makapal.”
Tumawa lang si Bea. “Chin, trust me. Hindi makapal ang ilalagay ko sa `yo. Maganda ka naman kaya hindi mo kailangan ng heavy makeup. Ang kailangan mo lang ay kaunting magic para lalong lumabas ang itinatago mong ganda.” Ngumisi siya. “Lalo kang gaganda sa puntong kapag nakita ka ng boyfriend mong clingy mamaya, eh, maglalaway siya sa `yo. Pak gano’n!”
Ako naman ang natawa. “Haha. Sira,” sagot ko. “Imposible `yon, `no. Baka nga hindi ako mapansin n’on mamaya. Sigurado kasing mas maraming magaganda sa party later. Alam mo naman ang university natin. Top two na may most beautiful female students sa buong Manila.”
Napatigil si Bea sa pagme-make up sa akin `tapos tumingin sa akin nang seryoso habang nakataas ang kilay. Para bang may nasabi akong hindi kapani-paniwala.
“Hoy, Chinnie Marie! Pwede ba? Pwede bang tigil-tigilan mo ang pagse-self-pity? Paborito mo talagang gawin `yan, `no?” sagot niya habang nakapamaywang pa. “Sabihin na natin na sobrang dami ngang magagandang babae sa school natin. Kahit naman ako, ang dami kong kinaiinggitan doon. Ang daming magaganda at mga sexy. Pero ikaw, wala kang dapat ikainggit sa kanila. Kasi meron ka na wala sila. Meron kang Shaun Eliseo Valentin.”
“Akala ko ba naiinis ka kay Shaun? Bakit ngayon parang proud na proud ka sa kanya?” nakangiti kong tanong kay Bea. Bigla naman siyang napasimangot.
“Oo, inis talaga ako sa bwisit na `yon. Lakas kasi makapanampal na ikaw ay taken na. `Tapos `yong boyfriend mo pa parang baliw na baliw sa `yo. Tuwing ginagawa niya `yon, pinapamukha niya talaga sa akin na single ako, Chin. Nakakairita lang talaga.” Tumawa siya. “Pero keri lang. At least, masaya ka, `di ba? Masaya na rin ako. Sa inyong dalawa na lang ako kikiligin.”
“One day, Bea. One—” She cut my sentence.
“Tse! `Yan ka na naman sa mga one day mo, Chin. One day may isang lalaki akong makikilala na yayakap sa wasak kong pagkatao. One day may isang lalaki akong makikilala na tatanggapin ang past ko dahil gusto niya akong makasama sa future. One day may isang lalaki na ibibigay nang buong-buo ang pagmamahal niya sa panahon na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.” She rolled her eyes. “One day my ass. `Mga ganyang lalaki, nasa libro lang. Wala sa totoong buhay.”
“Meron,” pamimilit ko. “May ganyan, Bea. And one day, makikilala mo rin siya.”
“Ang tagal naman ng one day na `yan.” Tumawa si Bea pero may lungkot sa mga mata niya.
Siguro iniisip niya na walang lalaking ganoon na darating sa buhay niya dahil sa mga nakaraan niya. Na walang lalaking gustong makasama ang babaeng pakiramdam niya sa pagkatao niya ay wasak na, na may lamat na ng kahapon. May sugat ng nakaraan. Sumuko na si Bea sa ideya na iyon.
Love didn’t give up on her. She did. She did give up on love.
Kaya ngayon hindi na naniniwala si Bea sa pagmamahal. O, sa pinaniniwalaan niyang may lalaki pang darating sa buhay niya na tatanggapin siya. Kasi paano niya paniniwalaan na may ganoon pang lalaki kung nawasak ang buo niyang pagkatao nang dahil sa lalaking una niyang minahal?
Mahirap talagang paniwalain ang isang tao sa isang katotohanan kapag nasaktan na sila ng isa ring katotohanan. Pakiramdam kasi nila, lahat ng katotohanan ay makakasakit lang sa kanila.
“Continue na nga tayo at anong oras na, o. Ay, wait… Nag ba-vibrate ang phone ko. May tumatawag.”
`Tapos inilabas ni Bea ang cell phone niya mula sa bulsa niya para tingnan kung sino ang tumatawag. Saka siya napasimangot nang makita niya sa screen kung sino.
