Chapter 11
Chapter 11
I LANG taon ang hinintay ko para maulit ang pangyayaring ito, ang muling magpatong ang aming mga katawan at ang mga mata namin, sa isa’t isa lang nakatingin. Dumoble ang naramdaman kong init. Ang una dahil sa alak na nananalaytay na sa aking mga ugat. Ang sumunod ay ang missed na missed ko nang hininga ng lalaking nasa aking ibabaw.
Nandito na, wala na akong kailangang hintayin pa. Ako na ang lumapit sa naghihintay niyang mga labi. At kahit napakalapit ng mga mukha namin sa isa’t isa, napakabagal ng galaw ng buong paligid. Kitang-kita ko ang mga munting pagbabago sa kanyang mga mata. Na mula sa galit, naging pagtataka, at paghanga, pag-alala sa aming dalawa. Parang muli niya akong nakilala. At naalala niya kung ano ako sa buhay niya. Walang pagtutol sa kanyang mga mata, kaya lumapit akong lalo.
Gahibla na lang ng buhok ang pagitan namin nang may bumagsak na lata mula sa mesa. Natabig. At kung sino ang may gawa, agad naming nilingon.
`Nyeta. Panira ng moment.
Nakatayo na parang pusang nakakita ng sasakyang sasagasa sa kanya si Camina. Hindi kumikilos, nanlalaki ang mga mata. Kagat-kagat ang labi niya.
Si Sylvestre, sa gulat, biglang tumayo. “Lasing lang,” sabi niya.
“Oo,” sabi ko habang unti-unting tumatayo at inaayos ang sarili. “Wala kaming ginagawang masama.”
“I know,” sabi ni Camina. “Nakasalubong ko lang si Aljur.”
“We were just talking about the past,” sabi ni Sylvestre. Damang-dama ko ang pagpapaliwanag niya. It was easy to tell na nagdadahilan na siya, nagpapalusot. “And then the alcohol kicked in. Iyon, natumba.”
“Of course you do. Best friends naman kayo,” sabi ni Camina. “You really have a lot of catching up to do.”
Hindi ko naman yata kailangang magpanggap na walang ganap sa amin ni Sylvestre. Pwede ko nang sabihin ang sparks na kung hindi dumating si Camina, ay naging pasabog na. Mali ang timing ng babaeng ito. Kung hindi siya nanggulo, eh, di sana, nakuha na naming dalawa ang gusto namin. Makaka-sex ko si Sylvestre at matitigil na niya ang planong kasal.
“Oo, marami kaming dapat balikan,” sabi ko.
“Good,” sabi ni Camina. “Dapat magsama pa kayo nang mas matagal.”
Ang supportive ni Camina. Siguro nga, dapat, planuhin na namin ito. Mukhang hindi naman papalag si Camina kung hilingin kong tikman ko ang mapapangasawa niya.
“No need,” sabi ni Sylvestre. “We’ve discussed the important memories that we had.” Nanlisik ang tingin sa akin ni Sylvestre. Alam yata niya ang game ko.
“Actually, kailangan,” sabi ni Camina. Lumakad siya papalapit sa amin. Kinuha niya ang kamay ko at iniakbay sa mapapangasawa niya. Pagkatapos ay pumunta siya sa kabilang side ni Sylvestre at inilapat ang mukha sa dibdib nito. “Kailangan ninyong maging super close uli, dear.”
Ay, wala talagang alam ang babaeng ito sa akin. Kapag naging super close kami ng mapapangsawa niya, kakailanganin na niya ng agila. Aahasin ko talaga ang lalaking para sa akin.
“My Marty, nagback-out ang kapatid mo,” sabi ni Camina. “Wala kang best man.”
“What?” malakas na sabi ni Sylvestre.
Nagulat si Camina at napaatras. Lumakad si Sylvestre papunta sa cell phone niya. Nag-dial. Naghintay. Pagkatapos ng hello ay hindi ko na naiintindihan ang mga sumunod niyang salita.
“His family won’t be attending our wedding,” sabi ni Camina.
“Even his mom?” tanong ko.
“I talked to her and she said she’s still fixing her schedule. Pero his stepdad at brother, sure na hindi na.”
“Sana naman, makagawa ng paraan si Tita na makarating.”
“I’m sure, Mom will try her best. Pero whatever happens, can I please entrust my Marty to you? Ikaw na lang ang family niya.”
