Everyday, Every You

Chapter 13



Chapter 13

“I’M DONE with her, Chin. So done. Ikaw na ang mahal ko ngayon. Hindi na si Mandy.”

Nakatulala lang ako sa kawalan nang muli kong naalala `yong sinagot sa akin ni Shaun kahapon. Umaga na pero nandito pa rin ako sa loob ng kuwarto ko at nakahiga. Nakatingin lang ako sa kisame na para bang makikita ko doon ang mga tanong na gumugulo sa akin ngayon.

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa pag-iisip ko tungkol kay Mandy. Kung ano nga ba ang gagawin ko once bumalik siya at muli silang magkita ni Shaun. Kahit gusto kong maniwala sa sinabi ni Shaun na tapos na siya kay Mandy, hindi ko magawang maniwala. Ayaw ng puso’t utak ko.

May parte sa akin na gustong maniwala kay Shaun pero mas malaki ang nababahala. Mas malaki ang parte na ayaw maniwala sa isinagot niya sa akin. Nakita ko kasi sa mga mata niya `yong emosyon na katulad noong panahon na iniwan siya ni Mandy. The pain was still there. And I was sure, Mandy was still in his heart. Mandy didn’t leave his heart. Hindi siya umalis sa puso ni Shaun.

Kaya kahapon, tahimik lang ako habang bumabyahe kaming dalawa ni Shaun pauwi. Gusto pa sana niyang dumaan sa isang fast food chain dahil gutom na gutom na raw siya pero sabi ko gusto ko nang umuwi. Masama `kako ang pakiramdam ko. Binilisan tuloy ni Shaun ang pagmamaneho dahil nag-aalala siya. Kitang-kita ko sa mukha niya na naalarma siya sa sinabi ko.

Gusto kong matuwa dahil pakiramdam ko ang laki ng epekto ko kay Shaun. Gusto kong isipin na malaki ang laban ko kung umuwi man si Mandy. Alam ko kasing may parte na ako sa puso ni Shaun. Pero naisip ko, meron nga ba? Meron nga ba akong epekto kay Shaun? O, baka naging ganoon lang ang reaction niya dahil nga nag-aalala siya katulad noong mag-best friend pa lang kami?

Paano nga kung hindi nagbago ang tingin ni Shaun sa akin. Na kahit sinabi kong mahal ko siya at ganoon din daw ang nararamdaman niya, paano kung napipilitan lang siyang sagutin ang feelings ko? Na pakiramdam niya, kapag hindi niya sinuklian ang feelings ko sa kanya, iiwan ko siya? Sa buong buhay ni Shaun, magkasama na kaming dalawa.

What if he just really did not because he was in love with me but because he was afraid to lose me? Na natatakot lang siyang mawala ako dahil nakasanayan niya nang kasama ako?

Ito ang mahirap sa isang tao, eh. Ang daming insecurities. Past was past na naman `yong kina Mandy at Shaun, right? Matagal nang natapos `yon, eh. Pero kahit gusto ko nang kalimutan, ayaw akong hayaan ng sarili ko. Alam ko kasi kung gaano siya minahal ni Shaun. Alam ko kung gaano siya iniyakan ni Shaun. Kung gaano nawasak si Shaun nang iniwan niya si Shaun noon.

Natatakot ako sa katotohanang kapag bumalik siya, baka bigla niyang bawiin si Shaun sa akin. Alam ko sa sarili ko na hahayaan ko lang si Mandy na gawin `yon. Alam ko kasi na mas sasaya si Shaun sa kanya. Na siya ang kailangan ni Shaun. Hindi ko ikukulong si Shaun sa akin dahil mas gusto ko kung saan siya mas liligaya. Hindi ako ang kaligayahan niya. His happiness was never me. It was her.

Naramdaman kong nangilid na naman ang mga luha ko. Pero bago pa ito pumatak, nakarinig na ako ng katok sa pinto ng kuwarto ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko na nagbabadyang lumabas. Hindi pa ako nakakasagot bumukas na agad ang pinto.

Sumilip si Shaun. “Hey,” sabi niya na nakangiti. “Good morning, sweetheart.”

Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Umupo rin ako mula sa pagkakahiga.