“Speaking ng clingy mong boyfriend, o. Bakit sa akin tumatawag `to?” tanong niya so I just shrugged. “Anong kailangan mo?” sabi niya kay Shaun over the phone. “`Andito malamang. Hindi ko pa siya tapos ayusan… Ulol. Hindi pwede. Oo, minumura kita. May problema ka ba doon? Baka tanga ka lang, Shaun. Huwag mong ipilit na nagseselos ako sa `yo… Baliw. Hindi ko pa nga siya tapos ayusan. `Kulit ng lahi nito, eh. Ano? Gwapo rin ang lahi mo? Hanapin mo pake ko. Walang picture. Maghintay ka na lang diyan sa school para surprise sa kagandahan ni Chin. Bye!”
Padabog na ipinasok ni Bea sa bulsa niya ang cell phone niya. `Tapos nakasimangot na naman siya. Halatang na-bad trip na naman kay Shaun sa mga oras na `to. Natawa tuloy ako.
“My God! Bakit ba ang kulit niyang boyfriend mo? Ilang oras pa lang kayong nagkakahiwalay `tapos gusto agad ng picture mo para makita kung anong ginagawa mo. Baliw na baliw na talaga sa `yo, Chin,” sabi niya. “Kita mo na, `di ba? Patay na patay sa `yo. Kaya huwag kang kabahan. Walang pakialam si Shaun sa ibang babae. Ikaw na lang ang babae sa paningin niyan ngayon.”
Muling nagpatuloy si Bea sa pag-aayos sa akin para matapos na ako at sarili naman daw niya ang aayusan niya. Isang oras na lang kasi ang natitira bago magsimula ang party sa school.
Nandito ako ngayon sa dorm ni Bea dahil napag-usapan namin kagabi na siya ang mag-aayos sa akin. Ayoko nga sana dahil hindi ako `yong tipo ng babae na pala-make up. Pinilit lang ako ni Bea dahil panahon na raw para ipakita ang totoo kong ganda. Para daw lalong mabaliw si Shaun sakin.
Hinatid ako ni Shaun kanina rito pagkatapos naming bumili ng dress ko sa mall. `Yong dress na binili ko ay tinawanan lang ni Bea. Hindi raw ako mag-aanak sa binyag dahil pangmanang ang binili ko. Si Shaun `kako ang namili n’on dahil ayaw niyang magsuot ako ng masyadong sexy na dress.
Napairap lang si Bea at may ipapagamit daw siya sa akin na mas magandang dress. Huwag daw magmagaling si Shaun dahil minsan kailangan din daw magsuot ng sexy ng isang babae. Hindi dahil gusto ng isang babae na mabastos. Kundi dahil gusto niyang ipakita na proud siya sa sarili niya.
Nang matapos akong ayusan ni Bea, pinatayo niya ako at pinasuot naman sa akin `yong dress na ipapahiram niya. Kulay-cream ito na fitted sa katawan ko. Good thing kahit paano’y may korte ang katawan ko. Hindi ako magmumukhang poste.
“Isuot mo rin `to,” sabi niya saka pinakita ang medyo malaking kwintas na kulay gold.
“Ang laki namang kwintas nito,” sagot ko. “Hindi ba ako masasakal dito?”
“Hindi, sira. Fasion tawag diyan, okay?” tugon niya. “Bagay `yan sa dress.”
Wala na akong nagawa kundi isuot na lang `yong kwintas na malaki. Mabuti hindi ito mabigat kaya hindi nakakangalay sa leeg.
Pagkatapos kong magbihis, iniharap na rin sa akin ni Bea `yong salamin niyang halos kasinlaki ko. Kitang-kita ko ang sarili ko sa salamin na hindi ko na halos makilala ang hitsura ko. Pakiramdam ko, ibang babae na ang kaharap ko ngayon sa salamin. Ibang-iba na ang hitsura ko in a good way.
“Wow,” amazed kong komento. “Grabe, Bea. May magic ang kamay mo.” Nilingon ko siya. “Alam kong may talent ka sa pag-aayos pero hindi ko inaasahan na mapapaganda mo ako nang ganito.”
Ngumiti lang si Bea, “Maganda ka, Chin. Be confident, okay? Nilabas ko lang ang beauty mo,” sabi niya saka nag-unat. “Okay. Sarili ko naman ang pagagandahin ko. Ayokong magpakabog sa `yo.”