“Naikuwento pala talaga niya ako sa iyo.” I’m actually flattered. Ibig sabihin, mahal talaga ako ni Sylvestre. Bahagi ako ng kuwento ng buhay niya. At ibinahagi niya ako sa mahahalagang tao sa buhay niya.
“Please be his best man.”
“Okay,” sabi ko.
Yumakap sa akin si Camina. Yumakap ako pabalik.
“And please tell me kapag may nangyari sa inyo,” bulong ng babae. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung iyon ang dahilan ng pagbitaw ko o ang mga mata ni Sylvestre na nakatitig sa akin habang papalapit.
“That asshole!” sigaw ni Sylvestre.
Nagulat ako. Ako? Asshole?
“Martin, language!” sigaw pabalik ni Camina. To be fair sa babaeng ito, ipinagtatanggol ako.
“Pinaasa lang niya tayo,” tuloy ni Sylvestre na naglakad papalayo sa amin. “Gago siya. Gago sila.”
Napaluwag naman ang paghinga ko na hindi ako ang tinutukoy niya. Malamang ang stepbrother at stepdad niya.
“Umasa ka naman kasi talaga,” sabi ni Camina. “Don’t worry, nagawan ko na ng paraan. Pumayag na si Drew na maging best man mo. `Di ba, Drew?”
Hinintay ko ang reaction ni Sylvestre na napalingon sa akin bago ibigay ang pag-oo. Nakapako kasi ang tingin niya sa akin na walang emosyon. Pagkatapos, tumingin siya kay Camina, na malaki ang ngiti na parang tuwang-tuwa sa kanyang plano. Hindi nabago ang mukha ni Sylvestre.
“`Wag mo nang isipin ang stepbrother mo,” sabi ni Camina. “Mamamatay rin `yon. Ang mahalaga, mayroon ka nang best man na hindi mawawala sa tabi mo starting tomorrow.”
Tumingin uli sa akin si Sylvestre, pagkatapos ay bumalik kay Camina. “Why are you doing this?”
“Because I want a perfect wedding and a close to perfect marriage,” sagot ni Camina.
“And what does Drew have to do with that?”
“I don’t know?” sabi ni Camina. “Does he have anything to do with us?”
Hindi nakasagot si Sylvestre.
Nagbago uli ang timpla ni Camina. “I mean, I don’t want you to be wanting on our wedding day, `yong lilinga-linga ka dahil wala ang kapatid mo. Drew is more than a brother to you, `di ba? So I think, he deserves to be by your side more than your stepbrother.”
Actually, I deserve to be beside him more than you do.
These two are playing games. Ayoko sanang makisali, pero naisip ko, gustung-gusto ko palang makisali.
“Camina,” sabi ni Sylvestre.
“We only have less than two weeks before the wedding day,” sabi ni Camina. “Ako na nga ang gumawa ng stag party mo. Siguro naman, hindi na ako ang pagagawin mo ng iba pang best man duties? And Drew is here to help me. You. Us.”
“I can just go, kung ayaw ni Syl… Martin,” sabi ko. Ipinakita kong hindi na ako natutuwa. Lumampas na ang limit ko ng pagpipilit ng sarili.
“One minute, Drew,” sabi ni Camina, pagkatapos pumaling uli kay Sylvestre. “May ikinatatakot ba tayo? Is there something that we haven’t discussed? Bakit biglang ayaw mo na lang sa idea ko?” Iba na ang tono ni Camina. Ang kaninang paglalambing, nagkaroon na ng pananakot.
“Nothing, Camina,” sabi ni Sylvestre.
“Nakakadalawang Camina ka na,” sabi ni Camina.
Napahinga nang malalim si Sylvestre. Nagbago ang kanyang tindig. Lumambot ang mukha. “My Mina,” sabi niya. “I’m sorry, I think I over reacted. It’s just that akala ko I will have a family by my side on our wedding day. It has nothing to do with you, Drew. I’m sorry too.”
Ang bilis naiba ng ihip ng hangin. Tinapatan na ni Sylvestre ng My Mina, ang tawag sa kanya nitong My Matty.
“It’s okay,” sabi ko. I understand.
“Please, be my best man,” sabi ni Sylvestre.
