Kiss Me

Chapter 9



Chapter 9

Gian

"Hello Chad, where are you?.. Sige, pupunta ako dyan."

I'm on my way sa condo ni Chad. Kailangan ko ng makakausap. Gulong gulo ako sa mga pangyayari.

"What brought you here?" bungad sa akin ni Chad pagkabukas niya ng pinto. Umupo ako sa sofa at inabutan niya ako ng beer.

"May problema ako,” sabi ko.

"Ano naman kaya ang poproblemahin pa ng isang Gian Santillan?"

"I'm not perfect, Chad. Normal lang na magkaproblema ako but this time its not just a simple problem. Pinuntahan ako ni Cheska kanina sa office. She has a kid with her at sabi niya anak ko daw yun! Shit!"

"May posibiladad ba na anak mo nga ang bata?" tanong niya.

"Hindi ko naman siya naging girlfriend, I mean, we just dated for less than a week I guess. Oo, may nangyari nga sa amin pero.."

Aaaahhh! Dammit! Maingat naman ako ah!

"Eh may nangyari naman pala sa inyo eh, wag ka ng magtaka. Natatakot ka lang sa sitwasyon." Bakit ba ang cool ni Chad? Nasasabi nya lang yan kasi hindi siya ang nasa sitwasyon.

"Sino bang hindi matatakot? Paano na lang kapag nalaman to ni Shane?" "Pare, para makasigurado ka, may DNA test naman?"

"Yan ang sinabi ko kay Cheska, pumayag siya."

Noong lumabas kaming dalawa ng office ko, sinabi ko yun sa kanya at she said ok, kaya mas lalo akong kinabahan na baka anak ko nga ang bata. Masyado siyang kampante.

"Pumayag siya? Mukhang anak mo nga ah. Boy or girl? Teka, ibig sabihin almost 2 years ang tanda nung bata kay Shasney?"

"Ganun na nga. He's a boy." Ngumiti si Chad.

"Finally! May little Gian ka na pala. Diba gusto mo ng anak na lalaki? Andyan na."

Yeah. God knows I want a son. Pero hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan ako magkakaanak ng lalaki. Kung anak ko nga ang batang yon, tatanggapin ko siya. Anak ko siya at wala siyang kasalanan.

"Paano kapag nalaman ng lolo mo?"

Nasapo ko na naman ang ulo ko. Si Lolo pa nga pala! Ang dami kong problema! Paano ko ba aayusin to?

"One step at a time. Siguraduhin mo muna kung anak mo nga ang batang sinasabi ni Cheska, saka ka gumawa ng next move,” payo ni Chad.

**

Pag-uwi ko sinalubong ako ng yakap at halik ni Shane. Bakit ganun? Nakakaramdam ako ng guilt? Ayoko ng ganito. Ayoko ng may itinatago.

"May problema ka ba?" tanong ni Wifey.

Hindi siya dapat makahalata. Not now, so I kissed her. "Wala. Pagod lang,” sagot ko.

"Si Shasney?"

"Tulog na, kanina pa. Kumain ka muna."

"Hindi ako nagugutom,” sabi ko at nagdiretso kami sa kwarto. "Ah, Hubby.."

Hindi ko siya tinitingnan. Nagpapalit ako ng damit. "Pwede ba na magdrive na ako ulit?"

Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko na siya. "Bakit?"

Umupo siya sa kama.

"Eh kasi, gusto ko sana ako na lang maghahatid at susundo kay Shane sa school." "No need. May driver naman tayo."

Tumayo siya mula sa kama at niyakap ako mula sa likod.

"Hubby, sige na. Payagan mo na ako,” and now she's kissing my neck. Wala pa naman akong suot na damit. Kakahubad ko pa lang.

Her hands are caressing my body. "Pumayag ka na kasi,” pangungulit niya.

"Are you trying to seduce me, Wifey?" at humarap ako sa kanya. Ngumiti lang siya.

"If you're trying to seduce me then you're doing a great job,” at hinalikan ko siya sa labi.

I heard her laugh when I'm kissing her neck. Ah! She smells so good! The phone rang.

Asar naman oh! Tulog na ba sina Yaya Thelma? Busy pa naman kami ni Wifey. "Ako na."

Tumayo si Shane para sagutin ang phone sa tabi ng kama.

"Hello,” bati ni Shane. Kumunot ang noo niya. "Hello?? Who's this?.. Hello?" Pagkalipas ng ilang segundo, ibinaba na niya ang telepono.

"Sino yun?" tanong ko.

"I don't know. She just said Hello then ibinaba na niya. Sino kaya yun? May ineexpect ka bang tawag, Hubby?" tanong niya.

Umiling ako.

SHE? Could it be her?

Huwag na huwag niyang guguluhin ang pamilya ko. I need to make a move as soon as possible.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.