Saka kami nagtawanan at sinimulan na ni Bea na ayusan ang sarili niya.
Mabilis lang natapos si Bea sa pag-aayos dahil nga raw maganda na siya at hindi niya na kailangan pagandahin lalo sarili niya. Kulay-itim naman na dress ang suot niya ngayon na lalong nagpa-sexy sa katawan niya. Kinaiinggitan ko talaga ang katawan ni Bea dahil sobrang curve nito. Plus the fact na alam niyang sexy niya kaya confident siya.
“Bakit black ang lipstick mo?” nagtataka kong tanong. “Hindi naman sa hindi bagay sa `yo. Pero, bakit black? Mas okay kung red, Bea. Just saying.”
“Black dress kasi ang suot ko kaya dapat black lipstick din, Chin. Para terno sa black soul ko. Itim na budhi ganoon.” Tawa siya nang tawa. “Okay na `to. Para kunwari nagluluksa ako sa isang bagay na nawala sa akin. Nawalan ako ng anak dati, `di ba?”
Nagbiro si Bea pero alam kong para sa sarili niya, hindi iyon biro. Kumurot nga ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kaya ano pa kaya ang nararamdaman ni Bea tuwing naaalala niya ang anak niyang hindi niya nahalikan at nahagkan, `di ba? Hindi na talaga ito makakalimutan ni Bea.
Nasa taxi na kaming dalawa papuntang school nang makatanggap ako ng tawag galing kay Shaun. Tinatanong niya ako kung nasaan na raw ako. Sabi ko papunta na kami. Bilisan ko raw.
Inagaw ni Bea ang cell phone sa akin.
“Anong bilisan ka diyan? Gago ba you? Kami ba ang driver nitong taxi at pinagmamadali mo kami?!” sigaw ni Bea kay Shaun. “Ulol. Anong pinapangit ko si Chin? FYI, Shaun. Lalo siyang gumanda. Kaya bantayan mo maigi si Chin mamaya. Kundi dadami ang poporma sa kanya. `Namoka!”
Natawa na lang ako sa sagutan nina Bea at Shaun sa phone. Itong dalawa na `to, kailan kaya sila titigil?
Nauna nga pala si Shaun na pumunta sa school dahil pinatulong ang buong basketball team sa pag-aayos ng gymnasium kung saan gagawin ang party ng may-ari ng school. Ayaw nga sana ni Shaun dahil hassle raw at mas gusto niya akong kasama pero pinilit ko lang siya.
Nakakahiya `kako na siya ang basketball captain `tapos siya pa ang wala doon. Hindi naman maganda na palagi na lang kaming dalawa ang magkadikit. Magkasama na nga kami sa iisang bahay, eh.
Sinabi naman sa akin ni Shaun na may table raw kami sa party. Kasama raw namin sina Lucas. Doon na lang daw kami dumeretso pagdating namin sa school at may ginagawa pa raw siya.
Nang dumating kami sa school ni Bea, ako na ang nagbayad ng taxi. Gusto nga ni Bea na siya na raw pero pinilit ko na ako na as payment sa pag-aayos niya sa akin. Free lang daw iyon kaya huwag na raw ako mag-alala. Pero I insisted na ako na ang magbayad. Hindi naman makapal ang mukha ko, `no.
Napa-wow kaming dalawa ni Bea nang makita namin ang ayos ng gymnasium. Akala mo nasa isang magarbong party kami dahil sa mga design. Naging disco ball ang theme ng party—in a glamorous way. Ang daming disco ball na nakasabit. Ang ganda rin ng ayos ng stage.
Nakita ko agad sina Lucas na nakaupo kaya sa kanila kami dumeretso ni Bea. Sina Lucas, Raphael, at Arjon lang ang nasa table. Hindi ko makita si Shaun.
“Nasaan si Shaun?” tanong ko sa kanila. Sabay-sabay silang napatingin sa akin at napatitig.
“Damn!” napamura si Lucas. “Hindi kita nakilala, Chin. You look… look...”
“Gorgeous.” Si Raphael. “Gorgeous lang hindi pa alam. Bobo talaga `to.”
“Tanga. Alam ko `yon. Inunahan mo lang ako. Excited ka kasing umepal,” tugon naman ni Lucas.