“CHOOSY pa ba ako? Ito na ang chance kong hinihintay, Aljur,” sabi ko habang nagkakape kami ni Aljur sa baba ng hotel na pinagdausan ng stag party. “Tanggal talaga ang amats ko,” tuloy kong kuwento. “Wala pala itong si Sylvestre. Tumitiklop `pag si Camina na ang nag-utos. Pero iyon ang pinakamalaking pagkakamali ni Camina. Binigyan niya ako ng chance na tuksuhin ang mapapangasawa niya.”
Matagal-tagal na rin akong nagkukuwento at bumababa na ang excitement ko. Kaya siguro napansin kong ako na lang ang bumabangka sa kuwentuhan. Ngingiti-ngiti lang si Aljur at kahit pag-ulit ng mga simpleng “ows,” at “ah, talaga,” hindi niya maibigay.
“Aljur, may tama ka pa ba?” sabi ko. “Akala ko, kanina ka pa nagkakape dito?”
“Wala na rin yata,” sabi niya.
“`Di ka pumapalag sa kuwento ko?”
“Sorry,” sabi ni Aljur. “May iniisip lang ako.”
Natahimik ako. Sinasaktan ko na naman ba si Aljur? Kami pa nga pala. At ngayon, planning stage na ako ng pang-aakit sa ibang lalaki. “Sorry,” sabi ko. “Ang insensitive ko ba?”
“Huh?”
Natahimik ako.
“Wala,” sabi ni Aljur mayamaya. “Huwag mo akong intindihin. Iniisip ko lang kung nakapagpadala ako sa bahay para sa tuition ng kapatid ko. Anyway, kinuha ka n’yang best man, at plano mo siyang tuksuhin.”
Napangiti ako. Nakikinig pala siya all the while. Baka nga may iniisip siya. Natatakot lang ako na baka nasaktan ko ang feelings niya.
“Paano mo naman siya tutuksuhin?” tanong pa ni Aljur. “Bakla. Bakla. Bakla? Gano’n?”
Natawa naman ako. Pero hindi mawala sa isip ko na baka nagpapalusot lang siya. “I hope that it’s okay na pinu-pursue ko si Sylvestre ngayon. I mean, alam naman nating matatapos tayo…”
“Alam ko,” sabi ni Aljur. “Ang poetic pa nga. Sa araw pa ng kasal ni Martin sasabay ang last day natin.”
“One week?” sabi ko. “Naghahanap ka na naman ng iba, `di ba?”
“Akin na lang `yon. Baka ikaw naman ang magselos, `pag nagkuwento ako.”
“Meron na nga?” tanong ko.
“Nagseselos ka na ba?” patanong na sagot ni Aljur sa tanong ko.
Hindi ako nakasagot agad.
“Wala,” sabi ni Aljur. “Tatapusin ko muna ang unwritten contract mo. Actually, nabawasan na ng isang araw ang mga araw natin. Nagpalit na ng petsa ang kalendaryo.”
“Oo nga,” sabi ko. “Kailangan ko na ring ayusin ang mga dapat ayusin sa kasal nila.”
AKO NA ang eager beaver.
“Three-day leave?” sabi ni Chlarese, ang immediate superior ko. Ini-schedule ko na sa mga huling araw bago ang araw ng kasal ni Sylvestre. I have to be present on those busy days. At sinabi ko na rin na baka may mga pagkakataong ma-late ako. Kailangan kong i-treat ang aking immediate superior sa lunch para makuha ito. Matapos ang mga chika at pambobola, iyon, sinabi ko na ang pakay ko.
“`Di ba, nakiusap ka sa akin na kunin ang posisyon na ito? At bilang kapalit, ipagpapaliban ko ang paglo-law?” tanong ko kay Chlarese.
“Yes,” sagot niya.
“Well. Ito na ang kapalit. “Medyo maglo-lowkey lang naman ako. Pero hindi ko pababayaan ang trabaho ko, promise. I will delegate well.”
“Well,” sabi niya. “Hindi naman ako nag-aalalang mapapabayaan ang trabaho mo. Kilala kitang kumilos. It’s just that, `yang education mong pinagpalit sa posisyon mo is just a single use card. Hindi mo na maibabalik sa akin `yan.”
“Worth it ito,” sabi ko. “Ako ang mamamatay kapag hindi ako nakapag-leave. My life has just returned and I will die if I won’t grab this opportunity to take it back.”
“Okay,” sabi ni Chlarese.
“Thanks. You’re the man.”
“Dati `yon,” sabi ni Chlarese. “I am now the woman!”
Tawanan kaming dalawa.
