Ex with Benefits 2

Chapter 8



Chapter 8

Arkisha’s POV

“Wala ka bang tiwala sa akin, kaya ka sasama pagbalik ko sa Manila?” tanong ko kay Ian.

Mas nauna pa siya magimpake ng gamit kesa sa akin. Sabagay konti lang naman ang gamit ko kaya ngayon lang ako nagsisimulang magimpake.

“At talagang yan ang iniisip mong dahilan kung bakit ako sasama ha? Mukhang dapat nga ata kitang hindi pagkatiwalaan ah,” sagot niya at dumapa pa siya sa kama ko.

I rolled my eyes.

“Masyado kang judgmental, Ate. Hindi ba pwedeng kaya ako sasama kasi gusto kong makabonding ang kambal?!”

“Sina Venice at Paris?” biro ko.

“Tatawa na ba ako?”

Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng gamit sa bag ko. May mga naiwan pa palang damit ang mga anak ko kaya naman isinama ko na rin. Lumabas na kami ng bahay.

“Babantayan mo ang kapatid mo ha?” paalala ni Mama.

Take note, hindi sa akin sinasabi ni Mama yan. Kay Ian.

“Ma?!” depensa ko. Wala ba talaga silang tiwala sa akin?

Eh ano naman ngayon kung andito na sa bansa si Adam at malaki ang chance na magkikita kami? Kaya ko ang sarili ko.

Ngingisi ngisi naman si Ian na nakasandal sa kotse ko. Papalapit na ako sa kotse nang sabihin ni Mama yon. Lumingon naman si Mama.

“Ahh basta. Aalagaan at babantayan nyo ang isa’t isa ha,” sabi na lang niya. “Umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan,” taboy niya sa amin.

“Wag kang mag-alala Ma, ako ang bahala kay Kuya Adam, este kay Ate Arkisha pala,” pahabol ni Ian bago ko simulang magmaneho.

“Magseatbelt ka!” singhal ko sa kanya at binilisan ko ang pagmamaneho.

“Whoaaa!” sigaw niya. “Ang bilis mo magmaneho. Uyy!! Excited!” pang-aasar niya.

Langya naman oh! Sino ba kasi ang nag-utos sa batang to na sumama sa akin pauwi ng Manila? Akala ko pa naman mababawasan ang kakulitan nitong si Ian kapag tumanda na siya pero parang mas lumala eh!

"Alam mo minsan hindi kita mainitindihan. Minsan feeling ko concern ka sa nararamdaman ko pero minsan naman trip na trip mo akong asarin. Kapatid ba talaga kita?"

Hindi ako sinagot ni Ian sa halip binuksan niya ang bag niya.

"Tsk. Naiwan yun," bulong niya.

See? Hindi na naman pinapansin ang sinasabi ko. Pinagtitripan na naman ako. Palingon-lingon ako sa kanya at patuloy pa din siya sa paghahalikwat ng gamit sa bag niya.

"Ano ba kasing hinahanap mo?"

"Yung birth certificate ko Ate. Papatunayan ko sayo na magkapatid talaga tayo!"

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Infairness, nakikinig naman pala siya sa sinasabi ko.

"Ihahatid ba ni Kuya Adam dito ang kambal ngayon?" tanong ni Ian sa akin nang makarating kami sa bahay. Wala pa si Papa nang dumating kami. May meeting daw siya.

"Baka hindi na. Gabi na din kasi," sagot ko.

"Sus, ayaw mo lang makita si Kuya Adam kaya hindi ka pumayag na ihatid dito ngayon," pang-aasar ni Ian.

"Marunong ka namang magdrive diba? Heto ang susi ng kotse. Bumalik ka na sa probinsya," utos ko sa kanya and as usual hindi niya ako sineryoso.

Iginala ni Ian ang paningin niya na para bang ngayon lang siya nakarating dito sa bahay.

“Parang may nagbago rito Ate,” sabi niya habang iginagala pa din ang paningin niya.

“Oo, nagpapalit ako ng kurtina bago ako umalis,” sagot ko at nagsimula na akong maghanda ako ng hapunan. Sinundan naman niya ako sa kusina.

“Hindi eh. Iba eh. May kulang,” sabi niya.

“Ano naman yon?”

“Ahh! Alam ko na! Yung malaking wedding picture ninyo ni Kuya Adam sa living room ang kulang.”

Ghad! Pati ba naman iyon napapansin niya? Eh hindi na nga iyon sumasagi sa isip ko eh. Bukas na bukas papauwiin ko na talaga ang batang ‘to.