“Ang aga mo naman magising. Anong oras na ba?” tanong ko.

Nilapit ni Shaun ang mukha niya sa mukha ko, saka niya hinalikan ang mga labi ko. Naitulak ko tuloy siya.

“Ugh, Shaun, ano ba? Hindi pa ako nagtu-toothbrush,” sabi ko habang nakatakip ang bibig ko.

Tumawa siya. “Ano naman? Hindi naman mabaho ang hininga mo,” sagot niya. “Saka wala naman akong pakialam kahit mabaho ang hininga mo sa umaga. Ang pagmamahal ay hindi lang dapat kapag mabango ang girlfriend mo. Dapat mahal mo rin siya tuwing mabaho siya.”

`Tapos hinawakan niya ang mga kamay ko, saka ako hinalikan muli sa mga labi. Tapos sa noo.

“Ikaw ang pinakamabango para sa akin, sweetheart.”

Nakatitig si Shaun sa akin habang may maliit na ngiti na sumilay sa mga labi niya.

Nangilid ang luha ko nang sinabi niya `yon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sobrang saya ko lang. Hindi ko kasi inaasahan na magigising ako isang araw na mahal na ako ni Shaun. Na masusuklian niya na rin ang feelings ko. Bihira kasi `yon mangyari sa mundo ngayon. Bihira na mahalin ka rin ng taong mahal mo. Sobrang saya ko na nangyari iyon sa akin.

“Chin, why? Bakit naiiyak ka?” nag-aalala na naman si Shaun. “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?”

Umiling ako habang nagpupunas ng luha. “Hindi. Masaya lang ako.”

Si Shaun na ang nagpunas ng luha ko. “Great,” sagot niya. “Me, too. I’m too happy. You’re my happiness, Chin. You are my goddaman happiness.”

No, Shaun. Alam kong hindi ako `yon. Alam kong hindi ako ang kaligayahan mo. Dahil `yong totoong kaligayahan mo ay iniwan ka noon at paniguradong babalikan mo kapag muli mong nakita. Don’t say I’m your happiness because it just breaks my heart.

“Teka, bakit pala ang aga mong magising?” pag-iiba ko ng topic.

Ayoko ng mga naiisip ko dahil baka mangati na naman ang dila ko at lumabas na naman si Mandy.

“Naglaba ako ng mga damit natin,” sagot niya. “Sabi mo kasi kagabi masama ang pakiramdam mo so nilabhan ko na kaninang paggising ko. Para wala ka nang gagawin.”

“WHAT?” napataas ang boses ko. “Nag… naglaba ka? Pati… pati mga bra at panty ko?”

Tumango siya. “Oo. Bakit?” tanong niya na parang walang masama sa paglalaba sa mga `yon.

“Shaun naman. Dapat `di mo na sinama ang mga bra at panty ko. Nakakahiya!”

Ako kasi ang palaging naglalaba ng mga `yon. Hindi ako komportable na labhan niya `yon o ng kahit sinong tao. Hindi ako napapakali kapag may ibang tao na humahawak doon.

“Bakit naman nakakahiya? Samantalang noong grade one tayo, `di ba, ako ang naglaba ng panty mo no’n?” Tumawa si Shaun. “Naalala mo `yon, Chin? Pinagalitan ka kasi ng teacher natin dahil natapon `yong pagkain mo kaya sa sobrang takot mo ay napaihi ka? Sinamahan kita no’n sa banyo habang umiiyak ka. Habang nagpapalit ka, ako, naglalaba naman ng panty mo. Ayaw mo kasing iuwi dahil `kamo mapanghi.”

Bigla kong naalala `yon. Iyon ang isa sa mga alaalang ayoko nang maalala dahil sobra talagang nakakahiya. Pero at the same time, isa rin `yon sa mga alaala na nagpapangiti sa akin. Doon kasi unang nakipagsuntukan si Shaun sa kaklase namin. Nang asarin ako na napaihi raw ako. Nagalit si Shaun nang makita na naman akong umiyak. Binugbog niya `yong nagpaiyak sa akin.

“Kalimutan mo na nga `yon!” pagreklamo ko.