Natawa na lang ako sa sagutan ng dalawa dahil palagi talaga silang nagtatalo.
Nang mapatingin naman ako kay Arjon, kitang-kita ko na titig na titig siya sa akin. Akala ko, iiwas siya ang tingin pero hindi. Nanatili lang siyang nakatitig. Ako tuloy ang napaiwas ng mga mata.
“Ang ganda mo ngayon, Chin,” komento ni Arjon. “Bagay sa `yo.”
Nahihiya ko siyang tiningnan. “Thank you.”
“Hay, letse. Nauuhaw na `ko. Kukuha ako ng drinks, Chin. Ikaw ba?” reklamo ni Bea.
“I’m fine. Mamaya na,” sagot ko `tapos umalis na si Bea.
“Nasaan si Shaun?” pag-ulit ko sa tanong.
“Kausap ng coach namin,” si Lucas ang sumagot. “Kakausapin daw siya ng may-ari ng school.”
Napatango-tango na lang ako at nanatiling tahimik.
“Huy, pare, nagpalit na ako ng profile picture sa Facebook. I-like mo naman. Walang nagla-like, eh. Puro angry reaction pota. Anong nakakagalit sa hitsura ko? Eh, ang gwapo ko naman ngayon,” sabi ni Lucas habang nakatitig sa cell phone niya.
Nilabas naman ni Raphael ang cell phone niya. Mukhang nag-Facebook din.
“`Ayan, na-like ko na. Huwag ka nang magreklamo,” sagot naman ni Raphael.
“Thanks sa like, p’re. Like na like mo talaga ako. Bading ampota! Share mo na rin pala.” Tumawa si Lucas kaya binatukan siya ni Raphael. “Chin, Pareng Arjon, pa-like rin, o? `Kainggit likes ni Shaun sa Facebook, eh. Thousand kahit walang kwenta ang mga post niya. Taenang `yon. Ang sipag mag-PM sa mga friends niya sa Facebook para lang i-like ang mga status niya.”
Tawa ako nang tawa kay Lucas dahil reklamo lang siya nang reklamo na wala raw talaga nagla-like ng picture niya. Bakit kay Shaun daw sobrang dami.
“Hindi ba obvious? Ibig sabihin n’on, pangit ka!” pang-aasar ni Raphael.
“Pangit? Ako? Pangit? Pero pinagnanasahan mo ako. Ulol ka, Rap!” buwelta naman ni Lucas.
“Taena talaga. `Kapal ng mukha ng gagong `to.” Si Raphael naman.
“Gano’n talaga kapag gwapo, p’re.” Ngumisi si Lucas.
`Tapos biglang may nag-play na kanta. `Yong My Boo ng Ghost Town.
“Tara, pare, sayaw tayo dali!” sabi niya ni Lucas kay Raphael.
“Tae ang arte. Dali na!” Tumayo si Lucas saka hinila si Raphael. “Hindi mo naman ako matatanggihan, `di ba? Love na love mo kaya ako. Love you, Rap!”
“Haha. Gago!” Natawa na lang si Raphael at nagpakaladkad naman kay Lucas sa gitna.
Naging center ng attraction sina Lucas at Raphael dahil sumasayaw silang dalawa. Nag-running man challenge sila sa harap ng maraming tao. Todo-hiyaw sa kanila ang lahat ng estudyante kaya todo-bigay sila sa pagsayaw. Ang Lucas nag-spaghetting pababa pa kahit na My Boo pa rin ang tugtog.
Halos sumakit ang tiyan ko dahil kay Lucas. Loko-loko talaga `to kahit kailan.
Napatingin uli ako kay Arjon nang mapansin kong nakatitig na naman siya.
“Ikaw… ayaw mong sumayaw?” nauutal kong pagsasalita.
Umiling siya. “Ayoko. `Di ko kayang ipahiya ang sarili ko,” sagot niya saka tumawa.
Napatango na lang ako at muling itinuon ang pansin kina Lucas.
Napalitan ng tatlong bibe ang kanta pero hindi talaga nagpaawat sina Lucas at Raphael sa pagsayaw. Pati `yong tatlong bibe sinayaw din nila. Lalo tuloy lumakas ang hiyawan.