“Ah iyon ba? Nasa bodega na. Ang laki kasi masyado. Parang hindi proporsyon dito sa bahay,” sagot ko.

“Hindi proporsyon? Eh ang laki laki ng living room nitong bahay. Bagay na bagay nga yung ganung kalaking picture eh,” hirit niya.

“Eh di kung gusto mo ipapalabas ko sa katulong and then you can keep it. Kung gusto mo isabit mo sa kwarto mo sa probinsya, okay? Kumain ka na nga lang ng mabawasan ang kadaldalan mo!”

“Hmp. Sungit!”

Matapos naming kumain ng dinner ay natulog na ako. Mahaba haba din kasi ang naging byahe namin kaya naman dinalaw agad ako ng antok. Ewan ko lang kay Ian kung natulog kaagad siya. Hindi ko na pinalitan ang kama ko ng mas maliit mula ng maghiwalay kami ni Adam kasi minsan natutulog sa tabi ko ang kambal and this bed fits perfectly for the three of us.

I can still remember kapag katabi ko si Madison, everytime she wakes up hihiga na siya sa tummy ko and then she’ll fall asleep again. And Landon? He’ll just kiss me every morning. I’m glad namana niya sa akin ang pagiging sweet.

And did someone just kiss me on my cheeks??!

Iginala ko ang kamay ko sa kama while my eyes are still closed. Oh my God! I think I am not alone in this bed. Parang mabigat ang pakiramdam ko sa may bandang gitna ng katawan ko. Hinawakan ko ang bahaging yon and, wait. Is this hair?

Am I dreaming?

“Mommy, wake up.”

Somebody just whispered in my ear.

I opened my eyes and I can see his face. Those eyes that looks familiar. Those eyes that made me fall in love.

“Madi, wake up! You’re sleeping again! You can’t sleep, aalis pa tayo!”

Ibinaba ko ang paningin ko and I can see my youngest child.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Landon. When he started to grow up, nagiging kamukha na niya si Adam lalong lalo na ang mga mata niya.

“Where are you going?” tanong ko kay Landon. I remembered sinabi niya na aalis pa sila?

“Where are we going?” pagtatama niya.

“We? Landon, maraming trabaho si Mommy ngayon. I can’t.”

“Yes you can,” sagot ni Adam. Yeah, bigla na lang siyang sumulpot mula sa pinto. “So get up, magbihis ka na and aalis na tayo.”

Well I guess some things doesn’t really change. Dominante pa din siya. Hinila ko mula kay Madison ang kumot at itatakip ko sa katawan ko pero nahihirapan ako kasi mukhang nakatulog na siya. Tiningnan ko si Adam and para siyang estatwa na nakatayo lang at nakatingin sa akin.

“Adam, I can’t. Kung gusto mong umalis kayo, kayo na lang ng mga bata. Marami pa akong kailangang gawin sa opisina. Ngayon babalik si Daddy sa probinsya.”

And why the hell am I explaining?

Lumapit siya at umupo sa kama. Tinabihan niya ang carbon copy niya pero bigla namang bumaba na sa kama si Landon at lumabas na ng kwarto.

“Madi, wake up,” gising ko kay Madison. Hindi ko kasi mahila ng ayos ang kumot sa kanya. For Pete sake, I am not wearing bra!

I was thinking to grab a pillow but it will be just too obvious.

“I already checked your Dad’s schedule and sa isang linggo pa siya babalik,” sabi ni Adam.

“What?! Nangako siya kay Mama na ngayon siya babalik!”

“Well, you know what they say. ‘Promises are made to be broken.’”

“Madi, baby wake up.”

Pilit ko pa ding ginigising si Madison.

“Pinuyat mo ba tong bata? Bakit antok na antok pa din siya?” singhal ko kay Adam.

“Magdamag silang naglaro ni Landon. You can’t blame me, excited sila sa mga pasalubong ko so I let them play all day and night.”

So sino ang dapat sisihin? Ako na naman?

Bumangon na ako dahil nararamdaman ko na walang patutunguhan ang usapan naming ito, at kung meron man, mukhang hindi maganda.

I let my hair fall down para na rin matakpan ang bahaging iyon ng katawan ko. Inayos ko ng higa si Madison at pag-angat ko ng mukha, sobrang lapit na pala ng mukha ni Adam sa akin.

My heart beats so fast. He locked his eyes on mine. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit and then he called my name. I want to close my eyes para hindi ko makita ang mga mata niya. I want to close my ears para hindi ko marinig ang boses niya. Above all, I want my heart to stop from beating temporarily para hindi ko maramdaman na hanggang ngayon ganito pa rin pala ang epekto sa akin ni Adam.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.