“Pero I suggest matulog ka muna,” sabi ni Chlarese. “Ang eyebags mo, parang may libro na.”
Deadma na sa tulog, Laban na ito. Wala nang bawian.
TUXEDO. Isa sa pinakamahalagang bahaging gagampanan ng best man ay ang pagsasaayos ng isusuot ng groom sa araw ng kasal. Isusuot. Doon na ako magsisimula. Kailangang magkasuotan muna kami ni Sylvestre. After that, makakapag-report na ako kay Camina. Mapipigilan ko ang kasal nila. Malulungkot si Sylvestre. Ako ang tatabi sa kanya, at iyon, maaalala niya kung bakit siya naging bakla para sa akin.
“Eh, nasaan ako sa plano mo?” tanong ni Aljur habang naglalakad kami papunta sa atelier ng designer na kinuha ni Camina para sa kasal niya.
Napatingin na lang ako kay Aljur. Talaga ba?
“Joke lang,” bawi niya. “Huwag mong intindihin ang nararamdaman ko. Ayos lang ako. Intindihin mo `yang si Camina. Next week na ang kasal. Magagawa ba ng designer ang tuxedo mo?”
“Kaya nga pinamadali na niya ang pagpunta ko rito.”
“Ang close mo na kay Camina, ha. Ingat ka diyan. Tandaan mo, aasawahin niya ang plano mong agawin.”
“At sasawahin ko siya,” sabi ko. “And with all her permission, you must remember that.”
“Sa kanya mo iyan ipaalala.”
Magsasalita pa sana ako nang biglang magtahulan ang mga aso. The designer owned several dogs. Iba-iba ang breed. Nakita iyon ni Aljur at pinuntahan. Pinanood ko lang siyang mag-enjoy sa mga aso. Mahilig nga pala sa aso ang lalaking ito.
“Una na ako,” sabi ko.
“Sige lang,” sabi ni Aljur.
Mukhang 1950s pa itinayo ang bahay ng designer at kita pa ang bakas ng kasaysayan sa mga natitira nitong mga muwebles. Isang guwapong binatilyo ang sumalubong sa akin at sinabing tatawagin lang niya ang amo. Naupo ako habang tinawag ng kasambahay ang gagawa ng tuxedo ko.
“Hi,” bati ng lalaki pagdating niya. Hindi katangkaran ang lalaki, pero matikas ang pangangatawan. “I’m Ciem. Sorry if I kept you waiting. Coffee?”
Napatayo ako habang siya ay naglakad papalapit. Nakasunod ang guwapong lalaking kasamabahay na tumawag sa kanya. “No, thank you.”
“Is it okay kung dito na lang kita susukatan?”
“No worries.”
Habang ginagawa niya ang trabaho, pumasok naman si Aljur kasama ang isang aso. Pagkababa ng aso ay lumapit ito kay Ciem bago nagtatakbo sa loob ng bahay.
“Oh, dinala mo si Chacha, my little chow chow.”
“Ang cute niya,” sabi ni Aljur. “Pinakawalan muna n’ong lalaki `yong mga aso. At itong isa, sumunod sa akin.”
“Hayaan mo sila. Baka gustong makipaglaro ng kapatid ko. Ikaw din ba? Papasukat?” tanong ni Ciem. “Ang guguwapo naman ng mga kaibigan ng mapapangasawa ni Camina.”
Napangiti na lang kami ni Aljur habang sinusukat ni Ciem ang haba ng pantalon ko. Hindi ko na pinansin ang pagtama ng likod ng kamay niya sa pundilyo ko.
Ngumiti siya sa akin. Ngumiti lang din ako.
“Don’t worry,” sabi ni Ciem. “Professional ako.”
“Okay lang,” sabi ko. “Sanay na akong may humahawak niyan.”
Tumingin ako kay Aljur at ngumiti.
“Ay, jowaers,” sabi ni Ciem na napatingin kay Aljur. “Sorry. `Di ko napigilan. Parang ang laki, eh.”
“Sige lang,” sabi ni Aljur. “Malaki talaga `yan.”
“Ay, mapagbigay na jowa,” reaksiyon ni Ciem. “Pero true, professional ako. Chika ko lang `yan.”
At sinabi niya sa kasambahay ang mga numerong nakuha. Hindi lang pala ito kasambahay, assistant na rin pala.
Matapos akong sukatan ay naglabas ng tatlong kape ang assistant ni Ciem at sumama sa kwentuhan.