“Bwisit `yong bartender do’n!” sabi ni Bea nang sumulpot at inilapag sa table namin ang inumin niya. “Sabi ko bigyan ako ng hard drink pero ang binigay hindi hard. Hindi `ata alam ang ibig sabihin ng hard, eh. Ngali-ngali `kong pukpukin nitong takong ko para malaman niya kung ano ang hard.”
Natawa kami parehas ni Arjon sa pagmamaktol ni Bea.
“Okay na `yan. Kaysa naman mag-hard drink ka `tapos umiyak ka na naman,” komento ni Arjon. “Ang hirap mo pa naman patahanin sa pag-iyak. Katulad no’ng bazaar.”
O? Pinatahan ni Arjon si Bea noong bazaar? Noong lasing na lasing si Bea? Hindi ko `to alam, ah. Hindi `to nakwento sa akin ni Bea.
Kahit nasa madilim kaming parte, kitang-kita kong nag-blush si Bea.
“Past is past. Kalimutan mo na `yon,” sabi niya na hindi makatingin kay Arjon.
“Eh, paano ba `yan? Hindi agad ako nakakalimot.” Napangisi si Arjon.
“Sa `yo ko kaya ipukpok `tong takong ko, `no? Para makalimot ka na!” Si Bea naman ang napairap.
“Ang harsh naman nito. Hindi ka pa nakuntento sa pagsampal mo sa `kin?” May pangangasar si Arjon sa boses niya. “Mahal pa naman ako maningil kapag sinasaktan ako.”
“Ako rin. Mahal din akong maningil kapag nasasaktan ako,” sagot ni Bea na hindi makatingin.
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap. Para bang dahil sa pag-uusap nila, nakalimutan na nilang nandito ako at kasama nila sa table.
Napalitan ng love song ang background music. No One Else Comes Close by Joe na ang kanta. Kaya napatingin ako sa paligid. May mga sumasayaw na naman. Sina Lucas at Raphael, may kanya-kanya ng partner. Ang bilis naman ng dalawang `to.
“My favorite song,” pagsasalita ni Arjon. “Ang sarap isayaw niyan.”
“Eh, di isayaw mo,” sagot ni Bea. “`Ayan, o. Partner kayo ni Chin.”
Tumingin sa akin si Arjon, saka umiling. “Nah. Eh, di binugbog ako ni Shaun sa pagkuha ng first dance ni Chin? Ayokong umuwing lumpo, `no,” sabi niya saka tumawa.
`Tapos biglang tumayo si Arjon at nilahad ang kamay niya sa harap ni Bea.
“So, can I have a dance?” tanong niya kay Bea habang nakangiti. “Can I have a dance with the most beautiful girl here, Miss Bea Angelica Pineda?”
“I really hate that name. Angelica? Angel? I’m no angel,” sabi naman ni Bea.
Napataas ang kilay ni Arjon. “But I love it,” sabi niya na nananatili pa ring nakalahad ang kamay. “Ano, pwede ba kitang maisayaw?”
“Sure ka?” nag-aalangang tanong ni Bea. “Mabilis akong maniwala.”
“Please, believe me.” Lumaki ang ngiti ni Arjon.
“Okay. Mapilit ka, eh,” tugon naman ni Bea at humawak na rin sa kamay ni Arjon.
Saka sila nagpunta sa dance floor at sumayaw. Titig na titig silang dalawa sa isa’t isa na para bang sila lang dalawa ang nasa dance floor at wala nang iba.
Napangiti ako sa kanilang dalawa dahil kinikilig ako para kay Bea.
Habang nakatitig sa mga sumasayaw, hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng inggit. Ewan ko ba, parang bigla akong naawa sa sarili ko. Habang kasi ang karamihan ay nagsasaya sa pagsayaw, nandito lang ako sa table at tahimik na nakaupo. Ang hilig ko talagang mag-self-pity.
Nasaan na kasi si Shaun—
“Can I sit here, Miss Beautiful?”
Para akong bigla naubusan ng hangin sa katawan nang marinig ko ang boses niya. Todo-pigil ako sa paghinga ko nang dahan-dahan ko siyang nilingon.
Paglingon ko, nakita ko si Shaun na nakatayo sa likuran ko. Nakangiti siya habang nakatitig sa akin.