“Ayoko nga,” sabi niya saka humiga sa mga binti ko. “Isa kaya `yon sa masayang alaala nating dalawa. Come to think of it, ang dami na nating memories, `no? Who would have thought na magiging tayo pala?” Tumingin siya sa akin saka ngumiti. “Chin, let us create memories more. Mga alaalang pwede nating ikwento sa mga magiging anak natin at mga apo natin sa future.”

“Ang advance mo naman mag-isip. Anak at apo agad?”

Kinuha niya ang kamay ko, saka ito hinawakan at hinalikan.

“Gano’n talaga. Kapag mahal mo ang isang tao at sigurado ka na sa kanya, sisimulan mo nang isipin ang future n’yong dalawa na magkasama. Sabay kayong tatanda. Sabay kukulubot ang mga balat n’yo at puputi ang mga buhok n’yo. Excited na nga akong maranasan nating sumakay ng jeep na matatanda na tayo, eh.”

“Eh? Ano kayang nakaka-excite do’n?” natatawa kong sagot.

Ngumiti na naman si Shaun. “Excited ako na sumakay tayo sa jeep kapag matanda na tayo `tapos ang sasabihin ko, ‘Bayad, o. Dalawang senior citizen na mag-asawa.’”

Tawa ako nang tawa sa kakornihan ni Shaun. Hindi ko inaasahan na may mga ganoong salita na lalabas sa bibig niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

“Ang korni mo!”

“May mas korni pa kaya doon,” sagot niya.

“Ano naman?”

Napatigil si Shaun, saka napatitig sa akin nang seryoso.

“Teka, narinig mo ba `yon, Chin?”

Nabahala naman ako bigla dahil sobrang seryoso ng mukha niya.

“Anong meron? Wala akong narinig.”

`Tapos kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa kaliwang parte ng dibdib niya.

“Narinig mo ba ang tibok ng puso ko?” tanong niya. “Mga tibok na para lang sa `yo?”

Napatawa ako nang malakas dahil doon.

“Mas korni nga!” tugon ko. “Ang korni-korni nga, Shaun.”

This time natawa na rin siya. “Told you,” sabi niya. “Kumokorni talaga ang isang tao kapag in love, `no? Kung ano-anong ka-cheesy-han ang maiisip niya. Wala, eh. That’s what love does to people,” sabi niya `tapos napahinto. “Shit. Naaamoy mo ba ang naaamoy ko, Chin?”

“Babanat ka na naman ba?”

“Hindi. Hindi mo ba naaamoy?” tanong niya saka biglang napatayo. “Fuck. `Yong niluluto ko!”

Tumakbo palabas ng kuwarto ko si Shaun. Naiwan niyang bukas ang pinto kaya naamoy ko na `yong sinasabi niya. Amoy-sunog na pasta. Nasunog nga ang niluluto niya.

Sumunod ako kay Shaun sa kusina pagkatapos kong ayusin ang kuwarto ko at makapag-ayos ng sarili. Inis na inis siya dahil nasunog `yong niluluto niya. Inulit niya tuloy.

Masarap magluto si Shaun ng pasta. May ilan kasing restaurant ang pamilya nila na ang pangalan ay Valentin’s Restaurant. Sikat iyon sa lugar namin dahil sobrang sarap ng pasta nila. Doon ako nag-debut last year. Walang binayaran sina Papa at Mama. Sinagot lahat nina Tito Ross at Tita MJ.

May isang Valentin’s Restaurant na malapit lang sa lugar na `to na mina-manage ni Tito Joseph—tito ni Shaun na kapatid ni Tita MJ. Siya ang favorite namin ni Shaun kasi sobrang funny niya. Unlike ni Tito John na sobrang strict. Si Tito Joseph kasi laugh trip kausap palagi.

Ang sabi niya sa amin noong mga bata pa lang kami ni Shaun tuwing tinatanong namin kung bakit hindi siya nag-asawa, kasi raw nakuha ni Tita MJ si Tito Ross. Gusto niya raw kasi si Tito Ross. Tawa kami nang tawa noon kasi akala namin totoo. Only to find out na hindi pala. Na hindi na nakaya ni Tito Joseph na mag-asawa simula nang mamatay ang girlfriend niya sa isang car accident.