“Upo ka, JanJustine,” sabi ni Ciem.
“JanJustine talaga?” sabi ni Aljur.
“Hayaan mo na,” sabi ni Ciem. “Sigurado ka bang hindi ikaw ang susukatan? Sabi ni Camina, may darating pa raw other than Drew Castillo.”
Pagkabanggit niya sa pangalan ko, may kumatok sa pinto, sumilip at pumasok. Si Sylvestre.
“Oh, it’s the groom!” gulat na bulalas ni Ciem.
Nagulat din ako. Darating pala siya, sana nagsuot ako ng kahit anong makakapagpaalala ng init na mayroon kami noon.
“Sana pala, nag-gown ka,” sabi ni Aljur. “`Yong pula. `Yong may kasamang malaking sombrero.”
“Hi,” bati ni Sylvestre na tumuloy na rin sa pagpasok sa bahay. “Camina said you’ll be having some changes in the design of my coat?”
Parang hindi alam ni Ciem ang sinasabi ni Sylvestre. Kitang-kita ang kanyang pag-iisip bago sumagot. “Oh, yes. But I will clarify the details with Camina. For a while, dear.”
Si Ciem naman ang naglakad patungo sa pinto at nag-dial. Nakipag-usap.
“Pupunta lang ako sa mga aso,” paalam naman ni Aljur. Natuwa naman ako kay Aljur at binigyan niya kami ng space ni Sylvestre. Sumasabay siya sa plano ko.
Naiwan kami ni Sylvestre sa sala. Naupo siya. Sumunod ako. Nasa magkabilang sofa kami naupo. Pinapanood ko siyang tumingin sa mga bagay sa sala na hindi tatama sa mga mata ko. Hanggang sa mabaybay na niya ang buong silid, at tanging presensiya ko na lang ang pwede niyang tingnan. Hindi na siya umiwas. Napatingin siya sa mga mata ko. Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. Natunaw ako, sa totoo lang. may pagpintig sa malaking ugat ko. Hindi ko iyon inaasahan. I was just doing that to make fun of him. Hindi ko inaasahang ang kaguwapuhan niya ay may ganoon pang epekto sa akin. Dahil na rin siguro sa paggalaw ni Ciem sa pundilyo ko.
“Thank you for being my best man,” sabi niya. “Do you have any idea why Camina asked me to be here?”
“Actually, I don’t know,” sagot ko. “I am here to have my tuxedo. Gagawin pa nga lang yata. Aabot naman daw sa rehearsals.”
“Good,” sabi ni Sylvestre. Pagkatapos ay tumahimik.
Pinanood naming lumabas si Ciem at ang pagtawag niya kay JanJustine gamit ang kanyang kamay. Patuloy ang pagsasalita ni Ciem ng mga tunog na hindi ko naiintindihan. Pagkatapos ay bumalik si JanJustine.
“Sir, mag-uusap pa raw sila ng design. Pero pakikuha na lang daw ang sukat ni Sir Martin,” sabi ni JanJustine.
Napatayo kaming dalawa ni Sylvestre.
“Ako talaga ang susukat?” Ayoko sana talaga, pero inabot ng kamay ko ang medida mula kay JanJustine.
Nakatingin sa akin si Sylvestre na may pandidiri. Ayaw niya ang nangyayari. Hindi ko naman siya masisisi. Pero hindi ko rin magawang mainsulto. Ano ang pandidirihan niya sa akin? Malamang, eh, dahil lang ito sa ayaw niyang pakiramdam. Dahil naaakit na nga siya sa akin Tama. Naaakit na siya.
Hinawakan kong mabuti ang medida at inilatag ang buong haba.
“It seems like this is what Ciem wants,” sabi ko at umupo. Inilapat ko ang medida sa kahabaan ng binti at hita ni Sylvestre. Mula sa laylayan ng kanyang pantalon papunta sa kanyang pundilyo.
Napalunok si Sylvestre pero hindi gumalaw ang buong katawan.
Napahinga ako nang malalim. Itinaas ko pa ang medida, pinatama sa bahagi ng katawan niya na nasa loob ng tela. Napansin kong bumukol ang harap ni Sylvestre. Gusto niya ang nangyayari. Tumayo ako nang deretso at humarap sa mukha ni Sylvestre. Nagkatitigan kami. Matagal. Hanggang sa siya ang sumuko.