Naka-white long sleeve lang si Shaun na nakatupi sa may braso niya. Lumitaw tuloy ang hubog ng biceps niya dahil sa suot niya. `Tapos faded jeans. Ang simple lang ng suot niya ngayon pero ang lakas pa rin ng appeal niya. `Yong buhok niya naka-brush up na bihira niyang gawin.
Napangiti ako, “S-sure.” Bigla akong nautal.
Napatawa si Shaun. “Bakit ka nauutal?” tanong niya saka umupo. Pag-upo niya, nilapit niya ang mukha niya sa akin. Kaunti na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. “Gwapong-gwapo ka ba sa boyfriend mo ngayon, Chinnie Marie?” nakangisi niyang tanong.
Boyfriend.
Ugh. Kailan ba titigil ang pagkakilig ko tuwing binabanggit ni Shaun na boyfriend ko siya at girlfriend niya ako? Hindi talaga kasi ako masanay-sanay sa katotohanang akin na siya at kanya na ako. Hindi ako masanay-sanay sa katotohanang kung noon merong siya at ako, ngayon may kami na.
“Shaun naman,” nahihiya kong sagot.
Natawa na naman si Shaun, saka ako mabilisang hinalikan sa mga labi.
“Sorry, girlfriend. `Can’t help myself teasing you,” sagot niya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. “I’m just so damn proud that the most beautiful girl here belongs to me. Gusto ko tuloy sumigaw at sabihing ‘GIRLFRIEND KO SI CHINNIE MARIE MULACH!” Bigla siyang sumigaw. “GIRLFRIEND KO `TO. BE JEALOUS FUCKERS! AKIN `TO!” todo-sigaw pa siya.
Tinakpan ko ang bibig niya. “Shaun, ano ba? Nakakahiya ka! Stop it!” sabi ko habang natatawa.
“Why? Gusto ko lang ipagsigawan na pag-aari kita at akin ka,” sabi niya. “Ay, wait. Ang pangit pakinggan ng pag-aari kita. You’re not a thing. You’re my everything.”
“Ang dami mong baon na pambobola ngayon.”
“Hindi `yon bola. Totoo `yon!”
Napalitan na ang background song. It changed into “I Do (Cherish You)” by 98 Degrees.
Bigla tuloy napatayo si Shaun at saka lumuhod sa harap ko.
“What are you doing?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“I’m just kneeling in front of the most beautiful girl. I am about to ask her if I can have a dance with her,” sabi niya saka tumingin sa akin at ngumiti. “Pwede ba? Pwede ba kitang maisayaw?”
“Hindi mo kailangang gawin `yan, Shaun,” sagot ko na nahihiya. “Hindi mo na kailangang lumuhod pa. Papayag naman ako kahit hindi mo gawin `yan.”
“You deserve to be knelt for,” tugon niya. “So?”
Tumayo ako. “Of course, Mister Handsome. You can have a dance with me.”
Napatitig sa akin si Shaun at napatayo. Napailing-iling din siya.
“Bakit ganoon?” tanong niya.
“Anong ganoon?”
“Bakit kahit ang dami kong sinasabing banat sa `yo, isang sabi mo lang ng Mister Handsome, kinilig na agad ang buong pagkatao ko?” tanong niya. “I guess I just really love you that much.”
Mahina kong kinurot ang tiyan niya. Naramdaman ko tuloy ang tigas ng tiyan niya dahil sa abs.
Magkahawak kaming dalawa ni Shaun nang pumunta kami sa gitna ng dance floor. Kinindatan pa ako ni Lucas nang makita niya ako kaya nag-dirty finger tuloy si Shaun sa kanya.
Nilagay ni Shaun ang mga kamay ko sa balikat niya habang mahigpit naman siyang humawak sa balakang ko. `Tapos inilapit niya nang bahagya ang katawan namin sa isa’t isa.
“Shuan, it’s too close,” sabi ko.
“Okay lang `yan. Para naman malaman ng mga lalaki sa paligid na akin ka na at wala na silang pag-asa.” Kumunot ang noo ni Shaun. “Kung makatingin kasi sa `yo parang may balak silang agawin ka. Subukan lang nila nang dumanak ang dugo rito.”
Napatingin ako sa paligid at nakita kong halos babae ang nakatingin sa aming dalawa ni Shaun. Mga babaeng alam kong may gusto sa kanya.