Masayahin siyang tao pero sa kabila ng bawat pagngiti at pagtawa niya, nakatago pala ang isang masakit na sugat na hindi naghihilom kahit lumipas na ang matagal na panahon.

Kaya nag-focus na lang si Tito Joseph sa pagma-manage ng restaurant ng mga Valentin.

“Sweetheart,” pagsasalita ni Shaun habang kumakain na kaming dalawa.

Tiningnan ko siya. “Uhm?” sagot ko dahil may laman ang bibig ko.

“Ay? Okay na sa `yo ang sweetheart na tawagan natin? Akala ko ayaw mo. Mag-iisip pa sana ako ng iba.” Inilapag ni Shaun ang tinidor na hawak niya. “Mas okay kasi `ata ang pangga, o baby, o darling, Kaso gasgas na ang mga `yon, `di ba? Pero sige, sweetheart na lang.”

Napaikot ako ng mga mata, saka nagpatuloy sa pagkain.

“Sweetheart,” pagsasalita niya ulit.

Jusko. Hindi talaga tumatahimik `tong si Shaun tuwing kumakain kaming dalawa.

“Shaun, pwede ba tumahimik ka muna kapag kumakain tayo?”

Napanguso siya. “Tsk.” Ang tangi niyang sagot.

Parang bata na napagalitan si Shaun habang kumakain. Pero tumahimik lang siya for about two minutes dahil muli na naman siyang nagsalita.

“Sweetheart.” Sinamaan ko siya ng tingin. “May sasabihin kasi ako.”

“Ano? Siguraduhin mo lang na may sense `yan, ah.”

“Oo naman,” sagot niya. “Alam na nila Mommy na tayo na.”

Hindi agad nag-register sa utak ko `yong sinabi ni Shaun. Napatitig ako sa kanya nang ilang segundo, saka ako napasigaw nang pumasok na sa utak ko ang reality.

“WHAT?!” napasigaw ako kasabay ng pagtayo ko. “Joke lang `to, `di ba?”

Sa kabila nang pagkataranta ko, nagawa pa akong tawanan ng lalaking `to.

“Hahaha,” sagot niya. “Chill lang. Pero hindi ako nagbibiro. Alam na nila.”

Napaupo ako uli at natampal ang noo ko. “Bakit sinabi mo agad? Sana… sana sinabi mo muna sa akin na sasabihin mo. Sana kinonsulta mo muna sa akin. Jusko naman, Shaun. Hindi ko alam ang ire-react ko sa kanila. Hindi pa ako handa. Ano… anong sabi nila?”

Hindi pa talaga ako handa sabihin kina Tita MJ. Mabibigla kasi sila panigurado. Kahit na gustong-gusto nila ako para kay Shaun mula noon. Kahit na ba. Iba pa rin kasi kapag totohanan na.

“Hindi sila pabor. Mag-break daw tayo. Hindi raw ako nababagay sa `yo sabi ni Daddy.”

Nalaglag ang panga ko. Bigla akong natakot.

“Joke! Hahaha!” Tumawa na naman ang bwisit. “Siyempre, tuwang-tuwa sila. Finally daw nagising na ako sa kahibangan ko at nakita na ang katotohanang ikaw talaga ang para sa akin. Sabi pa ni Daddy, ‘I’m so proud of you, `nak. Hindi ka na torpe.’ Tawa ako nang tawa dahil doon kasi sa kanya pa talaga nanggaling `yon? Eh, naging torpe rin kaya siya kay Mommy dati.”

Napangiti rin ako sa sarili ko dahil naalala ko `yong love story nila Tito at Tita noon. Madalas kasi iyong ikwento sa amin ni Tito Ross dati. Na tomboy daw talaga si Tita MJ. Mabuti na lang daw dumating siya sa buhay ni Tita MJ at nagbalik loob daw si Tita sa pederasyon ng mga kababaihan.

Tombs and jejebuster ang tawagan nilang dalawa mula noon hanggang ngayon. Hindi rin nagbago ang pagtingin ni Tito Ross kay Tita MJ. Alam mong mahal na mahal niya ito. Ito raw kasi ang first love ni Tito Ross. Kaya sobrang saya niya nang ito rin ang nakatuluyan niya.