“This isn’t working,” sabi ni Sylvestre at nagmamadaling lumabas. Paglabas ng pinto, tumakbo.
Biglang nagtahulan ang mga aso.
“Don’t run!” sigaw ko.
Napahabol ako kay Sylvestre at naabutan ko siyang nakahinto. Tumabi ako sa kanya, kaharap ang mga umaangil na aso. Kumapit sa akin si Sylvestre. Takot na takot. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
May sumipol. May tumawag sa mga aso. Nawala ang pag-angil ng mga aso at tumakbo papunta kay Aljur. Kumakawag pa ang mga buntot sa pagkaing inihahagis niya.
Bumitaw si Sylvestre sa akin at naglakad palabas ng gate.
Hindi na ako sumunod.
“Ano’ng nangyari?” tanong ni Aljur na papalapit sa akin.
“Hindi ko alam,” sagot ko. Hindi ko talaga alam. Siguro ay tinablan siya sa akin, pero ayoko nang isipin.
NAAYOS ko na ang tuxedo ko at ang mga para sa groomsmen, ayos na rin daw sabi ni Ciem. Ang isusuot ni Sylvestre, pupuntahan na lang daw niya sa bahay. So check na iyon.
Accommodation ng mga groomsmen. May bahay na sila. Ayos na sila.
Bachelor Party. Ginawa na ni Camina.
Regalo ng mga groomsmen. Wala pa. Ito naman ang susunod sa checklist ng mga gawain ng best man. Kailangan kong ipunin ang mga kaibigan ni Sylvestre para makabili kami ng regalo.
“Sigurado ka bang nasa opisina `yon?” sabi ni Aljur habang nagmamaneho ako papunta sa building nina Camina.
“May sariling opisina daw doon si Sylvestre at doon ko sisimulan ang Operation: Balik Jowa.”
“Pinangalanan mo talagang Operation: Balik Jowa, ha,” sabi ni Aljur.
“Selos ka na?”
“Ulit-ulit? Hindi ko na sasayangin ang natitirang dalawa’t kalahating araw natin sa kanegahan.” Nag-park ako at huminga nang malalim. Papatayin ko na ang makina para bumaba na kami. Pero pinigil ako ni Aljur. “Bakit?”
Hinawakan ni Aljur ang harapan ko at hinimas. Tumitig siya sa akin at kumagat ng labi.
“Selos ka, eh,” sabi ko.
“Pine-prepare lang kita. Para pagdating sa taas, galit na galit na ito. Malamang, eh, nag-iinit na sa iyo `yon. Ilang beses na ba naudlot ang pag-iinitan ninyong dalawa? Sa gym, sa stag party, `tapos, pinatigas mo pa siya sa atelier.”
“`Tang-ina, office sex kami ngayon,” sabi ko at naramdaman ko ang pagpintig ng ugat sa loob ng briefs ko.
Binuksan ni Aljur ang zipper ko at ibinaba ang pantalon. Iniangat ko ang puwitan ko para tulungan siya. Hinayaan ko ang init ng bibig ni Aljur na magtaas-baba sa aking titi.
Hindi masyadong tinted ang kotse ko kaya may kaba ako sa ginagawa ni Aljur. Hindi nawawalan ng dumadaang magpa-park sa area. Umangat si Aljur at sumilip sa paligid habang patuloy na tinataas-baba ang kamay sa titi ko habang subo ang ulo niyon.
“Walang tao?” tanong niya.
“Marami,” sagot ko. Lumapit ang bibig ko sa kanya. Lalo akong nang-init sa ideya na maaaring may makakita sa amin. Gumanti siya ng halik sa akin. At nang magbitiw ang mga labi namin, bumalik siya at muling sumubo.
Hindi ko mapigilang hindi mapaungol. Mahusay ang bibig ni Aljur, kayang-kayang isagad ang aking kalakihan. Dama ko ang dulo kong tumatama sa kanyang sumisikip na lalamunan.
“Ang sarap, Jur,” sabi ko.
Lalo niyang binilisan ang ginagawa habang sinisikipan ang paghigop.
“Malapit na ako.”
Doon siya bumagal.
“Tuloy mo lang, malapit na ako,” pakiusap ko.
Pero unti-unting umangat si Aljur.
“Para libog na libog ka `pag nakita mo si Sylvestre,” sabi niya. “Para sa kanya `yan ngayon. Pang-Operation: Balik Jowa.”
novelraw