“Hindi naman mga lalaki ang nakatingin, eh. Mga babae kaya,” sabi ko. “Mga babaeng may gusto sa `yo. Tingnan mo, o. Halatang nagpaganda sila para sa `yo.”
“Bahala sila,” sagot niya. “Wala akong pakialam sa kanila.”
“You should dance with them too.” Hindi ko mapigilan na hindi maging bitter.
Bigla siyang natawa. “Don’t tell me you are jealous?” tanong niya. “They’re nothing, Chin. They can’t steal me away from you. Can’t you hear it? My heart only screams your name. I am in love with only you, okay? With. You.”
Tumingin nang deretso si Shaun sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang `yon.
Nakatitig siya na para bang nang mga oras na `to, ako ang mundo niya. Na isa akong araw na nagbibigay liwanag sa kanya. O buwan na hinding-hindi siya magsasawang titigan. `Yong tingin ni Shaun sa akin ay parang isa akong bituin sa langit na kaya niyang pagmasdan habang-buhay.
I felt like I was his world.
“Hindi ko lang mapigilan,” I confessed. Humina ang boses ko. “Maganda sila, Shaun. Sobrang ganda. Compared to them, I was nothing.”
“Sssh, stop it.” Napatigil kami sa pagsayaw. “Chin, they’re nothing compared to you. Besides, may pag-aari ka na wala maski isa sa kanila. Ikaw lang ang nagmamay-ari. So huwag kang mainggit sa kanila. Sila dapat ang mainggit sa `yo, okay?”
“Ano naman?”
“Puso ko at buong pagkatao ko, Chin.” Ngumiti si Shaun. “Pag-aari mo ako nang buong-buo,” sagot niya saka ako hinalikan ulit. “Kaya don’t be jealous. You fucking own me.”
Nagpatuloy kaming dalawa ni Shaun sa pagsayaw. “I Do (Cherish You)” pa rin ang tugtog. Habang sumasayaw kaming dalawa, kinakanta ni Shaun ang lyrics.
“When you smile, I can feel all my passion unfolding. Your hand brushes mine and a thousand sensation seduce me. `Cause I,” pagkanta niya. “I do cherish you. For the rest of my life. You don’t have to think twice. I will love you still. From the depths of my soul. It’s beyond control. I’ve waited so long to say this to you. If you’re asking do I love you this much.”
Napahinto si Shaun sa pagkanta `tapos hinawakan ang mga kamay ko nang mahigpit.
“I do, Chinnie Marie,” sabi niya. “I do love you this much,” sabi niya na parang hindi niya lang mismo sa akin sinasabi. Parang sinasabi niya ito sa buong pagkatao ko.
Nang matapos ang kanta, bumalik kami sa table namin. Magkatabi kaming umupo ni Shaun.
“Taena. Napagod ako doon, ha,” reklamo ni Lucas. “`Hirap maging dancer.”
“Dancer ka diyan? Tanga. Hindi ka dancer. Ang tigas ng katawan mo!” bulyaw ni Raphael.
“Tigas pala, ha? Tanga ka rin. Mas matigas `tong kamao ko kapag sinuntok kita!” ayaw magpatalo na sagot ni Lucas “Selos ka lang, eh. Hindi kasi kita naisayaw. Hayaan mo, Rap, mamaya. Kapag may love song ulit, ikaw naman ang isasayaw ko.”
“Ha! Baka tanga ka ulit. Umasa ka, sige,” tugon ni Raphael.
Napanguso si Lucas. “Okay lang. Sanay naman akong umasa. Alam mo `yon? Umasa `tapos masasaktan.” Nalungkot pa siya kunwari. “Pati ba naman ikaw, Rap, papaasahin lang ako’t sasaktan? Akala ko iba ka sa kanila. Parehas ka lang din pala.”
“Taenang `to. Nakakadiri ampota!” diring-diring sagot ni Raphael.
“Hoy, kayong dalawa, kung mag-aaway lang kayo, doon kayo sa malayo!” bulyaw naman ni Shaun. “Dito pa kayo mag-aaway, eh. Istorbo lang kayo. Teka, nasaan si Arjon?”
“Malay.” Si Lucas. “Kanina lang kasayaw n’on si Bea, ha. Nasaan din ba si Bea?”