Bigla akong napatahimik dahil doon. Muling bumalik sa isipan ko si Mandy na first love ni Shaun. Humugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga at agad inalis sa isipan ko `yon.

“Galit ka?” nag-aalalang tanong ni Shaun. “Sorry na.” Napakamot siya ng ulo. “Sorry kung pinangunahan kita. Akala ko kasi matutuwa ka. Matagal nang gusto nila Mommy na maging tayo kaya na-excite lang akong sabihin. Alam mo naman ang mga `yon, botong-boto sa `yo.”

Ngumiti ako. “Hindi ako galit, Shaun. Nabigla lang ako.”

Napangisi siya. “Mas mabibigla ka pa sa sunod kong sasabihin.”

“Ano?”

“Pinaghihiwalay na nila tayo ng tirahan.” Naging seryoso si Shaun. “Hindi raw magandang tingnan na nakatira tayo sa isang bubong ngayon na tayo na. Nag-aalala raw sila sa `yo dahil sa akin. Baka raw kung ano ang gawin ko. Todo-sermon tuloy si Daddy sa akin.” Ngumiti siya. “Pero nangako ako sa kanila na hindi ko gagawin ang mga iniisip nila. I said to them that I treasure you more than my life so I would never do that. Kapag daw ginawa ko, itatakwil daw nila ako.”

Nakatingin lang ako sa kanya, saka ako napangiti.

“Are you happy?” tanong niya.

“Yes. Thank you, Shaun,” bukal sa puso kong sagot. “Ikaw, masaya ka ba?”

Hinawakan ni Shaun ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Saka niya ito hinalikan.

“Hell, yes,” tugon niya. “More than you’ll ever know. Sa sobrang saya ko, gusto nang sumabog ng puso ko. Pwede pala `yon, `no? `Yong parang gusto nang sumabog ng puso mo dahil sa sobrang pagmamahal at sobrang kaligayahan. So, Chin, thank you.”

Kumunot ang noo ko. “Thank you saan?”

“Thanks for coming into my life,” sagot niya. “Salamat sa pagdating sa buhay ko noong seven years old pa lang tayo. `Yong panahon na hinipan mo ang sugat ko kahit na may sugat ka rin sa tuhod. People say that a person’s life starts when his heart beats for the first time. But mine is different. My life started when I saw you running towards me. That’s how my life started, Chinnie Marie.”

Napalunok si Shaun.

“I love you so much, Chinnie. I love you like how the sun makes the world bright. I love you like how the moon shines in the darkest night. I love you like how the start twinkle in the sky,” pagsasalita niya ulit habang titig na titig sa mga mata ko. “So don’t ever doubt my love for you, okay? Because I love you so much to the point that my heart wants to explode.”

Sa sobrang tuwa ko sa sinabi ni Shaun, hindi ko na nakayanang sumagot. Napangiti na lang ako sa kanya habang magkatinginan kaming dalawa.

Habang nakangiti, bumagsak ang mga luha ko. Mga luhang dala ng kaligayahan.

“Don’t cry.” Tumayo si Shaun, saka niya ako hinila. “Natataranta ako kapag umiiyak ka, eh.”

Siya ang umupo sa kinauupuan ko `tapos hinila niya ako pabalik. Napaupo ako sa lap niya. Nakakandong na ako kay Shaun. Saka niya ako yinakap mula sa likuran nang mahigpit.

“Pinapaiyak mo kasi ako,” reklamo ko. “Hindi ko alam na kaya mong magsalita ng mga ganyan.”

“Dahil sa `yo, Chin.” Ngumisi siya. “Dahil sa best friend ko na ngayon ay girlfriend ko na.”

Muli kaming nagkatitigan ni Shaun hanggang sa dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit ako nang maramdaman kong lumapat ang mga labi ni Shaun sa mga labi ko.

Pakiramdam ko natutunaw ang buong pagkatao ko tuwing hinahalikan ako ni Shaun.

My whole existence melted everytime he kissed me.

This was really my own version of happiness.

Sana… sana magtagal ito.

But I was wrong.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.