“Kasama ni Lucas. Lumabas `ata sila.” Si Raphael ang sumagot.
Napatawa si Lucas sabay ngisi. “`Lam na diz. May humo-hokage na.”
“Yown naman si Fafa Arjon!” Tumawa si Raphael saka sila nag-apir ni Lucas.
Natawa na lang kaming dalawa ni Shaun sa kanila.
Hay, naku. Maraming dapat ikwento si Bea sa akin mamaya.
Napahinto lang ang kaingayan nina Lucas at Raphael nang magsalita ang may-ari ng school. Tumayo tuloy kaming lahat para magbigay-galang. Hinawakan ni Shaun ang kamay ko nang tumayo.
“Pare, nag-holding hands sila Shaun at Chinnie,” narinig kong sabi ni Lucas. “Holding hands din tayo. Para hindi tayo ma-out of place.”
“Manahimik ka nga muna, Lucas. Pota `to!” Si Raphael naman na naiinis na.
“It’s been years no’ng last time na nagkaroon ako ng party dito sa school. Hindi lamang birthday ko ang sini-celebrate ngayon. Gusto ko ring i-celebrate ang pagkapanalo ni Miss Chinnie Marie Mulach sa Art Competition last year. Siya rin ang ipapanglaban natin next month!”
Nagpalakpakan ang mga tao nang banggitin ang pangalan ko ng may-ari ng school. Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakahawak ni Shaun sa kamay ko. Napangiti rin siya na parang proud na proud sa akin. I smiled back at him.
“Saka gusto ko ring i-celebrate ang basketball team natin na lalaban next week. Alam kong panalo na tayo dahil for three years, we’ve been unbeatable. Lumakas ang team natin mula nang sumali ang anak ng famous basketball coach na si Ross Eliseo Valentin. I am so proud to say na nasa atin ang isa sa talented basketball players in this generation na si Shaun Eliseo Valentin.”
“Woooh! Tropa ko `yan!” pag-ingay ni Lucas. “Tropa ko `yang si Shaun. Sabay na kami naligo niyan dati. Nakita ko nang buong-buo ang katawan niya. Maliit mga pare. Mas malaki ang akin!”
Nilingon ni Shaun si Lucas kaya napatahimik si Lucas at nag-peace sign kay Shaun.
Napailing-iling na lang ako at natawa sa sarili.
“And last but not the least,” pagpapatuloy na pagsasalita ng may-ari ng school. “I would also like to announce na may nagbabalik sa school natin. Alam kong halos lahat sa inyo ay na-miss siya dahil ilang taon siyang nawala. But rest assured, she’s back for good. Please do welcome — ”
Bigla akong napahinto sa paghinga dahil sa sinabi ni Mr. Choi. Hindi `to maaari. Ayokong isipin na totoo ito. Na tama ang iniisip ko. Hindi `to totoo. Bakit ngayon pa?
“Please do welcome, Miss Mandy Zamora. She’s finally back for good!”
May spotlight na umilaw sa gilid ng stage kung saan nakatayo ang isang babaeng sobrang ganda. She was wearing a red dress na nagpakita kung gaano siya ka-sexy at ka-stunning ngayong gabi. Para siyang artista sa ayos niya ngayon. Kung noon, sobrang ganda na niya, lalo naman siyang gumanda ngayon. She still had this beauty and body to die for. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Nabingi ako sa lakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao sa paligid. Tuwang-tuwa sila sa pagbabalik ni Mandy. Pero lalo akong nabingi na para bang wala na akong ibang marinig sa paligid kundi ang pagkawasak ng puso ko nang maramdaman kong dahan-dahang binitawan ni Shaun ang pagkakahawak sa kamay ko.
Pagtingin ko sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin. Instead, tutok na tutok ang mga mata ni Shaun sa harap ng stage. Kung saan nakatayo ang pinakamagandang babae ngayon dito. Kung saan nakatayo ang babaeng minsan niyang minahal. Kung saan nakatayo si Mandy.
My heart broke in an instant. Para bang bigla na akong nakalimutan ni Shaun.
Kung kanina, nasabi kong parang ako ang mundo ni Shaun habang nakatingin siya sa akin. Pero ano ba ang mundo kumpara sa universe?
Because Shaun was looking now in front of him like his own universe was there.
novelraw